Share

Chapter 74

Author: Yeiron Jee
last update Huling Na-update: 2025-11-23 21:47:55

Nagulat si Babilyn nang biglang lumapit sa kaniya si Tanya at ang sama ng tingin sa kaniya. "May kailangan po kayo, ma'am?"

"Magkano ang ibinibayad sa iyo ni Karen?" Wala nang paligoy ligot na tanong ni Tanya sa katulong. Ito lang naman kasi ang baguhan at nakikita niyang kinakausap ni Karen sa lahat ng katulong

"Twenty thousand po."

Nagulat si Tanya sa diritsahang sagot ng katulong at hindi niya inaaasahang magsasabi ito ng totoo. Ang inaasahan niya ay e deny nito ang paratang niya. Ilang sandali pa ay napagisi siya at nagustohan ang ugali ng babae. Nakikita niya ang sarili dito noon. "Magakakasundo tayong dalawa."

Humulma ang kakaibang ngiti sa labi ni Babilyn at nababasa niya ang nasa isipan ng ginang. Pero ayaw niyang magpakampanti dahil tuso ito.

"Pero wala akong tiwala sa isang tulad mo." Prangkang ani Tanya.

"Expect ko na po iyan, ma'am."

Nang aarok ang tinging ipinukol ni Tanya sa katulong. "Patunayan mo muna ang worth mo." Makahulugang turan ni Tanya saka tinalikuran na an
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
LV Villarino
thanks sa update ms jee
goodnovel comment avatar
Anita Valde
naku hnd Ka pa nga lasing nasabi mo na may Kaibigan ka
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 135

    "Ano pa ang itinatayo mo riyan? Tanghali ka na ngang gumising gayong alam mong darating ang pamilya mo! Kumilos ka na riyan at tulungan mo kami dito nang magkaroon ka naman ng silbo!" Sermon ni Rosita sa babae nang makita ito. Bubuka pa sana ang bibig niya upang magpasalitaan nang hindi maganda ang babae ngunit naudlot ang balak nang bumulong si Gladys."Ma, nasa likod mo si Kuya." Kabadong ani Gladys sa ina.Parang biglang natuof si Rosita sa kinatayuan at hindi alam kung paano bawiin ang mga dinani sa asawa ng anak. Sa sobrang inis niya ay nakalimutan na niyang hindi siya nag iisa sa kusina. Lalo siyang nanigas na sa kinatayuan nang marinig ang malagom at galit na tinig ng anak."Kailan niyo pa po tinuturing na katulong ang asawa ko?" malamig na tanong ni Denver sa ina at napatiim bagang. Pagtingin niya sa asawa ay mukhang sanay na itong makarinig nang hindi maganda mula sa ina. Mabilis niyang inagaw sa kamay nito ang walis na hawak."Ok lang ako, magaan na trabaho lang naman ito.

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 134

    "No, that's not true, babe. I'm sorry kung ganyan ang naramdaman mo noon at hinayaan kung isipin mong may relasyon kami ni Trexie. Pero kung ano man ang sinabi sa iyo nila mommy tungkol sa amin ni Trexie ay hindi totoo iyon. Oo at inaamin ko na malaki ang pagkukulang ko sa iyo noon. Pero maari mo ba akong bigyan ng isa pang pagkakataon at bumawi sa mga pagkukulang ko?" Pakiusap niya sa asawa.Hindi malaman ni Karen kung ano ang dapat namaramdaman nang marinig ang pakiusap ng binata. May bahagi ng puso niya ay masaya dahil mahalaga rin siya sa buhay ng asawa. Na hindi lamang dahil sa awa kaya nanatili ito sa tabi niya noon. Ang sarap sa pakiramdam pero hindi pa niya kayang magpakasaya nang tuluyan. Naiisip niya rin na baka nakukunsensya lamang ang asawa sa pagkawala ng anak nila kaya nasabi nito ang mga bagay na iyon. Muling napabuntong hininga si Karen at tuwid na sinalubkng ang tingin ng asawa. "Kailangan ko ng space sa pagitan nating dalawa. Masakit pa rin sa akin hanggang ngayon a

