Share

CHAPTER 28

Author: JEYMSUWE
last update Huling Na-update: 2025-10-13 20:38:10

Ayah Solene’s Point of View

Pagbalik ko sa office, parang may kakaiba sa hangin. Tahimik, pero ramdam kong may alon ng bulungan sa bawat sulok. ‘Yung tipong kapag dumaan ka, biglang nag-a-adjust ang tono ng tawanan.

“Uy, Ma’am Ayah…” tawag ni Gwen, half-smiling, half-teasing. “Hindi ko alam kung dapat ba kitang batiin o i-interview.”

Napataas ako ng kilay. “Ha? Bakit?”

Sumilip siya sa cellphone niya, sabay turo sa screen. A photo. Bingo!

Ako at si Marco. Sa café. Nakatitig sa isa’t isa, parehong nakangiti. At sa caption ng group chat na, “New couple alert — coffee date spotted!”

Halos mapasandal ako sa upuan. “Mission success na ba?” sabi ko sa utak ko.

“Ang bilis niyo ah!” sigaw ni Renz habang dumadaan, may ngiting pasimple. “Kahapon project memo, ngayon may love memo na!”

“Hindi ‘yan totoo,” sabi ko agad, pero halata sa tono ko na wala rin akong gana magpaliwanag.

“Grabe, Ma’am,” singit pa ni Jane. “Ang sweet niyo tingnan, parang sa teleserye. Alam mo ‘yung may chemistry kahit walan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Waking Up Next To Him Again   CHAPTER 52

    Dave Lorian’s Point of ViewMatagal ko nang hindi naririnig ang sarili kong boses. Hindi ‘yung ginagamit ko sa meeting o sa conference, kundi ‘yung totoo. ‘Yung boses na marunong umamin.Isang umaga, habang nakaupo ako sa veranda, may lumang frame akong nakita sa isang istante — ako, si Daddy Lau, nasa harap ng kotse, parehong nakangiti. Hawak niya ‘yung balikat ko, sabi pa sa likod ng litrato…To my son, who will build something great one day.Pinikit ko ang mata ko. “Sorry, Dad.”Hindi ko alam kung ito ba ‘yung “great” na tinutukoy mo. Kasi kung basehan ay pera, oo, siguro.Pero kung ang basehan naman ay katahimikan,

  • Waking Up Next To Him Again   CHAPTER 51

    Dave Lorian’s Point of ViewKinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa sa araw. Sa veranda, may manipis na ulap na bumabalot sa paligid, at sa malayo, tanaw ko pa rin ang Taal Lake — kalmado, parang wala talagang nangyari. Kinuha ko ‘yung kape na inihanda ng isa sa mga caretaker, si Mang Lando.“Good morning po, Sir Dave,” bati niya, nakangiti. “Ang tagal n’yo pong hindi nakadalaw. Akala namin, di n’yo na babalikan ‘tong lugar na ‘to.”Ngumiti ako nang mahina. “Matagal din, opo.”Tiningnan ko ang paligid — malinis, maayos pa rin kahit halatang luma na ang ilang bahagi. “Kamusta po kayo rito?”“Pareho lang po, sir,” sagot niya, habang pinupunasan ‘yung mesa sa veranda. “Wala naman pong masyadong nabago simula nang mawala si Sir Lau.”Tahimik ako saglit.“Lagi pa rin po naming inaasahan na babalik kayo,” dagdag niya, “kasi sabi ni Sir Lau noon, ‘Pag bumalik si Dave dito, ibig sabihin gusto na niyang magpahinga.’”Ngumiti ako, pero ‘yung ngiti, mabigat. “Gano’n ba?”“Opo. Lagi n’yang si

  • Waking Up Next To Him Again   CHAPTER 50

    Dave Lorian’s Point of ViewMaaga pa lang, gising na ako.Pero hindi dahil nakatulog ako nang mahimbing, kasi wala naman akong tulog. Buong gabi akong nakatingin sa kisame, pinakikinggan ‘yung katahimikan ng bahay. Tahimik, pero parang sumisigaw.Sa bawat segundo, paulit-ulit kong naririnig ‘yung sinabi ni Ayah kagabi.“Baka itong lahat ng meron tayo, matagal nang palabas din.”Paulit-ulit. Hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako mas nasasaktan, sa hiya, o sa katotohanang baka nga totoo ‘yung sinabi niya.Bumangon ako, dumaan sa kusina. Walang tao. Walang iniwang almusal, walang note. Tiningnan ko ‘yung mesa, ‘yung upuang madalas niyang inuupuan tuwing umaga, parang ang layo na. Hindi ko alam kung gaano kalayo ‘yung malayong-malayo, pero sigurado akong hindi ko na siya abot.Huminga ako nang malalim, sabay tingin sa paligid. Lahat ng bagay dito, pamilyar, pero wala nang init.“Siguro, oras na talaga para umalis.”Pumasok ako sa kwarto, binuksan ang malaking maleta. Sinimulan kong il

