Mag-log inIsang buwan bago ang kasal, tumakas ang kakambal ni Mikyla Ventura na si Zyra Ventura sa fiancé nitong si Arif Fulgencio. Ang dahilan nagbago ang isip at hindi mahal ang lalaki. Upang maiwasan ang kahihiyan, nagpasya ang magkabilang panig na si Mikyla na muna ang papalit bilang bride ni Arif. Tutal, identical twin naman silang dalawa ni Zyra. Pero, tutol dito si Mikyla. Lalo na at hindi naman sila magkasundo ni Arif. Noon pa man, tingin niya na kay Arif ay isang arogante, barumbado, basagulero at higit sa lahat, masama ang ugali. Isa pa, ayaw niyang sumalo sa tira ng iba. Lalo na nang kakambal niya. Pero, ano ang gagawin niya kung si Arif Fulgencio na din mismo ang gumagawa ng paraan para siya na lang ang sumalo sa iniwan ng kakambal niya? “I've changed my mind.. Ikaw na lang ang magpakasal sa akin tutal, mukhang wala nang balak pang bumalik ang kakambal mo!” seryosong wika ni Arif kay Mikyla. Kaagad din namang tumutol ang kalooban ng dalaga pero kaya niya bang baliwalain ang pakiusap ng mga magulang niya? Kapag hindi siya sumunod sa nais ng mga ito, malulugi ang negosyo at ha-huntingin ng mga Fulgencio si Zyra. Kaya niya bang makita na mapahamak ang lahat ng mga mahal niya sa buhay?
view moreMIKYLA POV
‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikutin ang buong Pilipinas gamit ang kanya-kanya naming motor. Wala namang dapat na ikabahala dahil marami naman kami sa grupo. Apat na babae pitong lalaki. At kasama sa grupo na ito ang mga kaibigan ko since High School Habang tumatakbo ang motor ko sa makahoy na lugar, ramdam ng buong katawan ko ang malamig na simoy ng hangin. This is life, ito ang matagal ko nang gusto. Ang magtravel gamit ang motor at libutin ang buong Pilipinas. “Mikyla, are you okay? Sa unahan natin, napa-trouble daw si Pinky. Sumabit ang motor niya sa isang kotse at galit na galit ang may-ari.” mula sa suot kong speaker narinig ko ang boses ni Joda. At sa unahan ko lang nakita ko ang umpukan ng mga tao Dali-dali kong itinabi ang motor ko at bumaba. Nilapitan ang kaibigang si Pinky na nakahadusay sa gilid ng kalsada. Namimilipit sa sakit habang nakatayo sa harapan niya ang tatlong lalaki “Pinky!’’ tawag ko. Ang iba pa naming mga kasamahan ay isa-isa nang nagsidatingan. Dali-dali kong tiningnan ang injured ni Pinky at hindi ko maiwasan na makaramdam ng labis na pag-aalala nang mapansin ko kung gaano kalubha iyun. “Mikyla, hindi ko sinasadya. Patay ang ilaw ng sasakyan nila na nakaparada sa gilid ng kalsada at blindspot kaya hindi ko napansin.” wika ni Pinky sa akin. “Okay..okay, huwag ka munang gumalaw hanga't hindi pa dumadating ang rescue.” seryosong bigkas ko. At pagkatapos noon, dahan-dahan na akong tumayo para harapin ang taong may -ari ng sasakyan Kitang kita ko ang galit sa mga mata nila. Nagsilapitan na din ang iba pa naming mga kasama. “Miss, paano ba iyan, kailangan niyo kaming bayaran sa perwisyo na dulot ng kaibigan mo sa sasakyan namin.” seryosong wika ng isa sa mga lalaki. Nahuli ko pa siyang pasimple akong tinititigan mula ulo hangang paa. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko “Hanga’t walang imbistigasyon at walang pulis na involved, walang magbabayad.” seryosong sagot ko Napansin ko ang biglang pagsalubong ng kilay ng nasa harap ko. Akmang lalapitan sana ako nito nang bigla nalang humarang ang isa ko pang kasamang lalaki. Si Jovan. “Woa! Woa! Boss, babae iyan. Bawal patulan!” wika nito at kaagad na pumagitna. Kaya lang, hindi inaasahan ni Jovan na bigla nalang umangat ang paa ng isa sa mga lalaki at binigyan ng malakas na flying kick si Jovan. Tumilapon ito kasabay ng pagbagsak nito sa lupa Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Ang iba pang mga kasamahan namin ay nagsipagdatingan na din. Hindi sila papayag na may isa sa kasamahan namin ang dehado. Kaya naman, ilang saglit lang sa harapan ko mismo, nagkagulo ang lahat. Suntok dito, suntok doon. Ginamit ko ang aking helmet at ibinato sa mga kalaban. Alam kong alanganin kami. Lalo na at kapansin-pansin na magaling pala ang kalaban namin sa martial arts. Hangang sa nagulat na lang kami lahat nang bigla na lang naglabas ng armas ang isa sa mga lalaki. “Sige….subukan niyong manlaban at pasasabugin ko ang bungo ng babaeng ito!”narinig kong galit na sigaw ng isa sa mga lalaki. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Si Karla, nakatutok sa ulo niya ang baril ng isa sa mga kalaban namin “Akala niyo ba mas nakakalamang kayo sa amin ha dahil mas marami kayo? Akala niyo kung sino kayo?” galit na sigaw ng lalaki. Bigla naman akong kinabahan. Rides lang naman ang pakay namin. Iyun lang at walang iba pero bakit ganon? Bakit kami napatrouble ng ganito? “Wala kayong pera? Ganito na lang, babae! Yes, babae na lang ang ipambayad niyo sa amin.” nakangising wika ng isa sa kanila. Gosh, wala sa sariling napatitig ako sa lalaki na may hawak kay Karla at hindi ko maiwasan na mapangiwi nang mapansin ko na mukha talaga siyang pusit. I mean, hindi naman sa pag-aano pero, ang pisngi kasi ng isa sa mga lalaki ay puro peklat. At halatang wala talagang matino na gagawin sa buhay “Hindi! Hindi kami papayag!’ sigaw naman kaagad ni Jovan. Nakabangon na siya pero muling napahiga nang bigla na naman itong tadyakan ng lalaking mukhang kambing. Para siyang kambing kasi simula kanina, wala nang ibang ginawa kundi ang ngumuya nang ngumuya “Wala kayong magagawa kung gusto namin. Men, kuha na kayo ng tig isang babae. Iyang babae na iyan, akin iyan ha?” sigaw ni Mr. Pusit este ng lalaking mukhang pusit sabay turo sa akin Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa takot. Napaatras pa nga ako dahil hindi ako papayag Ano ba? Ano ba namang kamalasan ito? Bakit kami nahantong sa ganito? “Areglado Boss. Siya na lang ang akin.” wika naman ni Kambing sabay turo kay Joda. Nakita ko na takot na napatago si Joda sa likod ni Renier. Si Pinky naman ay pilit na pinapatayo ng isa pa at akmang papalag sana ang iba pang mga kasamahan namin nang bigla nalang nagpaputok si Pusit. Sabay-sabay kaming napasigaw dahil sa takot. “Ano..lalaban kayo? Huwag na kasi kayong manlaban! Wala na kayong magagawa sa amin mga bata.” makangisi na wika ni Pusit. Sa tanang buhay ko, ngayun lang ako nakaramdam ng takot. God, mukhang hindi sila nagbibiro. At nang naglalakad na palapit sa akin si Pusit, bigla na lang may dumating na mga sasakyan. Pitong sasakyan at lahat kulay itim Lahat kami ay natigilan. Hindi makapaniwala. "Ano ang meron? Bakit…bakit ang daming sasakyan? Sino sila?" Bumaba ang mga taong nakaitim at sa isang iglap, biglang pinaputukan nila si Pusit. Tumalsik ang baril niya sa lupa kasabay ng sunod-sunod na pagluhod nilang tatlo. Biglang nagkagulo. Ang mga kaibigan ko, kanya-kanya ding atras. Sino ba ang hindi matatakot sa mga taong mukhang kulto? Lahat sila pareho-pareho ng suot. Naka black trouser and coat at black sunglass kahit na nasa kalaliman na ng gabi. At nang bumaba ang isang babaeng kilalang kilala ko, para akong ipinako sa aking kinatatayuan "Mikyla, Diyos ko..ikaw ba iyan? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?” wika nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi. Ang kakarating lang ay walang iba kundi ang kakambal kong si Zyra. At sa likod niya, nakatayo ang walang iba kundi ang fiancé niyang si Arif Fulgencio.MIKYLA POV “NASAAN KA NGAYON? Susunduin ka namin.” maya-maya'y muling tanong ni Zyra mula sa kabilang linya. Bakas ang matinding pag-aalala sa kanyang boses. Muling pumatak ang aking mga luha. “Hindi ko alam…” mahina kong sagot. “A-ano? Paanong hindi mo alam?” naguguluhan niyang tanong. “Hindi ko talaga alam. Hindi sinabi ni Arif kung nasaan kami. Ang alam ko lang, napakalayo ng lugar na ito sa kabihasnan, at wala akong ideya kung paano ako makakaalis dito,” nanginginig kong paliwanag. “Ano ba, Mikyla? Bakit ka kasi sumama sa kanya?” tanong ni Zyra. May bahagyang paninisi sa kanyang tono, ngunit higit sa lahat ay ramdam ko ang labis niyang pag-aalala. “I’m sorry, Zyra. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiusap, tulungan mo akong makaalis dito.”wika ko sa kabila ng aking paghikbi. “Okay... sige. Kapatid kita. Alam mong hindi kita matitiis. Gagawa ako ng paraan para ma-locate kung nasaan ka.” seryoso niyang sagot sa akin. Lalo akong napahagulhol ng iyak nang marinig ko
MIKYLA POV "M-Mikyla? Ikaw ba 'yan? Nasaan ka? Kumusta ka na? Bakit ngayon ka lang tumawag? Sunod-sunod na tanong ni Zyra mula sa kabilang linya. Nanginginig ang boses niya, halatang pinipigilan ang matinding emosyon. Napalunok ako kasabay ng mariin kong pagpikit ng aking mga mata habang mahigpit na nakahawak sa cellphone. Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko, sa sandaling ibuka ko ang aking bibig, wala nang ibang lalabas kundi ang hikbi at pag-iyak na ilang linggo ko nang pilit kinikimkim. "Mikyla? Ano'ng nangyari sa'yo? Sabihin mo sa akin." muling wika niya sa kabilang linya. Pilit ko namang pinapakalma ang sarili ko. Alam ko kasing hindi makatulong ang pag-iyak sa sitwasyon ko ngayun eh. Kausap ko na si Zyra at alam kong magiging maayos na ako. "Z-Zyra..." halos pabulong kong sambit. Mariin akong napapikit at kaagad na dumaloy ang masaganang luha mula sa aking mga mata. "Salamat sa Diyos... buhay ka." muling wika ni Zyra. “A-ano ang ibig mong sabihin?” gulat kong tanong
MIKYLA POV "PERO, bilin po ni Sir Arif, bawal daw po kayong umalis sa lugar na ito. Mapanganib daw po iyun sa buhay niyo, Ma'am at kapag mamilit po kayong umalis, baka kami naman po ang malagay sa alanganin'" wika sa akin ni Manang TAsya. "Bakit daw po? Paano niya nasabi na mapanganib sa buhay ko eh wala naman po akong kaaway?' seryoso kong tanong sa kanya "Ah basta po Ma'am, hindi po pwede! Pero kung wala na talaga tayong pagpipilian, pwede naman natin utusan si Rudy at Delilah na pumunta ng bayan para sila na ang bumili ng mga kailangan natin. Siguro, mga mahigit kalahating araw ang gugulin nila sa paglalakad bago makarating doon pero ayos na din. Sa pagbalik naman, pwede silang umarkila ng motosiklo na masakyan." mahabang paliwanag ni Manang. Hindi ko naman maiwasan na magulat sa sinabi niya. Kalahating araw? Ganoon katagal? Grabe, ganito ba talaga kalayo ang lugar na ito sa kabihasnan? "Parang mahirap po yata iyan, Manang." wika ko "Naku, sanay na kami! Teka lang, an
MIKYLA POV "HINDI mo ako maintindihan eh! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang sitwasyon ko! Para akong nasa isang lugar na hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa outside world! Pakiramdam ko, para akong isang preso. Naka house arrest nga lang! Arif, one month na ako dito at akala mo ba, natutuwa ako sa sitwasyon ko?" galit kong sigaw sa kanya. Hindi naman siya nakaimik pero nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang matinding pagkadismaya at galit. Kaya naman, muli akong nagsalita "Iuwi mo na ako sa amin!" seryoso kong wika. "NO!" walang paligoy-ligoy din niyang sagot "No? Arif...ano ba talaga ang plano mo liban sa balak mo akong itago dito habambuhay?" galit kong sigaw sa kanya "Mikyla, paulit-ulit na lang ba tayo? Sinabi ko naman sa iyo na para sa iyo itong ginagawa ko eh! Para sa relasyon natin ito at walang sino man ang pwedeng maghihiwalay sa aking dalawa!'" seryoso niyang wika. Imbes na matuwa sa sinabi niya, mas lalong sumiklab ang inis sa puso ko. "Para sa a
MIKYLA POV “Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa kataw
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore