KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kailangan ko na talagang magpakita kay daddy. Dahil baka sumabog na ang bumbunan no'n sa galit at tuluyan na ngang makalbo sa konsumisyon saakin at sa kompanya.
Aligaga ako sa pag-aayos ng aking sarili nang biglang tumunog ang aking cellphone. Gaya ng nakagawian ko ay sinisilip ko muna kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen.
It was Mr. Allejo! A President of Allejo Group of Companies.
A week ago ay nag-offer siya saakin na magtrabaho sa kanyang kompanya. No'ng una ay tinanggihan ko ito sa kadahilanang ayaw kong iwanan si dad lalo pa't nakalagay ngayon sa alanganin ang aming kompanya.
Minsan ko na ring nabanggit ang offer na iyon ni Mr. Allejo sa aking Kuya Andrew and he told me that he knows Mr. Allejo very well.
Childhood bestfriend niya daw ang anak nito. He also told me na marami ng branches ang kompanya nito kaya't maaari niya itong pakiusapan na tulungan akong maisalba ang aming kompanya.
Ilang segundo kong pinag-isipan kung sasagutin ko ang tawag niya. Sa huli ay hinayaan ko lang ito. Hindi ko pa kasi alam kung anong dapat kung sabihin sa kanya. Kaya't nagmadali na akong lumabas ng condo at kaagad kong pinaharurot ang aking kotse.
Masyadong maaga pa ng makarating ako sa kompanya. Balak ko sanang dumiretso sa office ni dad at doon ito hintayin para naman kahit paano ay makabawi ako sa kanya.Subalit laking gulat ko sa aking naabutan.
Napakaraming tao ang nagwewelga sa harap ng building. Halos lahat sila ay hindi magkamayaw sa paulit-ulit na pagsigaw.
Wala silang ibang nais kundi ang pababain si dad sa puwesto nito at tuluyang mailuklok sa mataas na posisyon si Tita Celeste.
Kaagad kong ipinaalam kay dad ang kasalukuyang nagaganap sa labas ng kompanya niya. Tinawagan ko na rin ang pinakamalapit na istasyon ng pulisya upang matigil na ang nagaganap na pagwewelga ng mga manggagawa na batid kong binayaran ni Tita Celeste. Maging ang mga guwardiya na naroon nakaduty ay hindi rin magkandaugaga sa pagpapaalis sa mga taong pilit na nagpupumilit pumasok.
Ilang segundo lang ang lumipas ay dumating na rin ang mga pulis. Kaya't muli ko nang pinaandar ang aking kotse at nagmaneho ako pabalik. Naiinis ako sa aking sarili. Wala na siguro akong ibang choice kundi ang pumayag sa offer ni Mr. Allejo. Bahala na kong ano pa ang isipin ni dad. Ang mahalaga ay makagawa ako ng paraan.At nasisiguro kong sa bandang huli ay may mabuti itong kahihinatnan.
Nang marating ko ang kompanya ni Mr. Allejo ay kaagad kong inihinto ang aking kotse. Sunod-sunod na pag buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako nagpasyang lumabas ng sasakyan at mabibigat ang hakbang na binaybay ko ang daan papasok.
Wala ako sa katinuan habang naglalakad. Paulit-ulit ko pang kinukumbinsi ang aking sarili na ito nga ang nararapat kong gawin para tuluyang maisalba ang aming kompanya.
MATAPOS kong makausap ang sekretarya ni Mr. Allejo, ay kaagad na ako nitong iginiya patungo sa opisina ng Presidente.
Isang matamis at malapad na ngiti ang isinalubong nito saakin. Kahit matanda na ito ay mababakas mo pa rin ang kahanga-hangang tikas ng pangangatawan nito. Maging ang awra ng kanyang mukha ay masasabi mong kaakit-akit at paniguradong maraming kababaehan rin ang nahumaling dito noon.
Natuon ang atensiyon ko sa kanyang
mga mata. Hindi ko mawari kung saan ako huling nakakita ng kahalintulad ng mga mata niyang tila nangungusap at naghahatid ng kakaibang sensasyon. Sinubukan kong alalahanin subalit na blangko na yata ang malaswang isipan ko.Pilit kong iwinawaksi ang walang kuwentang isipin na 'yon subalit paulit-ulit pa rin itong gumugulo saakin.
