Bleu's POV:
Parang tangang payuko-yuko ako sa upuan ko nang makitang papasok na siya sa classroom.Sabi ko nung isang araw 'di ako papasok sa klase niya pero letse takot ko lang hindi maka graduate T_T baka totohanin ako ng Ampa na 'yan at hindi ipasa sa subject niya.Saktong pagsilip ko sa harap ay nakapasok na siya tapos nakatingin rin pala siya sa banda ko kaya nagkatinginan mga mata namin, agad akong napaayos ng upo at umiwas ng tingin.Ayoko naman ipagpatuloy 'yung payuko-yuko ko noh! Lalo na't nasa harapan na siya.Rinig na rinig ko 'yung malakas niyang pag tikhim kasi 'pag nasa loob na kasi siya sa classroom tumatahimik lahat.Nasa ibang direksyon nakaharap mukha ko pero 'yung mga mata ko nakatingin sa harap."Good morning.", parang hindi niyang sincere na bati sa amin kasi napakalamig ng boses niya katulad ng panlabas niyang anyo, good morning raw... Anong good sa umaga?Diba by schedule 'yung subjects ko? 'Yung subject niya is MTF sa schedule ko, ibig sabihin, Monday, Tuesday at Friday ay umagang-umaga siya makikita ko!"I told everyone last meeting that i'll be having a quiz today regarding the last discussion... "Nanlaki mga mata ko, say whuuuttt? Quiz!? Hala! Nakalimutan ko dae! Ano ba diniscuss niya last time jusko!May itinaas siyang test paper sa ere na sa tingin ko two pages?"... There's not a single question sa test paper na 'to na hindi ko na-discuss last time so like I said, I'm expecting everyone to get a high score or else I'll assumed na hindi kayo nakinig sa discussion ko last meeting and came to attend this class without studying."S***a, kulang nalang manginig 'yung mga kaklase ko sa sobrang seryoso niya, isa na ako doon T_T I freakin' forgot na magkwe-quiz siya ngayon."Ang hawt ni fafa Zane kaya lang sa sobrang hawt niya masusunog ata tayo nito.", rinig kong bulong ni Ericka kay Samantha na katabi niya."I'll give you all 30 minutes to answer."Pinili ko ng mabuti 'yung schedules ko para maiwasan ko 'yung mga terror na professors, 'di ko naman expect na mapapalitan si Prof Rodriguez ng demonyong 'to."Before we start, I wanna remind everyone that I hate cheating and dishonesty the most. Despite wearing glasses, my eyesight is pretty good enough to easily tell who's cheating or not. Now... Spread, one seat apart. "Napanganga ako. Seryoso ba siya? Why so strict men!? Ano 'to? Midterm exam? Kung ganyan siya ka strikto sa quiz lang pa'no na 'pag midterm exam? Bwiset 'to.Bigla siyang napatingin sa gawi ko, nahuli niya akong nakatingin sa kanya 'di na ako umiwas ng tingin kasi huli na eh. Binigyan ko siya ng tingin na parang sinasabi ko na, "oh? Tingin-tingin mo diyan?""Any problems with my rules, Ms.Williamson?"Ay put*. Napatingin sa akin ang lahat, walanghiya talagang ampa 'to! Tumingin lang ako sa kanya may problema na?Sasagot na sana ako nang may umepal."You should start the quiz na Prof Arden, don't mind students na pumapasok lang for fun."Ano raw? Nakangiwi akong napatingin doon sa nagsalita, Ella!? Luh? Ba't 'di ko napansin 'to nung mga nakaraang araw? Laki ng inggit sakin ng babaeng 'yan, kahit wala akong ginagawa galit na galit sa akin eh.Inirapan ko siya ng napatingin siya sa akin.Iirapan rin ako nun, inunahan ko lang."Let's start the quiz. Get one and pass."Napakamot ako sa ulo ko, kahit wala akong kuto parang magkakaroon ako sa stress nito.