LOGINSa loob ng pitong taong pagsasama, nagtiis si Ivy Mendoza sa kung paano siya itrato ng asawang si James Gonzaga. Pitong taon silang kasal, ngunit kailanman ay hindi siya nito itinuring na asawa. Wala itong ibang minahal kung hindi si Ana Dizon. Ayos lang sa kanya iyon, matitiis niya dahil umaasa siyang balang araw, mamahalin din siya ng asawa. Ngunit ibang usapan na kung ang mismong ang anak niyang inaruga, inalagaan at minahal ay hihilinging maging ina na lang ang babaeng kinasusuklaman niya kaysa sa kanya. Kailangan niyang irespeto ang sarili niya, kailangan niyang umalis. Ngunit kung kailan siya aalis, doon naman ito maghahabol?
View MoreNakarating si Ivy Mendoza sa NAIA International Airport lampas na ng alas-nuwebe ng gabi noon.
Kaarawan niya ngayon.
Nang buksan niya ang kanyang telepono, marami siyang natanggap na text, pagbati para sa kanyang kaarawan.
Lahat iyon ay galing sa kanyang mga katrabaho at kaibigan.
Ngunit, walang anumang balita o mensahe mula kay James Gonzaga.
Unti-unting nawala ang ngiti ni Ivy Mendoza.
Lampas na ng alas-diyes ng gabi nang makarating sila sa villa.
Nagulat si Tiya Marie nang makita siya. “Binibini, ano ang dahilan ng inyong pagpunta rito?”
“Nasaan po si James at Sophia?”
“Wala pa po ang amo, at ang senorita naman ay naglalaro sa kanyang kwarto.”
Iniabot ni Ivy Mendoza, ang kanyang mga bagahe at umakyat sa itaas. Nakita niya ang kanyang anak na nakasuot ng pajama at nakaupo sa maliit na mesa, abala sa ginagawa. Sobrang pokus nito na hindi man lang napansin na may pumasok sa kwarto.
“Sophia?”
Nang marinig ang boses, lumingon si Sophia, at masayang sumigaw, “Mommy!”
Pagkatapos ay bumalik ulit ito sa kanyang ginagawa.
Lumapit si Ivy, at niyakap ito, ngunit pagkatapos lang ng isang halik ay itinulak siya nito palayo. “Mommy, busy pa po ako eh.”
Dalawang buwan nang hindi nagkikita ang mag-ina at labis na namimiss ni Ivy ang kanyang anak. Gusto-gusto niya itong halikan at kausapin nang matagal.
Nakikita niya kung gaano ito kaabala, kaya hindi niya gustong guluhin ito. “Gumagawa ka ba ng kwintas?”
“Opo!” Kitang-kita ang interes sa mukha ni Sophia. “Kaarawan po ni Tita Ana, sa susunod na linggo. Regalo ko po ito sa kanya. Pinaghandaan ko po ito at pinakinis ni Daddy gamit ang mga gamit niya. Ang ganda po no, ‘di ba?”
Nanikip ang dibdib ni Ivy. At bago pa man siya makapagsalita, narinig niya ang anak na nagsabi nang nakatalikod, “Nag-order na rin po si Daddy ng ibang regalo para kay Tita Ana, bukas po itong darating!”
Bumilis ang tibok ng puso ni Ivy, at hindi na niya napigilan ang sarili. “Sophia… naaalala mo ba na birthday ni Mommy ngayon?”
“Ha? Ano po?” Tumingin si Sophia, sa kanya, tapos ay ibinalik ang tingin sa hawak na kuwintas at nagrereklamong sabi, “Mommy, huwag po kayong makulit, namali po tuloy ang pagkakasunud-sunod ng beads ko!”
Binitawan ni Ivy ang anak at hindi na nakapagsalita.
Nakatayo lang siya doon nang matagal. Nang makitang hindi man lang ito tumingin ulit sa kanya, naitikom ang labi ni Ivy, at tahimik na lumabas ng kwarto nang walang sinasabi.
Nang makita siya ni Tiya Marie, sinabi nito, “Binibini, tinawagan ko po ang asawa mo. May gagawin daw po siya ngayong gabi kaya magpahinga na muna kayo.”
“Naiintindihan ko.”
Sumagot si Ivy, pero naalala niya ang sinabi ng anak kaya huminto siya at dinial ang numero ni James.
Matagal bago may sumagot sa kabilang linya, at ang boses nito ay malamig at walang pakialam. “May ginagawa ako, bukas na lang tayo mag-usap”
“James, bakit ang tagal bago ka sumagot?”
Mahigpit na hinawakan ni Ivy, ang telepono.
“Wala.”
Bago pa makapagsalita si Ivy, ibinaba na agad ni James ang tawag.
