SI TRINA…SI TRINA ang babaeng iniibig ni Vincent. Noon hanggang sa kasalukuyan. Dahil mula nga noon hanggang sa mga sandaling ito, nananatiling kasama pa rin ni Vincent ang presensiya ni Trina sa kan’yang sistema.Kakaiba ang gandang taglay ni Trina. Siya ang tipo ng babaeng hindi mo pagsasawaang pagmasdan ang maamo ngunit makarismang mukha. Ika nga’y, maalindog. Malakas ang sex appeal. Takaw pansin sa mga kalahi ni Adan.Ang kagandahan niya ang bumihag sa noo’y bata pang puso ni Vincent. Si Vincent nama’y nabihag din ang puso ni Trina sa kabila ng maraming kalalakihang humahanga rito noon. Ito ang nakitaan ni Trina ng mga katangiang hinahanap niya na wala sa iba.Ngunit si Trina, sa kabila ng relasyon noon kay Vincent, may ibang lalaking umangkin nang ganap sa kan’yang puso. Itinali siya nito nang tuluyan. Hinandugan si Trina ng magarbong kasal sa simbahan.Hindi tinanggihan ni Trina ang kasal na inihandog ni Dan dahil sa maraming kadahilanan. At ang pinakaunang dahilan – ang kan’y
MAHIGIT TATLONG BUWAN ang matuling lumipas…Kung ikukumpara ang dating itsura ni Andrea noong hindi pa niya nakikilala si Vincent, at sa itsura niya ngayong dinadala niya na ang ‘binhi’ ng lalaking ‘natagpuan’ niya, mahahalata na ang umbok ng kan’yang tiyan. Bahagya na ring nagkalaman ang kan’yang mga pisngi dahil sadyang napapalakas talaga ang kain niya sa paglipas ng mga araw.Totoo nga pala talaga ang sinabi ni Meldy. Magtatakaw siya sa pagkain. At madalas, marami siyang gustong kainin. Lamang, hindi niya mabili lahat o makaing lahat.May mga gabi kasi na bigla siyang maaalimpungatan. Hindi naman siya nagugutom pero kung bakit parang gusto niya lang kumain.Noong minsan nga, parang ibig niyang kumain ng balot. At parang tanga siya na manunungaw sa bintana upang mag-abang ng nagtitinda ng balot pero bigo siyang makabili kasi bihira ang naglalako ng penoy-balot sa dakong iyon ng lugar nila.Noong nakaraan naman, buti maaga-aga pa, parang nasabik siyang bigla na kumain ng lugaw na m
MADALING nagkasundo ang Mayor ng bayan na iyon at si Andrea hinggil sa bentahan ng bahay at lupa ng dalagang ina.Hindi na tumawad si Mayor Alcala sa presyong inilatag ni Andrea sa kan’ya lalo na nang sabihin niya ritong ibibili niya rin ng lupa’t bahay ang mapagbibilhan nito at magtatayo siya ng maliit na negosyo sa probinsiya’ng lilipatan niya.Madali lang ang naging proseso nang pag-aayos at pagsasalin ng mga dokumento, palibhasa’y nasa gobyerno ang naging buyer ni Andrea. Wala nang kuskos balungos, ika nga. Madaling nakapaglabas ng salapi dahil ang proyekto ay para sa kapakanan ng taong bayan. Agad itong inaprubahan ng mga departamentong nangangasiwa sa pananalapi ng lokal na gobyerno.Nang gabing iyon, na siyang huling gabi ni Andrea sa bahay nilang iyon, ewan ba niya kung bakit kasalukuyan siyang nakararamdam ng labis na kalungkutan. Kung kelan, ganoon siya kabilis na nagdesisyon na ibenta na lang iyon, bakit saka pa siya nalulungkot ngayon?Bukas, aalis na siya sa bahay na ito.
