Mag-log inThe Billionaire Boss Wants To Pamper Me By Boss Chef Synopsis Lyra Solvana is a talented architect who believes that hard work, creativity, and determination matter more than wealth or status. When she lands a major project with Valdemore International, she finds herself working with Jaxith Valdemore, a powerful billionaire CEO known for his perfectionism, demanding standards, and intimidating presence. Their first meeting is anything but pleasant. Jaxith questions Lyra’s designs, challenges her decisions, and pushes her to prove that her ideas deserve a place in his luxury hotel project. But instead of surrendering to his authority, Lyra stands her ground, defending every detail with confidence and honesty. Intrigued by a woman who refuses to be intimidated by his wealth or position, Jaxith begins to see Lyra as more than just another business partner. Their meetings slowly turn into conversations, their disagreements give way to laughter, and their professional boundaries begin to blur as they discover the people behind their respective reputations. For Lyra, the last thing she needs is to fall for a billionaire whose world is so different from hers. For Jaxith, letting someone into his carefully controlled life may be the greatest risk he has ever taken. As their connection deepens, both must confront the fears, expectations, and uncertainties that come with opening their hearts. Because building a hotel requires a blueprint, but building a lasting relationship requires something far more complicated: trust, understanding, and the courage to choose each other. And sometimes, the most beautiful love stories begin with two people who never planned to become part of each other’s lives.
view moreChapter 1
“Five minutes na lang at male-late na ako,malamig na rin ang kape ko.
Ang ganda talaga ng simula ng araw ko,” bulong ko sa sarili ko habang nagmamadaling lumabas ng kotse.
Habang naglalakad nang mabilis,pasimple kong tiningnan Ang loob ng bag ko para masiguradong dala ko ang aking tablet at portfolio.Pinaghandaan ko ng ilang linggo ang meeting na ito, kaya hindi pwedeng masira ang lahat dahil lang sa bwisit na traffic.
Pagpasok ko sa building Ng Valdemore International, agad kong naramdaman Ang lamig ng hangin na mula sa aircon.
Napatingin ako sa paligid.
Pagpasok ko sa engrandeng building ng Valdemore International agad kong naramdaman ang malamig na hangin mula sa aircon na nag pataas ng balahibo ko.Napatingin ako sa paligid.
Everything looks expensive.Mula sa makintab na sahig na parang salamin hanggang sa mga modernong ilaw sa kisame-halatang hindi problema sa kumpanyang ito ang gastusin.
Napailing ako para pawiin ang pagka mangha.Lyra,You came here for work.Hindi para mamangha sa mga gamit nila,paalala ko sa sarili ko.
“Miss Solvana?” Napalingon ako sa receptionist na tumawag sa akin.”Yes po?”
“Sa 32nd floor po ang meeting ninyo. Pakihintay na lang po ang susundo sa inyo para samahan kayo sa itaas.
“Thank you po.” sagot ko habang tipid na ngumiti.
Habang naghihintay,binuksan ko muli ang aking tablet para i-double check ang presentation.Ilang beses ko nang itong narebyu kagabi,pero hindi parin mawala ang mabigat na kaba sa dibdib ko.This is a very big project.Kapag nakuha ng kumpanya namin ang kontratang ito,malaking tulong iyon para sa team namin.
At ang kliyente?Wang iba kundi si Jaxith Valdemore.Isang tanyag na billionaire at CEO. Ayon sa mga tsismis ng mga empleyadong nakausap ko bago ang araw na ito.napakaseryoso niyang tao at napakahirap pasayahin.Sana naman hindi ganoon kasama ang araw ko ngayon,dasal ko sa isip ko.
Ilang sandali pa,lumapit sa akin ang isang lalaking nakasuot ng plantsadong itim na suit.“Miss Solvana? Pakisundan na lang po ako.”
Sumakay kami sa elevator. Habang mabilis itong umaakyat, tahimik kong binabasa Ang aking mga notes sa aking tablet,pilit na nagpapakalma.
Pagbukas ng p***o sa itaas,tumambad sa amin ang isang mahabang hallway na napapaligiran ng mga glass office sa magkabilang gilid.
Dinala ako ng lalaki sa isang malaking conference room.“Kayo na po,” sabi niya bago kumatok at binuksan ang p***o para sa akin.
