Share

Chapter 2

KUALA LUMPUR MALAYSIA -kakalapag lamang ng eroplano sinasakyan nila Calyx at ng mga kasamahan niya na kapwa manlalaro ng basketball team Philippines.

puspusan ang paghahanda ni Calyx nitong mga nakaraang araw para sa nalalapit na Southeast Asian Games na gaganapin sa bansang Kuala Lumpur Malaysia. Kabilang siya sa mga manlalaro ng team Philippines basketball association.

Huminga siya ng malalim bago hinakbang ang kanyang mga paa palabas ng airport. Bitbit niya ang di kalakihan bag na ang laman ay mga personal belongings niya.

This is his last game at kailangan ang huling laro niya ay maging remarkable. Dahil pumayag na siya sa kagustuhan ng kanyang ama na pamahalaan ang kanilang negosyo at iyon na lang ang kanyang tutukan.

Marahil ay laging pasakit man siya ng ulo sa mga kababaihan na nahuhumaling sa kanya. Ngunit sa kanyang ama ay isang mabuting anak at masunurin siya rito. Ayaw niya rin kasi bigyan ng sama ng loob ang kanyang ama.Simula noong namatay kasi ang kanyang ina ay sila na lang mag-ama ang laging magkasama at nagkakaintindihan higit sa lahat mahal niya ang kanyang daddy

Tumingin si Calyx doon sa isang grupo ng mga kababaihan na tumitili at sinisigaw ang kanyang pangalan ng makita siya ng mga ito ng nasa labas na siya ng airport. Huminto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa,atsaka nagpaskil siya ng maluwag na ngiti sa kanyang mga labi. Humarap siya sa mga ito atska kumaway roon sa mga babaeng tumitili ng makita siya.

Even in his jogging suits and sneakers. Calyx still looked insanely irresistible, delicious even. From his towering height of more than six feet, his well toned body, his brooding aura, and strong character, he could definitely get any girl he wanted. It was always like that with Calyx. He always got girl's hopes up. He always made girls fantasize about him. He always captured every girl's heart. Always. But he always left you hanging in the end.

MABA STADIUM KUALA LUMPUR- halos mapuno ang arena ng maba stadium sa gaganaping finals game ng basketball para sa championship kung sinong team ang mananalo siya ang haharangin champion at makakuha ng gold medal at gold trophy. Ang team ng bansang Singapore at ang team ng bansang Pilipinas ang magkatunggali sa huling laban ng laro. Final games.

Last quarter, two minutes and thirty seconds lift before the times end para sa last quarter. Alinman sa team ang mananalo ang magiging champion. Abansi ng one points ang Singapore team nang mga sandaling iyon.

Halos pigil hininga naman ang mga manonood ng basketball games. Lalo na ang mga kapwa Pilipino naroon na naglaan ng kani-kanilang oras at panahon upang mapanood lamang ang team Philippines sa final games. Bawat isa'y kinakabahan sa magiging resulta ng huling laban. At abot-abot ang dasal na sana'y mananalo ang koponan ng bansang Pilipinas.

Si Calyx ang may hawak ng bola nang mga sandaling iyon. Nasa mga kamay niya rin nakasalalay ang magiging panalo ng huling laban ng bansang sinilangan. Inikot ni Calyx ang paningin niya sa loob ng court sa kapwa manlalaro. Habang maingat at mahigpit niyang hinahawakan ang bola. Nakikita niya ang mga manlalaro ng bansang Singapore na tila katulad ang mga ito sa tigre na kahit anong oras ay lapain siya upang sa ganoon ay makuha ang bola mula sa mga kamay niya. Ngunit kung ang mga ito ay katulad sa tigre siya naman ay katulad sa lion na handa niyang protektahan ang bola at mai-shoot doon sa ring.

Tumingin siya sa kinaroroonan ni Gwen, subalit may dalawang nakabantay rin dito. Tumatakbo ang minuto kailangan niyang mag-isip ng magandang strategy at sigurado ang bawat kilos at hakbang ang gagawin niya.

Tumango siya kay Gwen, naiintindihan naman ng huli ang gusto niyang iparating dito. Lets play, usal niya sa sarili. Naging maiksi ang katawan niya at mabilis ang bawat kilos at pagdi-driball ng bola na ginawa ni Calyx, hindi niya alintana ang kalaban na pilit siyang hinaharangan at pilit inaagaw ang bola mula sa mga kamay niya. Ngunit hindi siya nagpapasindak sa mga ito malaki ang tiwala niya sa mga ka-team mates niya na hindi siya pababayaan ng mga ito at malaki rin ang kumpyansa niya para sa kanyang sarili. Gagawin niya ang maaabot ng kanyang kakayahan.