*still Bleu's POV:*Hindi ko alam kung may tinatago ba akong talino o nagkataon lang na alam ko 'yung mga questions sa quiz kasi hindi ako nahirapan sagutan lahat kahit hindi naman ako nakinig sa discussion niya last time kasi lutang ako.After 30 minutes mismo ay pinatigil niya na kami sa pag sagot, as in saktong 30 minutes, walang mintis. Lakas ng tama ng lalaking 'to.May pagka perfectionist pero 'di makita 'yung mali niya dahil tanga sa pag-ibig. Pimagtabuyan na ng ex-fiancee tapos sasabihan akong maayos niya pa raw. Edi wow!Oh diba? Galit pa rin ako dahil doon. Sigawan ba naman ako? Talino sana, ang bobo naman umibig."Sabi ko, pass your papers.""Ay bobo!", sa sobrang gulat ko ay nasabi ko 'yung nasa isip ko, 'di ko namalayan nasa tabi na pala siya ng inuupuan ko.Napatingin ako sa paligid at naka-pass na 'yung mga test papers nila, 'yung akin nalang hindi. Nahinto ang tingin ko kay Ella, at pinagtatawanan ako ng bruha, mabilaukan ka sana ghurl.Talagang nilapitan pa ako sa upuan ko eh. Inabot ko sa kanya answer sheet ko which is yung test paper kasi doon niya kami pinasagot na walang bayad, in fairness hindi kurakot, 'di katulad ng iba diyan."Be attentive to class next time.", sabi niya bago kunin 'yung test paper ko.Hindi ko sinagot at patagong umirap."I'll let you guys go early since may gagawin pa ako. I'll check your answers tonight. Class dismissed."Umingay 'yung mga kaklase ko, saya-saya nila sa early dismissal eh noh?"Di naman halatang peborit ka ni fafa Zane ano?", sabi ni Ericka sa akin nang lapitan nila akong tatlo ni Tricia at Samantha."Favorite ka diyan, kanina pa ako pinapahiya sa klase.", sagot ko sa kanya na may halong pagdadabog habang nilalagay sa bag ko 'yung mga gamit ko."Gusto ko ipahiya niya rin ako sa klase, pansinin niya rin ako, 'di lang ikaw.", malandi na sabi ni Ericka kaya natawa ako.Napatingin ako kay Ella,"Prof Arden, can I talk to you? May concern kasi ako regarding sa last discussion mo.", sabi nito kay Ampa."Sure, what is it?"Hindi ko na narinig sumunod na pag-uusap nila kasi lumabas na sa classroom si Ampa at sumunod si Ella sakanya."Ibang species talaga 'tong si Ella, walang pa Intro-intro, galaw deretso hahahha.", tumatawang sabi ni Sam kaya napatingin ako sa kanya."Kaklase pala natin 'yan sa subject na 'to? Ba't 'di ko napansin last time?", nagtataka kong tanong kay Sam."Di mo ba alam? Nag switch siya ng schedule ng malaman na gwapo ang pumalit kay Mrs. Rodriguez. Pagod na siya kakahabol kay Prof Clarence kasi 'di siya pinapansin kaya nag iba ng target which is si Prof Arden, mas type niya raw kesa kay Prof Clarence.", explanation ni Sam sa akin.Kakaiba talaga ang bruhang 'to. Ang hilig sa mga Professors, may bad reputation na 'yan si Ella, maganda siya kaya she makes use of it para manggamit ng tao, mostly lalaki.Chismis nila 'pag lalaki ang subject teacher ay nilalandi niya kaya ang taas ng grades. Jinowa niya na raw ata karamihan sa mga lalaking Professors dito sa University namin maliban doon sa mga hindi nagpadala, isa na doon si Prof Clarence na Chemistry namin noong 3rd Year, sikat kasi 'yun kasi gwapo, hindi tinigilan ni Ella sundan 'yun noon eh."Oo nga pala, magkaiba tayo ng schedules sa next subject.", pag-iiba ni Tricia sa usapan.Sa totoo lang, sa subject lang ni Ampa kami magkaklase