Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back

Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-07-12
Oleh:  DeigratiamimiBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 Peringkat. 4 Ulasan-ulasan
15Bab
218Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

"You still want me, don’t you?" bulong ni Levi habang nakasiksik siya sa likuran ni Vionne, ang mainit nilang katawan ay nakababad sa ilalim ng rumaragasang tubig mula sa shower. Ramdam ng babae ang bawat pulgada ng kanyang kahubdan. "Levi… w-we shouldn't—" Pero natigil ang pagtutol niya nang marahas siyang iharap ng binata, isinandal sa malamig na pader ng tiles, at sinalubong ng halik na parang sumisipsip ng kaluluwa. His tongue tasted of hunger, revenge, and something forbidden—yet painfully familiar. "Don't lie to me, Vionne." Mainit ang hininga ni Levi sa kanyang balat. "Your body’s already begging for me. You miss this—me—inside you." Napasinghap si Vionne nang gumapang ang kamay nito pababa, pinunit ang natitirang saplot niya at walang babala siyang inangkin sa gitna ng agos ng tubig. "Ah—Levi!" Napaungol siya, napaarko ang likod sa tindi ng sarap. Napakapit siya sa kanyang balikat. Tuloy-tuloy ang pag-indayog ng binata—parang gusto nitong ipaalala sa kanya kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa kaniya. "You’re mine, Vionne," bulong nito sa pagitan ng bawat mariing pag-ulos. "No matter how many times you try to run, your body—your soul—will always crave me." "S-Stop talking… I c-can’t—" Pero hindi na niya nakayanan. Sa halip, bumulwak sa kanyang lalamunan ang mas malakas na ungol habang ang init at sarap ay naghalo sa bawat galaw ni Levi. "You feel that?" Mariing tanong ni Levi habang hinuhugot at muling ibinabaon ang sarili. "That’s how deep I still am inside you. That’s how much I fucking want you." Nanginginig ang tuhod ni Vionne. Nanginginig sa sarap.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

“Pakiulit, Mr. Thorne,” mariing wika ni Vionne Monteverde habang pinipigilan ang panginginig ng tinig niya. “Ano ang sinasabi mo?”

Hindi makapaniwala ang buong boardroom sa sinambit ng CEO na ngayon ay palamig nang palamig ang mga mata habang nakatingin sa kanyang dating asawa. Ang dating pagmamahal sa pagitan nila ay tila ganap nang nalunod sa walang hanggang bangungot.

“Effective today, you're being removed as Chief Executive Officer of Monteverde Group,” mariing ulit ni Rhaedon Thorne, kalmado ang tono pero sagad sa lamig ang mga salita. “On grounds of mental instability, negligence, and breach of fiduciary duty.”

Parang umalingawngaw sa tenga ni Vionne ang bawat salita. Para siyang binuhusan ng yelo. Nasa harapan niya si Rhaedon—ang lalaking minsang minahal niya, ang lalaking binigyan niya ng karapatang mamuno sa korporasyong itinaguyod ng kanyang pamilya. Ngunit ngayon, siya rin pala ang hahatol sa pagbagsak niya.

Bumaling siya sa mga board members. Lahat ay tahimik. Wala ni isa mang sumubok umimik o ipagtanggol siya. Lahat ay nakayuko, animo'y mga tauhang pinatahimik ng kapangyarihang kinakatawan ni Rhaedon. Isa-isa sa kanila ay mga taong pinalago niya, pinaniwalaan, binigyan ng puwesto—at ngayon, isa-isa rin siyang tinatalikuran.

“Lahat kayo...” usal ni Vionne habang pilit hinahawakan ang dignidad. “You’re going along with this circus?”

“Hindi ito circus, Ms. Monteverde,” sabat ng Chief Legal Officer na si Atty. Enriquez. “The board has already voted. Unanimous decision. We have psychiatric documents proving your declining emotional and mental state.”

“Nabaliw ako?” Tumawa si Vionne ng mapait, at mababa. “My family built this empire. Ako ang bumuhay sa kumpanyang 'to mula sa pagka-utang. I risked everything para sa Monteverde Group. And now you’re telling me I’m mentally unfit to lead?”

“Hindi namin ito ginusto, Vionne,” mahinang wika ng isa sa mga directors. “But this is what’s best for the company. You're no longer... stable.”

“Hindi ninyo ito ginusto?” bulong niya habang palapit nang palapit sa mesa ng boardroom. “O sadyang napakainam ng alok sa inyo ni Rhaedon kaya pati prinsipyo ninyo ay naibenta n'yo na rin?”

Napailing si Rhaedon. “You’re being emotional again, Vionne.”