Nasa isip ni Calyx nang mga sandaling iyon ay mai-shoot niya ang bola at ang team niya ang haharangin champion ng sa ganoon makukuha nila at maiuuwi ang karangalan ng bansang Pilipinas. Nang malapit na siya sa ibaba ng ring mabilis ang pagtatakbo ang ginawa niya at umangat ang kanyang mga paa mula sa floor ng arena. Tila kagaya siya sa ibon na lumipad papunta sa ring, Dunk ang ginawa ni Calyx.

Halos ayaw maniwala ni Calyx, bago matapos ang oras ng last quarter ay nagawa niyang i-shoot ang bola. Bingo!

Nanalo ang Philippines team. Nagtatakbuhan ang mga team mates niya patungo sa kinaroroonan ni Calyx, atsaka niyakap siya ng mga ito at hindi maitatago ang saya na nararamdaman ng bawat isa. Naramdaman na lamang ni Calyx na umangat ang katawan niya. Pinagko siya ng mga ito at pinasa-pasa sa ere habang tumatawa, tumatawa na rin siya dahil sa sobrang saya na naramdaman niya. Dahil sa mauuwi na nila ng mga ka-team mates niya ang gold medal at trophy.

Sigawan at hiyawan naman ang mga manonood lalo't ang mga kababayan Pinoy. Hindi rin maitago sa mukha ng mga ito ang tuwa at saya dahil sa nanalo ang Team Philippines.

"Congrats Kuya Calyx," Si Gwen na yumakap pa ito kay Calyx.

Tinapik niya ito sa balikat. "Congrats din Gwen, Congrats sa atin lahat." Aniya na may malalapad na ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi.

"Bravo Calyx Raider! Hanggang ngayon wala ka pa rin mintis pagdating sa bola pati na rin sa checks." Si Coach Gonzaga na tumingin sa isang side na kung saan may mga kababaihan na sumisigaw sa pangalan ni Calyx.

Tumawa siya, "Just a little game with those girls. Type ko 'yong isa sa kanila." Nakangising turan ni Calyx.

"Well, it's your time to play the different game. But remember maaga pa tayo babalik bukas ng Pinas."

"Don't worry coach. Early catch bird ako. Paano mauuna na ako. I need some of rest para sa kakaibang laro mamaya." Niligpit niya na ang mga gamit niya at pagkatapos ay sinukbit sa balikat niya ang backpack.

"Don't forget our dinner later." Pahabol ni Coach Gonzaga.

Lumingon siya rito. "I'll try my best na makahabol sa dinner."

SAMANTALA SA PILIPINAS- maagang niligpit ni Margaux ang mga gamit niya nang mga sandaling iyon ng sa ganoon maaga rin siyang makauwi ng bahay upang makapagluto siya para sa hapunan. Gusto kasi niyang surprisahin ang kasintahan. Their 10th year anniversary, boyfriend niya na ito simula noong high school pa sila at ito rin ang first love niya. Para kay Margaux si Welson na ang lalaking pakakasalan niya at paglalaanan ng buong buhay niya. Naka-set na ang puso't isip niya para sa kasintahan.

"Mukhang maaga ka uuwi ngayon ah, " pansin ni Net na lumapit ito sa table niya. Kasamahan niya sa trabaho at isa sa malapit na kaibigan niya.

Umangat siya ng mukha mula sa pagkakayuko dahil inaayos niya pa ang mga folders na naglalaman ng mga files at isa-isa niyon inilalagay sa drawer ng lamesa niya.

"Oo, eh. Ano kasi... " aniya na medyo nahihiya pa.

Tumaas ang isang kilay ni Net. "Dahil magkikita naman kayo ng boyfriend mo? Ano na naman ang kailangan niya sa'yo at naalala ka niya."

"Anniversary kasi namin ngayon. Kaya magluluto ako para sa dinner gusto ko siyang surpresahin." Patuloy pa rin siya sa pag-aayos ng mga dukumento na nakapatong sa lamesa niya.

"Bakit ikaw ang nag-eeffort? Dapat siya ng gagawa n'on sa'yo. Hindi 'yong ikaw. Girl, dapat ang mga lalaki ang nag-eeffort para sa ating mga babae kung paano tayo mapapasaya. Pero sa nakikinita ko sa'yo. Parang ikaw lang ang nag-eeffort." Mahabang litanya ni Net.

"Palagi naman kasi siya busy Net. Kaya wala na siyang gaanong oras para sa akin. At naiintindihan ko naman ang nasa situation niya." Pagtatanggol ni Margaux sa boyfriend niya.

"Diyan ka naman Margaux, pinagtatanggol mo na naman 'yang boyfriend mo." Hindi kasi lingid sa kaalaman ni Net ang totoong status nila ni Welson.

Kahit siya napapansin at naramdaman na iba na ang pakisama at pakikitungo ni Wilson sa kanya nitong mga nakaraan na buwan hanggang ngayon. Ang palaging sinasabi at dahilan nito ay palaging busy sa trabaho at maraming ginagawa kaya naman wala na rin gaanong oras ito na ilalaan para sa kanya. Subalit nangako naman ito na babawi raw ito kapag may bakanteng oras na ito. Naiintindihan niya naman si Wilson.

