Engagement Party X Pool Party 🥳
Nararamdaman ni Levi ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila ni Vionne. Sa bawat araw na lumilipas, lalo siyang nababahala. Hindi na siya pinapansin ng dalaga, at kung dati ay palaging may kulitan at sulyapan sa pagitan nila, ngayon ay puro iwas na lang ang ibinibigay sa kanya ni Vionne. Ang mga tingin nitong dati’y may lambing, ngayon ay punong-puno ng lamig at distansya.Nasa site siya kasama si Dianne para mag-inspeksiyon sa construction ng resort nang mapansin niyang ilang beses na siyang nawawala sa focus. Sa halip na pag-usapan ang load-bearing capacity ng mga poste o ang final touches sa landscape design, ang nasa isip niya ay si Vionne—kung nasaan ito, kung galit ba ito sa kanya, o kung tuluyan na ba siyang tinabla nito.Dahil hindi niya na matiis ang inis at guilt sa dibdib, naisipan niyang padalhan si Vionne ng bulaklak. Pinili niya pa ang paborito nitong white tulips at pinaabot sa silid nito. Pero ilang minuto lang ang lumipas, bumalik sa kanya ang bouquet. Ang mas masaki
Nakahain na sa harap nila ang iba’t ibang putahe ng seafoods—inihaw na pusit, buttered garlic shrimp, crab in chili sauce, at sinigang na ulo ng salmon. Umuusok pa ang sinigang habang inilalagay ni Vionne ang kanin sa sariling plato. Tahimik si Levi. Hawak nito ang kutsara at tinidor pero hindi pa nagsisimula.“Let’s pray first,” mahinang sabi ni Levi habang nakatingin sa pagkain.Tumango si Vionne, sabay pikit ng mata.Tahimik nilang isinabay ang panalangin bago kumain. Hindi niya alam kung bakit pero tuwing nakikita niya si Levi na seryoso, lalo siyang humahanga rito. Ramdam niya ang paggalang ng binata sa simpleng bagay gaya ng pagdarasal bago kumain. Sa isip niya, kung makakabuo siya ng pamilya, gusto niya ng partner na may respeto sa paniniwala ng iba.Habang kumakain sila, paminsan-minsan ay napapatitig si Vionne kay Levi. Hindi siya nagsasalita. Hinahayaan lang niya na punan ng tunog ng kutsara’t tinidor ang pagitan nila. Pero sa loob niya, umaasa siyang mauuwi ang tanghalian n
Nang magising si Vionne kinabukasan, wala na si Levi sa tabi niya. Inikot niya ang paningin sa buong kwarto pero walang kahit anong senyales ng presensiya nito—maliban sa tray ng almusal sa ibabaw ng bedside table at ang maliit na papel na nakapatong sa tabi ng baso ng juice.Kinuha niya iyon at binasa.“Good morning. May kailangan lang ayusin sa site. Kumain ka muna and sundan mo 'ko kung gusto mo. — Levi”Napangiti si Vionne. Hindi niya mapigilang kiligin habang paulit-ulit niyang binabasa ang sulat. Habang kumakain ng almusal, naiisip pa rin niya ang mga nangyari kagabi. Ang mga titig, mga haplos, at ang paraan ng pagtrato ni Levi sa kanya. Hindi man malinaw ang estado ng kanilang relasyon, ramdam niyang may kakaibang namamagitan sa kanila.Matapos kumain, agad siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Nagpasya siyang puntahan si Levi sa resort site. May kakaibang saya sa dibdib niya habang naglalakad paalis ng villa.Pagdating niya sa construction site ng resort, dumiretso siya sa main
Kinagabihan, pagpasok ni Vionne sa kaniyang silid.“Levi! What the hell are you doing here?” gulat na tanong ni Vionne nang makita ang binata, nakahiga sa kama niya, parang kanina pa naghihintay.Hindi agad sumagot si Levi. Sa halip, inangat nito ang isa niyang braso para gawing unan habang ang isa naman ay nakapatong sa tiyan. Kumindat pa ito bago ngumisi. “Finally. Ang tagal mong mag-ayos. Akala ko pa naman sabik kang makasama ako ngayong gabi.”“Excuse me?” lumalim ang kunot sa noo ni Vionne habang inilapag ang hawak na towel sa side table. “Bakit ka nasa kuwarto ko? At saka paano ka nakapasok? Lumabas ka nga r'yan, ngayon din.”“Relax ka lang. Wala akong masamang balak. Gusto lang kitang i-congratulate.” Tumayo si Levi at dahan-dahang lumapit sa kanya. “Kanina habang kumakain tayo, hirap na hirap akong mag-focus. Alam mo ba kung gaano kahirap hindi tumingin sa 'yo habang suot mo 'yang shorts na 'yan at 'yang tube na parang sinadyang mang-inis?”Umirap si Vionne. “You're being inap
Hindi na nakatiis si Vionne. Nakakailang na talaga ang lapitan nina Levi at Dianne. Parang hindi na para sa trabaho ang ginagawa ng dalawa. Napapadalas ang tawa ni Dianne, ‘yung tipong halatang pilit, samantalang si Levi ay hindi man lang umiwas sa mga haplos at hawak ni Dianne sa braso niya.Napapikit si Vionne sa inis. Ilang beses na niyang pinilit huwag pansinin pero mas lalo lang siyang naiirita. Kaya imbes na magbabad pa sa init ng ulo, tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa kubo malapit sa may tabing-dagat.Pagbalik niya, wala na siyang suot na pang-itaas. Two-piece na lang ang suot niya—kulay pula na may mga strings sa gilid. Wala siyang pakialam kung may makakita. Isa lang ang target niya—ang mapansin ni Levi.At hindi siya nabigo. Sa gilid ng paningin niya, nakita niyang napatigil si Levi sa pag-uusap. Nakatingin ito sa kaniya habang inaayos niya ang buhok niya gamit ang kamay. Si Dianne naman, halatang napahinto rin at napatingin sa suot niya mula ulo hanggang
Pinilit ni Vionne na huwag ipahalata ang pagkirot ng dibdib habang pinagmamasdan sina Levi at Dianne na magkasabay na bumababa ng kotse. Magaan ang loob ng mga ito sa isa’t isa—masyadong magaan, na para bang walang ibang taong nasa paligid nila.“Hi, Vionne!” masiglang bati ni Dianne habang nakasuot ng maikling floral dress na tila sinadya talaga para sa beach setting. “Long time no see.”Napilitan si Vionne na ngumiti, kahit na mas gusto niyang iwasan ang kahit anong pakikipag-usap.“Engineer Dianne will oversee the renovation,” sabat ni Levi habang iniabot ang iPad sa dalaga, kung saan naka-flash ang floor plan ng resort. “She’s got experience managing coastal resort construction. We need the best.”Huminga nang malalim si Vionne bago nagsalita, pilit na pinapakalma ang sarili. “Okay. If that’s what you think is best.” Nilunok niya ang pait sa lalamunan, kahit alam niyang siya ang dapat mas may say sa proyekto—resort niya ito, alaala ito ng lolo niya.“Of course,” ani Dianne, sabay