Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Thaft nang may biglang kumatok sa pintuan.
"Mr. Mondino, si Nurse Karina po ito. Oras na po para sa gamot niyo!"
Mabilis na kinuha ni Thaft ang maliit na notebook sa ilalim ng unan niya. Pumilas ng papel at may sinulat na kung ano rito. Habang ako naman ay tumayo para sana buksan ang pintuan pero pinigilan ako ni Thaft.
"Bakit?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot.
"Sir, papasok na po ako, ha?"
Bago pa man mabuksan ng nurse ang pintuan, mabilis na inabot ng mga kamay ni Thaft ang tali ko sa buhok. Tinanggal niya ito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
Ilang oras kong inayos iyon tapos sisirain niya lang?
"Ay, may kasama pala kayo, Sir. Hello, ma'am!" Binati ako ng nurse kaya naman nginitian ko siya. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ni Thaft at lumipat sa couch na nasa gilid lang.
Dinala kami ng sinasakyan naming truck sa bayan ng Lumban -- ang maliit na karatig bayan ng Tierra Cota at Arcana. Dahil sa kondisyon ni Thaft, ibinaba kami nito sa maliit na clinic. Agaran namang nilapatan ng paunang lunas ang sugat niya sa binti. Nagtataka pa ang nurse na nandoon kung saan niya nakuha iyon, pero sinabi na lang ni Thaft na dahil sa aksidente.Pinilit siya ng nurse na manatili na lang muna sa clinic pero hindi siya pumayag. Gusto niya kasing pumunta sa mansion ng mga Ignacio kasama ko. Kailangan na rin naming makauwi dahil lumubog na ang araw, baka hinahanap na ako nila mama."Tara na, June," tawag niya sa akin. Nakasuot na siya ng maayos na damit ngayon, kumpara kanina na naka-hospital gown lang. May hawak na siyang saklay, pangsuporta sa kaliwa niyang binti.Tumango naman ako bilang pagsagot sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya sa paglalakad dahil siya ang nakakaalam sa lugar na ito. Noong sa Tierra Cota pa lang kami nakatira, ni-
Tahimik lang kami habang nakasakay sa lumang karwahe. Mabagal lang din ang usad nito pagkat tatlo kaming nasa loob at tingin ko ay dalawang kabayo lang ang nasa unahan. Hindi ko pa alam kung sino ang nagmamaneho.Tahimik lang si Kuya Barrett habang nakasilip sa mga siwang. Si Thaft naman ay pinapahinga ang binti niyang sugatan. Habang ako naman ang hindi mapakali.Alam kong ang humabol sa amin kanina ay hindi ordinaryong tao. Sa laki ng pangangatawan ni Kuya Barrett, duda akong tatakbuhan niya ang kung sino mang magtatangka sa buhay niya. Pero iba 'yung kanina, kasi kahit ako, nakaramdam din ako ng matinding takot."Saan tayo papunta?" tanong ko, matapos tingnan silang dalawa."Pauwi," maikiling tugon ni Thaft."Sa Tierra Cota?""Oo. Gabi na, baka hinahanap ka na nila.""Pero pa'no ka? Saan ka uuwi?""Tingin mo ba wala akong bahay, ha?" sarkastiko niyang tanong sa akin. "Tsk, ihah
Warning: This chapter contains gruesome scene that may not suitable for young and soft-hearted readers. Read at your own risk.***"June, bilisan mo! Nando'n na si Thaft, baka ubusan niya tayo ng ice cream!" Hinawakan ni July ang dalawa kong kamay habang ang isa naman ay nakahawak ng mahigpit kulay asul na picture book."Timepers muna, natanggal yung shoelace ko." Binitawan ko ang kamay niya at saka umupo para ayusin ang natanggal na sintas.Nagsalubong pa ang dalawa kong kilay dahil ayaw ma-ribbon. Naririnig ko na si July na hindi mapakali dahil paalis na ang nagtitinda ng ice cream."June, bilisan mo! Paalis na si Kuyang ice cream!" pagmamadali ni July. "Bakit ba ang tagal mo?""Saglit lang kasi, ayaw niyang matali, eh!"Hindi na siya nakatiis. Lumapit na ito sa 'kin at saka umupo rin."I already taught you this for how many times na. Bakit hindi mo pa rin kaya mag-ribbon?" tanong n
Chapter Seven Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga. Hinahabol ang panghinga habang pawisan ang buong katawan. Nanunuot pa rin ang takot at pagod sa katawan ko na para bang nakipaghabulan ako. Malinis na kwarto ni Jes ang bumungad sa akin kalakip ang liwanag na nagmumula sa labas. Umaga na pala. Bigla akong napapikit nang maalala ang napanaginipan ko. Pilit ko na iyong ibinaon sa limot pero bigla-bigla pa rin talagang napapanaginipan ulit. Napahawak sa batok ko nang maramdamang parang may bukol ako roon. Napa-aray naman ako nang mahawakan ang sinabing parte ng bukol. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Ang marka sa kamay ni July, ang pagbangon ng bangkay… at ang paghampas sa ulo ni Auntie Lucy.  