apat, nilalayuan ko talaga sila hindi dahil ayoko sa kanila, it's about my parents... Strikto talaga 'yung parents ko, my Father to be specific, nagka bad impression siya sa mga kaibigan ko last year kaya ang sasama ng pinagsasabi niya about kina Ericka, Tricia at Sam.Ganito kasi 'yan, last year he found out about me going to the club for the first time kahit matagal ko na talagang ginagawa ng patago, kasama ko noon si Tricia, Sam at Ericka at sa kanila niya sinisi kung bakit natuto kuno ako mag-club, my Father doesn't really know me well, I've been hiding my true self sa pamilya ko kasi ang laki ng expectations nila sa akin.Kaya sinadya kong isang subject lang kaming apat magkakasama kasi para wala ng masabi si Dad sa kanila, lahat kasi ng bad news tungkol sa akin kina Sam niya sinisisi. Walang siyang ibang pinagkakatiwalaan kundi si Dave lang, kung alam niya lang na maluwag rin turnilyo nun.Nagpaalam na ako sa kanilang tatlo. Kasi antay nalang daw sila sa classroom ng next subject nila, may 20 minutes pa kaming free time kasi 1 hr 'yung klase ni Ampa, tapos enend niya ang class ng 30 minutes early.Hindi ko tuloy alam sa'n ako tatambay nito, wala naman akong ibang kaibigan. Nilalayuan ko 'yung cafeteria kasi ang lakas ko na kumain, noon sa library ako tumatambay kaya lang may masamang espiritu ng naninirahan doon, nakakasira ng araw.Biglang nag-vibrate ang cellphone ko, tinignan ko ang nag text."Check the test papers, get it in my table together with the answer key and give it back next week."Teka? Unknown number pero base sa text at sa previous convo namin, si Ampa 'to.Ginagawa na akong utusan ngayon?Nag-reply ako."Ba't ako? May asong sumusunod sa'yo kanina, ba't 'di 'yun utusan mo?"Habang tina-type ko 'yan, diin na diin 'yung mga daliri ko sa screen ng cellphone ko. Nanggigigil ako eh.Nakatanggap agad ako ng reply galing sa kanya."Watch what you say. Again, give it back next week. Don't even try to change your answer or cheat because i'll know.", reply niya.Kulang nalang mapatawa ako kasi ang kapal ng mukha men! Kung makapag-text sa akin parang walang kasalanan. Ganun nalang 'yun? Sinigawan niya ako sa ginawa ko when it's a good intention? Tapos kikilos lang siya na parang wala? Manigas ka, asa kang gagawin ko utos mo.Hindi ko na siya nereplayan, bahala siya sa buhay niya, may pride pa akong natitira.'*After 10 minutes*'Yung pride ko naging Ariel.Nasa opisina niya ako ngayon at kinukuha 'yung test papers at answer key.Hindi ko siya nereplayan kanina pero biglang nag-text ulit, ang sabi;"I won't abuse my power as a Professor, kung ayaw mo gawin inuutos ko, it's okay. But i'll have to deduct points on your quiz for not respecting me as your subject teacher. Minus 50.", 'yan 'yung text niya, 'pag kabasa ko niyan mas mabilis pa kay flash akong na papunta dito sa opisina niya, nakalimutan kong buntis ako.Ginawa akong secretary ng lalaking 'to! Minus 50 raw ako sa quiz eh 50 over 50 'yung quiz niya, ano matitira sa akin?Gusto ko matulad sa iba na nagrerebelde kaya lang takot ako kay Dad kaya 'di ko magawa T_TPagkuha ko nung test papers at answer key, nasa loob na ito ng folder, mukhang hinanda niya na bago pa ako makapunta dito. Wala soya sa opisina ngayon, ewan ko kung asan... Hala... 'Di kaya nabingwit na ni Ella 'yun? 