HOT LOVE: THE PRESIDENT’S BELOVED

HOT LOVE: THE PRESIDENT’S BELOVED

By:  CapriceUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
50Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Itong payat at mukhang kulang sa kain na batang ’to ba ang bagong anak ng mama ko? Anong klaseng bata ’yon?! Ang sakit sa mata! Tuwing magkaharap kami, laging nakayuko at umiiwas ng tingin? Pero bakit habang tumatagal ay lalo naman siyang gumaganda? Mali ba kung palihim kong titikman ang batang ’to ni mama?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Ang payat na dalagita na maputing-maputi ang balat at namumugto ang mga mata ay nakaupo sa harap ng dalawang larawan sa ibabaw ng kabaong. Ilang oras na siyang hindi gumagalaw at nakatitig lang doon, at nakakalungkot itong tingnan para sa lahat ng dumating.

“Fatima, anak, tanggapin mo na. Kapag ganyan ka, lalo lang mag-aalala ang mama at papa mo. Makinig ka kay tita, ha.”

Si Criselda, ang matalik na kaibigan ng ina ni Fatima, ay agad lumapit at niyakap ang dalagita. Mahal na mahal niya ito na parang tunay na anak, lalo na’t napakasakit ng sinapit ng dalaga. Parehong kinuha ang kanyang mga magulang, ang huling sandalan niya, sa isang aksidente sa sasakyan.

“Tita Criselda…,” mahinang tawag ni Fatima.

Yumakap siya nang mahigpit sa kaibigan ng kanyang ina, desperadong naghahanap ng sandalan. Sa edad na labing-walo, parang gumuho na ang buong mundo niya sa isang iglap.

“Pasensya na, anak. Pero kailangan mong magpakatatag. Ayaw nila na nakikita kang ganito.”

Mas hinigpitan ni Criselda ang yakap sa umiiyak na dalagita. Hindi niya alam kung nakatulog ba si Fatima mula kagabi hanggang ngayong hapon. Hindi rin niya alam kung may kinain ba ito. Wala kasi itong ibang kasama at sabay na nawala ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Kahit sino, mahihirapan tanggapin ang ganitong sakit.

Pagkarinig niya ng balita, agad niyang pinapunta ang sekretarya at mga tauhan niya para ayusin ang pagkuha ng mga labi at ang buo nilang lamay. Pagkatapos ay kumuha siya ng pinakamabilis na flight mula Amerika at dumiretso rito. Pero kahit ganoon, nahuli pa rin siya ng isang araw.

“Tita, wala na akong natitirang pamilya. Iniwan na nila ako.”

“Hindi ka nag-iisa, Fatima. Nandito ako. Hindi kita iiwan. Sumama ka sa akin. Ako na ang bahala sa’yo mula ngayon. Gawin mo na akong pangalawang mama mo. Mas mapapanatag pa ang mama mo pag ganoon. Pwede ba iyon?”

“Talaga po? Hindi po ba magagalit ang pamilya mo Tita Cris?”

“Walang magagalit, anak. Mag-isa lang ako sa bahay. Si uncle mo, madalas nasa Amerika. Ang mga pinsan mo, doon din nag-aaral. Wala pa ni isa ang umuuwi. Kahit bumalik sila, walang magiging problema. Napakalaki ng bahay. Mas mabuti nga na may kasama ako. Nakakalungkot kapag mag-isa. Ipapakuha ko na ang mga gamit mo para dalhin sa bahay ko. Iyong ibang bagay ay aayusin pa natin kapag kaya mo na.”

“Salamat po, Tita Criselda.”

Tumayo si Fatima, ang dalagitang labing-walong taong gulang na maputing-maputi ang balat, habang yakap ang larawan ng kanyang mga magulang. Nakatingin siya sa usok na umaakyat mula sa crematorium. Basang-basa ang kanyang mukha sa luha. Nawala sa kanya ang mama at papa niya sa mismong araw na nalaman niyang pasado siya sa entrance exam sa unibersidad. Hindi man lang nila nalaman ang balitang pinakahihintay niyang ibahagi.

“Papa, Mama, huwag po kayong mag-alala. Sasama po ako kay Tita Criselda. Mag-aaral po akong mabuti. Hindi ko siya bibigyan ng problema. Sana nasa langit na po kayo at payapa na. Balang araw, magkikita rin tayo ulit.”

Muling pumatak ang luha niya habang yakap ang larawan.

“Halika na, anak. Umuwi na tayo. Yung natitira dito, kami na ng mga tao ko ang mag-aasikaso.”

“Opo, Tita Criselda.”

Ang malaking mansyon na tinutuluyan niya ngayon ay naging tahanan niya kagabi pa, pero dahil sa sobrang lungkot, hindi niya man lang napansin kung gaano ito kalaki at karangya. Kahit ang sariling kwartong tinulugan niya dahil sa pagod, hindi rin niya gaanong naobserbahan.

Inihatid siya ni Criselda sa silid dasalan ng bahay para ilagay ang mga larawan ng kanyang mga magulang sa lugar na nakalaan para sa mga larawan at abo ng kanilang mga ninuno.