Halos tatlong buwan na silang hindi nagkikita ng asawa. Nagsikap pa siyang makarating hanggang sa bansang iyon, pero ni hindi man lang siya inasahan o pinuntahan. Ni hindi man lang nagkaroon ng pasensya na makinig sa kanya kahit saglit lang…
Sa loob ng mahabang panahon ng pagsasama, ganyan na lagi ang trato niya sa kanya, malamig, malayo, at mainitin ang ulo.
Sanay na sanay na siya rito.
Dati, tatawagan niya ulit ito nang may pasensya, tatanungin kung nasaan ito at kung kailan uuwi.
Pero ngayon, parang pagod na siya at biglang nawalan ng gana.
Nang magising kinabukasan, pinag-isipan niya muna bago napagdesisyunang tawagan ulit si James.
Hindi man lang niya naalala na kaarawan pala niya kahapon.
Kahit na alam na ni Ivy na mangyayari ito, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang at lungkot.
Pagkatapos mag-ayos, pababa na sana siya nang marinig niya ang boses ng anak at ni Tiya Marie, mula sa ibaba.
“Binibini, halika rito. Bakit parang malungkot si Mommy?”
“Nagkasundo na po kami ni Daddy na pupunta kami sa beach kasama si Tita Ana bukas. Kung biglang sasama si Mommy, magiging awkward po talaga.”
“At saka po masungit si Mommy, lagi niya po akong sinisigawan kapag kasama si Tita Ana”
“Si Mommy mo ang dapat mong respetuhin. Masasaktan ang damdamin niya kapag narinig niya ‘yan, alam mo ‘di ba?”
“Alam ko po, pero mas gusto po namin ni Daddy si Tita Ana. Pwede po bang si Tita Ana na lang ang maging Mommy ko?”
Hindi na narinig ni Ivy ang sumunod na sinabi ni Tiya Marie.
Siya lang ang nagpalaki sa anak. Pero nitong nakaraang dalawang taon, mas madalas magkasama ang mag-ama, kaya mas naging malapit ang bata kay James.
Noong nakaraang taon, nang pumunta si James sa bansang ito para sa negosyo, ipinilit pa ng anak na sumama.
Hindi niya kayang iwan ang anak at umaasa siyang mananatili ito sa tabi niya.
Pero ayaw din niyang makitang malungkot ito, kaya pumayag na lang siya.
Ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari...
Natigilan si Ivy, namutla ang mukha at nanatiling hindi makagalaw.
Iniwan niya ang trabaho niya at sumama dito para lang makasama at makapaglaan ng oras sa anak.
Pero ngayon, parang wala na palang saysay ang lahat.
Bumalik si Ivy sa kwarto at ibinalik sa maleta ang mga regalong dala niya galing sa Naia.
Maya-maya pa, tumawag si Tiya Marie at sinabing inilabas niya muna ang bata para maglaro, at sabihing tawagan lang daw siya kung may kailangan.
Nakaupo si Ivy, sa kama, pakiramdam niya ay nangulila, ang kanyang puso at siya ay lubos na nalilito.
Iniwan niya ang lahat at nagmadaling pumunta rito, pero sa huli, napagtanto niyang wala palang tunay na nangangailangan sa kanya.
Parang isang malaking biro lang ang pagdating niya.
Matagal bago siya lumabas ng kwarto.
Gumala-gala siya nang walang patutunguhan sa bansang ito na para sa kanya ay bago pero pamilyar na rin.
Halos tanghali na nang maalala niya na may usapan pala silang mananghalian ni James.
Naaalala pa niya ang narinig kaninang umaga.
Nag-aalinlangan pa siya kung uuwi ba at susunduin ang anak nang bigla siyang makatanggap ng mensahe mula kay James.
[May importante akong gagawin ngayong tanghali, kaya kinakansel ko na ang lunch natin.]
Tiningnan lang ni Ivy, ang mensahe at walang kaabog-abog na naramdaman.
Sanay na sanay na siya.
Sa paningin ni James, mas mahalaga ang lahat, negosyo man o lakad kasama ang mga kaibiga, kaysa sa kanyang asawa.
Lagi na lang niyang kinakansela ang mga plano nila nang basta-basta.
Ni minsan ay hindi niya inisip ang nararamdaman ni Ivy.
Nalilito?
Siguro noong una pa lang.
Pero ngayon, parang manhid na siya at wala na siyang maramdaman.
Lalo pang nalito si Ivy.
Dumating siya nang puno ng pag-asa, pero kahit sa asawa man o sa anak, ang sumalubong lang sa kanya ay kawalan ng pakialam.
