Share

Side Story: 16th EGO (Part 2 of 2)

Nagtaka si Haneda-san sa mabilis at biglaan kong pagsulpot. Ito kasi mismo ang nagsabing magpahinga muna ako saglit pero hindi man lang tumagal ng limang minuto ang pagkawala ko at heto ako ngayon tila mas lalong nadagdagan ang problema.

“May problema ba, Hanamichi-kun?” kamusta ng matanda sa akin. Kasalukuyan pa itong naghahalo ng semento at tubig.

Hinihingal naman akong napasagot, “P-pasensiya na, Haneda-san. May nakakita k-kasi sa ‘kin at baka akalain niyang wala akong ginagawa kaya bumalik na lang ako,” pagpapaliwanag ko.

“At sino namang nakakita sa ‘yo? Sa inaasal mo ngayon para kang nakakita ng multo,” aniya sa sobrang pagkamangha habang nagpupunas siya ng pawis sa kanyang noo gamit ang braso niya na may mantsa ng semento na nahaluan na ng tubig pero hindi iyon naging abala sa kanya.

Napabuntong-hininga naman ako. “Hindi ko po kilala. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at mukha siyang yayamanin,” pagkukuwento ko.

“Tuxedo? Malakas ba ang kanyang dating?” us
HiGANBANA

Let me know your reactions on this chapter :)

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status