“Wala kang dapat ipag-alala, Fatima. Ako na ang bahala sa sa’yo. Basta ang pag-aaral mo, susuportahan ko hanggang sa pinakamataas na kaya mong marating. Ituturing kitang parang tunay na anak. Alam nilang mahal kita na parang sarili kong anak. Kaya sana, payapa ka na at makatulog nang walang iniisip.”

“Tita Criselda, magiging mabuting anak po ako. Kahit ano pong kailangan para masuklian ko ang kabutihan ninyo, gagawin ko po.”

“Salamat, anak. Ang mahalaga sa akin, magpakatatag ka at maging masaya. Masaya na ako doon.”

“Magiging matatag po ako.”

“Mabuti. Sige, maligo ka muna. Pagkalipas ng kalahating oras, magkita tayo sa hapag-kainan.”

Pumasok si Fatima sa kwartong magiging tirahan niya mula ngayon. Tiningnan niya ang paligid. Malawak ang silid at puno ng mamahaling muwebles na kulay puti, parang kwarto ng prinsesa. Ang bedsheet at kurtina ay kulay pink. Sa kabilang bahagi, may hiwalay na walk-in closet na may malalaking built-in cabinet. Galing din siya sa pamilyang may kaya at komportable ang buhay, pero kahit ganoon, hindi maikukumpara ang dating bahay niya sa mansyon na ito.

Hindi naman umalis ang mga magulang niya nang wala kahit ano. Nag-iwan sila ng malaking ari-arian: ang bahay na tinitirhan niya noon, lupa sa Maynila, lupa at bahay sa Makati, pera sa bangko na nasa sampu-sampung milyon, at malaking halaga mula sa life insurance. Kahit wala si Criselda, kaya niyang tustusan ang sarili hanggang makapagtapos.

Pero pinili niyang tumira kay Criselda, ang matalik na kaibigan ng kanyang ina, dahil hindi pa siya legal na nasa tamang edad at kailangan niya ng guardian. Bukod pa doon, mabigat ang pinagdadaanan niyang pagkamatay ng parehong magulang. Isa pa, mas ligtas na may matanda siyang kasama kaysa mag-isa siya sa malaking bahay. Kaya ito ang pinakamagandang desisyon para sa kanya.

Sa hapag-kainan ng malaking mansiyon, mas marami ang pagkain kaysa dati. Hindi na kasi mag-isa kumakain ang may-ari ng bahay. Limang tao dapat ang nakatira dito, pero ang tatlong anak ay nag-aaral sa Amerika, at ang asawa naman ni Criselda ay doon nagtataguyod ng negosyo ng hotel at casino kaya pabalik-balik ito ng Amerika at Pilipinas sa loob ng dalawampung taon.

“Fatima, gusto mo bang mag-aral sa Amerika? Nandoon lahat ng pinsan mo. Si Uncle Harrison din, pabalik-balik doon. Kung doon ka mag-aral, may magbabantay sa’yo. Mas kampante ako. Kapag ibang bansa naman, hindi talaga kita papayagang pumunta.”

“Mas gusto ko pong mag-aral dito sa Pilipinas.”

“Hindi mo kailangang mag-alala sa gastos. Ako na ang bahala.”

Magalang na nagmano si Fatima sa kanyang Tita Criselda. Sa kabila ng pagiging ulila, napakapalad pa rin niyang may nagmamahal sa kanya nang ganito.

“Salamat po, Tita Criselda, pero dito na po ako mag-aaral. Nakapasa po ako sa Business Administration sa international program. English din po ang gamit, at hindi ako lalayo. Gusto ko rin pong samahan kayo dito sa bahay. Nakakalungkot po kung kayo lang mag-isa. Kapag nakauwi na si na Kuya at Ate mula sa Amerika, o kapag nakapagtapos na ako ng college, saka ko na lang po iisipin ang pagkuha ng Master’s sa ibang bansa.”

“Sige, anak. Basta mag-aral kang mabuti. Ang mga gastusin, ako na ang bahala.”

Nagmano ulit si Fatima bilang pasasalamat.

“Maraming salamat po. Pero Tita, marami pong iniwan sina mama at papa. Kaya ko pong gamitin iyon pang-aral. Nakakahiya naman po kung dagdag gastos pa ako.”

“Anak, ang pera mo, ipunin mo para sa future mo. Para sa sarili mong buhay balang araw. Ngayon, anak na kita. Ang pag-aaral at pag-aalaga sa’yo, tungkulin ko iyon. Huwag ka nang mahiya at huwag mo akong salungatin. Nagkakaintindan ba tayo?”

“Opo. Salamat po talaga. Mag-aaral po ako nang mabuti. Hindi ko po kayo bibiguin.”

“Alam ko hija. Tsaka kumain na tayo. Mamaya, maaga tayong magpahinga. Mukha kang pagod na pagod. Bukas, ipapasyal kita sa paligid ng bahay.”
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
50 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status