Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2023-08-02 09:54:20

“Who the hell are you?” Iyon ang nasambit ni Cassandra habang tanaw ang lalaking iyon. Alam niyang hindi niya ito kilala at lalong hindi ito ang driver na palaging inuutusan ng mama’t papa niya. Napalunok siya bago kinuha ang kung anong spray sa bag niya. Nasa likuran siya ng sasakyan at tila nakatulog siya sa ganoong ayos. Sinipat siya ng lalaking iyon sa repleksyon ng salamin sa front mirror. Ngumiti ito saka pa nagsalita, “I am the one asking your name first, but you don’t tell your true name,” sarkastikong sambit nito kay Cassandra kaya ginapangan siya ng kakaibang kaba. Ito kasi madalas ang nakikita niya sa sine, kikidnapin siya at pagsasamantalahan at papatayin! Naghihistirikal ang isip niya sa oras na iyon. “O heavenly father..” sinimulan niyang magdasal.

“What are you doing?” tanong pa ng lalaking iyon.

Hindi siya nagpagambala rito kaya mas tumaas ang boses ng lalaking iyon, “Hey!” untag pa nito. Kaya imbes na pumikit at maging kabado ay ubod-lakas na sinipa ni Cassandra ang lalaking iyon. Kahit na hilong-hilo pa siya ay nakayanan pa rin niyang bumaba at pasuray-suray na maglakad sa eskinitang iyon. Alam niyang mag-uumaga na sa puntong iyon kaya nanatili siyang konsentrado sa paghakbang. Nakita niya ang daan na mayroong nag-jo-jogging. “Help! Help me please!” iyon ang sambit niya habang nakataas sa ere ang kaniyang kanang kamay pero walang mga pake ito na akala’y ‘prank’ lang ang ginagawa niya. Until she felt something in her waist, kinuha siya ng lalaking hindi niya kilala at madaling umarko ang katawan nito para buhatin siya.

Hilong-hilo si Cassandra at doo’y wala na siyang lakas na labanan ang kung sinumang lalaking iyon. Katapusan na niya! “Let me help you..” Iyon ang narinig niya sa sinumang lalaking iyon. Karga-karga siya nito pabalik sa kotse nito.

Nang maramdaman niyang payapa siya nitong nilapag sa likuran ng kotse ay agad na ipinikit nang mariin ni Cassandra ang mga mata.

“Sino ka?” Halos pabulong na tanong niya sa naturang lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya ito naaaninag.

“I’m here to take you..home.” Walang emosyon na sambit ng lalaking iyon. Pikit-matang nakiramdam si Cassandra sa paligid. Niyakap niya ang kaniyang bag. She’s so helpless. Hindi niya akalain na mismong ang bartender na iyon ang tatangay sa kaniya ngayon, hindi niya ito kilala. Hindi niya ito kaanu-ano.

“Mamamatay na ba ako, dyos ko!” Impit na sambit niya sa sarili habang nakapikit pa rin. Kung saan man siya papunta ngayon kasama ng lalaking ‘to, hindi na niya alam kung may bukas pa kaya siyang masisilayan, ito na siguro ang parusa sa kagaya niyang lakwatsera kaya heto siya ngayon at nakidnap sa kamay ng mala-teroristang lalaking ‘to.

 “We’re here, please sign the termination letter, p-para makauwi ka na.” Napa-upo ng tuwid si Cassandra nang marinig ang boses ng lalaking iyon.

“Pinoy?” ani niya saka pa kinusot ang dalawang paningin. “Sino ka ba kasi? Bakit nandito ka?” pag-uulit na sambit niya sa lalaking iyon. Pero imbes na sumagot ay may inabot na papel ang lalaki sa kaniya na tila letter mula sa kaniyang unibersidad. It is referral letter for transfer. Nanlaki ang  mata ni Cassandra sa nakita at parang hindi makapaniwala sa liham na iyon.

“Pirmahan mo na.” Ani ng lalaki sa kaniya.