  • Waking Up Next To Him Again   CHAPTER 49

    Dave Lorian’s Point of ViewAng hirap magkunwaring maayos kapag alam mong hindi na. Buong araw akong nasa opisina —may bukas na laptop, may hawak na reports, pero ni isang linya, wala akong natapos. Ang dami kong gustong gawin, pero mas marami ‘yung ayaw ko nang simulang isipin.Sa labas ng glass wall, abala ang mga tao. Lahat nagmamadali. Pero ako, parang nakaupo lang sa gitna ng buhangin habang lahat sila lumilipas.Tumunog ang telepono, may sunod-sunod na email notifications, pero wala na akong pakialam.I leaned back, closing my eyes. “Ganito na ba talaga ‘yung punto ng buhay ko? Abala pero walang direksyon.”Hanggang sa mapansin kong hapon na pala. Wala pa rin akong nagagawa. Tumayo ako, kinuha ang coat, at huminga nang malalim.“Uuwi na lang ako. Baka ro’n, kahit papaano, tahimik.”Paglabas ko ng office, dumaan ako sa department ni Ayah — hindi ko alam kung bakit. Maybe gusto ko lang makita siya, kahit sandali. Kahit ilang segundo lang.Pero pagdating ko ro’n, wala na siya. Empt

  • Waking Up Next To Him Again   CHAPTER 48

    Dave Lorian’s Point of ViewFew days have passed, pagpasok ko sa opisina, tahimik lang ang paligid. Wala ‘yung karaniwang ingay ng mga staff na nagmamadali, wala rin ‘yung malalakas na tawanan sa lobby. Baka dahil maaga pa. O baka dahil ramdam nila ang bigat ng hangin ngayon.Pagdating ko sa executive floor, sinalubong ako ni Karen, my newly hired secretary because Ethan just resigned, mag-a-abroad daw.“Good morning, sir,” bati niya, mahina pa ang boses.“Morning,” sagot ko lang habang tinatanggal ang coat. “Any updates?”“May meeting po kayo with the board at nine. Then a lunch appointment with the Del Monte group—pero tinawagan po ni Ma’am Daphne kanina, mukhang gusto niyang ipagpaliban muna kasi may press conference siya for the foundation project.”Tumango lang ako. “Cancel the lunch. I’ll stay in the office.”Medyo nagulat siya. “Sir? Hindi po kayo sasama kay Ma’am Daphne?”“No need,” sagot ko. “Let her handle it.”Tahimik na tumango si Karen at lumabas. Pagkapasok ko sa loob ng

  • Waking Up Next To Him Again   CHAPTER 47

    Dave Lorian’s Point of ViewPagdating ko sa bahay, madilim pa rin ang paligid. Tahimik. Walang ilaw sa gate, walang tunog ng telebisyon, walang yabag ng tao. Eksaktong gano’n ang gusto ko—katahimikan na bihira kong maramdaman sa araw-araw na puno ng mukha at boses ng mga taong kailangan kong pagbigyan.Ipinarada ko ang kotse at ilang minuto lang akong nanatili ro’n. Mas madaling sabihing pagod lang ako kaysa aminin na may dala akong mas mabigat pa sa trabaho.Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng amoy ng niluto ni Ayah. Sa mesa, may isang mangkok na tinakpan ng plato, may nakasulat na maliit na note sa tissue,“Kumain ka, kung guto ka.”Napangiti ako kahit napakalamig. Simple lang, pero tinamaan pa rin ako sa gitna. Hinaplos ko sandali ’yung sulat bago ko itinabi. Hindi ako kumain. Hindi ko kaya. Mas mabigat ’pag busog ang sikmura pero gutom ang konsensya.Umakyat ako sa taas, tahimik na tahimik ang bawat hakbang. Pagdaan ko sa room ni Ayah, bahagya kong binuksan ang pinto. Dim lang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status