'Di naman siguro diba? Patay na patay 'yun sa ex-fiancee niya.Pagkatapos ko sa pinapagawa niya ay lumabas na ako ng opisina niya saka dumeretso na sa susunod kong klase. Magpapahinga nalang ako sa classroom ng next subject ko kasi napagod ako kakatakbo kanina, pang huli ko ng takbo 'yun, kawawa naman baby ko.Bleu's POV:Linggo na ngayon, walang pasok tapos ngayon ko lang naalala 'yung pinapagawa ni Ampa.Jusko, buti naalala ko pa kasi kahapon buong araw lang akong nakahiga sa kama ko kasi feel na feel ko 'yung katamaran ko.Ngayon ko lang naalala 'yung test papers kasi nakita ko 'yung envelope sa ibabaw ng study table ko, nakita ko rin 'yan kahapon tapos sabi ko mamaya ko nalang gagawin hahahhaBumaba ako sa kama ko at naupo doon sa study table ko, uunahin kong eche-check 'yung test paper ko, syempre ako nagche-check kaya take the opportunity hahahhTeka, hindi... Uunahan ko 'yung kay Ella, tignan ko kung gaano kalaki score niya after niya akong okrayin noong biyernes.Nilabas ko 'yung mga test papers sa envelope kasama nung answer key, hinanap ko 'yung kay Ella.Napatingin ako sa pinto nang may kumatok saka bumukas ito,"Bleu, may gusto ka bang kainin?", nakasilip sa pintoan na tanong ng kasambahay naming si Cynthia."Manang gusto ko ng prutas, burger, milktea atsaka fries.. "'Yung mukha ni Manang nabahiran ng pagkalito,"Po? Anong milktea?"Natawa ako. Hindi alam ni Manang 'yung milktea, palagi kong nakakalimutan na bibilhan ko siya para matikman niya."Oo manang, milktea, tapos baka jowa na rin."Napalingon si Manang sa likuran niya,"Jowa ka diyan baka marinig ka ng Tatay mo."Pati jowa, ayaw! Kaya patago akong nagrerebelde eh, ang daming bawal."Joke lang manang hahhah prutas nalang, kahit ano.", nakangiti kong sabi sa kanya."Sige. Antayin mo saglit.", sabi ni Manang saka umalis at sinara 'yung pinto.Kaka-grocery lang ata nila ulit ng prutas kasi nauubos agad dahil sa akin, gaya nga ng sabi ko ang lakas-lakas ko kumain lately tapos sarap na sarap ako sa prutas.Pinagpatuloy ko na 'yung ginagawa ko, cheneck ko 'yung test paper ni Ella at ang overall score niya is 33/50.Para sa akin high score na 'yung 33, pero ewan ko lang standards ng high score ni Ampa. Pa'no kaya ang score ko nito?Hinanap ko agad 'yung test paper ko at cheneck agad 'yun nang mahanap ko."Shhhhhhhtttt seryoso? Talaga? Shutaaa! ", 'di ko makapaniwalang reaksyon habang sinusulat 'yung overall score ko sa taas kanang bahagi ng test paper.45/50.Bakit 45? Langya! Hindi ako nag-study ba't 45? Hala! Teka hahahahahahKinuha ko agad 'yung cellphone ko sa ibabaw ng kama ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero agad kong naisip na ipaalam kay Ampa na 45 'yung score kahit hindi ako nag-aral hahahha genius ata 'to! HahhahahaHinanap ko 'yung number ni Ampa sa inbox ko kasi hindi ko pa nga nase-save.Ano ba ipapangalan ko sa kanya sa contacts ko?May naisip ako hahahahaParang akong sinapian habang tuwang-tuwa na nagta-type sa cellphone ko."Daddy.", pigil tawa kong basa sa pinangalanan ko sa number ni Ampa sa contacts ko.Save.Matawagan nga si Daddy at ipagmayabang score ko hahahahTinawagan ko number ni Ampa at tatlong rings bago may sumagot.[What?]Hindi pa ako nakakapag-hello, bungad sa akin 'what' agad eh..."Guess my score sa quiz mo nung Friday.", na-eexcite kong sabi.[The hell? Tinawagan mo lang ba ako para hulaan score mo?]Nakasimangot ako. Pwede naman sagutin agad tanong ko, nag reklamo pa eh!"Dali na, ang arte. Hulaan mo na since sinagot mo na 'yung tawag, ano ba 'yan.", sabay may pag-irap sa hangin ko pang sagot sa kanya.[Is that how you talk to your Professor, seriously Ms.Williamson?]Napa-irap ulit ako."Hulaan mo na, ang dami mong sinasabi. Dali na!", medyo naiinis na 'yung tono ng boses ko, tinatakot ako lagi porket professor ko, pwes nasa bahay ako ngayon at wala sa school kaya walang epekto sakin 'yan.Narinig kong huminga siya ng malalim sa kabilang linya, putek parang nag teleport 'yung pag-hinga niya sa tenga ko, nakiliti ako bigla hahahha[45.]Nanlaki ang mga mata ko, ba't niya nahulaan?"Pa'no mo nalaman?", 'di ko makapaniwalang tanong sa kanya.[I checked your paper the moment I arrived in the office last Friday.]Alam mo 'yun? Nakaka speechless pagiging honest niya?"Bakit naman?", kunot noo kong tanong.[You looked like the only one na hindi nakikinig sa klase ko kaya I had to make sure and checked it then.]Hindi nga ako nakinig, nagkataon lang na naging 45 score ko T_T himala."Tss.", tanging naging reaksyon ko sa sinabi niya.Sinasabi niya sa akin na may gagawin pa siya pero kinukulit ko siya kaya 'di na namin namalay kung gaano kahaba na 'yung napag-usapan namin, hanggang sa napunta kami sa ex-fiancee niya... Tapos tungkol sa amin."Seryoso ka? Ba't ang bilis?"He just told me na ikakasal na 'yung ex-fiancee niya sa bago nitong boyfriend, like girl, mas mabilis pa sila kay Flash.[She's pregnant with his child, so I guess that explains why.]Natahimik ako. Nabuntis nung bagong boyfriend nung ex-fiancee niya kaya pakakasalan...What about us? What about me? Anong gagawin ni Ampa 'pag nalaman niyang buntis ako at siya ang ama?"I'm sorry... ", bigla kong nasabi.[For?]"Ikaw dapat 'yung pakakasalan niya kung hindi lang nangyari 'yung sa atin... hindi dapat ako nag-dare noon at nilapitan ka...", mahina kong sabi.Tinaas ko 'yung dalawang paa ko sa upuan, saka niyakap ang mga tuhod ko.Matagal bago siya nakasagot, he's probably thinking of what to answer...[It's bound to happen...]"What do you mean?"[Kahit hindi mo ako nilapitan nun, there could be other women, the drug na nilagay sa inumin ko is for me to make that mistake para sirain kami ni Claire. Nagkataon lang na ikaw 'yung naunang lumapit...]Mistake...He's right tho, 'yung nangyari sa amin was a mere mistake... Pero bakit parang ang sakit pakinggan?Will the child inside me grow up as a mistake?[It shouldn't have happened. I took something important from you, it's a big mistake lalo na't you're my student.]Napangiti ako ng mapait.He's regretting what happened to us, I kinda regretted it too nung una pero nung nalaman kong buntis ako I kinda felt bad to regret what happened.I've always wanted to be a great mom in the future, ayokong maranasan ng anak ko ang nararanasan ko sa bahay na 'to. Kaya nung nalaman kong buntis ako, I was scared but deep inside.. There's this small happiness.. 'Yung maliit na kasiyahan na 'yun, lumalaki siya bawat araw na lumilipas...Maybe that explains kung bakit nasasaktan ako na marinig mula sa bibig ni Ampa na hindi dapat nangyari sa amin 'yun, na malaking pagkakamali lang...