Si Aling Kate, pala, ang kanilang kapitbahay na nakatira sa kabilang kalsada."Miss Ivy, naabala ko ba kayo?"Mahinahong sumagot si Ivy, "Hindi po, gising na po ako.""Mabuti naman," masayang sabi ni Aling Kate. "Ito po ang mga siopao at siomai na bagong luto kaninang umaga. Dinala namin para matikman niyo.""Salamat po, pero... napakabait niyo po talaga.""Wala po 'yun, wala po. Kung hindi dahil sa pagliligtas niyo sa anak ko noong mga nakaraang araw, hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya kung nakagat pa siya ng asong galit na 'yun. Matagal na po kaming gustong magpasalamat nang maayos, pero abala po kami sa trabaho kaya hindi kami nakapunta. Nahihiya po talaga ako...""Wala po 'yun, Aling Kate. Napakabait niyo po talaga."Matapos magpalitan ng kwentuhan, umalis na si Aling Kate.Bumalik si Ivy, sa kanyang kwarto at kumain ng almusal habang pinag-aaralan ang algorithn na kasalukuyan niyang sine-study.Pagsapit ng hapon, may lumabas na balita tungkol sa ika-100 anibersaryo ng T
"Kung hindi ako pupunta sa pagkakataong ito, hinding-hindi na ako makikipag-usap sa inyo," mariing sabi ni Ivy Mendoza.Walang sumagot sa kabilang linya at pinatay na lang ang tawag.Alam ni Ivy, na ibig sabihin noon ay pumayag na ito.Napangiti si Ivy.Ang hindi niya sinabi, gusto na niyang bumalik sa kumpanya.Noong nagsisimula pa lang ang negosyo, pinili niyang mag-asawa at magkaanak bilang partner. Umalis siya pansamantala para mag-focus sa pamilya, na naging dahilan ng pagkaantala ng plano at pagkawala ng maraming oportunidad para sa kumpanya.Dahil dito, nagalit at nainis ang lahat sa kanya.Kaya nitong mga nakaraang taon, halos wala na silang komunikasyon.Gusto man niyang bumalik, naging sentro naman ng buhay niya ang kanyang pamilya mula noong ikasal siya.Masyado na ring matagal siyang nawala sa industriya.Nag-alala siya na baka kung babalik siya nang walang paghahanda, mahuli na siya sa takbo at hindi na makasabay.Kaya plano muna niyang pag-aralan nang mabuti ang kasaluku
Pagkatapos umalis ang kanyang anak patungo sa Maynila, kasama si James, hindi pa sanay si Ivy, noong una at labis niya itong nami-miss, kaya't panay ang kanyang pagtawag dito.Wala na talagang saysay ang pagse-set ng alarm clock noon pa man.Hindi niya kayang tuluyang mawala sa kanya ito.Sa pag-iisip nito, napangiti si Ivy, ng pilit nangiti.Matapos mag-isip nang ilang sandali, binura ni Ivy, ang alarm, pinatay ang telepono, at natulog.Sa kabilang banda.Halos matapos na sa almusal sina James, at Sophia.Bagama't alam ni James, na halos araw-araw ay tumatawag si Ivy, sa kanyang anak sa oras na iyon, pero wala naman siyang gaanong pakialam.Hindi tumawag si Ivy, ngayong araw. Napansin niya ito, ngunit hindi niya pinansin. Matapos mag-almusal, umakyat siya para magpalit ng damit.Naramdaman ni Sophia, na lalong humahaba ang mga sinasabi ni Ivy, at mas lalo siyang nawawalan ng ganang makipag-usap dito sa telepono.Nang makita na hindi pa tumatawag si Ivy, sa ganoong oras, naisip niya n
Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa restorant na madalas nilang puntahan ni James.Papasok na sana siya nang makita niya sina James, Ana, at Sophia, na nasa loob at sabay-sabay na kumakain.Kausap niya si James, habang nilalaro ang buhok ng bata.Masayang sumasayaw ang mga paa ng anak habang kausap si Ana, at pagkatapos ay kumain ng mga tinapay na inabot nito.Ngumiti si James, at inalalayan silang dalawa, pero ang mga mata niya ay nakatitig lang kay Ana. Para bang iyon lang ang taong nakikita niya.Ito pala ang ibig sabihin ni James, nang sabihin niyang "may gagawin siya."Ito pala ang anak na ipinaglihi niya nang siyam na buwan, at muntik pang mamatay habang ipinapanganak.Napilitan ngumiti si Ivy.Nakatayo lang siya doon at pinagmamasdan sila.Maya-maya, iniwas niya ang tingin at tahimik na umalis.Pagbalik sa villa, inihanda ni Ivy, ang mga papeles ng diborsyo.Kung hindi dahil sa nangyari noong gabing iyon at sa pilitan ng matanda, hinding-hindi ito magpapakasal sa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.