Huminga Ako nang malalim bago humakbang pumasok. At doon ko saiya unang nakita.
Nakaupo si Jaxith Valdemore sa dulo ng mahabang mesa,abala sa pagbabasa ng ilang makakapal dokumento. Nakasuot siya ng charcoal grey suit at puting polo, at may kumikinang na mamahaling relo sakanyang kaliwang. Hindi siya agad tumingin sa direksyon ko.
“Good morning, Sir,” bati ko,sinisiguradong buo ang boses ko.
Ilang mahabang segundo ang lumipas bago niya dahan- dahang itinaas ang kanyang ulo.“You're late.”
Awtomatikong napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding.Tatlong minuto lang Naman. “I’m sorry po, Sir. Hindi na po mauulit.”
Itinuro niya ang bakanteng upuan sa tapat niya gamit ang kanyang mamahaling panulat. “Have a seat. May susunod pa akong meeting.”
Agad akong umupo ako at inilabas ang aking portfolio para hindi na masayang ang oras niya. “Thank you po. Simulan ko na ba ang presentation?
Tumango lang siya bilang tugon.
Sinimulan kong ipaliwanag ang konsepto ng design para sa bagong Luxury Hotel ng kompanya.Ipinunto ko na gusto naming elegante ang lugar, pero nanatiling komportable pa rin para sa mga magiging bisita.Habang nagpapaliwanag ako, tahimik lang siyang nakikinig habang paminsan-minsan ay may isinusulat sa mga papel harap niya.
Ngunit nang i-flash ko ang design para sa lobby, bigla siyang nagsalita na nag patigil sa akin.“The materials you chose are not enough.”
Napatingin ako sakanya,medyo nagulat. “Alin po, Sir?”
“Ang mga materials sa lobby. Hindi iyon ang standard na gusto kong makita sa hotel ko.”
Palihim Akong huminga nang malalim bago sumagot nang may paninindigan. “May rason naman po kung bakit iyon ang pinili namin, Sir.”
“And what is it?” tanong niya, nakataas ang Isang kilay.
“Matibay, madaling linisin, at saktong- sakto sa team ng hotel. Hindi naman po kailangang pinakamahal ang lahat para maging maganda ang resulta.”
Biglang tumahimik ang ilang mga staff nasa paligid ng mesa.Napansin ko pa nga ang pasimpleng pagtingin sakin ng isang lalaking nakaupo sa tabi ni Jaxith,tila gulat na may nangahas sa CEO.Samantala, nanatiling kalmado at blangko ang mukha ng lalaki sa tapat ko.
“So what you mean is… mali Ang desisyon ko?” malamig niyang tanong.
“No, Sir. Ang ibig ko pong sabihin, mas dapat dapat nating piliin ang materyales na most suitable sa proyekto, hindi lang dahil iyon Ang pinakamahal.”Diretso akong tumingin sakanyang mga mata.
Kinakabahan ako,oo, pero ayokong bawiin ang sinabi ko. Pinag-aralan ko ang desinyong ito at alam mong may matibay na dahilan ang bawat desisyon ko.
Ilang segundo siyang tumahimik habang nakatitig sa akin, bago muling ibinalik Ang tingin sa presentation.
“Continue.”
Lihim akong napahinga ako nang maluwag. Akala ko talaga ay tatapusin na niya ang meeting at palalayasin ako para maghanap ng ibang arkitekto.Mabuti na lang at hindi.
Natapos na ang presentation makalipas ang tatlumpung minuto. Marami siyang tanong, at halos bawat sagot ko ay sinusundan niya ng panibagong usisa.Mahirap siyang i-convince at aminado akong nakakapagod syang kausap, pero hindi ko maikakailang alam na alam niya ang kanyang ginagawa.
Tumayo siya at eleganteng inayos ang manggas ng kanyang suit. “Ipadala mo sakin ang revised proposal before Thursday.”
“Sa Thursday na po agad?” gulat kong tanong.
“May problema ba?”
“Wala naman po, Sir. Medyo masikip lang ang oras.”
Tiningnan nya ako ng mariin. “Hindi mo ba kaya?”
Sinalubong ko ang tingin niya. “Kaya po. Pero sana, huwag nating baguhin ang mga bahaging may malinaw namang dahilan sa disenyo.”
