WHEN I FOUND YOU MY LOVE

WHEN I FOUND YOU MY LOVE

last updateLast Updated : 2023-07-31
By:  Angelita NOBELISTACompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
15 ratings. 15 reviews
78Chapters
19.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Andrea ay isang guro na tumandang dalaga dahil sa pagmamanipula ng ina niyang si Selya. Nang mamatay ito, lalong nakadama ng kahungkagan sa buhay niya si Andrea. Hinangad niya na magkaroon ng anak. Kahit walang asawa. Basta kahit isang anak lang na kukumpleto sa kan'yang pagkababae at makakasama niya sa kan'yang pagtanda. Ang problema, wala siyang nobyo. Sino ang magbibigay sa kan'ya ng anak? Dumating sa isip niya ang isang plano. Hahanap siya ng lalaking may magagandang katangian upang maging ama ng pinapangarap niyang anak. Hanggang sa makilala niya si Vincent. Si Vincent na pasado ang kwalipikasyon sa hinahanap niyang lalaki. Ang isa pa uling problema, paano niya sasabihin dito na sipingan siya nito gayong hindi naman sila personal na magkakilala? Gumawa siya ng paraan. At nagtagpo uli ang landas nila ni Vincent. Sinipingan siya nito. Isang pagsisiping lang na nagbunga agad ng binhi sa sinapupunan ni Andrea. Pagkatapos noon, lumayo siya. Sapat na sa kan'ya na magkakaroon siya ng anak sinira niya man ang dangal at ginawang mababa ang kan'yang pagkatao. Sapat na sa kan'ya na natupad ang inaasam niya kahit na nga ba, sa loob lamang ng maikling panahon, minahal niya na si Vincent at pinapangarap din na makasama ito habangbuhay. Hindi malalaman ni Vincent na nagkaroon sila ng anak. Pagkatapos ng gabing iyon, ang lahat ay mababaon nito sa limot.

View More

Chapter 1

PROLOGUE & CHAPTER ONE

PROLOGUE:

KANINA pa paikot-ikot si Andrea sa harap ng full size mirror sa kanyang silid. Binibistahan niyang mabuti ang sarili.  Hindi ba masyadong makapal ang make up niya?  Ang labi niya, hindi ba parang nagdurugo sa tingkad ng lipstick na ini-apply niya dito?

Hinila niya pababa ang bestidang suot. Half of her thigh was out of the contour that reached her slender body. Hindi siya sanay sa gano’n kaikling damit na hakab sa kan’yang katawan. Lagi na’y uniporme ng guro ang suot niya. At kas’wal lang kapag naka-civilian siya.

Mukha ba siyang kaakit-akit sa itsura at suot niya’ng sleeveless dress na iyon with black and red combination? Will she give attraction to the man she has chosen to be the father of her future child?

This night is the fulfillment of her dream. Maglaho man ang kan’yang dignidad. Mawasak man ang kan’yang dangal. Who cares? Ngayon pa ba siya mag-aalala? Ngayong nag-iisa na lamang siya?

Gusto niya ng anak. Kahit isang anak lang na kukumpleto ng kan’yang pagkababae. Na makakasama niya sa kan’yang pagtanda. Na ipagkakaloob sa kan’ya ng isang lalaking pinili niya na nagtataglay ng magagandang katangian.

Si Vincent…

Si Vincent na hindi niya kakilala. Ni kaano-ano. At ganoon din ito sa kan’ya. Estranghero sila sa isa’t-isa.

Ni hindi nga nito alam na basta na lamang siya susulpot sa buhay nito ngayong gabi. At pinag-aralan na niya kung paano niya iyon gagawin. She had already practiced the strategy she needed to do, to catch his attention.

Ang binhi nito at ang binhi niya ay magtatagpo. Mabubuntis siya nito. Ganoon siya ka-positibo.

At buo na ang pas’ya niya. Hindi na mababago ninuman. Kahit ng nanay niya na tila ba pinanlilisikan siya ng mata sa tuwing sasagi ito sa balintataw niya.

“Malaya na ako sa inyo, ‘Nay. Ako na lang mag-isa ang magde-desisyon sa buhay kong ito..” sabi niya sa sarili.

Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntonghininga. Bago niya inihakbang ang mga paa palabas ng bahay. Patungo sa nag-aabang na magiging kaligayahan niya matapos ang maraming taon ng pagdurusa…

CHAPTER ONE

SI ANDREA…

“AALIS ka na ba, anak?” ani Aling Selya sa anak na si Andrea nang umagang iyon.

Si Andrea ay guro sa isang public school sa kanilang bayan.

Silang mag-ina lamang ang namumuhay sa lumang bahay na iyon na pamana kay Aling Selya ng mga magulang niya. Maliit pa si Andrea nang abandonahin siya ng asawa at nakisama sa ibang babae.

“Opo, ‘Nay. Nag-text na ako kay Aling Adel. On the way na raw siya. Siya na uli ang bahala sa inyo habang nasa eskwela ako. May ulam na ho sa ref. Pakisabi kay Aling Adel na initin na lamang niya bago kayo mananghali.” H******n ni Andrea sa noo ang ina.

“Magbaon ka ng ulam. Hindi namin mauubos ni Adel ‘yan.” anang matanda. 

“Hindi na ho. Birthday ng Principal namin ngayon. Sagot niya ang lunch naming lahat. Ubusin n’yo ‘yang gatas ninyo. At h’wag ninyong kalimutan ang mga gamot n’yo. May mga prutas akong binili kagabi, kainin ninyo.” Tumalikod na ang dalaga.

“Umuwi ka sana ng maaga. Nag-aalala ako sa’yo kapag naaatraso ka ng uwi.” pahabol dito ni Aling Selya.

Nilingon ni Andrea ang ina. “Nag-aalala o natatakot?” may pasaring sa tono niya. “H’wag kayong mag-alala, ‘Nay. Wala na akong magiging katanan ngayon. Wala nang magkakagusto sa akin. Matanda na ho ako.” sabi pa niya at lumabas na ng bahay.

Naiwang napatigagal si Aling Selya. Hindi niya nagawang sagutin ang sinabing iyon ng anak. Kagya’t siyang napaisip ng malalim.

SAKAY NG JEEP patungong eakwelahan, parang biglang nagsisi si Andrea sa binitiwang salita kanina sa ina. Minsan talaga, hindi niya maiwasan ang magpasaring dito.

Alam niya, nasaktan niya ito. Pero bakit ba kahit lumipas na ang maraming taon, hindi niya pa rin tuluyang maiwasan na paminsan-minsan ay kantiin ang damdamin nito, na nanakit din ng sobra sa damdamin niya?

Minsan, naiisip niya, kung wala lang sigurong sakit ang nanay niya, baka iniwan niya na lang ito.  Na-diagnosed kasi ng doktor si Aling Selya na may inflammantory heart desease. Isa iyon sa pumipigil sa kan’ya na talikuran ito, at aaminin niya, mahal niya pa rin naman ang ina kahit sabihin pa na --- sinira nito ang kan’yang buhay. Na inalisan siya nito ng karapatan na maging maligaya. Mananatiling naroroon ang katotohanan na hindi niya ito magagawang talikuran.

Minsan pa, muling nanariwa sa isip niya ang nakaraan…

“Pare-pareho lang ang mga lalaking ‘yan! Wala kang mapapala sa kanila! Lolokohin ka rin nila katulad ng ginawa sa akin ng ama mo!” gigil na gigil si Aling Selya habang sinasabi iyon.

“’Nay, hindi po totoo 'yan. Hindi sila pare-pareho. Malay ninyo, makatagpo ako ng lalaking hindi katulad ng tatay ko? ‘Yong mamahalin ako ng totoo at hindi ako ipagpapalit sa iba?”

Nanlisik ang mga mata ni Aling Selya. “Bakit gan’yan ka na lang ka-determinado, Andrea? Sa kabila ng pagpigil ko sa ‘yo na umiwas ka sa mga lintek na lalaking ‘yan? Bakit? Nobyo mo na ba ang Carlos na iyon? Nobyo mo na? Ha???”

Ang Carlos na tinutukoy nito ay ang manliligaw niya na bukod tanging hindi nagpasindak kay Aling Selya sa panunuyo sa kan’ya.

