"Wake up little bird!" Sambit ni Alejandro sa dalaga na noo'y nakadipa habang komportableng nakahiga sa kaniyang kama. Halos mapatalon sa pagkakabigla si Cassandra nang mapansing kasama niya ang lalaking iyon.
"The fuck I'm here? Ni-rape mo ba ako? I will sue you! I will sue you!" Sambit niya sabay turo sa mukha ng nakatayong binata.
"Oh, okey, then sue me after you dress yourself," mahinang sambit ni Alejandro habang binabagtas ng kaniyang paningin ang kabuuan ni Cassandra, "you're horrible." Sabi pa nito sabay talikod.
"Hoy! bakulaw! Anong sabi mo?" sabi pa ni Cassandra sabay bato ng kaniyang bag na nasa gilid ng kama. Agad namang natamaan nito ang malapad na likod ng lalaki na animo'y pader na napahinto sa paglalakad.
"Hindi pa tayo tapos mister! Bakit ako nandito? Saan mo ba ako dinala?" sambit pa niya na tila na-amnesia sa mga pangyayari sa nagdaang sandali.
Marahang sinipat patagilid ni Alejandro ang kaniyang mukha sa nagwawalang dalaga. "You're in my condo..and don't worry, walang nangyari sa atin, you're not my..type," pinal na sabi nito saka pa tuluyang naglakad.
Naiwang nakatulala si Cassandra sa ganoong posisyon, hindi niya akalain na ganoon kabastos ang lalaking iyon. "Tss. akala mo gwapo, tuko naman!" asik pa niya sabay buga ng marahas na hininga.
Naiwan siya sa kwartong iyon na walang ka-ide-ideya. Nilibot niya ang paningin saka pa marahang tumayo at inisa-isa ang nakasabit na mga larawang naroon. Panay mga struktura iyon ng mga gusali na abstract. Halatang may kakayahan na hikayatin ang manonood na mapalula sa optic arts na nakapaloob sa istilo nito.
Sa isang banda ay nakita niya ang bintanang kumo-konekta sa labas. "God gracious?" iyon ang sambit niya nang mapansing nasa labasan niya ang malawak na karagatan na sadyang humahampas sa ilalim. Animo'y malalim na bangin ang kinatitirikan ng condo na sinasabi ng bakulaw na iyon.
"Don't worry, safe ka rito." Sabi ng boses mula sa likuran ng dalaga. Napakislot si Cassandra dahil sa pagkakabigla. Eh sino bang hindi mabibigla sa mala-hunyango na galaw ng lalaking 'to, animo'y anino na kung saan-saan lang tumatambay.
"Pwede ba.."
"Bakit?" Hindi natuloy ang pagmiminaldita ni Cassandra dahil parang napapako ang paningin niya sa malalim na mga mata ng lalaking nasa harapan niya. "Ano kasi, ano..nakaka..nakakailang ka eh," bantulutot na sambit ng dalaga na siyang ikina-ngiti ni Alejandro.
"Takot ka ba?"
"Hindi no, bakit? Aswang ka ba?" biro pa niya.
He gesture his devilish smirk while staring her, "kung..sasabihin ko bang aswang ako, maniniwala ka ba?" panunudyo pa ni Alejandro sa dalaga.
"Baliw!" sabay talikod niya papalayo sa kinatatayuan nila. Gustong kumawala ni Cassandra sa damdaming iyon, kakaiba at nakaka-kaba, animo'y hinihigop siya sa kung anumang mayroon ang binatang kasama niya.
Hindi pa man siya nakakalayo para umalis sa pinto ay nagpatuloy si Alejandro sa pagsasalita mula sa kaniyang likuran.
"Maghanda ka at aalis na tayo, uuwi na tayo sa San Luisita." Iyon nga'y napalingon si Cassandra sa estrangherong iyon.
"Sino ka bang talaga?"
Hindi sumagot si Alejandro at nilampasan lang siya nito.
Iyon ang unang pagkakataon na may nangahas na gawin ang ganoon sa kaniya. Siya si Cassandra Monteverde, ang kaisa-isang anak ng kaniyang mama't papa at ang nag-iisang apo ng batikang politiko sa bayang iyon, pero anu't-anong nangyari bakit ganito kung maka-asta ang lalaking ito.
Gigil na gigil na ikinuyom ni Cassandra ang sariling kamao at nagmartsa sa kung saan. She literally hate that guy.
***
Kakalapag lang nila sa runway ng Pampanga at doo'y sinalubong sila ng mga tauhan ng kaniyang lolo. Naroon din ang kaniyang kaibigan na si Kata na siyang sekretarya ng kaniyang lolo.
Masayang sinalubong ni Cassandra ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas lalo pa't isang dekada na ring hindi siya nakakauwi sa Pilipinas, lalong-lalo na sa San Luisita.
"Bespren! Uy! kamusta ka na?" tili pa ni Kata sa kaniya na sabik na sabik habang niyayakap siya.
