Pagdating ni Vladimir sa pantry station ng kumpanya ay naabutan niya si Lyka muli ay napatitig siya sa kagandahan ni Lyka at angking ganda ng katawan. Napaka sexy nito sa suot niyang white blouse at red skirt na kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Nagulat naman si Lyka pagharap sa kanya.
“Gosh! What the hell are you doing?! Papatayin mo ba ako sa takot!” Sigaw ni Lyka kay Vladimir.
“Pfft..kung balak kitang patayin sigurado akong hindi sa takot kundi sa sarap.” Nakangiting sagot naman ni Vladimir.
“Bastos!” Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Vladimir mula kay Lyka.
Dumugo ang gilid ng labi ni Vladimir sa lakas ng sampal na kanyang natamo. Kaagad na bumulusok ang galit sa kanyang dibdib. Walang ano-ano na kinabig niya ng baywang ni Lyka at siniil ng halik ang kanyang labi. Nagpupumiglas si Lyka ngunit sadyang malakas si Vladimir at malaki ang kanyang mga braso kaya hindi makawala si Lyka. Mariin ang paghalik ni Vladimir na para bang ayaw na niyang bumitiw pa.
Nawalan na ng lakas si Lyka sa pag pupumiglas binitiwan siya ni Vladimir ngunit isang malakas na sampal muli ang binigay ni Lyka kay Vladimir. Napatigil si Vladimir ng makita ang pagluha ni Lyka habang mabilis na lumabas sa pantry station.
“Shit!” Bulong ni Vladimir sa kanyang sarili.
Mabilis naman na tumakbo si Lyka papasok sa kanyang opisina at doon tuluyan na pumatak ang kanyang mga luha. Galit na galit siya sa anak ni Henry napaka bastos nitong tao. Ngayon lang niya naranasan ang ganitong pagtrato sa kanya ng isang lalaki. Kaagad naman siyang huminahon alam niya ang binabalak ni Vladimir nais siya nitong paglaruan hanggang sa tuluyan na siyang sumuko at makipaghiwalay kay Henry. Ngunit hindi niya hahayaan na magtagumpay ito sa kanyang binabalak. Gaganti siya kay Vladimir at sisiguraduhin niyang siya ang magwawagi.
Tumawag sa kanya si Henry at pinapapunta siya sa opisina nito. Kaagad nag ayos ng sarili si Lyka para hindi mahalata ni Henry ang pamumula ng kanyang mga mata ng dahil sa pag-iyak. Nagtungo si Lyka sa opisina ni Henry sinalubong naman siya ni Henry at naupo sila sa may sofa.
“Lyka, I want to tell you something sweetie, starting tomorrow ay ikaw na ang assistant ng aking anak na si Vladimir. I want you to help him to easily get familiarized with the company.” sabi ni Henry kay Lyka na labis niyang ikinagulat.
“But..Henry…”
“Please sweetie, you are the only one I can depend on. Don’t worry Vladimir will easily learn, I’m sure.”
Wala ng nagawa si Lyka sa kagustuhan ni Henry. Boss niya ito at empleyado lamang siya kahit na may espesyal silang relasyon ay labas pa rin ito sa kanyang trabaho at responsibilidad sa kumpanya. Malungkot siyang ngumiti kay Henry.
“Don't worry Lyka well still always be together kahit hindi na kita assistant alam mo yan.” Niyakap siya ng mahigpit ni Henry.
Kasabay nito ay ang pagbubukas ng pintuan ng opisina at bumungad si Vladimir na may dalang kape. Nagulat ito sa nakitang pagyayakapan ng ama at ni Lyka kaagad siyang nainis. Tumayo kaagad si Lyka para magpaalam kay Henry. Isang matalim na tingin ang iginawad niya kay Vladimir bago lumabas ng opisina.
“Son, what happened to your lips? Tanong ni Henry sa anak.
“It's nothing Dad dont worry,” sagot ni Vladimir at inabot ang kape na kanyang hawak sa kanyang ama.