Bahagya siyang tumango,Isang maliit na reaksyon na hindi ko inaasahan. “Kung mai-explain mo nang maayos ang mga desisyon mo, makikinig ako.”
Pagkatapos noon kinuha na niya ang kanyang mga dokumento at deri-diretsong lumabas ng conference room.
Ilang segundo akong napatulala sa nakasarang pintuan. “Napakabait talaga,” sarkastiko kong bulong sa hangin.
“I heard that.”
Mabilis akong napalingon dahil sa gulat.Nakatayo pala sa likuran ko ang isang babaeng may hawak na folder.Namilog ang aking mga mata at uminit ang aking pisngi. “Ha?”
Ngumiti siya nang malawak. “Joke lang!. Ako nga pala si Clara, ang executive assistant ni Sir Jaxith.”
“Lyra.” pakilala ko Naman sa sarili ko. “I know. Magaling ka kanina.” puri niya sa akin.
Napabuntong-hininga ako habang dahan-dahang inaayos ang mga gamit ko sa loob ng bag. “Thank you. Akala ko nga, hindi na niya ako hahayaang matapos.
“kung hindi siya interested sa proposal mo, matagal ka na nyang pinauwi,” paliwananag ni Clara sabay kibit-balikat. “Sanay lang talaga siyang mag tanong, kaya masanay ka na.”
Napatingin ako sa kanya,tila nabuhayan ng pag-asa. “So, you mean, may chance pa kami?”
“Malaki.”
Ngumiti ako. “Sana nga. Ayokong maulit ang ganitong ka-stressful na meeting araw-araw.”
Tumawa nang mahina si Clara. “Good luck saiyo, Lyra. Feeling ko, magkikita pa kayo nang madalas.”
I don't know why ,pero parang may ibang Ibig sabihin ang paraan ng pagkakasabi sinabi niyang iyon.But I just ignored it.
Paglabas ko ng building, dumiretso ako sa isang maliit at tahimik na coffee shop sa kabilang kalsada. I ordered coffee at umupo sa tabi ng bintana habang pinapanood ang mga naglalakad na tao sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at soon ko nakita ang sunod-sunod
na message mula kay Mia, ang matalik kong kaibigan.
Mia: Kumusta ang meeting?
Ako: Muntik na akong mamatay sa stress.
Mia: Bakit? Pangit ba ang ugali ng billionaire?
Ako: Hindi ko alam kung pangit. Pero parang sakanya na napunta Ang lahat ng problema sa mundo- hindi man lang magawang ngumingiti.
Mia: Pero gwapo ba?
Napailing ako habang nakangiti sa screen.
Ako: Iyon talaga ang unang gusto mong malaman?
Mia: Sagutin mo muna ang tanong ko!
Napaisip ako sandali. Hindi naman talaga maikakailang gwapo si Jaxith. Napaka kisig ng mukha, matangkad, at may matinding presensya na mahirap hindi mapansin ng kahit sinong babae.Pero hindi ibig sabihin noon ay may gusto na ako sa kanya.
Ako: Oo, gwapo. Masaya ka na?
Mia: VERY. At least may magandang tanawin sa meeting mo today.
Ako: Mia, trabaho ang pinunta ko rito. Hindi para tumingin sa mukha ng kliyente ko.
Mia: Sige na nga. Panindigan mo iyan!
Natawa ako at tuluyang ibinaba ang aking cellphone. Subalit habang humihigop Ng kape, bigla Kong naalala ang paraan ng pagtitig sa akin ni Jaxith noong ipinagtanggol ko ang aking mga disenyo. Hindi siya ngumiti, at hindi rin siya nagpakita ng kahit anong emosyon.Pero nakinig siya.
At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, sapat na iyon para maging interisado ako sa susunod naming pagkikita.