[How do you want me to take responsibility sa nangyari sa atin? I can't just tell you to forget about it...]"No. Let's forget about it. Gusto kong grumaduate, ibaon natin sa lupa ang nangyari, it could be both dangerous for us 'pag may nakaalam na iba. We were both to blame after all."Natahimik na naman siya sa kabilang linya na parang nag-iisip ng isasagot..."Tinatawag na ako sa baba. I'll give you the test papers tomorrow in your class. Bye."Hindi ko na siya pinasagot at binaba agad ang tawag. Binaba ko pati cellphone ko at mahigpit na niyakap ang mga tuhod ko.I heard some sayings na girls would develop some type of attachment to guys who took their first. Hindi ko alam kung ito ba 'yung nararamdaman ko kay Ampa, he indeed took something from me but he wasn't the first.Third Person's POV:"Maghiwalay na tayo.", rinig na rinig sa bawat sulok ng condo ni Dave ang sinabi ni Althea. Napahinto si Dave sa pinapanood sa netflix nang dahil sa narinig, napalingon siya kay Althea. "What?", tanong nito, asking Althea to repeat what she said."Maghiwalay na tayo. Pagod na pagod na ako. Lagi nalang ganito, Dave.", may namumuong luha sa mga mata na ani ni Althea."What the heck are you talking about?", kunot noong tanong ni Dave sa dalaga."I thought ikaw na talaga. That you'd complete me, that we'll work out. I've imagined a future with you pero habang tumatagal tayong magkasama, mali pala ako. I have realized a lot of things, our personalities doesn't even match. I'm so tired trying to work things out alone, hindi ko na kaya. Let's break up, i'm leaving you.", may luhang tumulo sa kaliwang mata ni Althea at agad niya itong pinunasan."Okay.", mabilis na sagot ni Dave. Nanlaki ang mga mata ni Althea."What?", hindi makapaniwalang reaksyon ng dalaga."I said ok
Dave's POV:Ubos na ang enerhiya ko. Kung saan-saan na ako hinila ni Althea at kung saan-saan na kami napunta, hindi ako makapag-reklamo kasi maliban sa maiinis siya sa akin ay baka hindi na naman ako pansinin ng mga ilang araw. Alam ko, when did I ever care? Kailan ba ako nagka-pake kung maiinis siya sa akin o kung hindi niya ako pansinin? Ewan. Nagising nalang ako isang araw na kahit bwine-bwiset ako ng babaeng 'yun minu-minuto ay 'di ko siya dapat inisin pabalik. Tsk. "Lika naaaaaa~ sayaw tayoooooo.", hinihila na naman niya ako. Andito kami sa isang club, hindi ko rin alam kung ba't napunta kami dito, parang kanina lang nasa Mall kami. "No, you can dance alone, okay? I'll just watch you here. I'm damn tired, Althea."Kaninang umaga pa kami kung saan-saan napunta tapos anong oras na ba ngayon? Mag aalas-dyes na ng gabi. Napahinto siya sa pag-hila sa akin kasi hindi talaga ako nagpapahila, binibigyan niya na naman ako ng masasamang tingin. Eto na naman tayo, gusto niya talaga l
Bleu's POV:It's been 5 months, 5 months after I gave Zane a chance and within those months he made me feel and the kids that nothing could ever go wrong again. He's been trying hard to court me and the kids at the same time for the past 5 months. Mabilis niya lang nakuha loob ni Laine, maybe because they both have the same personality and i'm really glad seeing Laine calling him every single time like a father when she needs help about something. Guess what? I don't see the need na patagalin pa o pahirapan siya, we've grown up and i'm all aware sa nararamdaman ko sa kanya and the kids love him kaya i'm planning na sagutin siya ngayon. Actually, last week ko pa gustong gawin kaya lang nawawalan ako ng timing. Kinakabahan ako na para bang teenager na may balak sagutin ang matagal niya ng manliligaw. "No. Put that back."Napasunod ako ng tingin doon sa garapon ng gummy bears na inilagay ko sa pushing cart namin na kinuha ni Zane at ibinalik sa shelf. Nasa mall kami, nagro-grocery n
