SADYANG kay bilis ngang lumipas ng mga araw. Heto at isang buwan na rin pala akong nagtatrabaho sa Allejo Group of Companies. Sa una ay hindi maipagkakailang halos mangapa talaga ako sa kung anong dapat kong gawin at unahin. Kalauna'y medyo nasanay na rin ako.
Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin maka-get-over si dad sa pag-iwan ko sa aming kompanya. Isang buwan niya na rin akong hindi pinapansin. Sa tuwing pupuntahan ko naman siya sa office ay laging sinasabi ng sekretarya niya na wala siya at nasa meeting.
Hinayaan ko na lang muna si dad. Alam ko naman na darating din sa puntong magiging okay ang lahat.
Ngayon ay nasa meeting ako with Mr. Cojuangco. Isa sa mga shareholder ng kompanya ni Mr. Allejo.
May katandaan na rin ito. At dahil sa taglay kong kaartehan, ang pinaghalong amoy matanda at masangsang na amoy ng pabango nito ay siyang naging sanhi upang makaramdam ako ng sakit ng ulo at pagkahilo. Halos maduwal pa ako sa kalagitnaan ng meeting.
Mabuti na lang talaga at biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong dinampot iyon at bigla akong napangiti nang makita kong si Mr. President ang tumatawag.
"Uhm, sir! Excuse me! Let me take this call first." Paalam ko sa kanya at kaagad naman siyang tumango.
Medyo malayo-layo rin ang hinakbang ko para lang makahinga ako ng maluwang.
Sa katunayan ay dalawang beses muna akong nag-inhale at exhale para lang maiba naman ang hangin na malalanghap ko.
Nag-spray pa nga ako ng alcohol sa buong katawan ko just to make sure na walang kumapit saakin na amoy ni Mr. Cojuangco. Kaya naman sa sobrang pagka-busy ko ay hindi ko namalayan na naputol pala ang tawag ni Mr. President bago ko pa man iyon nagawang sagutin.
Makalipas ang ilang segundo ay tumawag muli ito.
"Yes, Mr. President?"
"Attorney!" Anito sa kabilang linya.
"How's your meeting with Mr. Cojuangco?" Usisa nito.
"Uhm, okay na okay Sir!Actually, nakakatuwa nga siyang kausap eh. Napaka-open minded niya kasi."Nakangiwing sagot ko. Bahagya ko pang tinapunan ng tingin ang puwesto kung saan kami nag-uusap kanina ni Mr. Cojuangco.
Napakurap ako ng tatlong beses bago ko nasigurong wala na do'n ang matanda.
Ang papalayong bulto niya ang kaagad na nahagip ko nang mag-angat ako ng tingin. Laking pasasalamat ko ng mag tuloy-tuloy na nga ito sa paglalakad.
Kaya't ang kaninang pag ngiwi ko ay mabilis na napalitan ng isang malapad na ngiti sa aking labi.
Sa labis na kasiyahan ko ay parang gusto ko pa nga siyang tawagin upang magpasalamat sa agaran niyang pag-alis eh.
Maya-maya pa ay napalis din ang malapad na ngiting iyon nang bigla akong tanungin ni Mr. President. Nawala na rin sa isip ko na nag-uusap nga pala kami.
"Did you convinced Mr. Cojuanco?"
"Uhm, not yet sir! Bigla ho kasi siyang umalis dahil may emergency daw sa kanila." Nag-aalangan kong katwiran.Kinakabahan na rin kasi ako sa magiging reaksiyon niya.
Kabilang din si Mr. Cojuangco sa susi upang matulungan ako ni Mr. President na maibalik ang aming kompanya.
"I trust you attorney! Nawa'y huwag mo akong bibiguin huh?"Malumanay subalit halatang may diin sa pagkakabanggit niya.
"Thank you for trusting sir!"
"Don't worry sir, i'll do my best po!" Determinadong sambit ko.
"Good to know that attorney! By the way, gusto ka nga pala'ng kausapin ng bagong Ceo!" Ani Mr. President.
"Po? As in ngayon na agad?" Gulat kong tanong.
"Pasensiya kana! Ma-atitude kasi ang anak ko na 'yon at sadyang ayaw niya sa lahat ay ang pag hintayin siya ng matagal."
"O-okay. Noted Mr. Presidenr."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Mr. Allejo. Basta ko na lang pinatay ang tawag niya at nagmamadali na akong lumabas ng building na aming pinagmeetingan.
