VELVET BLOOD OATH

VELVET BLOOD OATH

last updateLast Updated : 2026-01-19
By:  Linet. K. AnastasiaOngoing
Language: English
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
17Chapters
428views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

When Elara Vale turns eighteen, strange men begin watching her. She is taken not violently, but carefully into a world she never knew existed. Cassian Dray tells her one truth: “You are not my prisoner. But you are not free.” She learns her mother signed an oath in blood, binding Elara’s future to the Dray Syndicate. The oath says: “As long as the child lives under our shadow, the secret will never be spoken.” But Elara does not know what the secret is. As enemies rise, betrayals spread, and power shifts, Elara must decide: Is she only a key? Or can she become the hand that turns the lock?

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE:The Girl Who Was Watched

Ikalawang taon na ng kasal nila ni Joshua nang hindi sinasadyang mapunit ni Isobel ang kanilang marriage certificate habang nagliligpit siya ng drawer.

Kinabahan siya at agad na pumunta sa Philippine Statistics Authority para magpa-reissue. Pagdating niya sa counter, nagtatakang nagsalita ang staff, “Ma’am, wala pong record ng marriage registration ninyo sa system.”

“Ha? Hindi puwede ’yon. Two years na kaming kasal,” sagot ni Isobel sabay abot ng napunit na marriage certificate na nahati sa dalawa.

Tatlong beses pang chineck ng staff ang database. Sa huli, iniikot nito ang monitor papunta sa kanya. “Wala talaga, ma’am. At saka ’yung seal nito, tabingi. Mukhang peke po ito.”

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Isobel. Lutang siyang naglakad palabas ng opisina.

Paanong… peke ang marriage certificate nila?

Paglabas niya, biglang tumunog ang cellphone niya.

“Miss Lopez, hello po. Ako po ang abogado na inatasan ng inyong ama. Maaari po ba kayong pumunta sa Crestwood Law Firm para pumirma ng inheritance agreement?”

Napakunot ang noo niya. “Scam ba ’to?” bulong niya sa sarili at akmang ibababa ang tawag.

Pero nagsalita muli ang lalaki sa kabilang linya. “Miss Lopez, ang pangalan ng inyong ina ay Bella Lopez. Dalawampung taon na ang nakalipas, iniwan niya kayo sa harap ng Paraiso Welfare Institute. Ayon sa aming imbestigasyon, kayo ang nag-iisang blood related daughter ng dating pinakamayamang tao sa Harbor Grove City na si Armando Laurel.”

Nanigas si Isobel sa kinatatayuan.

Hindi na siya nagdalawang-isip. Agad siyang pumunta sa law firm.

Doon, narinig niya ang pinaka-absurd na kuwento sa buong buhay niya.

Ang kanyang biological father na si Armando Laurel ay isang makapangyarihang tycoon. Namatay ito noong nakaraang buwan. Ang mga ari-arian nito, stocks, real estate, mga kumpanya, umaabot sa daan-daang bilyon. At siya ang nag-iisang biological daughter nito.

Parang may umaalingawngaw sa tenga niya habang pinoproseso ang lahat. Biglang nagtanong ang abogado, “Miss Lopez, ano po ang marital status ninyo? May anak na po ba kayo?”

Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng kanyang asawa.

Naalala niya ang punit at pekeng marriage certificate sa loob ng kanyang bag. Mahigpit niyang hinawakan ang ballpen at sinabi, “Bigyan n’yo po ako ng dalawang oras. I need to confirm something first.”

Paglabas niya ng law firm, dumiretso siya sa kumpanya ng kanyang asawa.

Pagdating doon, lumakad si Isobel patungo sa office ng asawa. Bahagyang nakabukas ang pinto ng opisina ni Joshua. Akmang kakatok si Isobel nang marinig niya ang isang pamilyar na boses ng babae, malalim, mahinahon, at may halong lambing.

“Joshua, five years na tayong kasal. Hanggang kailan natin itatago ang relasyon natin?”

Parang naging bato si Isobel sa kinatatayuan.

Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Si Sabrina Carpio, ang dati nilang guidance counselor noong college.

Anim na taon ang tanda ni Sabrina kay Joshua, pero bukod sa edad, wala ka nang masasabi. Maganda, maganda ang hubog ng katawan, at kilala bilang campus goddess noon. Sikat si Sabrina sa school, mahal ng mga estudyante, at tinaguriang best female counselor.