Hindi ko lang alam na kinabukasan, may Isang bagay na mangyayaring hindiing-hindi ko inaasahan…
Chapter 8 Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat.Ang malaman na may babaeng nagngangalang Celeste na naging bahagi ng buhay ni Jaxith, o ang marinig mismo mula sa kanya na muntik na silang magpakasal. For a moment, parang nawala ang lahat ng ingay sa lobby.Naririnig ko pa rin ang mga taong nag-uusap, ang tunog ng elevator, at ang mahinang pagtunog ng mga cellphone sa paligid. Pero wala sa mga iyon ang kayang agawin ang atensyon ko mula sa dalawang taong nasa harapan ko.Celeste looked confident.Jaxith looked furious.And me? I felt stupid for reasons I couldn't explain. "Celeste," malamig na sabi ni Jaxith. "I told you, not here." She tilted her head. "Why? Natatakot ka bang malaman niya ang totoo?" "Enough." I had never heard Jaxith speak that way before.Wala ang karaniwan niyang kalmadong tono. Wala rin ang ngiting madalas niyang gamitin kapag gusto niya akong asarin. His voice was firm enough to make Celeste pause, but only for a second. Then she looked at me again.
Chapter 7 Ilang beses kong tiningnan ang larawan bago ko tuluyang ibinaba ang phone ko.Hindi dahil malinaw na malinaw ang mukha ng babae sa tabi ni Jaxith.Kundi dahil sa paraan ng pagkakahawak niya sa braso nito.Komportable.Parang matagal na silang magkakilala. Parang hindi na nila kailangang mag-isip kung paano kikilos sa isa't isa.At ang pinakakinaiinisan ko sa lahat?Wala naman akong karapatang maapektuhan.Wala kaming relasyon ni Jaxith. Hindi niya ako niligawan. Hindi rin siya nangakong ako lang ang gusto niyang makasama.Lunch lang ang pinagsaluhan namin.Isang simpleng lunch na ako mismo ang pumayag.So why did the picture bother me?“Lyra?”Napalingon ako kay Nina, na nakatayo sa tabi ng desk ko habang may hawak na folder.“Are you okay?”“Yeah.”She studied my face. “You don't look okay.”“I'm just tired.”Hindi siya agad naniwala. Pero sa halip na pilitin akong magsalita, inilapag niya ang folder sa mesa ko.“Fine. Pero kung kailangan mong mag-rant, nandito lang ako.”
Chapter 6 Akala ko, ang pinakamahirap na bahagi ng araw ko ay ang makasama si Jaxith Valdemore sa isang lunch na hindi ko naman talaga kailangang puntahan.Nagkamali ako.Ang pinakamahirap pala ay ang magpanggap na ordinaryong lunch lang iyon kahit ilang minuto pa lang kaming magkasama, pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawala ang kakayahan kong kumilos nang normal.“So, where are we going?” tanong ni Jaxith habang magkasabay kaming naglalakad papunta sa elevator.“Somewhere quiet.”“Quiet?”“Yes. Yung lugar na hindi ako kailangang sumigaw para lang marinig ang sarili kong iniisip.”He chuckled. “Am I that distracting?”Hindi ako agad sumagot.Dahil ang totoo, oo.Pero hindi ko iyon sasabihin sa lalaking mukhang masayang-masaya tuwing nahuhuli niya akong hindi makasagot sa mga tanong niya.“Your ego is showing again, Mr. Valdemore.”“Should I hide it?”“Please. Nakakaabala sa public.”Napatawa siya. At gaya ng mga nakaraang pagkakataon, nahuli ko na naman ang sarili kong nakatingin s
Chapter 5Kinabukasan, iisa lang ang plano ko: magtrabaho nang maayos, tapusin ang revisions, at kumilos na parang walang kakaibang nangyari kagabi. Simple lang, hindi ba?Pero mukhang hindi nakikisama sa akin ang mundo.Alas-nuwebe pa lang ng umaga, tatlong beses ko nang binasa ang message ni Jaxith bago ako pumasok sa trabaho.Jaxith: Don't skip breakfast today.Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin iyon. Hindi niya naman ako nanay, at lalong hindi niya trabaho ang siguraduhing kumakain ako sa tamang oras.Pero napangiti ako.Nakakainis talaga."May magandang balita ba?" tanong ni Nina habang inilalapag ang kape sa mesa niya.Agad kong binitawan ang cellphone ko. "Wala.""Kung wala, bakit ka nakangiti?""Masama bang ngumiti?""Hindi. Pero kapag ikaw ang nakangiti nang ganyan, siguradong may kinalaman 'yan sa isang lalaking ayaw mong aminin na gusto mo.""Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang sinumbong sa HR dahil sa pang-aabala.""Go ahead. Sasabih
![MISTER, YOU MESSED WITH THE WRONG GIRL [SHE'S A SOLDIER]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.