Mabilis pa sa alas kuwatrong tinungo ko ang parking lot. Kapagkuwan ay agad kong pinaharurot ang aking minamahal na kotse.
Ewan ko ba pero hindi ko pa man nakikita ang nasabing CEO ay bigla na lang akong na-excite na malaman kung bakit gusto ako nitong kausapin.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang kompanya.
Kaagad kong tinawagan si Mimi. Ang sekretarya ng dating CEO.
"Hello attorney!"Malambing niyang sagot sa kabilang linya.
"Nasa office niya ba si Mr. CEO?"
"Yeah! Actually kanina niya pa ho kayo hinihintay."Anang sekretarya.
"Gano'n ba? Sige, pakisabi na papunta na ako ngayon."
"Sige ho Attorney!"
Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang opisina ng new CEO.
Tatlong beses akong kumatok sa kanyang pintuan. At nang marinig ko siyang sumagot ay walang pakundangan kong itinulak ang pinto.
Nagtuloy-tuloy ako sa loob nang wala man lang bahid ng pag-aalinlangan.
Nadatnan ko siyang nakatutok ang buong atensiyon sa kaharap na laptop. Ni-hindi niya man lang ako magawang sulyapan matapos ko siyang batiin at alayan ng isang matamis at nakakaakit na ngiti sa labi.
Medyo nakaramdam ako nang pagkapahiya sa aking sarili at medyo nainis na rin ako sa kanya. But i tried to control my temper.
After a few seconds, i cleared my throat. Trying to clear the air around us. Again, I confidently talk to him using my sweetest voice ever!
Muli ay hindi niya man lang pinag-aksayahan ng oras at panahon na sulyapan ang beauty ko.
Mas lalo akong nakaramdam ng hiya at tila ba mas lalo akong nanliliit sa aking sarili ng mga sandaling iyon.
Halos umiyak na ako subalit pinigilan ko pa rin ang sarili ko.
Sa ikatlong pagkakataon ay muli kong sinubukan siyang kausapin.
Iwinagayway ko pa ang aking kanang kamay sa tapat ng kanyang mukha para lang mapansin niya ang aking presensiya. Bahala na kung magmukha man akong bastos! Iyon na lang kasi ang tanging paraan na naiisip ko.
"Hey!What's wrong with you Mr. CEO?"
"Are you blind, deaf or what?" Mataray kong tanong sa kanya.
"Kanina naman ay sumagot ka di'ba?"
Muli ay naiinis na tanong ko sa kanya.Nagulat ako ng bigla niyang isara ang kanyang laptop at dahan- dahan siyang nag-angat ng tingin sa'kin at kapagkuwan ay tumayo.
Napaatras ako sa aking kinatatayuan nang mapagsino ko ang lalaking nandito ngayon sa aking harapan.
"What the fuck!"Namimilog ang matang naibulalas ko.
Bigla naman siyang ngumisi na siyang naging dahilan ng pagkulo ng dugo ko.
Pakiwari ko ay umakyat na ang lahat ng aking red and white blood cells patungo sa most vital part ng aking entire brain.
"How are you attorney?"Nakapamulsa siya habang diretsong nakatitig sa aking mga mata.
Napahawak na lang ako sa aking batok.
Nang mga sandaling iyon ay parang gusto ko na lang na sunduin ako ni kamatayan.Upang tuluyan na akong maglaho sa kanyang paningin.
"What are you doing here?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya.
"You must be in the hospital, right?"Naguguluhang tanong kong muli.
"This is my life! So i think,ako lang ang may karapatan na magdesisyon kung saan ako dapat naroon." Sarkastiko niyang tugon.
Sandaling namayani ang katahimikan. Kapagkuwan ay napadako ang tingin ko sa ibabaw ng kanyang mesa. Halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng mabasa ko ang pangalan na naroon.
"Mr. Paul Christian S. Allejo"(Chief Executive Officer)Napabuga ako ng hangin matapos kong mapagtanto na siya nga ang CEO.
Mas lalo lang akong naguluhan sa kanyang pagkatao. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba talaga ang kanyang totoong propesyon.
"So, ikaw pala ang bagong corporate lawyer huh!"Aniya na muling umupo at pinaikot-ikot pa ang swivel chair niya habang ang isang kamay ay nakapatong sa kanyang baba na animo'y may malalim na iniisip.
"Yeah!"Nakayukong sagot ko sa kanya.Hindi ko na siya magawa pang tingnan at ang kaninang pagtataray ko ay bigla na lang naglaho.Maging ang aking tuhod ay parang nangangatog na rin dahil sa labis na kahihiyan.
