Share

Chapter 387

Auteur: Yeiron Jee
last update Date de publication: 2026-04-13 21:55:29

Lumunok ng sariling laway si Tanya at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng takot sa binata. Ayaw niyang maniwala na ito at ang nasa larawan ay iisa. Tiyak na sinusubukan lamang siya nito o hinihuli dahil kaanal nito alin man sa mag asawa pinatay noon ng pinsan niya.

"Masagot na ba ang katanungan mo kung ano ang kailangan ko sa iyo?" Nakangising tanong muli ni Ronald.

Nanlalaki ang mga mata na umiling si Tanya. "Hi-hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin! Hindi niya
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Amy Marquez Samson
buti nga sayo tanya..kulang pa yan.ty po mis jee.
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 387

    Lumunok ng sariling laway si Tanya at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng takot sa binata. Ayaw niyang maniwala na ito at ang nasa larawan ay iisa. Tiyak na sinusubukan lamang siya nito o hinihuli dahil kaanal nito alin man sa mag asawa pinatay noon ng pinsan niya."Masagot na ba ang katanungan mo kung ano ang kailangan ko sa iyo?" Nakangising tanong muli ni Ronald.Nanlalaki ang mga mata na umiling si Tanya. "Hi-hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin! Hindi niya napigilan ang sarili na mabulol dahil sa kaba at takot. Para kasing nakaramdam siya ng malamig na hanging humaplos sa leeg niya at parang gusto siyang sakalin. "Simple lang, gusto kong ipaghiganti ang pagkawala ng aking mag ina!" Tumaas ang timbre ng boses ni Ronald at muling dumilim ang anyo."Ka-kapag hindi ka pa tumigil ay aalis na ako at iwan kita!" Pananakot ni Tanya sa binata at baka sakaling mag bago na ito. Pero lalo lamang siyang natakot nang manlisik ang mga mata nito dahil sa galit.

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 386

    "At bakit naman siya kakalimutan?" Pilit ng pakahibahon na tanong niyang muli sa babae."Wala na siya at ako na ang mahal mo di ba?" Parang hindi suguradong sagot niya sa binata.Unti unting humulma ang nakakainsultong ngiti sa labi ni Ronald. "Ikaw, mahal ko?"Nasaktan si Tanya sa tanong ng binata at napahiya na rin sa sarili. "Kailan ko sinabi sa iyo na mahal kita?" Natatawang tanong ni Ronald sa babae.Dumilim ang anyo ni Tanya at hindi na natutuwa sa inaakto ng binata. "Ano ang dahilan mo kung ganoon at tinutulungan mo ako?" Pagalit na niyang tanong dito.Ngumisi si Ronald saka lumapit sa babae. "Sa tanda mo nang iyan, sa tingin mo ay may iba pang magka gusto sa iyo?" Nang iinsulto niyang tanong dito.Mariing nang lapat ang mga labi ni Tanya at nagpupuyos sa galit ang kalooban. "Fuck you, pinaglalaruan mo ang damdamin ko? Ano ang kasalanan ko sa iyo para ganitohin mo at ano ang kailangan mo sa akin?" Bulyaw niya rito."You disgusting bitch, sino ka para mahalin ko?" Pakiramdam n

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 385

    Napangiti si Tanya nang magising na maaliwalas ang paligid. Kagabi ay wala na siyang oras tingnan ang kabuuan ng bahay ni Ronald. Nang makapasok siya sa silid na ito ay nakatulog agad siya. Mataas na ang sikat ng araw at ngayon lang ulit siya nakatulog nang mahimbing. Pero inaantok pa rin siya kaya sa halip na ilobot ang tingin sa paligid ay niyakap niya ang unan at ipinikit ang mga mata."Kumusta ang tulog mo?"Nakilala agad ni Tanya ang boses ni Ronald. "Good!" Nakangiti niyang sagot pero nanatiling nakapikit.Umangat ang isang sulok ng labi ni Ronald at humakbang palapit kay Tanya. "Mabuti naman dahil baka ito na ang huling maganda mong tulog."Biglang napamulat ng mga mata si Tanya at parang nabingi sa narinig. "Ano ang sabi ko?" tanong niya sabay bangon at umupo sa gilid ng kama."Silid namin ito ng namatay ko ng asawa." Parang biglang kinilabutan si Tanya at ramdam niya ring malungkot ang binata pagkaalala sa dati nitong asawa. Nakaramdam siya selos dahil sakop pa ng ibang bab