Bleu's POV:Dahan-dahan na ibinaba ni Zane si Tobi pahiga sa kama nito. Zane cooked dinner for us, maliit lang kinain ni Laine kasi kanina pa wala sa mood tapos ang aga natulog, nagpaalam naman siya kay Zane before going to bed. Zane spent playing around with Tobi hanggang sa mapagod ito. Buti nalang talaga never once na ginawang kabayo ni Tobi si Zane, 'di katulad nung kay Zach na halos mapunit na damit ni Zach dahil sa pinanggagawa ng anak ko. Maingat kaming lumabas ng kwarto ni Zane after niyang maihiga si Tobi ng maayos. "It's very late, I need to go.", paalam sa akin ni Zane. "Ihahatid kita sa labas.", alok ko sa kanya. "No, it's fine. You should rest, i'll lock the gate and the door myself."Hindi pwede. Kailangan mahatid ko siya sa labas kasi ngayon ko nga siya balak sagutin. Matatapos na naman ba ang araw na hindi ko masasabi nararamdaman ko? Tapos bukas na naman? Then hindi matutuloy ulit, tapos another bukas... Like Hello? Ilang bukas pa ba aantayin ko? "No, let me s
Tumahimik 'yung paligid nang makapasok na si Zach sa loob ng bahay kasama si Laine at Tobi, kung saan na dumako ang mga tingin ni Bleu maliban nalang sa ginoong nakatayo sa tabi niya. Bleu heard the sudden movements from the man beside her kaya napatingin na siya dito. Nakita niyang inaayos nito ang pang-itaas na damit na ngayon ay sobrang basa dahilan ng pag buhat nito kay Tobi. "You messaged me na may meeting ka ngayon kaya hindi ka makakabisita?"Napaiwas ng tingin ang ginoo sa naging tanong ni Bleu. "Zach told me he'll be visiting. The meeting finished early, so why can't I be here?"'Huh? So ano talaga? Andito siya kasi andito si Zach? O dahil natapos ng maaga meeting niya? Beh baka both! Ang hina ng hearing comprehension mo Bleu!', laman ng isipan ni Bleu. "I see. May dala ka bang extra na damit? Basang-basa ka.", sabi ko habang nakatingin sa pang-itaas niya. Umiling si Zane kung kaya't napaisip si Bleu ng gagawin. May mga damit kaya siya na pwede magkasya kay Zane? "Hal
Zach's POV:Nagdra-drive ako papuntang sementeryo. Hindi ko alam kung nagkausap na ba ang kapatid ko o si Claire kaya kailangan ko e-check para makasigurado. What they really need right now is to talk. Malapit na ako sa sementeryo ay nahagilap ng mga mata ko si Claire na naglalakad papalayo doon. Teka? Pauwi na ba siya? Tapos na ba sila mag-usap? Bumusina ako para makuha ang atensyon niya, pero lutang lang siyang naglalakad sa gilid ng daan. Hindi ba naging maayos ang pag-uusap nila ni Zane? Ipinara ko ang kotse ko malapit sa kanya at bumisina ng ilang ulit kaya doon na siya napatingin sa akin. Ibinaba ko 'yung bintana ng kotse ko. "Sakay.", sabi ko sa kanya at kahit hindi siya sumagot ay sumakay naman siya sa kotse. "Anong nangyari? Hindi ba naging maganda takbo ng pag-uusap niyo ni Zane?", tanong ko sa kanya habang sinusuot niya 'yung seatbelt. "Why do you think so?", kunot noo niyang tanong pabalik sa akin. "You were spacing out.", sagot ko. Napailing naman siya. "I'm