Muli ay bigla siyang tumayo at lumapit saakin.
At ang gago ay talagang inasar pa ako. Bahagya itong umikot sa aking likuran.Gusto ko sanang alamin kung ano nga ba ang binabalak niyang gawin. Subalit hindi ko siya magawang lingunin dahil sa takot kong magkamali ang aking kilos. Naramdaman ko na lang na mas lalo siyang lumapit saakin at saka muling nagsalita malapit sa puno ng aking tainga.
Ang mainit at mabango niyang hininga ay kaagad na nagdulot saakin ng kakaibang sensasyon na halos manuot sa buo kong kalamnan.
"Papa God, hindi pa po ako ready sa kung ano man ang binabalak gawin ng lalaking ito! Nawa'y protektahan niyo po ang puri ko. Baka bigla niya itong dungisan."Mahinang usal ko.
Mariing ipinikit ko pa ang aking mga mata at muli akong nanalangin.Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala naman siyang ginawa saakin. Kaya't dahan-dahan akong nagmulat.Mas lalo pa yata akong napahiya ng bigla ay humagalpak ito ng tawa.
Kaagad siyang dumistansiya saakin at sunod-sunod na umiling.
"Have a seat attorney!" He said while laughing.
Halos triple na talaga ang pagkapahiyang natamo ko. Kung anu-ano na kasing negatibong bagay ang pumasok sa isipan ko kanina. Pagkatapos ang ending lang naman pala ay pa-uupuin niya ako.
My god czarina! alangan naman na mag make love kayo!charrr!!!
Nakayuko pa rin ako ng tinungo ko ang couch na naroon sa gilid.
Maya-maya pa ay tumikhim siya at pagkatapos ay muling nagsalita.
"So, nice to meet you again Attorney!"Aniya sa propesyonal na tono.
Ako naman ay mariing nakikinig lang sa mga sinasabi niya."By the way, Dad has already told me about the issue of your dad's company!"Ani Paul na diretsong nakatitig sa'kin.
Nagulat naman ako sa kanyang tinuran kaya't bahagya akong napamaang.
"Well, I am willing to help you attorney! But in one condition."Patuloy niyang sambit habang nakapangalumbaba.
"What is it?"Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Marry me!"Aniya na siyang naging dahilan ng bigla kong pagtayo.
"What!?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya.
Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin at nanggagalaiting hinampas ko ang kanyang mesa.
"Are you out of your mind?" Singhal ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at soundproof ang kanyang office kaya naman hindi maririnig sa labas ang aking paghiyaw.
"Ofcourse not!" Matipid at kalmado niyang sagot saakin habang ako naman ay gigil na gigil pa rin na nakatayo sa kanyang harapan.
Gustong-gusto ko siyang tadyakan sa sinabi niya. Subalit pakiramdam ko ay bigla na lang akong nanghina.
Gusto ko rin sana siyang tanungin muli at baka nagkakamali lang ako sa aking narinig subalit wala na ni-isang salita na namutawi pa sa aking labi.
NAGISING ako dahil sa malakas na pag sigaw ni Czarina. At ang masaklap pa ay hindi lang ito basta-basta sigaw dahil may kaakibat pa itong panghahampas at pagmumura."Nakakabuwisit ka talaga Paul!"Singhal niya. Hindi pa ito nakuntento dahil pinaghahampas niya pa ako sa dibdib. Kaya't hindi ako makabangon agad."Aray! Sobrang sakit na ng tiyan ko Paul! Lintik ka ang sarap pa ng tulog mo!" Sunod-sunod niyang hiyaw. Habang ako naman ay hindi magkandaugaga sa pag-ilag. Ang bigat pa naman ng kamay niya kaya't sa tuwing dadantay ito sa aking balat ay paniguradong may lamat."Hoy! Ano ba? Manganganak na yata ako!" Muli niyang sigaw na halos umiyak na at namimilipit na rin sa sakit.Dalawang taon na rin ang lumipas buhat ng ma operahan ako. Pagkatapos ng operasyon ay bumalik rin kami sa Pilipinas at makalipas ang limang buwan ay muli kaming nagpakasal. Ginawa pa namin'g flower g