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 384

    "Either makipag tulungan ka o hindi ay may iba kaming way na gagawin upang pumayag ang iyong ina." May kasamang pananakot na ani Kiana saka nagpatuloy na sa pagkain.Nanatiling tikom ang bibig ni Shane pero napaisip na rin. Ano pa ba ang dapat niyang ipaglaban? Alam niyang hindi nagbibiro si Kiana sa sinabi nito lalo na at hawak ng mga ito ang ina niya. Kung gustohing ipapatay ng mga ito ang ina niya ay madaling palabasin na nagpakamatay. "Nahuli na rin pala namin si Mr. Perez." Imporma ni Kiana kay Shane habang nakatingin sa sariling plato.Bumagsak ang mga balikat ni Shane at madidiin na rin sa kaso ang ina kapag nagsalita ang doctor. Kapag naging witness ang ina ay mabawasan nga ang kasong ipapataw rito. "Ano ang gusto niyong gawin ko?" Hindi tumitingin sa tatlo na tanong niya."Simple lang, magpanggap kang mukhang kawawa sa video at may nakaambang na kaso laban sa iyo dahil sa pagkasangkot sa nawawalang pera sa kaban ng kompanya." Sagot ni Kiana.Nakagat ni Shane ang ibabang labi

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 383

    "Hayop kayo, kapag may nangyaring hindi maganda sa mommy ko ay hindi ko kayo mapapatawad!" Bulyaw ni Shane sa kapatid saka tumayo habang kuyom ang mga kamay at hindi na maipinta ang mukha dahil sa galit."Shut up!" Dumagundong sa apat na sulok ng dinning room ang boses ni Troy habang nagbabaga sa galit ang mga matang nakatitig kay Shane.Huminga nang malalim si Karen habang nanatiling tahimik sa kina upuan. Wala nang katahimikan ang hapag kainan sa tuwing kakain sila ng sama sama. Well, mula nang mamatay ang ina nila ni Kiana at pumalit si Tanya ay talagang wala ng katahimikan sa bahay na ito."Mas hayop ang ina mo at huwag mo nang kunsintihin!" Patuloy na bulyaw ni Troy sa ana. "Lahat na ng kasamaan ay taglay ng iyong ina at kapag nagpatuloy ka sa pag kunsinti sa kaniya ay kalimutan mo nang pamilya mo kami!"Pakiramdam ni Shane ay nanlamig ang buo niyang katawan. Tumulo ang mga luha niya pero hindi maibuka ang bibig. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman ng mga oras na ito

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 382

    "Are you ready?" pabulong na tanong ni Ronald kay Tanya habang tumitingin kunwari sa paligid mula sa bukana ng pinto.Mabilis na tumango si Tanya at takot lumikha ng ingay. Alam niyang tulog na ang lahat dahil halos alas dose na ang oras. Ngayong gabi siya tatakas kasama ang binata. Wala siyang pakialam kung isipin ng lahat na nakipag tanan siya. Paglabas sa silid ay napatingin siya sa room ng anak. Naroon ito at nakangiting kumaway sa kaniya bilang paalam. Nalulungkot siya na mapawalay dito pero kailangan niya munang tikisin ang anak. Hindi na rin ito lumapit sa kaniya upang mayakap siya dahil baka mag iyakan pa sila. Patingkayad siyang naglakad hanggang sa makalabas sila ng bahay. Bumimuga nang hangin sa bibig si Shane nang hindi na makita ang ina. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ng ina na para bang ito na ang last nilang pagkikita. Mabilis niyang iwinaksi sa isipan ang bagay na iyon at bumalik na sa silid upang matulog. Alam niyang mapabuti ang ina sa pupuntahan at

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 313

    Napailing ang doctor habang ninabasa ang result ng CT Scan. Ilang sandali pa ay huminga ito nang malalim matapos mabasa saka nagpalipat lipat ang tingin sa tatlong anak ng pasyente. "Ano po ang kalagayan ng ama namin, doc?" tanong ni Karen, bilang panganay na anak ay kailangan niyang maging matata

    last updateDernière mise à jour : 2026-04-05
  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 320

    "Ano ang ibig mong sabihin Miss KIana"? tanong ni MR. Kim sa dalaga."Let's proceed po sa main topic natin." Iwas ni Kiana sa tanong ng ginoo. Tumikhim si Baron bago nagsalita. "Handling the position to Miss Kiana is not yet official dahil kailangan niyang gawin ito sa harapan ninyo. Pero binigyan

    last updateDernière mise à jour : 2026-04-05
  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 308

    "Ano pa ang hinihintay mo riyan, suntok sa mata at bibig mo?" Naninindak na angil ni Kiana kay Shane habang pinandidilatan ito ng mga mata."Fuck you, bitch!" Bulyaw ni Shane dito saka nagmamadaling lumabas ng silid at baka totohanin ni Kiana ang banta nitong pananakit sa kaniya.Natatawang sinunda

    last updateDernière mise à jour : 2026-04-05
  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 316

    "Ano ang ginagawa mo sa pinsan ko?" Galit na singhal ni Sergio kay Kiana at mabilis na nilapitan si Shane upang tingnan kung nasaktan ito."Pahara harang kasi sa daanan ko!" Mataray na sagot ni Kiana saka tumingin kay Tanya.Pinigilan ni Tanya ang magalit dahil mahalatang ok na ang pag iisip niya.

    last updateDernière mise à jour : 2026-04-05
Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status