Matalim ang tingin niya kay Rhaedon. “I’m emotional? After all these years? After giving you my name, my legacy, my life?”

Hindi sumagot si Rhaedon. Bagkus, iniabot nito ang isang envelope. “Basahin mo ‘yan. This is the official resolution from the board. And also, the papers for our annulment. You are to sign them today.”

Napatingin si Vionne sa puting sobre sa harapan niya. Dahan-dahan niya itong binuksan at isa-isang tiningnan ang laman. Pormal na dokumento ng annulment. Wala man lang personal na paliwanag, wala man lang konsiderasyon. Isa siyang kontratang kailangang tapusin. At ang pinakamalala, pinapirma siya habang nasa gitna siya ng kahihiyan.

“Pipirma ako,” bulong ni Vionne matapos ang ilang segundong katahimikan.

Saglit na nagulat si Rhaedon. “Good. Mas maganda kung madali na lang—”

“Pero bago ako pumirma,” putol ni Vionne habang unti-unting inaalis ang alahas sa katawan, “gusto kong malaman mo na hinding-hindi mo ako mababasag ng ganito. Pinagplanuhan mo 'to nang matagal, hindi ba? Kaya mo nilapit si Trixie sa iyo. Kaya mo ako pinilit na magpahinga. Lahat scripted. But let me tell you something, Rhaedon... I may have lost the title, but I will never lose the fire.”

“Stop making a scene, Vionne. You're just embarrassing yourself,” tugon ni Rhaedon, pero halatang may tensyon sa pagkakatayo niya.

Tumindig si Vionne, ibinagsak ang balikat, at buong lakas na inihagis ang fountain pen sa mesa.

“Fine. Gusto mong tapusin 'to? Tatapusin natin. Pero sa oras na lumagda ako sa papel na 'to, tandaan mong hindi mo ako kayang kontrolin habang buhay. Hindi ako ang babaeng inapi mo noon. You created a monster, Rhaedon. At sisiguraduhin kong ikaw ang unang sisigaw kapag bumalik ako.”

Sa isang iglap, pinirmahan ni Vionne ang kanyang pangalan sa annulment papers. Mabilis, malinis, at walang bahid ng alinlangan. Para siyang pumirma ng sariling kamatayan—o simula ng kanyang muling pagkabuhay.

Bumaling siya sa mga dating kaibigan sa mesa. Lahat sila ay nanatiling tikom ang bibig. Tahimik na mga traydor na walang lakas ng loob na tumindig para sa kanya. Pinagmasdan niya ang bawat isa, inukit sa kanyang alaala ang mga mukha nila, upang sa oras ng kanyang pagbabalik, alam niya kung sino ang unang babagsak.

Walang luha na pumatak mula sa mga mata niya. Ang puso niya ay nanlamig sa loob ng ilang minuto. Pinilit niyang itikom ang damdamin. Hindi ito ang oras ng kahinaan. Ito ang yugto ng kanyang pagsilang bilang bagong Vionne Monteverde.

Paglabas niya sa boardroom, parang bumagal ang lahat. Ang mga empleyado sa hallway ay napalingon, nagbubulungan. Lahat sila ay nakatanggap ng memo tungkol sa biglaang leadership transition. Nakayuko ang ilan, habang ang iba ay nagkukunwaring abala. Ngunit alam niyang alam nila ang nangyari. Ang babaeng nagtatag ng kompanya, ngayon ay pinatalsik ng sariling asawa.

Naglakad siya palayo nang may taas-noo. Walang bakas ng pagkatalo sa kaniyang postura. Hindi siya titigil. Hindi siya babalik sa kadiliman. Sa mismong araw na iyon, habang lulan siya ng elevator pababa mula sa top floor ng Monteverde Tower, tumibok ang bagong layunin sa kanyang puso.

Hindi siya babalik para lamang maghiganti. Babalik siya upang muling buuin ang sariling pangalan. At kapag siya ay bumalik, hindi na siya muling palalayasin kahit ng sinumang lalaking pinaniwalaan niya.

Paglabas ng Monteverde Tower, dumiretso siya sa penthouse nila ni Rhaedon, at marahas na binuksan ang pinto na minsang naging tahanan ng kanilang mga pangarap.

Inimpake niya ang lahat ng personal niyang gamit—mga dokumento, laptop, ilang damit, at isang lumang kahon ng alaala ng yumaong lolo niya, si Don Vicente Monteverde. Sa kahon na iyon, nandoon ang isang lumang larawan ng resort sa Zambales at susi ng isang itim na bahay na bato.