Napailing nalang si Henry ng makita ang mapaglarong ngiti ng kanyang anak. Napaisip siya kung ano ang kalokohan na ginawa nito napansin din kasi niyang namumula ang mga mata ni Lyka. Aabangan niya ang mga sunod pang mangyayari sa dalawa.
Kinabukasan ay abala si Lyka sa pagliligpit ng kanyang mga gamit dahil ang gusto ni Vladimir ay lumipat siya sa opisina nito. Malawak ang opisina ni Vladimir na tila dalawang kwarto ang laki. Wala naman nagawa si Lyka kung hindi ang sumunod kahit na labag ito sa kanyang kalooban. Kumatok siya sa may pintuan at binuksan ito nakita niya si Vladimir na abala sa kanyang computer. Inutusan niya ang utility boy na ilagay ang kanyang mga gamit sa kanyang lamesa.
“I think you should greet your boss Lyka. Am I right?” Pilyong sabi ni Vladimir.
Humarap sa kanya si Lyka at pekeng ngumiti, “Good morning Sir.”
Ngumiti naman si Vladimir ng nakakaloko na labis na ikainis ni Lyka. Sinimulan niyang ayusin ang kanyang mga gamit sa lamesa. Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa habang pareho silang abala sa kani-kanilang mga gawain. Maya-maya ay tumawag si Henry kay Lyka para sa unang board meeting ni Vladimir at ipinahahanda nito ang mga dokumento na gagamitin. Lumabas muna sandali si Lyka ng silid para magbanyo at sa kanyang pagbalik ay nagmamadali na si Vladimir.
“Lyka, Where did you come from? The meeting will start now get all the documents at sumunod ka sa akin sa meeting room,” utos sa kanya ni Vladimir.
“Let's start our playing games Lyka Mendoza,” bulong ni Vladimir habang mapaglarong nakangiti.
Nauna ng lumabas si Vladimir habang si Lyka ay abala sa paghahanap ng dokumento na kanyang inihanda kagabi pa lamang ngunit hindi niya ito makita. Sigurado siyang iniwan niya ang folder sa ibabaw ng kanyang lamesa bago lumabas patungo sa banyo. Kaagad niyang naisip na baka may kinalaman si Vladimir sa nangyari galit na galit siya kay Vladimir gusto talaga siya nitong pahirapan. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magtungo sa meeting room naroon na ang lahat. Nagsimula ng magsalita si Vladimir at kaagad na hinanap ang dokumento kay Lyka ngunit wala siyang maibigay.
“Lyka, where's the documents?” Seryosong sabi ni Vladimir.
Tumingin si Lyka kay Henry atsaka nagsalita, “I'm sorry I cant found it on my table.”
Labis ang pagtataka ni Henry sa sinabi ni Lyka dahil first time itong nangyari na may nawawalang dokumento si Lyka.
“You’re so incompetent! You know that this meeting is so important ngayon pa mawawala ang kailangan na dokumento? Baka naman hindi mo ginawa ang iyong trabaho Miss Lyka?” Mapanuyang sabi ni Vladimir.
Naluluha na si Lyka sa ginawang pagpapahiya sa kanya ni Vladimir sa lahat lalo na sa harap ni Henry. Tumingin siya kay Henry ngumiti ito sa kanya na waring sinusuportahan siya. Alam ni Henry ang kakayahan ni Lyka at hindi ito basta basta nagkakamali. Huminga ng malalim si Lyka atsaka tumayo.
“I'm so sorry Sir Vladimir, Chairman Henry, for my negligence. I can present to all of you all about the agenda and details in the documents please allow me.” Mapagkumbaba na sabi ni Lyka. Ngumiti si Henry at binigyan siya ng permiso.
Naiinis man si Vladimir sa katapanagan ni Lyka at sigurado siya na hindi kaya ni Lyka na ipaliwanag kung ano ang nakalagay sa dokumento. Nag Umpisa ng magsalita si Lyka inisa-isa niya ang lahat ng agenda at detalye na nakapaloob sa nawawalang dokumento. Malinaw at malinis at pagpapaliwanag ni Lyka higit sa lahat kumpleto at detalyado. Satisfied si Henry at proud kay Lyka hindi siya nagkamali kay Lyka sadya itong matalino at magaling sa kanyang trabaho.