“Teka! Sino ka ba kasi?” Pangungulit niya rito. Kaya naman sumagot na ito sa kaniya ng kagaya ng pagsagot niya kanina. “I’m just a nobody,” ani ng lalaki na hindi makatitig ng diretso sa kaniya. “Kidnapper ka ba?” ani niya.

 Marahang napa-iling ang lalaki at sumagot sa kaniya, “Bakit? Bata ka pa ba? Hindi ba’t ang sabi mo..You’re too old enough to handle decisions, you told me that thing. Not once, but a hundred times,” sinipat siya nito mula sa salamin bago pa muling nagsalita, “Cassandra, just sign that contract, so we can leave this misery.” Sa puntong iyon ay napaawang na lamang si Cassandra sa narinig.

 “You know me?” Namamanghang tanong niya sa lalaki na noo’y kating-kati na habang nag-aantay sa pagpirma niya.

“I am, eh iyon ang nakasulat sa papel na hawak mo eh. I just read it,” ani nito saka pa sinipat muli ang mukha ng dalaga.

“Heto na, heto na. teka lang, nasaan ang ballpen?” iritableng tanong ni Cassandra sa mahangin na lalaking ‘yon. Sayang gwapo sana kaso barumbado! Malayong-malayo ang katangian nito sa pagiging gentleman. Sinipat niya ito habang hawak ang isang ballpen, nang iabot nito sa kaniya ay nagka-konekta ang kanilang mga balat kaya hindi niya maiwasang mapa-kagat-labi sa kuryenteng nandoon.

“Tauhan ka ba nila papa?” tanong pa niya rito habang pinipirmahan ang mga papel.

 Tahimik lang ang lalaki at panay tanaw sa labas ng parking lot ng kanilang unibersidad, doon sila naka-park in this middle of four o’clock am. “No,” tipid na sagot ng lalaki saka inayos ang manggas ng kaniyang suot na sleeves.

“So bartender ka talaga sa bar na iyon?” tanong pa ni Cassandra sa lalaki.

Umiling ulit ang lalaki at hindi sumagot.

“So bakit ka nandoon?” pagtatanong ulit ni Cassandra. Nanatiling tahimik ang lalaki at napatiim-bagang sa kakulitan ng dalaga.

“Ah maybe, mag-e-extra ka lang doon, ano? Tama ba ako? So taga saan ka sa Pinas?” Halos hindi na mapigilan ng lalaking ‘yon ang pagtitimpi kaya bigla itong lumabas sa kotse at doon nga’y mabilis na naglakad ng ilang distansya sa kotseng kinaroroonan ng dalaga. Tanaw pa ni Cassandra ang gestures nito na tila gustong manapak ng kagaya niyang mala-armalite ang bibig. Napakagat-labi ulit siya at napahawak sa sariling bibig. Ganito talaga siya kapag naka-inom, hindi niya maiwasang magtanong at mangulit ng kung sinu-sino, and maybe it’s the reason why no one stays out with her. Usually, mag-isa lang siya sa bar na iyon, natatandaan nga niyang minsan lang may kumausap sa kaniya noon, if she’s not mistaken, Rheg ang name ng dalagang nakasabayan niya noon sa bar. Ito raw mismo ang nagma-manage ng bar na iyon for that time dahil siya ang naka-assign na sa buwang iyon, ani niya sa kuya nito talaga ang bar na iyon.

Napasipat si Cassandra sa pigura ng lalaking iyon at sa pigura ni Rheg, may pagkakahawig ang dalawa, parang pinagbiyak na bunga ang mukha ng dalawa. Natigilan siya, hindi kaya..ito ang kuya ni Rheg? Baka ito ang sinasabi nitong kapatid niya.

“Oh my god!” bulalas niya saka pa lumabas sa kotse. Napalingon sa kaniya ang binata na agad namang lumapit sa kaniya.

“I know you!” bulalas ni Cassandra, agad siyang inalalayan ng lalaking iyon dahil halos madapa na siya sa kinatatayuan. She’s literally drunk right now.

“Ikaw si…” hindi na niya natuloy ang pagsasalita dahil harap-harapan niyang nasukahan ang kung sinong lalaking iyon. “My bad!” ngiti ni Cassandra saka pa inabot ang manggas ng suot ng lalaking iyon.