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 133

    "Huwag kang mag alala, hindi magalaw ng boss ninyo ang pamilya mo dahil nasa mabuting kamay sila." Ngumiti si Kiana sa lalaki saka ipinakita dito ang larawan ng pamilya nito. "Pero kapag hindi ako natuwa sa iyo ay hindi rin sila ligtas sa mga kamay ko."Nanatiling tikom ang bibig ng lalaki at napaisip."Pare, huwag kang maniwala sa babaeng iyan. Tiyak na hindi niya nagawa ang banta dahil inosinteng tao, lalo na ang nga bata!" Hindi pa rin napigilan ng lalaking magsalita. "Gago!" Sinuntok niya sa sikmura ang lalaki. "Tama ka, hindi ko kayang kumitil ng buhay ng mga bata pero kaya ko silang ibinta sa mga halang ang bituka!"Namilipit ang lalaki dahil sa sakit ng tiyan st hirap sa kalagayan dahil hindi makagalaw mula sa pagka tali sa upuan na bakal.Mukhang kinalabutan ang payat na lalaki at natakot para sa mga anak. "Paano ako makasigurong bubuhayin mo ako at hindi saktan ang pamilya ko kapag kumaNgumiti si Kiana sa lalaki. "Wala akong bibitiwang pangako o salita dahil tiyak na pag

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 132

    Pagkalabas ng patalim ay ngumiti si Kiana sa dalawa habang pinadaanan ng daliri ang talim niyon. "Kailangan ko pa ba kayong pag laruan baho kumanta?"Matigas na umiling ang malaking lalaki. "Hindi mo magagawa iyan sa amin!" Tukoy niya sa masamabg balak ng babae. Alam niyang tinatakot lamang siya nito.Lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Kiana at pinisil ang baba ng lalaki. "Huwag mong maliitin ang kakayahan ng babaeng tulad ko dahil nagawa na kitang patulugin noon nang walang kahirap hirap."Napalunok ng sariling laway ang lalaki at nanatiling matigas. Ilang sandali pa ay ngumisi, " miss, kapag sinaktan mo kami ay maari kang makulong."Umawang ang mga labi ni Kiana at unti unting natawa. "Are you serious? Ako, makukulong? Naniniwala ka pa pala sa batas?" Nang iinsulto niyang tanong dito.Napatiim bagang ang lalaki at napahiya. Ang kasama ay alam niyang kabado kaya nanatiling tahimik."Kilala mo ba siya?" Turo ni Kiana sa kaibigan na tahimik lang nanonood sa kanila habang nakasandal sa

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 131

    "Nagbago na ba ang isip mo na dito tumira?" tanong ni Xavier sa dalaga. Mabilis na umiling si Karen at tuwid na tumingin sa ina ni Denver na kung tingnan ay parang isang mabait na ina."Karen hija, masaya ako at ligtas kang nakabalik!" Niyakap ni Rosita ang dalaga nang makapalapit dito. Ngunit nagulat siya nang itulak siya nito. "Ate, bakit ginaganyan mo si mama? Masama bang yakapin ka dahil sa tuwa?" Malungkot na tanong ni Gladys sa hipag."May alergy ako sa plastik." Maiksi ngunit makahulugang tugon ni Karen sa hipag."What—""That's enough!" Putol ni Denver sa iba pang nais sabihin ng kapatid saka tumingin sa asawa. "Come, nagpaluto ako ng paborito mong pagkain." Masuyo niyang hinawakan sa braso ang asawa at inakay papasok ng bahay. Kung noon ay parang nag aalangan siyang hawakan ito dahil parang wala siyang karapatan, ngayon ay bumalik ang pakiramdam niyang pag aari niya ito.Napatingin si Leo sa amo na nakapamulsa ang mga kamay habang naglalakad. Gustong tumaas mga kilay niya a

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 130

    Muling napamura si Tanya pero agad ding hinamig ang sarili. "Huwag tayong mag away at kailangan natin ang isa't isa ngayon." Mababa na ang tono na aniya sa pinsan.Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Sergio saka tumingala upang pakalmahin din ang sarili. Tama ang pinsan, hindi dapat sila ang nag aaway sa mga oras na ito."Siguradong hindi mo na mahanap iyang tauhan mo at nagtago na sa takot na malintikan sa iyo."Muling napabuga ng hangin sa bibig si Sergio. Talagang mapapatay niya ang dalawa kung kaharap lang niya ngayon. Alam ng tauhan niya kapag pumalpak sa trabaho ay may katapat na parusa iyon. "Kailangan nating mag planong muli. Pero magpalamig muna tayo at mainit ang mata ng kalaban sa atin ngayon."Tumango tango si Tanya kahit hindi nakikita ni Sergio. May kinuha siyang mapagkatiwalaang doctor na magsagaw ng DNA test saka alamin kung nabuntis ba talaga ang babaeng magbabalik. Malaki pa rin ang paniniwala niya kasi na impostora ito. Mahina si Karen kaya imposibleng nataka

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status