Pinilit ni Isobel na huwag huminga nang malakas, naghihintay pa ng mga sasabihin nila.

Sumunod na narinig niya ang boses ng asawa niya, yung palaging malambing at may kakaibang lalim.

“Malapit nang mag-IPO ang company. Marami pa siyang kailangang gawin para makatulong. Besides, may will na iniwan si Lolo noon na bawal kang pumasok sa pamilya. Kung ngayon natin ilalabas ang totoo, baka pahirapan ka ni Lola. Ayokong masaktan ka. I’ll feel bad.”

Parang may sumabog sa tenga ni Isobel. Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya para hindi marinig ang pagpipigil ng iyak.

Yung marriage certificate na punit, ilang beses niyang pinagdugtong at iningatan na parang kayamanan pero iyon pala… wala iyong halaga.

Ngayon malinaw na sa kanya, mula simula, siya ang niloko. Siya ang ginawang panakip-butas. Stand-in. Isang katawa-tawang tao na walang alam sa katotohanan.

Mabilis siyang lumabas ng kumpanya nang walang nakakapansin at agad tumawag sa attorney.

Huminga siya nang malalim. Nang magsalita siya, kalmado ang boses niya, parang ibang tao.

“Attorney Bautista, puwede na akong pumirma sa inheritance agreement ngayon.”

Sandaling katahimikan ang namayani.

“By the way, I’m currently unmarried. Wala akong anak. Lahat ng inheritance, ako lang ang magmamana.”

***

Pagkatapos maayos ang papeles ng mana, nagmaneho siya pauwi. Pero lutang pa rin ang isip niya. Dahil doon, nabangga siya mula sa likuran ng isang sasakyan. Bahagyang nasugatan ang noo niya kaya dumiretso siya sa ospital.

Matapos gamutin sa emergency room, may bigla siyang naalala. Dumaan siya sa OB-GYN department.

Pagkakuha ni Isobel ng medical report, parang tuluyan nang namatay ang natitirang pag-asa sa puso niya.

“Doc… ibig sabihin po, wala pong problema ang matris ko, tama?” mahinahon niyang tanong.

“Oo,” sagot ng doktora na nasa singkwenta anyos na. “Base sa report, healthy ang katawan mo.”

“Pwede po akong mabuntis?”

“Of course.”

“At… wala ring magiging problema sa normal married life?”

Pagdating sa tanong na iyon, kahit ang doktora ay bahagyang nailang. “Siyempre wala. That’s basic.”

Pero bago sila ikasal, si Joshua mismo ang nagpakita sa kanya ng medical report at nagsabing may seryosong abnormalidad ang kanyang matris. Hindi raw siya maaaring magkaanak, at kahit ang pagsisiping ay posibleng magdulot ng permanenteng pinsala sa katawan niya.

“Kahit gano’n, papakasalan pa rin kita,” sabi nito noon habang hawak ang kamay niya, puno ng lambing at determinasyon ang mga mata. “Ikaw lang ang gusto ko sa buhay na ’to. I’m sure about you, Isobel.”

Dahil sa pangakong iyon, hinarap nila ang matinding pagtutol ng pamilya ng lalaki.

Nasaksihan niya kung paano ibinato ng biyenan niyang lalaki ang tasa ng tsaa habang galit na galit. “Magdadala ka ng babaeng hindi magkakaanak? Paano ang apelyido natin?”

Narinig din niya ang biyenan niyang babae na umiiyak sa isang family gathering. “Na-brainwash ang anak ko. Hindi ko maintindihan kung anong nakita niya sa babaeng iyon.”

Pero sa tuwing naririnig niya ang mga salitang iyon, palagi siyang pinapakalma ni Joshua. “Ignore them. Nandito ako.”

Sa loob ng dalawang taon, tiniis niya ang mga parinig ng mother in law niya. “Babaeng Baog” “Hindi makabuo ng anak, ano’ng silbi ng pagpapakasal?”

Parang sugat na paulit-ulit sumusugat ang mga salitang iyon, hanggang sa hindi na siya makatulog sa maraming gabi.

Nang mabalitaan ni Joshua ang aksidente ni Isobel, agad itong dumating sa ospital para sunduin siya.

Naka-white polo ito, matangkad at maayos ang tindig. Halatang nagmamadali.

Saglit na bumalik sa alaala ni Isobel ang anim na taon nilang pagkakilala.