Dahil wala siyang ibang mapupuntahan, minaneho niya ang kanyang sasakyan ng halos limang oras patungo sa baybaying lalawigan ng Zambales—ang lugar na minsang naging paraiso nila ng kanyang lolo. Doon niya balak magsimulang muli—sa isang lugar na tahimik, malayo sa kasinungalingan, at higit sa lahat, sa lugar kung saan siya tunay na Vionne.

Pagdating niya sa resort, lumang-luma na ito. Halatang ilang taon nang napabayaan. Sira na ang ilang bahagi ng bubong, makapal ang mga damo sa paligid, at ang dating infinity pool ay isa nang lumot na imbakan ng ulan.

Bitbit ang susi, marahan siyang pumasok sa lumang bahay na bato na nasa gitna ng resort. Ngunit pagpasok niya sa loob ay biglang napahinto ang paghakbang niya nang may gumalaw.

“Sin—” hindi niya naituloy ang tanong nang biglang sumulpot mula sa sulok ng sala ang isang lalaki. Payat, may sugat sa kaliwang balikat, at halos mawalan ng malay. Nakasuot ito ng duguang hoodie at isang lumang denim jeans. Ngunit ang pinakanakapukaw ng atensyon ni Vionne ay ang baril na nakapatong sa lamesita sa tabi nito.

Mabilis siyang umatras at tinutok ang dalang pamalo na dating doorstop. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”

Napasinghap ang lalaki, tila nais magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig. Hawak nito ang sugatang balikat, at nakaluhod na ngayon sa sahig, umuungol sa sakit. Ang mukha nito ay payapa ngunit maputla, para bang ilang araw nang hindi nakakakain. Kahit natataranta, hindi naiwasan ni Vionne ang makaramdam ng awa. Hindi ito mukhang magnanakaw—mas mukhang patay-gutom na napadpad sa maling panahon.

Sumugod siya palapit habang hawak pa rin ang pamalo. “Okay ka lang? Huwag kang gagalaw!”

Hindi ito sumagot. Imbes ay tuluyan nang nawalan ng malay sa harapan niya.

Makalipas ang ilang oras, nagising si Vionne sa isang malamig na simoy ng hangin mula sa baybayin. Katabi niya ngayon sa lumang sofa ang lalaki, nilinisan na ang sugat, at tinanggalan ng duguang damit. Gumamit siya ng lumang first aid kit mula sa storage room ng resort. Marahil ay hindi tama ang desisyong tulungan ang isang estranghero, pero sa oras na iyon, alam ni Vionne kung paano ang pakiramdam ng pinapalayas, ng inaakalang wala ka nang silbi. At kung siya nga ay walang-wala, marahil ito rin.

Nagmulat ng mata ang lalaki. Saglit itong naguluhan, pero nang mapagtanto kung nasaan siya, agad siyang naupo nang marahan.

“Don’t worry,” ani Vionne, malamig pa rin ang tono. “Hindi ako tumawag ng pulis. Yet.”

Napakunot-noo ang lalaki. “Nasaan ako?”

“Monteverde Beach Estate. Sa Zambales. And you’re squatting in private property.”

Hindi kaagad sumagot ang lalaki. Imbes ay napahawak ito sa kanyang balikat, bahagyang suminghap, bago muling tumingin kay Vionne.

"Who the hell are you?" tanong ni Vionne.

“Levi,” mahinang sambit nito. “Levi Angeles.”

“Vionne,” aniya. “At kung wala kang paliwanag kung anong ginagawa mo sa property ko, don’t think I won’t throw you out.”

Humugot ng malalim na hininga si Levi bago muling nagsalita. “Tumatakas ako.”

“Sa batas?”

“Sa kasal.”

Napataas ang kilay ni Vionne. “Interesting choice.”

Nabigla siya sa susunod na sinabi ni Levi.

“I was set to marry someone from a political family to merge our companies. I refused. Tinangka kong umalis pero may tumugis sa akin. Kaya ako may tama. Hindi nila ako pinayagang basta na lang makatakas.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
magaganda ang lahat ng stories mo Ms. A sana lng sa dami nla wag mo makaligtaang mg update dn sa iba kc sinusubaybayan nmn lahat ng novel mo
2025-07-12 06:02:35
0
user avatar
MIKS DELOSO
highly recommended ...
2025-07-11 00:00:32
1
user avatar
Deigratiamimi
My new babies. Levi and Vionne! 🩷
2025-07-10 17:46:20
0
user avatar
Deigratiamimi
July 10, 2025 Maligayang paglapag sa GoodNovel App 🫶
2025-07-10 10:55:05
0
15 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status