“You’re so disgusting..” Pigil na galit ni Alejandro sa babaeng kaharap niya. Nawalan pa ito ng malay kaya halos mayakap niya ito. They’re close as hell. Chest to chest and facing each other’s breath. Okey sana kaso, ang baho ng hininga ni Cassandra, he immediately pull her off and put her inside the car. Kung hindi lang malaki ang utang na loob niya sa lolo ng dalaga ay hindi niya gagawin ang bagay na ‘to. He doesn’t like to go abroad. Bukod kasi sa pagiging kilalang public servant, he don’t ride a car in the city. Mas nanaisin niyang mangabayo sa probinsya ng San Luisita. Ang lugar kung saan dapat niyang dalhin ang babaeng ‘to. Muli niyang sinipat ang mukha ng dalaga na noo’y masarap ang tulog.

“Sleep tight, little bird,” ngiting sambit niya bago pinatakbo sa kung saan ang sasakyang iyon.

...itutuloy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wanted Not Perfect Daddy   The Last Show

    In that moment, kapwa sila nakatanaw sa anak nilang si Connor, siya ang speaker sa school nila that time, regarding sa speech nito about love, may school activity kasi ito at dapat ay hindi sila mawala sa importanteng okasyon ng anak nila.Kasama rin nila si Gerald na masayang malaman na may kapatid na siya. Isang taon lang ang gap nilang dalawa, naging madali rin dito na tanggapin ang kapatid nito. Ang sabi pa nga nito ay matagal na niyang pinapanalangin na may kapatid siyang lalaki."Look dad, mom, si Connor na po ang susunod." Sabi pa ni Gerald."Okey, let's give him a big hand!" sabi pa ni Alejandro."That's my son!" cheered naman ni Cassandra that time.Ngumiti si Connor sa sandaling iyon saka nagsimula. He starts with a bow."What is Love?" bungad pa ng paslit sa madla.May pa-aksyon-aksyon pa ito habang nakatingin sa lahat ng taong nandoon."Love is when you feel all warm inside, like having a cozy blanket on a chilly day. It's when you hug your teddy bear tight, and it's even

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 80

    "Safe travels everyone," narinig niyang sabi ng flight attendant sa sandaling iyon. Tila nagbabalik sa ala-ala niya ang unang pagkakataon kung kailan siya napunta sa Pilipinas. That moment she's going to her grandparent's place.Nilingon niya ang batang katabi niya ngayon, gaya kanina'y bumalik ito sa pagtulog. Mahimbing pa rin itong natutulog, knowing that Connor gave her the authority na maging protector nito. Kampante ang bata na kasama siya.Bumuntong hininga siya sa sandaling iyon. "Sleep well, Connor." Mahina niyang sambit saka hinalikan ito sa kaniyang buhok. How she wish na sana'y may anak sila ni Alejandro na gaya ni Connor.Napatingin siya sa balat ni Connor na nasa leeg nito, magkapareho sila, may balat din siya sa leeg na gaya ni Connor. Lihim siyang napangiti, marami kasi silang pagkakapareho. No wonder the reason na mabilis silang nagclick na dalawa.Sa sandaling iyon ay kumuha siya ng magazine na nasa gilid ng kinauupuan niya, nagbasa siya doon ng isang article, latest

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 79

    Nasa pier na sina Mabel sa oras na iyon. Kasama niya ang batang si Connor."Ayaw ko na po sa resort, ate ganda. Hindi po ako mahal ni Daddy, busy din po si Mommy. Hindi nila ako mahal, palaging mga yaya ko lang ang kasama ko doon." Naiiyak na sumbong ni Connor kay Mabel."Kawawa ka naman...pero dapat ay ibalik na kita doon.""Please, ate ganda. Huwag mo na po akong ibalik, sa'yo na lang po ako sasama."Nagdadalawang isip man ay walang magawa si Mabel. May kung ano din kasi ang bumubulong sa kaniya na hwag na niyang isauli ang bata doon. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero gusto niyang kasama ang bata at protektahan ito."Hmm, sige. Luluwas tayo sa Davao. Aalis tayo dito sa Samal...""Sige po, kahit saan po, sasama po ako." Sabi pa ni Connor."Pero may problema..." ani ni Mabel."Ano po?""Wala tayong pera..."Ngumiti naman si Connor sa sandaling iyon."Dala ko po ang piggy bank ko."Napangiti na lang si Mabel sa oras na iyon. Matalino rin pala si Connor dahil naisipan nitong dalh