Una silang nagkita ni Joshua sa opisina ni Sabrina. May inihatid siyang dokumento para sa kaklase, habang si Joshua naman ay kausap si Sabrina. Nang magtagpo ang mga mata nila, magalang itong tumango pero hindi nagsalita.

Pagkatapos noon, nagsimula ang apat na taon ng walang sawang panliligaw ng lalaki.

Si Joshua ang campus heartthrob. Gwapo, matalino, at galing sa mayamang pamilya. Halos perpekto sa paningin ng iba.

Dagdag pa roon, grabe kung manligaw si Joshua. Todo ang effort, sweet magsalita, at sobrang lambing. Halos walang babaeng makakatanggi sa kanya.

Hindi rin nakaligtas si Isobel.

Lumaki siyang ulila, tahimik at medyo mailap sa tao. Pero kahit ganoon ang ugali niya, bumigay din siya sa tuloy-tuloy at matinding panliligaw ng lalaki.

Matagal siyang kinakausap ni Joshua sa ospital, pero halos walang reaksyon si Isobel. Inisip ng lalaki na baka nabigla lang siya sa aksidente, kaya agad niya itong niyakap. Pero parang reflex, mabilis itong itinulak ni Isobel at tumayo.

“Umuwi na tayo.”

Dalawang salita lang ang sinabi niya, saka nilampasan ang lalaki.

Dati, pakiramdam niya ligtas at mainit ang dibdib ni Joshua. Ngayon, nasusuka siya sa tuwing maiisip niyang yumakap doon.

Pagbalik nila sa kotse, halatang nag-aalala si Joshua.

“Anong nangyari? Maingat ka naman mag-drive palagi. What happened today? May problema ba?”

Hindi ito sinagot ni Isobel. Nakatingin lang siya sa palad niya. Kumikislap ang malaking diamond ring sa daliri niya, pero ngayon, masakit na sa mata ang liwanag nito.

Kahit hindi siya pansinin, hindi nagalit si Joshua. Natural na inabot nito ang kamay niya.

Muli, iniwas ni Isobel ang kamay niya.

“Galit ka ba sa akin? Okay, kung ayaw mong magsalita, I won’t force you. Pero may special guest tayo ngayon sa bahay. Nagpaluto ako sa kasambahay ng mga paborito mong pagkain. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.”

Sobrang lambing ng tono ni Joshua. Pero habang mas lalo itong nagiging mahinahon, mas gusto ni Isobel tumawa.

“Smile ka na. Huwag ka nang magtampo. Pagkatapos ng busy season na ’to, I promise mas madalas na kitang sasamahan. Ang dami kasing inaasikaso sa IPO ng company.”

Akala ni Joshua, napatahan na nito ang asawa. Ngumiti pa ito.

“Oo nga, masaya naman. Feeling ko ang dami ko nang na-experience sa buhay ko,” sagot ni Isobel, may ibang ibig sabihin ang mga salita niya.

Hindi iyon naintindihan ng lalaki.

Ang mansyon ng Casiño family ay nasa pinakamahal na area ng Viga City, sa Corinthian Garden. Mahigit five hundred square meters ang lawak ng villa.

Pero lahat ng iyon, bunga ng pagtulong ni Isobel. Pagkatapos niyang maka-graduate, isinantabi niya ang sarili niyang career para tumulong sa kumpanya ni Joshua.

Pagdating nila sa bahay, may narinig agad siyang tawanan at habulan mula sa itaas. May boses ng batang lalaki, at may isang malambing at matamis na boses ng babae.

Ang batang lalaki ay si Jerson, ang batang inampon nila ni Joshua ilang buwan lang matapos silang ikasal. Limang taong gulang na ito ngayon.

Pag-angat niya ng tingin, hindi na siya nagulat nang makita si Sabrina, na limang taon na niyang hindi nakikita.

Nakasuot ito ng blue green knitted dress. Mahaba ang buhok na naka-wavy. Lampas trenta na ang edad nito pero mukha pa ring nasa early twenties. Mas lalong lumitaw ang alindog nito sa bawat galaw.

“Isobel, tingnan mo kung sino ang dumating,” masiglang sabi ni Joshua sa tabi niya. Hindi nito maitago ang excitement sa boses.

Ngayon lang naramdaman ni Isobel ang ganitong klase ng tuwa mula sa lalaki. Kahit kailan, hindi niya narinig ang ganoong kasabik na tono sa tuwing kasama siya nito.

Ibang klase iyon. Parang galing sa pinakailalim ng puso. Isang natural at masidhing pagmamahal.