MATULIN na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan na rin buhat ng lumipat kaming mag-ina sa bahay ni Paul. Si 'Nay Meding naman ay naroon na rin at malugod kaming pinaglilingkuran. At pareho na rin namin na kinalimutan ang aming walang kuwentang tampuhan. Maging kami ni mommy ay nagka-ayos na rin at pareho na kaming nagka-intindihan. Sa katunayan ay nandito ngayon si mommy. Dinalaw ang makulit niyang apo.Kasalukuyan niyang kinakausap si Paul at marahil ay kinukumbinsi niya itong bumalik ng America. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si mommy. Halatang masaya ito sa naging resulta ng kanilang pag-uusap dahil bakas sa mukha ni mommy ang kasiyahan at maging ang mga mata niya ay kakaiba ang ningning.''I have a good news bunso!'' Nagulat pa ako sa biglaang pag yakap saakin ni mommy.''What is it mom?'' Naguguluhan'g tanong ko
KINABUKASAN ay maaga akong nag-ayos ng mga gamit namin ni Zoe. Kagabi pa lang ay tinawagan ko na rin si 'Nay Meding upang siya na lang ang pansamantalang umalalay kay Paul at siya na rin ang mag bantay sa anak ko. Kaaagad naman na pumayag ang matanda. Sa katunayan ay kanina pa itong madaling araw umalis ng Sorsogon.Nasa kalagitnaan ako ng pag-tutupi ng mga damit ni Zoe nang bigla akong lapitan ni mommy."Nak!" Mahinahon niyang pagtawag sa'kin. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Bahagya pa akong nagulat sa taning niya. Mukha yatang gusto pang tumutol ni mommy sa gagawin namin'g paglipat sa condo ni Paul."Buo na ho ang desisyon ko mom.Kaysa naman ma-stress kayo sa'kin eh 'di mas mainam ng si Paul naman ang mamroblema sa'kin." Sarkastikong sagot ko sa kanya."Nak, i'm sorry kung pakiramdam mo ay pinarurusahan kita these past few days. Eh kasi naman, buong akala ko ay may relasyon kayo ni Mr. Ledesma.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ipagluluto ko muna ng almusal si Paul bago ako uuwi sa bahay. At natitiyak kong matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang magkikita na sila ng kanyang ama.Nang matapos ako ay muli akong pumanhik at ginising ko na ang aking asawang mahimbing pang natutulog."Baby!" Mahinahon kong pagtawag habang niyuyugyog ang kanyang balikat.Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. At kapagkuwa'y inalalayan ko pang bumangon."Good morning Mr. Kupal!" Masiglang bati ko sa kanya. Hinalikan ko pa ang tungki ng kanyang ilong na siya naman'g ikinagulat niya. "Ayan! Ready na ang breakfast mo!" Patuloy kong sambit."Salamat!" Tipid niyang tugon.Akmang kakapain niya na ang mga kubyertos ngunit kaagad ko itong napigilan."Ako na! Papakainin muna kita bago ako umalis. Baka kasi magtampo na naman 'yon sa'k
NAKAPANGALUMBABA lang ako habang mariing nakatitig sa mga papeles na nakatambak sa aking office table. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas buhat ng hindi ako kausapin ni Paul. At hanggang ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan kung paano ko siya makakausap ng maayos.''Ma'am! Ma'am!" Anang sekretarya ni dad na iwinasiwas pa ang kanang kamay para lang maagaw ang atensiyon ko."Ma'am ipinapatawag na po kayo sa conference room!""Huh? Naku! So-sorry ha!Sige na susunod na lang ako do'n.""Okay ma'am!"Pagkaalis ng sekretarya ay nagmamadali na akong nagretouch.Ilang beses pa akong nagpabaling-baling sa harap ng salamin para lang alamin ang kung kaaya-aya na ba sa paningin ng iba ang aking hitsura. Ngunit kahit saang anggulo ko naman yata tingnan ay sadyang maganda talaga ako. Wala akong maipintas. Marahil ay kung nakakapag
ALAS-otso na ng gabi, kaya naman nag dalawang isip ako kung papasok pa ba ako sa loob ng kuwarto ni Paul o hahayaan ko na lang muna itong mapag-isa. Bandang huli ay napagdesiyunan kong katukin muna ito upang alamin kung ito'y gising pa.''Sino 'yan?'' Ani Paul matapos kung kumatok ng tatlong beses.''Ako 'to si Czarina!'' Hindi na ito muling sumagot pa. Ilang segundo pa akong naghintay na pagbuksan niya. Pinakiramdaman ko rin kong naglalakad na ba siya patungo sa pintuan subalit wala man lang ni-katiting na ingay na maririnig mula sa loob.Muli akong kumatok ngunit gayo'n na lamang ang aking pagkadismaya nang bigla niya akong singhalan.''Ano