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 78

    "Nice meeting you Connor." Naglamano silang dalawa. Sa sandaling iyon ay parang may koneksyon na gumapang sa buong katawan ni Alejandro. It's very foreign to his system, parang ay kung ano sa bata na hindi niya maalis sa isip niya. May kamukha ito, pero hindi niya mapagtanto ang eksaktong detalye."You're cute." Sabi pa niya rito."Thank you po." Sagot naman ng bata."Ahm, sige Alejandro, enjoy your staycation here," ngiti ni Cassy sa kaniya.Tumango lang siya dito saka nagsara ng kaniyang kwarto. Nang makita ang kabuuan n'on ay kampante niyang nilapag ang dalang bag. Naghubad siya ng suot na shirt at dinama ang kakaibang lamig ng hangin doon. He feels alive again, parang sa lugar na ito makikita niya ang kapayapaan na gusto niya. Sa past weeks na pagtatrabaho ay puro late nights na siya kung makatulog, hectic kasi ang schedule niya at idagdag na rin ang rason na gusto niyang makalimot. Nilulunod niya ang sarili sa trabaho para lang maka-move on... but it's not effective at all."Ahhh

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 77

    Kinabukasan, maagang nagising si Mabel para manguha ng mga tuyong kahoy sa dalampasigan. Iyon ang daily routine niya sa bawat araw. Iyon din ang paraan niya para manumbalik ang memorya niya sa lugar na iyon pero kahit anong pilit niyang pagbalik-balik sa dalampasigan ay wala siyang maalala na nandoon siya noon, wala siyang maaalala na taga-Samal siya."Ah, ano ba kasing nangyari noon...haysss, nakakainis." Sabi pa niya sa sarili habang hawak ang mga kahoy na napulot niya. Ilang sandali pa ay may nakita siyang bata, umiiyak ito sa may bakawan, tila nawawala ito."Hala, bata...anong ginagawa mo dyan?" nilapitan niya ito.Halatang natakot ito nang makita siya."Shh, hwag ka nang umiyak. Hindi naman ako masamang tao e. Tahan na." Sabi pa niya rito."Diyan ka lang po." Sabi ng batang paslit sa kaniya."Hindi ako masama, taga doon ako oh." Turo ni Mabel sa kinaroroonan ng bahay niya.Tiningnan naman iyon ng bata. "Anong pangalan mo?" tanong ng bata sa kaniya."Ako si Mabel, ikaw?""Ahm, ak

  • Wanted Not Perfect Daddy   Kabanata 76

    Unti-unting nagsi-sink in sa isipan ni Mabel na hindi nga siya nanaginip. She's with someone whose holding her arms too tight, like what her dream is telling her about. Pabalik- balik iyon sa isipan niya.Pero parang may mali, nagre-rewind ang pangyayari. It's like a flash of baliktad na eksena. Biglang nagfa-flashback ang mga pangyayari sa utak niya. Mula sa simula, heto na naman ang eksenang nandoon siya, paulit- ulit itong sumasagi sa bawat oras.Nakatayo ako sa kung saan. Baybayin, hampas ng alon, mga ibong malayang lumilipad, mga matatayog na puno ng niyog, puting buhangin, ang ganda ng asul na karagatan at ang nag-iisang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa kaniyang harapan, matamang nakatutok sa kung saan, sinasayaw ng hangin ang suot nito. Isang eksena habang babad sila sa magandang sinag ng takip-silim. Dahan-dahan siyang lumapit, isang hakbang papalapit, isang puldaga na lang ang kaniyang mga kamay, upang sana'y mahawakan niya ito. Nang biglang—"Mabel, gumising ka na, tang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status