“Teacher Sabrina?” kunwari’y nagulat si Isobel at bahagyang kumunot ang noo.

Pero sa loob-loob niya, sukdulan na ang pagkasuklam niya.

Ang Sabrina sa harap niya ay maayos at elegante. Malayo sa babaeng malambing at halos dumikit kay Joshua sa opisina kanina.

“Isobel, long time no see,” masayang bati ni Sabrina habang hawak ang kamay ni Jerson pababa ng hagdan.

Napatingin si Isobel sa bata.

Hindi pa nagtatagal matapos silang ikasal, kinausap siya ni Joshua tungkol sa pag-aampon. Bumalik sila sa welfare institute kung saan lumaki si Isobel at doon kumuha ng batang lalaki. Pinangalanan nila itong Jerson.

Sabi ni Joshua, para daw hindi na siya pilitin ng mga magulang nito na magkaanak. Mas madaling patahimikin ang pamilya kung may apo na.

Inisip ni Isobel noon na iniisip siya ng asawa niya, kaya pumayag siya.

Pero sa dalawang taong pagpapalaki niya kay Jerson, halos maubos ang pasensya niya.

Mainitin ang ulo ng bata. Kapag hindi nasusunod ang gusto, nagtatapon ng gamit at minsan tinatamaan pa siya. Para bang may galit ito sa kanya.

May isang beses pa nga na sa harap niya mismo, sinabi ng bata kay Joshua na ibigay sa kanya ang tunay niyang mama.

Nag-init ang ulo ni Isobel noon at gusto na niyang isuko ang pag-aalaga. Pero palaging pinapakiusapan siya ni Joshua.

“Wala nang nanay si Jerson, kawawa naman siya. Konting pasensya pa. Naiintindihan mo siya, di ba? Pareho kayong iniwan noon. Kung hindi mo siya iintindihin, sino pa bang gagawa n’on?”

Dahil doon, lagi siyang napapatahimik.

Ngayon, habang nakikita niyang mahigpit ang hawak ni Jerson sa kamay ni Sabrina, at naaalala ang lahat ng ginawa ng lalaki sa kanya, parang biglang napagdugtong-dugtong niya ang lahat.

Limang taon nang kasal sina Sabrina at Joshua.

Limang taon na rin si Jerson.

Hindi tinanggap ng Casiño family si Sabrina, kaya gumamit sila ng panakip-butas. Ginamit siya bilang shield, bilang legal na asawa sa papel, para maipasa ang mga mata ng lahat sa kanya?

Habang kumakain, paulit-ulit na nilalagyan ng ulam ni Joshua at Jerson si Sabrina. Tawanan sila nang tawanan. Masigla ang usapan ng tatlo.

Sa gilid, tahimik lang na kumakain si Isobel, parang hindi bahagi ng pamilya.

“Isobel,” mahinang sabi ni Joshua matapos ibaba ang kubyertos. “May gusto sana akong pag-usapan.”

Tumingin siya kay Isobel nang may paglalambing.

“Gumagawa si Teacher Sabrina ng parenting book ngayon. Kailangan niya ng tahimik na lugar para makapagsulat. Sakto rin, busy ka sa company at sa bahay. I was thinking…”

Saglit itong tumigil.

“Puwede ba siyang tumira muna dito? She can help you with Jerson. Mukhang gusto rin siya ng bata.”

Tahimik lang si Isobel. Parang hindi niya narinig.

Naging awkward ang paligid.

“Isobel, kinakausap kita,” paalala ni Joshua.

Mabagal na ibinaba ni Isobel ang mangkok. May tunog iyon sa mesa.

Bago pa siya makapagsalita, mabilis na nagsalita si Sabrina.

“Sorry talaga. Ako ang may kasalanan kung nagiging awkward. Isobel, suggestion lang naman ni Josh ’yon. Alam niyang pagod ka na sa work at sa pag-aalaga kay Jerson. Gusto niya lang akong tumulong…”

“Hindi! Gusto ko si Tita Sabrina dito!”

Biglang sumigaw si Jerson. Hindi pa tapos magsalita si Sabrina, naghagis na ito ng chopsticks at pinukpok ang mesa.

“Jerson, behave…” pigil ni Sabrina.

“Jerson, stop it!” sabay na saway ni Isobel, likas na reaksyon.

Tumingin ang bata kay Isobel nang may galit. Sa sobrang inis, kinuha nito ang baso ng tubig at biglang ibinuhos papunta sa kanya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
17 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status