Share

Chapter 3. I Want Lyka To Be My Assistant

Pakiramdam ni Lyka ay pagod na pagod siya ngayong araw hindi maalis sa kanyang isipan ang mga mata at tingin ng anak ni Henry sa kanya. Hindi rin mawala sa kanyang isipan ang malakas na kabog ng kanyang dibdib noong halikan ni Vladimir ang kanyang kamay. Hindi siya makatulog ilang oras na ang lumipas nang makauwi sila ng bahay kasama ang anak ni Henry.

Nagtungo siya sa may beranda para magpahangin bitbit ang isang baso ng wine para makatulog. Umupo siya sa may duyan na naroon at pinagmasdan ang liwanag ng buwan. Hindi niya namalayan na lumabas din sa may katabing beranda si Vladimir hindi rin ito makatulog na katulad niya.

Nagulat si Vladimir nang makita si Lyka at napatulala sa kagandahan nito at suot nitong night gown na halos kita na ang kanyang katawan sa nipis ng tela. Napangiti si Vladimir and devilish thoughts pop up in his mind.

“I'm not surprised that my Dad is head over heels on you. With your beauty and gorgeous body madali mo talaga maakit si Dad.” Mapanuksong sabi ni Vladimir nang lumabas ng beranda at humarap kay Lyka.

Nagulat naman si Lyka nang biglang magsalita si Vladimir hindi na niya alintana ang kanyang suot na damit tumayo siya at humarap dito para magsalita.

“Henry, is not like the other man who’s lusting for a sexy body of a woman. He’s a respectable man and a gentleman. Hindi katulad ng iba na tanging kabastusan lang ang alam!” Matapang na sagot ni Lyka kay Vladimir. Kinuha niya ang baso ng wine at pumasok na sa kanilang silid.

Naiwan si Vladimir na nakakuyom ang mga kamay at naiinis.

“Hmp! This is just the beginning you damn woman!” Galit na bulong ni Vladimir sa sarili.

Inis na inis naman si Lyka na umupo sa sofa na nasa loob ng kanilang silid ni Henry. Mahimbing na itong natutulog.

“Walang hiyang lalaki na yun!” Inis na bulong ni Lyka.

“You want war Vladimir Barameda, then I'll give you war!” Inis pa rin na bulong ni Lyka sabay lagok ng alak sa kanyang baso.

Sumapit ang umaga maagang nagising si Henry kaysa sa kay Lyka. Bumangon siya at agad na nagtungo sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Pagbaba niya sa sala ay hianap niya si Henry ngunit hindi niya ito makita kaya nagtanong siya sa kasambahay nito at nalaman niyang nasa hardin si Henry. Kaagad siyang nagtungo sa may hardin malayo palang ay tanaw na niya si Henry at Vladimir na nag aagahan.

“Good morning Henry.” nakangiti bati ni Lyka.

“There you are sweetie, good morning too. Take a seat and eat breakfast.” Malambing na sabi ni Henry sa kanya habang inaalalayan siya sa kanyang pag upo.

Nakamasid sa kanila si Vladimir na nag uumpisa na naman na mainis sa matamis na kilos ng kanyang ama at ni Lyka. Bumati siya kay Lyka.

“Good morning.” Malamig niyang bati kay Lyka. Tumingin si Lyka sa kanya at mapait na ngumiti.

Nahalata naman ni Henry ang tensyon na namamagitan kay Lyka at sa kanyang anak. Lihim siyang napangiti. Kilala niya ang kanyang anak hindi ito basta nagbibigay ng atensyon sa mga babae.

“Son, come with us to the company. You know that I really need you here para magpatakbo ng kumpanya. I'm not young anymore Vladimir, it's time to pass down the company to you,” seryosong sabi ni Henry habang sila ay kumakain.

“Alright I'll go Dad, and it's really time na tulungan naman kita,” sagot ni Vladimir sa kanyang ama.  

