Hindi ko namalayang dinala ako ng aking mga paa sa bahay nila July. Ito ang bahay na tinitirhan nila ng kaniyang pamilya. Ang bahay na madalas naming tambayan noon pagkatapos naming magmeryenda sa panaderya.
Ngunit ang pinagtataka ko ay ang itsura nito. Mukha na itong luma at abandonado sa aking paningin. Ang mga pader ay inakyat na ng lumot, ang mga damong nasa paligid ay matataas na rin na parang walang nag-asikasong pumutol. Maging ang mga tuhong dahon ay talamak na rin dahil mukhang ilang araw nang hindi nawawalis. Parang walang nakatira rito. Dahil ba nasa mansion sila Jessie? Hindi ko alam.
Pero kahit pa man gano'n ang itsura ng nasabing bahay, hindi nito magawang pigilan ang kagustuhan kong makapasok sa loob.
Bawat apak ko ay pagkadurog ng mga dahon ang maririnig. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka may tao p
Bata pa lang kami, nahilig na talaga namin ang pagbabasa ni July. Nung natuto kaming bumasa at umintindi ng Ingles, mas lalong lumala ang pagiging adik namin sa mga libro. Kaya naman halos gumulong-gulong kaming dalawa sa tuwa nung nabalitaan namin mula kay Thaft na magbubukas ng public library sa sentro ng bayan.Naging tambay kami roon tuwing Sabado't Linggo para magbasa at madalas pa kaming mag-uwi ng tig-lilimang libro kada ika-15 ng buwan. Kahit si Thaft ay nahawaan naming magbasa, ang kaso lang ay ayaw niya naman sa science fiction dahil para sa mga matatalino lang daw iyon.Gustong-gusto ko pa kapag pinupukaw ng libro ang thrill sa sistema ko, lalong-lalo na kung nasa interesting part na. Sabayan mo pa ng mga unpredictable plot twist na talaga naming hindi lang palulundaging ang puso mo kundi papatulugin ka ring may natitirang takot ang pangamba. Lalo n
Chapter TenTatlong araw na ang lumipas simula nung magpadala ako ng liham kay Rosetta. At sa tatlong araw na 'yon, napakaraming nangyari. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung paano ako tutugon sa sitwasyon.Maayos ang naging unang gabi ko sa bahay nila Thaft, komportable sa pakiramdam at mahimbing ang pagkakatulog ko. Pero kung alam ko lang na iyon na pala ang huling tulog ko ng mahimbing, sana pala ay mas sinulit ko pa. Dahil noong magsimulang sumikat ang araw, hindi ko aakalaing magsisimula rin ang kalbaryo namin.Maaga kaming dalawa nagising ni Thaft dahil kailangan niyang magsibak ng kahoy na panggatong para ibenta sa Lumban. Habang ako naman ang nagluto ng simpleng almusal naming dalawa. Gamit ang luma nilang karitela, kinarga namin ang mga panggatong na siyang naka-grupo-grupo na. Tinalian ito ng goma para hindi mab
Chapter Eleven Hindi ko inakalang makikita ko si Keith rito sa Hermenes at ang mas nakakagulat pa rito ay kasama niya si Kuya Barrett. Nung una hindi ko sila namukhaan dahil sa suot na sobrero at sa makapal na balabal na nakaharang sa kanilang mukha. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ulit kay Keith. Huling kita ko sa kaniya ay noong nagta-trabaho pa ako sa coffee shop. Pagkatapos ay wala na dahil nagpunta na kami pabalik rito. "Mahabang kwento, eh. Siguro sa ibang lugar natin dapat pag-usapan." Binalik niya sa kaniyang ulo ang suot na sumbrero. "Ikaw anong ginagawa mo rito?" "June, anong mayroon? May problema ba? Ang tagal mong makabalik." Napalingon ako sa likuran ko at saka nakita ko si Thaft. Hindi talaga siya nakatiis na maghintay doon kaya pinuntahan pa ako rito.