Hindi rin siya maawat sa pagyakap kay Kata at noo'y maluha-luhang ninanamnam ang kanilang nagdaang sandali, ang oras ng kanilang kabataan na magkasama sa San Luisita. "I am good..I'm good, I miss you bes," ani niya sa garalgal na boses. Hindi magkamayaw ang dalawa habang si Alejandro naman ay walang imik na naglakad sa kanilang harapan, dahilan upang maputol ang kaniyang pag-yayakapang magkaibigan.
Sinipat ni Cassandra si Alejandro nang may kahulugan, pero animo'y manhid lang ito na nakipaglabanan ng titig sa dalaga at saka pa nagsalita. "Excuse," na noo'y lumampas na sa kanila.
"Bakulaw," she uttered.
Ngumiti lang si Alejandro na animo'y naka-gets sa sinabi niya at noo'y nagpatuloy sa paglalakad.
"Bes, sino ba kasi 'yon?" tanong pa ni Cassandra sa kaibigan niyang si Kata.
Malayo-layo na si Alejandro sa kanila kaya nangahas na talaga siyang magtanong sa background ng bakulaw na iyon. "Ah si Alejandro," panimula pa ni Kata.
Tumango si Cassandra.
"Si Alejandro Guererro 'yon, ang driver ng lolo mo." Simpleng sagot lang ni Kata sa kaniya.
"Driver?" pag-uulit pa niya.
Tumango ang kaibigan niya saka nagtanong pabalik sa kaniya, "bakit? type mo? alam mo maraming nagkakagusto riyan..mabait kasi saka napaka-matulungin," puri pa ni Kata kay Alejandro.
Napangiwi si Cassandra sa narinig saka pa sinipat ang direksyon ng sinabing binata. "Mabait? Matulungin?" ani niya saka pa napa-iling.
"Bulag yata ang mga nagsabi n'yan." Si Cassandra.
Pero imbes na umimik si Kata ay napangiti na lamang ito. "Alam mo bes, bagay kayo ni kuya Alejandro, pareho kayong matapang e," ani nito kay Cassandra na mas lalong kumunot ang noo.
"Never," she hissed saka nagkibit-balikat pa.
"I am too much for him, hindi ko ile-level ang sarili ko sa pipit..nevermind." She stops when she realized na nakatingin na pala sa harapan niya ang sinasabi niyang lalaki.
Animo'y nabato si Cassandra sa kinatatayuan na parang na-gi-guilty sa mga sinabi niya. They connected their eyes, as if mayroon silang tinutumbok sa isa't-isa.
"Kata. Tawag ka raw ni tatay.." iyon lamang ang sambit ni Alejandro kay Kata na siyang nagpabalik sa diwa ni Cassandra. Pagkasabi ni Alejandro'y tumalikod na rin ito at naiwan siyang naka-nganga.
Kung may pinagsisisihan man siyang bagay ngayon, iyon ay ang pagalitin at maliitin ang isang barumbado na parang halimaw kung makatitig sa kaniya.
If she can melt herself that time, siguro'y tunaw na siya 'di dahil sa hiya, kung hindi dahil sa kabog ng kaniyang taksil na puso na tila may kung anong lihim na sinasabi sa kaniya.
...itutuloy.
In that moment, kapwa sila nakatanaw sa anak nilang si Connor, siya ang speaker sa school nila that time, regarding sa speech nito about love, may school activity kasi ito at dapat ay hindi sila mawala sa importanteng okasyon ng anak nila.Kasama rin nila si Gerald na masayang malaman na may kapatid na siya. Isang taon lang ang gap nilang dalawa, naging madali rin dito na tanggapin ang kapatid nito. Ang sabi pa nga nito ay matagal na niyang pinapanalangin na may kapatid siyang lalaki."Look dad, mom, si Connor na po ang susunod." Sabi pa ni Gerald."Okey, let's give him a big hand!" sabi pa ni Alejandro."That's my son!" cheered naman ni Cassandra that time.Ngumiti si Connor sa sandaling iyon saka nagsimula. He starts with a bow."What is Love?" bungad pa ng paslit sa madla.May pa-aksyon-aksyon pa ito habang nakatingin sa lahat ng taong nandoon."Love is when you feel all warm inside, like having a cozy blanket on a chilly day. It's when you hug your teddy bear tight, and it's even
"Safe travels everyone," narinig niyang sabi ng flight attendant sa sandaling iyon. Tila nagbabalik sa ala-ala niya ang unang pagkakataon kung kailan siya napunta sa Pilipinas. That moment she's going to her grandparent's place.Nilingon niya ang batang katabi niya ngayon, gaya kanina'y bumalik ito sa pagtulog. Mahimbing pa rin itong natutulog, knowing that Connor gave her the authority na maging protector nito. Kampante ang bata na kasama siya.Bumuntong hininga siya sa sandaling iyon. "Sleep well, Connor." Mahina niyang sambit saka hinalikan ito sa kaniyang buhok. How she wish na sana'y may anak sila ni Alejandro na gaya ni Connor.Napatingin siya sa balat ni Connor na nasa leeg nito, magkapareho sila, may balat din siya sa leeg na gaya ni Connor. Lihim siyang napangiti, marami kasi silang pagkakapareho. No wonder the reason na mabilis silang nagclick na dalawa.Sa sandaling iyon ay kumuha siya ng magazine na nasa gilid ng kinauupuan niya, nagbasa siya doon ng isang article, latest