Malakas na palakpakan ang ang natanggap ni Lyka pagkatapos niyang magsalita. Pinuri siya ng mga board of members at business partners ni Henry. Lihim naman na ikinagalit ng husto ni Vladimir ang kanyang nasaksihan na galing ni Lyka. Kahit na itinago niya ang dokumento na inihanda nito ay nagawa pa rin nito ng maayos ang kanyang trabaho at nahigitan pa.
Maraming nainom si Samantha dahil sa labis na sama ng loob at galit na kaniyang nararamdaman sa kaniyang nalaman. Sinisisi niya ang sarili na bakit hanggang ngayon ay hinahayaan niya pa rin na masaktan ang kan’yang puso. Napagpasyahan niyang umuwi mag-isa. Nais niyang mag-isip at pakalmahin ang sarili. Kahit na nagpilit si Lukas na hindi siya iwan ay siya pa rin ang nasunod. Inihinto niya ang kaniyang kotse sa may gilid ng kalsada kung saan nasa gilid ito ng kahabaan ng Manila Bay at umupo sa malapit na upuan doon kung saan nakatambay rin ang mga tao sa gabi.Habang pinagmamasdan ang mahinahon na dagat ay unti-unting pumatak ang mga luha niya na kanina pa nais kumawala.‘Bakit hindi kita makalimutan? Bakit hanggang ngayon ay minamahal pa rin kita? Bakit?’ mahinang sambit niya kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha.“S-Samantha? . . .”Nagulat siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig mula sa kaniyang tagiliran. Nilingon niya ito at hindi nga siya nagkamali.“V-Vladimir . . . A
NATAPOS na ang kasiyahan at party. Pagod si Wendy at medyo lasing kaya maaga itong nakatulog kaagad ngunit, hindi si Vladimir. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang isang pamilyar na mata na kahit kailan ay hindi niya makalimutan.Nasa isipan pa rin niya si Samantha. Nagtataka rin siya na hindi man lang nabanggit ni Lukas na may nobya pala ito. Kahit na nakamaskara si Samantha ay alam ni Vladimir na sa likod nito ay isang magandang mukha. Nahihiwagaan talaga siya sa babae na pilit na gumugulo sa kaniyang isipan.KINABUKASAN ay nagising si Vladimir sa mainit na sikat ng araw na dumarampi sa kaniyang mukha. Nagmulat siya ng kaniyang mga mata at laking gulat niya nang mapagtanto niya na sa beranda pala siya nakatulog. May isang bote ng alak sa may lamesa. Doon niya naalala na nagtungo siya sa beranda upang uminom dahil sa hindi siya makatulog.“Honey, gising ka na pala. I made breakfast for you,” sabi ni Wendy at inilapag ang dalang pagkain sa may lamesa.“Thanks, Wendy.”“Vladimir, bakit
Magarbo ang selebrasyon para anibersaryo ng Barameda Cruise Ship. Tinawag ng MC si Vladimir upang magbigay ng speech sa harap ng kaniyang mga bisita.“Good evening everyone. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagdalo sa kasiyahan ngayong gabi. Masaya ako na makita kayo at makakuwentuhan. Another year for Barameda Corporations na akala ko ay aking mapababayaan noon. Malaki ang pasasalamat ko sa aking partner na si Wendy dahil sa kaniya kaya ako’y nakabangon muli.”Nagbulungan ang lahat ng naroon. Dahil hindi naman lingid sa lahat ang nangyari noon kay Lyka. Malaki naman ang ngiti sa labi ni Wendy sa mga sinabi ni Vladimir.Si Samantha at Lukas ay nasa malayo lang at nakikinig. Sumulyap si Lukas sa kapareha at ‘di nakaligtas sa kaniya ang luha na nais pumatak mula sa mga mata ni Samantha. Kaagad niya itong inaya na lumabas muna ng venue. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Vladimir ang pag-alis ng dalawa.“Samantha, Are you alright?” nag-aalala na tanong ni Lukas.“Il
Sinamantala ni Wendy ang pagkakataon. Kapag ganitong lango sa alak si Vladimir saka lang niya nagagawa ang kan’yang gusto sa lalaking labis na minamahal. Inutusan niya ang bodyguards nito na buhatin si Vladimir sa k’warto. Nang nasa k’warto na sila ay hinubad niya ang damit pang-itaas ni Vladimir saka tinitigan ng mabuti ang mukha nito."Vladimir, kung ako na lang sana ang iyong minahal hindi ka magkakaganito ngayon, hindi ka masasaktan ng husto."Hinaplos niya ang mukha ni Vladimir at dinampian ng halik ang labi nito. Mahal na mahal niya si Vladimir lahat kaya niyang gawin ma pa sa kanya lamang itong muli."Lyka…" mahinang sambit ni Vladimir."Hindi ako si Lyka. Wala na ang babae na 'yon. Ako na lang ang mahalin mo, Vladimir. Pangako ko sa'yo paliligayahin kita higit pa sa kayang gawin ni Lyka."Hinalikan niya si Vladimir sa labi ng buong init. Sa paningin ni Vladimir ay si Lyka ang kan’yang nasa harapan, kaya naman walang alinlangan na tinugunan niya ang mainit na halik ni Wendy. Ip
Isang linggo ang nakalipas mula ng ma pa-balita na patay na si Lyka. Hanggang ngayon ay hirap ang kan’yang pamilya na tanggapin ang nangyari pero kailangan para matahimik si Lyka sa kabilang buhay. Gano’n din si Mitch buti na lang at nand’yan si Bryan na naka-alalay sa kan’ya. Si Vladimir naman ay araw-araw dinadalaw ang puntod ni Lyka na lasing at emosyonal. Pinasubaybayan ni lukas si Vladimir gano’n din si Wendy sa utos na rin ni Lyka.Si Lyka naman ay isa-sa-ilalim na sa operasyon. Nang dahil sa aksidente ay labis na naapektuhan ang kan’yang mukha, halos kalahati ng mukha niya ay may damage. "Lyka, ano ang desisyon mo sa operasyon sa mukha mo?” tanong ni Lukas."Pinag-isipan ko na mabuti ang desisyon kong ito, Lukas. Magpapabago ako ng mukha, I need plastic surgery. Kapag bago na ang aking mukha ay hindi na nila ako makikilala pa. Sa gano’ng paraan ay magagawa kong alamin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.""Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo na ‘yan? We need to go abr
Inuusig man si Lukas ng kan’yang konsens’ya dahil sa paglilihim niya ng katotohanna sa pamilya at kaibigan ni Lyka ay wala na siyang magawa kun’di ang panindigan ang kan’yang naging desisyon.Naisaayos na nila ang mga dapat gawin sa burol ng abo ni Lyka. Nagpaalam si Lukas na uuwi muna ngunit ang totoo ay nagtungo siya sa ospital kung nasaan si Lyka. Maganda na ang kalagayan ni Lyka. Nag-normal na ang kan’yang vital signs ,kaya naman nakahinga na si Lukas dahil ligtas na si Lyka.Dalawang araw na ang burol kay Lyka at pinag-pasyahan ng kan’yang pamilya na mailibing na ito kinabukasan. Bago pa man ang araw na iyon ay nagising si Lyka mula sa pagka-comatose."Lyka! Lyka!"Natataranta na sigaw ni Lukas nang imulat ni Lyka ng kan’yang mga mata habang binabantayan siya ni Lukas.Kaagad niyang tinatawag ang Doctor ni Lyka upang suriin ang kondisyon nito. Maayos naman ang lahat. Dahan-dahan na umupo si Lyka sa kama."Lukas, nasaan tayo? Ikaw ba ang nagligtas at tumulong sa akin?""Nasa ospi