Sa dami ng mga lalaking nagka-interes kay Andrea, si Carlos ang siyang naging masigasig sa lahat. Harangan man yata ito ng sibat, at pakitaan ng bagong hasang itak, hindi ito maaawat makamtan lang ang pagtatangi niya. Kaya naman nahulog ang loob niya rito. Na kalaunan ay kan’ya na ring minahal.

Hindi makasagot noon si Andrea. Tanda ng pag-amin. Kaya isang malakas na sampal ang pinadapo ni Aling Selya sa pisngi niya. Na halos tumulig sa kanya.

“Napakatigas ng kukote mo! Suwail ka! Wala kang utang na loob! Ito pa ba ang igaganti mo sa akin matapos akong magsakripisyo sa ‘yo? Ang suwayin ako?

“Nagpakahirap ako para mapalaki ka, Andrea! Ginawa kong araw ang gabi upang mapagtapos ka! Ni singkong duling hindi itinapon sa ‘yo ng walanghiya mong ama! Pagkatapos heto ka? Susuwayin lang ako? Pareho lang kayo ng ama mo! Iiwanan ako! Gagawin mo ring miserable ang buhay ko!”

Nagwala si Aling Selya. Lahat ng madampot ay ibinabato. Binabasag. Hindi ito magawang awatin ni Andrea. At napilitan siyang mangako rito mapakalma lang ito.

Nakipagkalas siya kay Carlos. Kay Carlos na kasama na niyang humahabi ng pangarap. Para sa pamilyang nais sana nilang buoing dalawa.

***

NAGTATAGIS ang bagang, hindi matanggap ni Carlos ang naging pas’ya ni Andrea.

“Paano ako? Tayo? Ang pagmamahalan natin? Ang mga pangarap natin?” sunod-sunod nitong usisa. Nakakuyom ang mga palad.

“H-hindi ko kayang suwayin ang nanay, Carlos…! B-baka, baka…may mangyaring masama sa kan’ya…!” iyak nang iyak si Andrea.

“Paano kung sa akin may mangyaring masama? ‘Di ka ba maaapektuhan?”

“Carlos --- !”

Pilit na iniharap ni Carlos ang nobya sa kan’ya. Hinawakan ito sa magkabilang balikat. “Mahal kita, Andrea, at mahal mo rin ako, ‘di ba? Bakit kailangan na siya lagi ang isipin mo? Bakit kailangang ganito ang mangyari sa ating dalawa? Nang dahil sa mga pagdidikta niya sa ‘yo, kailangan bang masira ang relasyon natin? Ano na? Magpapatianod ka na lang ba lagi?  Hahayaan mo na lang ba na magdusa ka at habangbuhay niyang kontrolin ang buhay mo? Hahayaan mo na lang ba na manatili kang nag-iisa? Hanggang kailan ka susunod sa nanay mo?” Ang haba ng litanya na iyon ni Carlos. At lahat ng mga sinabi nito, totoo. Pero may magagawa ba siya?

Pinalis ni Andrea ang mga kamay ni Carlos sa balikat niya. “P-patawarin mo ako…!” at tinalikuran na niya ito.

Naiwan si Carlos na hindi napigil ang pagluha. Kalalaking tao man nito.

“Ma’m, school na po.” ani driver ng jeep na pumukaw sa naglalakbay na gunita ni Andrea.

Pasimple’ng pinahid ni Andrea ang luhang malapit nang dumaloy sa kan’yang pisngi. Kailan niya tuluyang makakalimutan ang sakit na dinanas?

“S-salamat po, manong..” at umibis na siya sa jeep.

***

“GOOD MORNING, MISS DOMINGO!” Sabay-sabay na bati ng mga pupils niya pagpasok ng dalaga sa kanilang classroom.

Kahit kailan talaga, bibo ang kan'yang mga estudyante. Energetic lagi sa bawat pagbati ng mga ito sa kan’ya sa bawat umaga ng buhay guro niya. Katulad ngayon.

“Good morning, class. You may now sit down and I will check your attendance.” 

Tumalima ang mga bata.