Nasa pier na sina Mabel sa oras na iyon. Kasama niya ang batang si Connor."Ayaw ko na po sa resort, ate ganda. Hindi po ako mahal ni Daddy, busy din po si Mommy. Hindi nila ako mahal, palaging mga yaya ko lang ang kasama ko doon." Naiiyak na sumbong ni Connor kay Mabel."Kawawa ka naman...pero dapat ay ibalik na kita doon.""Please, ate ganda. Huwag mo na po akong ibalik, sa'yo na lang po ako sasama."Nagdadalawang isip man ay walang magawa si Mabel. May kung ano din kasi ang bumubulong sa kaniya na hwag na niyang isauli ang bata doon. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero gusto niyang kasama ang bata at protektahan ito."Hmm, sige. Luluwas tayo sa Davao. Aalis tayo dito sa Samal...""Sige po, kahit saan po, sasama po ako." Sabi pa ni Connor."Pero may problema..." ani ni Mabel."Ano po?""Wala tayong pera..."Ngumiti naman si Connor sa sandaling iyon."Dala ko po ang piggy bank ko."Napangiti na lang si Mabel sa oras na iyon. Matalino rin pala si Connor dahil naisipan nitong dalh
"Nice meeting you Connor." Naglamano silang dalawa. Sa sandaling iyon ay parang may koneksyon na gumapang sa buong katawan ni Alejandro. It's very foreign to his system, parang ay kung ano sa bata na hindi niya maalis sa isip niya. May kamukha ito, pero hindi niya mapagtanto ang eksaktong detalye."You're cute." Sabi pa niya rito."Thank you po." Sagot naman ng bata."Ahm, sige Alejandro, enjoy your staycation here," ngiti ni Cassy sa kaniya.Tumango lang siya dito saka nagsara ng kaniyang kwarto. Nang makita ang kabuuan n'on ay kampante niyang nilapag ang dalang bag. Naghubad siya ng suot na shirt at dinama ang kakaibang lamig ng hangin doon. He feels alive again, parang sa lugar na ito makikita niya ang kapayapaan na gusto niya. Sa past weeks na pagtatrabaho ay puro late nights na siya kung makatulog, hectic kasi ang schedule niya at idagdag na rin ang rason na gusto niyang makalimot. Nilulunod niya ang sarili sa trabaho para lang maka-move on... but it's not effective at all."Ahhh
Kinabukasan, maagang nagising si Mabel para manguha ng mga tuyong kahoy sa dalampasigan. Iyon ang daily routine niya sa bawat araw. Iyon din ang paraan niya para manumbalik ang memorya niya sa lugar na iyon pero kahit anong pilit niyang pagbalik-balik sa dalampasigan ay wala siyang maalala na nandoon siya noon, wala siyang maaalala na taga-Samal siya."Ah, ano ba kasing nangyari noon...haysss, nakakainis." Sabi pa niya sa sarili habang hawak ang mga kahoy na napulot niya. Ilang sandali pa ay may nakita siyang bata, umiiyak ito sa may bakawan, tila nawawala ito."Hala, bata...anong ginagawa mo dyan?" nilapitan niya ito.Halatang natakot ito nang makita siya."Shh, hwag ka nang umiyak. Hindi naman ako masamang tao e. Tahan na." Sabi pa niya rito."Diyan ka lang po." Sabi ng batang paslit sa kaniya."Hindi ako masama, taga doon ako oh." Turo ni Mabel sa kinaroroonan ng bahay niya.Tiningnan naman iyon ng bata. "Anong pangalan mo?" tanong ng bata sa kaniya."Ako si Mabel, ikaw?""Ahm, ak
Unti-unting nagsi-sink in sa isipan ni Mabel na hindi nga siya nanaginip. She's with someone whose holding her arms too tight, like what her dream is telling her about. Pabalik- balik iyon sa isipan niya.Pero parang may mali, nagre-rewind ang pangyayari. It's like a flash of baliktad na eksena. Biglang nagfa-flashback ang mga pangyayari sa utak niya. Mula sa simula, heto na naman ang eksenang nandoon siya, paulit- ulit itong sumasagi sa bawat oras.Nakatayo ako sa kung saan. Baybayin, hampas ng alon, mga ibong malayang lumilipad, mga matatayog na puno ng niyog, puting buhangin, ang ganda ng asul na karagatan at ang nag-iisang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa kaniyang harapan, matamang nakatutok sa kung saan, sinasayaw ng hangin ang suot nito. Isang eksena habang babad sila sa magandang sinag ng takip-silim. Dahan-dahan siyang lumapit, isang hakbang papalapit, isang puldaga na lang ang kaniyang mga kamay, upang sana'y mahawakan niya ito. Nang biglang—"Mabel, gumising ka na, tang