Nakikinig lang si Lyka sa kanilang usapan habang patuloy sa kanyang pagkain. Nagmamadali si Lyka at agad na nagpaalam kay Henry na mauuna na siyang papasok sa kumpanya dahil may mga aayusin pa siya para sa meeting ni Henry ngayong umaga. Humalik siya sa pisngi ni Henry bago umalis. Kitang-kita ni Vladimir kung gaano kasaya ang kanyang ama.

“Dad, you seem so happy with her.”

“I am Son, simula ng makilala ko si Lyka, I feel like bumata ako ng twenty years,” mahinang tumawa si Henry.

“Are you that in love with her?”

“What if I say yes?” Nakangiting sabi ni Henry.

“Oh no Dad, are you kidding me? Lyka is so young magkalapit lang kami ng edad she's like your daughter,” protesta ni Vladimir sa ama.

“Vladimir, walang limit age pagdating sa pag-ibig. You will understand me when you fall in love with someone.”

“I don't like her Dad, I think she's just after your money. It's impossible that she has no boyfriend like her age.”

“Well.. maybe you're right cause Lyka is so beautiful,talented and very sexy. Hindi ko masisisi ang mga lalaking magkakagusto sa kanya at magtatangkang manligaw.”

Henry is just teasing his son. Alam niya at ramdam niya na attracted ang kanyang anak na si Vladimir kay Lyka. Natapos silang mag almusal ng hindi napapasunod ni Vladimir ang kanyang ama sa kanyang nais. Bagkus ay naiinis siya sa ama na nahumaling kay Lyka.

Pagdating ni Lyka sa kumpanya ay kaagad nito inayos ang lahat ng papeles na gagamitin sa meeting ni Henry. Isang oras ang lumipas dumating na sa kumpanya si Henry kasama si Vladimir kaagad silang sinalubong ni Lyka at sinabing nakahanda na ang conference room para sa meeting. Naghihintay na rin ang mga board of members ng kumpanya sa kanyang pagdating.

“Good morning everyone. I want to introduce my younger Son Vladimir Barameda, the CEO of Barameda Ship Adventure Cruise.” Pagpapakilala ni Henry sa kanyang anak.

Kaagad sinalubong ng palapakan si Vladimir nang tumayo siya sa tabi ng kanyang ama. Nagbigay siya ng maikling mensahe para sa lahat na nasa loob ng silid. Ilang oras ang lumipas at natapos na rin ang board meeting. Nagtungo sina Henry at Vladimir sa opisina ng kanyang ama.

“Dad, I will accept the position but on one condition,” seryosong sabi ni Vladimir.

“I want Lyka to be my assistant. I'm just new to our company marami pa akong dapat malaman. She's the perfect person to get me familiarized with the flaw of our company because she knows everything.”

Hindi na ikinagulat ni Henry ang desisyon na ito ng anak, Alam niyang gusto ni Vladimir na subukan ang kakayahan ni Lyka sa trabaho at para mabantayan din nito ang mga kilos ni Lyka. But above of it alam ni Henry na nakuha ni Lyka ang atensyon ng anak katulad din niya noong una silang magkita. Napangiti ng lihim si Henry at sumagot sa anak.

“Alright no problem Son, kakausapin ko si Lyka about your request,” sagot ni Henry sa anak.

“Wait Dad! Don't tell her that it's my request. Just tell her that it's your decision,” sabi ni Vladimir sa ama.

“Why? Are you plotting something bad on her Vladimir?” panunukso ni Henry sa anak.

“For God sake Dad! I'm not plotting anything bad on her, okay rest assured. I'm not that kind of guy.” Pagpapaliwanag ni Vladimir.

“Pfft…okay relax! I'm just teasing you my Boy!” Nakangiting sabi ni Henry sabay tapik sa balikat ng anak. Naiiling nalang si Vladimir at nagpaalam na lalabas muna ng opisina at kukuha ng kape.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status