Share

Chapter 7

Tahimik lang kami habang nakasakay sa lumang karwahe. Mabagal lang din ang usad nito pagkat tatlo kaming nasa loob at tingin ko ay dalawang kabayo lang ang nasa unahan. Hindi ko pa alam kung sino ang nagmamaneho. 

Tahimik lang si Kuya Barrett habang nakasilip sa mga siwang. Si Thaft naman ay pinapahinga ang binti niyang sugatan. Habang ako naman ang hindi mapakali. 

Alam kong ang humabol sa amin kanina ay hindi ordinaryong tao. Sa laki ng pangangatawan ni Kuya Barrett, duda akong tatakbuhan niya ang kung sino mang magtatangka sa buhay niya. Pero iba 'yung kanina, kasi kahit ako, nakaramdam din ako ng matinding takot. 

"Saan tayo papunta?" tanong ko, matapos tingnan silang dalawa. 

"Pauwi," maikiling tugon ni Thaft. 

"Sa Tierra Cota?" 

"Oo. Gabi na, baka hinahanap ka na nila." 

"Pero pa'no ka? Saan ka uuwi?" 

"Tingin mo ba wala akong bahay, ha?" sarkastiko niyang tanong sa akin. "Tsk, ihah

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Hala baka di tao aunty Lucy mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status