SA TULONG ng mag-asawang Meldy at Toto, mabilis na nagkaroon ng sariling bahay at lupa si Andrea sa lugar na iyon. At halos wala pang tatlong buwan buhat nang dumating sila roon, mayroon na rin siyang maliit na grocery store na kadikit lamang ng pinagawa niyang maliit pero presentableng bahay na angkop lamang para sa kanila ng magiging anak niya.Nakabili siya ng lote na may sukat na fourty square meters sa isang barangay doon, sa Barangay Mamangal. Tila paraiso ang lugar na iyon. Kaygandang pagmasdan ng dalampasigan na maituturing din na tourist spot lalo na kapag papalubog na ang araw. Tila ba nakakawala ng stress habang nakatunghay ka sa isang bahagi na iyon ng kalikasan.Bagama’t sinasabi na ang probinsiya ng Catanduanes ay ‘tahanan ng bagyo,’ dahil lagi itong dinadalaw ng masamang panahon, sa kabila naman noon ay nanatili itong nakatindig at napreserba ang kagandahan ng isla na ika-labingdalawa sa pinakamalalaking isla sa Pilipinas.Ani Andrea sa sarili, hindi niya pagsisisihan n
“WELCOME BACK!” halos sabay-sabay na bigkas ng mga kaibigan ni Vincent nang masaya siyang salubungin ng mga ito matapos siyang lumabas sa arrival area sa airport ng araw na iyon. Agad niyakap ng mga ito si Vincent nang buong kasabikan na animo’y napakatagal na panahon nilang hindi nakita.Sobrang saya rin ang nararamdaman ng binata nang mga sandaling iyon dahil makalipas ang mahigit isang taon, nakita niyang muli ang mga kaibigang itinuturing niyang bahagi ng kan’yang buhay. Iba pa rin talaga ang pagkikita-kita at usapan sa personal kesa sa madalas nilang pagbi-video call sa social media.Parang mga batang dinaluhong nina Roy, Fael at Gino si Vincent.“At last! Nandito na uli ang bachelor ng tropa!” sabi pa ni Gino. Ngumuso pa ito at hinalikan si Vincent sa pisngi.“Bachelor ka diyan, eh baka kamo natalian na ‘yan sa Japan no’ng Haponesa niya!” Sabi naman ni Roy na kinuha ang isang maleta sa kamay ni Vincent.“Ipapuputol ko ang isang daliri ko kung nagpatali na ‘yan, pare!” birong ham
ISA sa driver ng Team Vincent ang sumundo sa binata buhat sa restobar ni Fael. Habang daan kinumusta niya ang mga tauhan at ang takbo ng kompanya habang siya ay nasa ibang bansa.Bagama’t halos araw-araw naman niyang mino-monitor ang maliit niyang negosyo maging ang kan’yang mga tao sa pamamagitan ng pakikipag-usap niya sa mga ito thru video call, at malaki naman ang tiwala niya sa kan’yang mga tauhan na hindi pababayaan ng mga ito ang trabaho kahit hindi nila siya personal na kasama, mas kampante pa rin siya kung mapapakinggan ng personal ang updates sa Team Vincent. At sa dami ng mga napakinggan niya ngayon, nasiyahan siya sa mga narinig. Napatunayan niya, nasa Pilipinas man siya o wala, hindi babagsak ang Team Vincent. Maaasahan at mapagkakatiwalaan niya talaga ang kan’yang mga tauhan.Gabi na nang makarating ng bahay sina Vincent dahil sa mga dinaanang traffic pero gising pa si RJ na mat’yagang naghintay sa kan’yang papa.Halata ang kasabikan sa ‘ama’ sa naging reaks’yon ni RJ nan
“DALAWA na ang anak natin, Dan! At tatlo na sana kung hindi ako nakunan noong una. Hindi pa ba sapat ‘yun para matigil ka na sa kaseselos mo kay Vincent? For God’s sake!” Hindi na napigil ni Trina ang sarili na pagtaasan ng boses ang asawa nang mga sandaling ‘yun.Umagang-umaga kinabukasan ay nagtalo sila dahil lang sa nahuli siya nito na pinapanood sa f&b ang katuwaan nina Vincent nang nagdaang gabi.“You want me to stop being jealous of that man? So get him out of your life forever! Remove all your connections with him!” galit na galit si Dan. Inagaw pa nito ang cellphone ni Trina at ibinato ito.Nahintakutan si Trina sa inasal ng asawa. Hindi agad ito nakahuma at maya-maya’y umiyak na lamang. “You’re acting like a kid, Dan. Na para bang inaagawan ng laruan…!”“Hindi ba? Hindi ba parang ganoon na nga, Trina? But then, masisisi mo ba ako? Noon pa man, kaagaw ko na sa puso mo ang Vincent na ‘yun!” niyuko nito ang asawa na nakaupo sa kama na humahagulgol ng iyak. Itinaas niya ang baba
NAGING maramot na kay Vincent ang antok nang gabing iyon matapos siyang bumalik sa kan’yang higaan.Samo’t saring mga alalahanin na ang nagsalimbayan sa utak niya na hindi na nagbigay uli ng pagkakataong makabalik siya sa pagtulog.BAKIT nga ba hanggang ngayon ay hindi siya maka-move on sa una niyang pag-ibig sa katauhan ni Trina?Tanong iyon ni Vincent. Ilang beses niya ba ‘yong itinanong sa sarili? At muli, siya rin ang nagbigay ng sagot sa tanong na iyon. Binigyang katuwiran niya ang kan’yang mga dahilan.Siguro dahil, nang maulila siyang lubos, si Trina lang ang nakita niyang magpapasaya na muli sa puso niya. Na itinuring niya ngang sandigan sa mga panahong naghahanap siya ng pamilya na papawi sa mga kalungkutan niya.Hindi biro ang mga pinagdaanan niya. Hindi niya naranasan ang magkaroon ng ina habang siya ay lumalaki dahil maliit pa lamang siya nang mamatay ito sa panganganak sa kapatid niya na sinamang palad din at hindi nakaligtas.Binatilyo naman siya nang masawi ang tatay ni