“Okay, before we proceed, did everybody do the homework yesterday?” 

“Yes Ma’m!” Sabay-sabay na sagot ng mga bata.

“Very good!” at isa-isa nang tinawag ni Andrea ang pangalan ng kan’yang mga estudyante.

Kahit paano, sa mga oras ng kan’yang pagtuturo, sabihin man na hungkag ang kan'yang pakiramdam, sa mga senaryo na gaya nito ngayon, nagagawa niyang kalimutan muna ang malungkot na bahagi ng kan'yang buhay.

“Okay, CJ. It’s your turn. Tell us something about yourself.”

Tumayo ang bata. Napakamot sa ulo. Hindi alam ang isasagot.

Nagtaas naman ng kamay ang isa pang bata. May planong mam-bully. “Me, Ma’m!”

“Yes, Manolo?”

“CJ is iyakin!”

Nagtawanan ang buong klase.

“Quiet!” ani Andrea. Naggalit-galitan.

Tumahimik naman ang mga bata. “Manolo, tama ba ang ginawa mo? Ipinahiya mo si CJ.”

Napakamot sa ulo si Manolo. 

“Say sorry to your classmate. Lapitan mo siya. And do it right now.”

Tumalima si Manolo. Humingi ng ng paumanhin sa kaeskuwela.

Napabuntong-hininga si Andrea. Napailing. Sana, ganoon lang kadaling mag-sorry. Sana ganoon lang kadaling humingi ng pasensiya, lalo na sa sarili niyang pinili niyang tanggalan ng kaligayahan. 

At sana, isang araw, marinig niya rin ang nanay niya na humingi sa kan'ya ng sorry. Dahil sa pagdidiktang ginawa nito sa kan'yang puso.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Angelita Nobelista
Sobrang ganda ng kwento nina Vincent at Andrea. Kinilig ako ng sobra at napaiyak sa love story nila. Ang galing ni author! more stories to come pa sana....️
2024-09-20 22:26:12
1
user avatar
Pepa Gy
highly recommended
2023-12-25 00:47:10
2
user avatar
Zham Gonzaga
maganda Yung story ..
2023-09-06 14:23:11
1
user avatar
April Marino Garia
5 stars kasi ang Ganda ng kwento
2023-08-13 22:32:24
1
default avatar
Joel Herico
Napakagandang kuwento!
2023-08-04 08:10:49
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
grabe super ganda ng kwento na ito.. I'm so proud kay Ate Ne na author nito..napakaganda tlga..this is her second story here in goodnovel na inaabangan ko tlga ung update.. congrats Ate Ne..labyu always .........
2023-08-01 11:53:23
1
user avatar
Angelita Nobelista
Palambing naman po ng review kina Vincent at Andeng...maraming salamat po...
2023-07-24 21:37:19
0
user avatar
Tessa Lugana Lonesto Resotay
maganda po Ang kwento n, anding at n, Vincent d kau mag sisisi pag nabasa NYU na.
2023-07-06 13:35:15
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
kwentong may super kilig..love it
2023-07-06 08:38:13
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
ito tlga ung kwento na may sobrang kilig..kakainlove..salamat sa magandang story na ito Miss. A.........
2023-07-04 09:31:10
1
default avatar
Glenda Visillas Apostol
Ganda ng story author
2023-06-20 13:32:31
1
user avatar
Angelita Nobelista
sa waiting po ng update nina Vincent at andrea, wait lang po. may pasyente lang po ako sa ospital...
2023-06-10 15:50:27
0
user avatar
Angelita Nobelista
Maraming salamat po sa mga nagbabasa kina Vincent at Andrea. Almost a week pa lang po since nang i-publish ko sila pero malaking achievement na po sa akin na sa kasalukuyan ay nasa 120+ na ang views nila. Maraming salamat po talaga. maligayang pagbabasa po lagi...
2023-05-12 19:45:04
5
user avatar
Venera
Simula palang naenganyo na akong basahin. Susubaybayan ko ito :)
2023-05-07 01:45:52
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
another exciting story na naman ito mula sa isang writer na sinusundan ko kahit saan mapunta..galing nman kasi ni author .........
2023-05-06 17:59:36
1
78 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status