Chapter EightHindi ko namalayang dinala ako ng aking mga paa sa bahay nila July. Ito ang bahay na tinitirhan nila ng kaniyang pamilya. Ang bahay na madalas naming tambayan noon pagkatapos naming magmeryenda sa panaderya.Ngunit ang pinagtataka ko ay ang itsura nito. Mukha na itong luma at abandonado sa aking paningin. Ang mga pader ay inakyat na ng lumot, ang mga damong nasa paligid ay matataas na rin na parang walang nag-asikasong pumutol. Maging ang mga tuhong dahon ay talamak na rin dahil mukhang ilang araw nang hindi nawawalis. Parang walang nakatira rito. Dahil ba nasa mansion sila Jessie? Hindi ko alam.Pero kahit pa man gano'n ang itsura ng nasabing bahay, hindi nito magawang pigilan ang kagustuhan kong makapasok sa loob.Bawat apak ko ay pagkadurog ng mga dahon ang maririnig. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka may tao p
Bata pa lang kami, nahilig na talaga namin ang pagbabasa ni July. Nung natuto kaming bumasa at umintindi ng Ingles, mas lalong lumala ang pagiging adik namin sa mga libro. Kaya naman halos gumulong-gulong kaming dalawa sa tuwa nung nabalitaan namin mula kay Thaft na magbubukas ng public library sa sentro ng bayan.Naging tambay kami roon tuwing Sabado't Linggo para magbasa at madalas pa kaming mag-uwi ng tig-lilimang libro kada ika-15 ng buwan. Kahit si Thaft ay nahawaan naming magbasa, ang kaso lang ay ayaw niya naman sa science fiction dahil para sa mga matatalino lang daw iyon.Gustong-gusto ko pa kapag pinupukaw ng libro ang thrill sa sistema ko, lalong-lalo na kung nasa interesting part na. Sabayan mo pa ng mga unpredictable plot twist na talaga naming hindi lang palulundaging ang puso mo kundi papatulugin ka ring may natitirang takot ang pangamba. Lalo n
Chapter TenTatlong araw na ang lumipas simula nung magpadala ako ng liham kay Rosetta. At sa tatlong araw na 'yon, napakaraming nangyari. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung paano ako tutugon sa sitwasyon.Maayos ang naging unang gabi ko sa bahay nila Thaft, komportable sa pakiramdam at mahimbing ang pagkakatulog ko. Pero kung alam ko lang na iyon na pala ang huling tulog ko ng mahimbing, sana pala ay mas sinulit ko pa. Dahil noong magsimulang sumikat ang araw, hindi ko aakalaing magsisimula rin ang kalbaryo namin.Maaga kaming dalawa nagising ni Thaft dahil kailangan niyang magsibak ng kahoy na panggatong para ibenta sa Lumban. Habang ako naman ang nagluto ng simpleng almusal naming dalawa. Gamit ang luma nilang karitela, kinarga namin ang mga panggatong na siyang naka-grupo-grupo na. Tinalian ito ng goma para hindi mab
Chapter Eleven Hindi ko inakalang makikita ko si Keith rito sa Hermenes at ang mas nakakagulat pa rito ay kasama niya si Kuya Barrett. Nung una hindi ko sila namukhaan dahil sa suot na sobrero at sa makapal na balabal na nakaharang sa kanilang mukha. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ulit kay Keith. Huling kita ko sa kaniya ay noong nagta-trabaho pa ako sa coffee shop. Pagkatapos ay wala na dahil nagpunta na kami pabalik rito. "Mahabang kwento, eh. Siguro sa ibang lugar natin dapat pag-usapan." Binalik niya sa kaniyang ulo ang suot na sumbrero. "Ikaw anong ginagawa mo rito?" "June, anong mayroon? May problema ba? Ang tagal mong makabalik." Napalingon ako sa likuran ko at saka nakita ko si Thaft. Hindi talaga siya nakatiis na maghintay doon kaya pinuntahan pa ako rito.