"Mahal ako ni Wilson. Hindi niya maiisip na lolokohin ako. Ngayon pa na matagal na kami." Nginitian niya si Net.

"Iwan ko sa'yong babae ka. Paniwalang-paniwala ka sa mga sinasabi ng boyfriend mo na 'yan. Girl wala sa tagal o ikli ng relasyon at pinagsamahan kung gusto gumawa ng kalokohan ang isang tao. Mamaya niloloko ka na pala ng Wilson na 'yan." Giit na sabi ni Net. "Kailan ka pa kaya mauuntog para naman magising ka na sa mga pinaggagawa ng jowa mong iyon." Dagdag na sabi pa nito.

" Net naman?" Aniya na nanlaki pa ang mga mata niya.

"Ganyan na ba talaga ang pagkakilala mo kay Wilson? Hindi kami magtatagal ng sampung taon kung hindi niya ako mahal."

"Okay, basta huwag masyadong magtiwala at maniwala sa mga sinasabi ng boyfriend mo na 'yan."

"Sige na mauuna na ako sa'yo sa pag-uuwi." Aniya at kinuha ang bag niya.

Nang makarating si Margaux sa apartment na tinutuluyan niya agad siya nagbihis ng damit pambahay. Pagkatapos niyon ay agad siyang pumunta ng kusina para harapin naman ang mga lulutuin niya para sa dinner date nila ni Wilson.

Nagluto siya ng carbunara, chicken grill na niluto niya sa turbo grill, meron din siyang ginawang mashed potato at vegetables salad at red wine.

Matapos na siyang magluto at nailigpit niya na ang mga kasangkapan na ginamit niya sa pagluluto. Sunod niyang hinarap at ginawa ang pag-arrange ng table sittings. Nang makuntento na si Margaux sa table arrangements niya. Mabilis siyang nag shower at nag-blower ng buhok. Nag-apply rin siya ng pulbo at manipis ng lipstick. Simple lang din siyang manamit. Ngunit hindi pa rin maitatago ang kagandahan taglay niya.

Ilang beses niya ng sinusubukan na tawagan si Wilson sa mobile phone nito ngunit hindi nito sinasagot alin man sa tawag niya. Ilang beses niya na rin tinitext pero hindi rin ito nagrereply.

Pabalik-balik siya sa paglalakad mula kusina papuntang sala. Dahil sa hindi siya mapakali nang mga sandaling iyon at nag-alala na rin siya para kay Wilson baka kung ano na ang nangyayari sa binata.

"Marg, gising ka pa rin pala?" Si Rheanna na kaibigan at kasamahan niya sa apartment.

"Hindi pa rin kasi dumating si Wilson." Aniya na nakasilip sa bintana.

"Sinubukan mo na bang tawagan. Para matanong mo siya kung nasaan na siya o darating pa siya. Madaling araw na, " naghihikab pang sabi ni Rheanna.

"Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko at hindi rin siya nagrereply sa mga text ko."

"Sigurado hindi na darating ang jowa mong iyon. Tara tayo na lang ang kakain sa mga inihanda mo. Nagugutom na naman ako atsaka nagrereklamo na naman ang mga alaga ko sa tiyan. Sayang lang din 'yon kung hindi makakain at itatapon lang ang mga iyon mabuti na 'yong mapakinabangan natin." Nakangiting wika ni Rheanna, at naglakad na ito papuntang kumidor.

Sumunod na lamang si Margaux dito. Ngunit hindi pa rin siya mapakali at nag-alala para sa nobyo.

"Alam mo Margs, ikain mo na lang 'yan. Kaysa mag-isip ka ng mag-isip diyan." Ani Rheanna na sinimulan ng lantakin ang mga pagkain.

Ngumiti si Margaux. "Nagugutom na rin ako. Kaya uubusin natin ang mga pagkain na 'to."

"Oo, ba." Ani ni Rheanna na punong-puno ng pagkain ang bibig. "Ito pa 'yong wine." Anito na binuksan ang bote ng wine at nagsalin sa wine glass. Pagkatapos niyon ay binigyan siya nito.

"Thank you," pasasalamat ni Margaux. "Bawal ang diet ngayon." Aniya.

"'Di ba kanina lang ang championship ng basketball?" Tanong ni Rheanna.

"Oo, sa sea games?" Aniya na tumingin pa kay Rheanna.

Dali-daling tumayo si Rheanna atsaka binuksan ang television. "Ay, bongga panalo ang Pilipinas." Ani Rheanna na tumitili pa. Insakto lang kasi na pagbukas nito ay ang laman ng balita ang pagiging champion ng kupunan ng Pilipinas.

At ang laman ng headlines ay si Calyx Raider.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status