Si Czarina Althea Cervantes ay isang corporate lawyer na masungit, maarte, at masyadong ma-pride. Siya 'yong tipo ng babae na hindi mo puwedeng maliitin at tapak-tapakan ang pagkatao. Subalit ang lahat ng mga katangian na iyon ay bigla na lang nagbago nang makilala niya ang CEO
View MoreNAGISING ako dahil sa malakas na pag sigaw ni Czarina. At ang masaklap pa ay hindi lang ito basta-basta sigaw dahil may kaakibat pa itong panghahampas at pagmumura."Nakakabuwisit ka talaga Paul!"Singhal niya. Hindi pa ito nakuntento dahil pinaghahampas niya pa ako sa dibdib. Kaya't hindi ako makabangon agad."Aray! Sobrang sakit na ng tiyan ko Paul! Lintik ka ang sarap pa ng tulog mo!" Sunod-sunod niyang hiyaw. Habang ako naman ay hindi magkandaugaga sa pag-ilag. Ang bigat pa naman ng kamay niya kaya't sa tuwing dadantay ito sa aking balat ay paniguradong may lamat."Hoy! Ano ba? Manganganak na yata ako!" Muli niyang sigaw na halos umiyak na at namimilipit na rin sa sakit.Dalawang taon na rin ang lumipas buhat ng ma operahan ako. Pagkatapos ng operasyon ay bumalik rin kami sa Pilipinas at makalipas ang limang buwan ay muli kaming nagpakasal. Ginawa pa namin'g flower g
MATULIN na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan na rin buhat ng lumipat kaming mag-ina sa bahay ni Paul. Si 'Nay Meding naman ay naroon na rin at malugod kaming pinaglilingkuran. At pareho na rin namin na kinalimutan ang aming walang kuwentang tampuhan. Maging kami ni mommy ay nagka-ayos na rin at pareho na kaming nagka-intindihan. Sa katunayan ay nandito ngayon si mommy. Dinalaw ang makulit niyang apo.Kasalukuyan niyang kinakausap si Paul at marahil ay kinukumbinsi niya itong bumalik ng America. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si mommy. Halatang masaya ito sa naging resulta ng kanilang pag-uusap dahil bakas sa mukha ni mommy ang kasiyahan at maging ang mga mata niya ay kakaiba ang ningning.''I have a good news bunso!'' Nagulat pa ako sa biglaang pag yakap saakin ni mommy.''What is it mom?'' Naguguluhan'g tanong ko
KINABUKASAN ay maaga akong nag-ayos ng mga gamit namin ni Zoe. Kagabi pa lang ay tinawagan ko na rin si 'Nay Meding upang siya na lang ang pansamantalang umalalay kay Paul at siya na rin ang mag bantay sa anak ko. Kaaagad naman na pumayag ang matanda. Sa katunayan ay kanina pa itong madaling araw umalis ng Sorsogon.Nasa kalagitnaan ako ng pag-tutupi ng mga damit ni Zoe nang bigla akong lapitan ni mommy."Nak!" Mahinahon niyang pagtawag sa'kin. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Bahagya pa akong nagulat sa taning niya. Mukha yatang gusto pang tumutol ni mommy sa gagawin namin'g paglipat sa condo ni Paul."Buo na ho ang desisyon ko mom.Kaysa naman ma-stress kayo sa'kin eh 'di mas mainam ng si Paul naman ang mamroblema sa'kin." Sarkastikong sagot ko sa kanya."Nak, i'm sorry kung pakiramdam mo ay pinarurusahan kita these past few days. Eh kasi naman, buong akala ko ay may relasyon kayo ni Mr. Ledesma.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ipagluluto ko muna ng almusal si Paul bago ako uuwi sa bahay. At natitiyak kong matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang magkikita na sila ng kanyang ama.Nang matapos ako ay muli akong pumanhik at ginising ko na ang aking asawang mahimbing pang natutulog."Baby!" Mahinahon kong pagtawag habang niyuyugyog ang kanyang balikat.Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. At kapagkuwa'y inalalayan ko pang bumangon."Good morning Mr. Kupal!" Masiglang bati ko sa kanya. Hinalikan ko pa ang tungki ng kanyang ilong na siya naman'g ikinagulat niya. "Ayan! Ready na ang breakfast mo!" Patuloy kong sambit."Salamat!" Tipid niyang tugon.Akmang kakapain niya na ang mga kubyertos ngunit kaagad ko itong napigilan."Ako na! Papakainin muna kita bago ako umalis. Baka kasi magtampo na naman 'yon sa'k
NAKAPANGALUMBABA lang ako habang mariing nakatitig sa mga papeles na nakatambak sa aking office table. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas buhat ng hindi ako kausapin ni Paul. At hanggang ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan kung paano ko siya makakausap ng maayos.''Ma'am! Ma'am!" Anang sekretarya ni dad na iwinasiwas pa ang kanang kamay para lang maagaw ang atensiyon ko."Ma'am ipinapatawag na po kayo sa conference room!""Huh? Naku! So-sorry ha!Sige na susunod na lang ako do'n.""Okay ma'am!"Pagkaalis ng sekretarya ay nagmamadali na akong nagretouch.Ilang beses pa akong nagpabaling-baling sa harap ng salamin para lang alamin ang kung kaaya-aya na ba sa paningin ng iba ang aking hitsura. Ngunit kahit saang anggulo ko naman yata tingnan ay sadyang maganda talaga ako. Wala akong maipintas. Marahil ay kung nakakapag
ALAS-otso na ng gabi, kaya naman nag dalawang isip ako kung papasok pa ba ako sa loob ng kuwarto ni Paul o hahayaan ko na lang muna itong mapag-isa. Bandang huli ay napagdesiyunan kong katukin muna ito upang alamin kung ito'y gising pa.''Sino 'yan?'' Ani Paul matapos kung kumatok ng tatlong beses.''Ako 'to si Czarina!'' Hindi na ito muling sumagot pa. Ilang segundo pa akong naghintay na pagbuksan niya. Pinakiramdaman ko rin kong naglalakad na ba siya patungo sa pintuan subalit wala man lang ni-katiting na ingay na maririnig mula sa loob.Muli akong kumatok ngunit gayo'n na lamang ang aking pagkadismaya nang bigla niya akong singhalan.''Ano
Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
Comments