Chapter Twelve♧♧♧Minsan napapaisip ako kung bakit ba kailangan dumaan sa pagsubok ang isang tao. Kung bakit ba kailangan pang mamroblema kung sa simula pwede namang hindi nalang lagyan ng balakid ang kwento, hindi ba? Pwede namang saya-saya na lang at wala nang ibang alalahanin pa.Nagpakawala ako ng malalim ng buntong hininga habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa harap ng dangwahan. Naiingit ako sa kanila, sa mga ngiti pa lang na nakapaskil sa kanilang mga mukha talaga namang masasabi mong walang mabigat na gumagambala sa kanila. Hindi tulad ko, hindi tulad namin. Kay sarap sigurong magliwaliw buong araw at matulog sa gabi ng walang pangamba. Kay tagal ko nang hindi nararamdaman iyon.Napasimangot na lang ako. Ilang linggo na ang lumipas pero parang walang namang nangyari. Wala pa rin h
♧♧♧KeithKnowing something big and trying not to spill any words from your mouth is a hard thing to do. This secret I've learned years ago is something I don't want to have, cause it's truly a burden that I have to carry on my back almost everyday. Keeping it from myself was hard, to the point that I have to stay up all night during my younger years just to let my thoughts overflow from my head and not spitting any single word. It's making me insane, so I wrote it.In a blank sheet of a luxurious brand of paper, probably one from my father's factory, the Soil Paper Tree's neat loose leaf is the only company I can afford right now. Everyone must be snoring at this moment for it's already past twelve, but that doesn't stop me to grab that neat piece of paper on the side of my bed. A companion where I can share some of the secrets I know. The pale cream
Chapter 14What's done is done. The past is already in the past, all you have to do is accept it.I've been hearing those words countless times already. Whenever I share my dark past, they always say I should move forward or I should forget it. But easy said than done, man.Almost six years have passed, three of those are hell. I lost a friend, no one believes me and almost labeled as a satanic child, disrespecting the our sacred shrine by telling false rumors. I lost my grandmother too. Funny how I focused on monitoring my neighbors from not being abducted by those monsters, yet I failed to protect my own grandmother. And with that, I lost myself too.I have to undergo mental therapy because of trauma and I have to stop going to school to focus on my treatment. My father got me from Arcana and we re
Halos mabaliw ako matapos marinig ang kwento ni Keith tungkol sa nangyari sa pinsan ko. Hindi ko alam kung anong mas nananaig sa nararamdaman ko, kung takot ba o galit. Masyadong mabilis ang nangyari ayon sa pagkakalasaysay ni Keith, maging ako ay hindi ko aakalaing iyon ang nangyari sa pinsan ko. Hindi ko rin alam kung sisisihin ko pa ang sarili ko dahil iniwan ko siyang mag-isa sa Sinnemota, pero tingin ko hindi ko rin siya mailalayo sa gulo kung sinama ko siya rito. Pero kahit na! Hindi siya dpat madamay ditto dahil wala siyang alam. Huminga ako ng malalim, pinunasan ang luhang hindi ko namalayan tumulo pala at saka sumakay sa karwahe. Hindi ko napansing sumunod pala paloob si Keith sa akin. “I’m really sorry, June. It slipped from my mind. Saka ko lang naalala nang itanong mo sa akin.” Sabi matapos umupo sa tapat ko. Pumikit ako at saka sumandal sa upuan. Nanatili akong tahimik, ayokong magsalita lalo na ngayon
♧♧♧Tahimik naming binaybay ang daan sa pagitan ng dalawang gubat na mula sa dalawang magkatabing bayan. Ito ang pinakamabilis na daan patungo sa bayan namin, ang Tierra Cota. Ang kagandahan sa daang ito ay malilim dahil sa mga puno kaya naman hindi mainit habang naglalakad. Pero dahil makipot ito, hindi ito kayang daanan ng anumang sasakyan.Kahit pa man na malayo ito sa pwesto kung nasaan ang cabin, hindi ko pa rin maiwasang mapakapit ng mahigpit sa laylayan ng damit ni Thaft.“June, ano ba? Nahihila mo yung damit ko,” reklamo ni Thaft. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakakapit sa kaniya at saka inilipat iyon sa kaniyang mga palad. “Kung natatakot ka, sa kamay ka humawak, hindi sa damit. Nahihila mo kaya! Balak mo ba akong hubaran, ha? Masyado pang maaga para sa ganoong mga bagay, June. Bata pa ako, marami pa akong pangarap.” Hinawakan niya