Bumalik lang ako sa tamang huwisyo nang muling magsalita ang kanyang sekretarya.
"Ma'am, iwanan na ho kita kay Mr. President."Nakangiti niyang paalam. Maagap naman akong tumango at pilit na ngumiti.
''Uhm, Good morning sir!"Naiilang na bati ko sa Presidente.
"Good morning! Have a sit attorney!" Anang Presidente.
"Sir, ayoko na po sanang magpaliguy-ligoy pa. I came here because-
"Tsk! Attorney Cervantes, masyado ka yatang huli sa balita." Ani Mr. Allejo na talagang hindi ako pinatapos sa iba ko pang sasabihin.
"What do you mean Mr. President? Hindi pa-"
"Huwag kang mag-isip ng mga negatibong bagay. Your sister and I has already talk about your company issue and we also made a deal. Alam mo bang pirma mo na lang ang kulang attorney?"Aniya, matapos putulin ang iba ko pang sasabihin.
Naiirita na talaga ako sa matandang ito. Parang ayaw yata akong pagsalitain eh.Gusto ko siyang sitahin pero naisip ko bigla na kailangan ko pa'lang maging mabait sa kanya. Kaya naman labis ang aking pagtitimpi ng mga sandaling iyon.
Ewan ko ba, pero nahihiwagaan talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung anong technique o powers na naman ang ginamit ng Ate Czyrah at Kuya Andrew para lang mapapayag ang guwapong matandang ito.
Wala man lang akong kahirap-hirap sa pag-aapply at talagang 'yong may-ari pa ang nanuyo saakin. Parang may mali talaga eh.
Napakamot na lang ako saaking batok dahil sa kawalan ng isasagot at itatanong kay Mr. Allejo. Ayoko na rin stressin pa ang beauty ko sa pag-iisip ng mga katanungang ang hirap hanapin ng kasagutan.
Nang mismong araw na yon, after ng pag-uusap namin ng Presidente ay kaagad ko ng sinimulan ang aking trabaho. Medyo nangamote pa nga ako at talagang halos umiyak ako sa sobrang kaba.
After i design and oversee their company's policy ay kaagad akong ipinakilala ni Mr. Allejo sa mga new investors niya.
Tanging pagtango at pagngiti lang ang aking naging sagot sa kanila.
"Attorney Cervantes!" Pagtawag saakin ng isang guwapong investor na batid kong nasa edad trenta na ito. Ayon sa tikas ng pangangatawan niya ay hindi maitatangging babaero rin ito kagaya ni Mr. President.
"Yes, Mr. Ledesma?"
"It's my pleasure to meet a gorgeous attorney like you Miss Cervantes!" Mapang-akit na ngiti ang ipinakita nito saakin at ang kapal pa ng mukha nitong kindatan ako.
Naasiwa naman ako sa kanya kaya't pinilit ko na lang ang ngumiti at kapagkuwa'y nagpaalam na ako sa kanya.
Dumiretso na ako sa opisinang itinalaga saakin ni Mr. President.
Habang nagpapahinga ay naisipan kong mag open ng aking facebook account at biglang may bagong ideya na pumasok sa utak ko. Napagdesisyunan kong magselfie na lang sa loob ng bago kong office upang inggitin na naman ang mga plastik kong kaibigan.
Nagretouch muna ako. Medyo pinatingkad ko ang aking red lipstick at maraming beses kong pinasadahan ng suklay ang aking blonde hair na hanggang balikat ang haba.
Ilang beses akong ngumiti at umawra sa camera at pagkatapos ay nag-upload ako sa aking facebook account ng mga piling larawan na alam kong kaakit-akit sa kanilang paningin.
I forgot to change the privacy of my post. Nakapublic pala iyon. Kaya naman laking gulat ko ng may unknown person na nag heart react dito at kaagad pang nagkomento.
"Handsome Clark commented on your photo."
"Hello gorgeous attorney!🤗😍"
"OMG! Who the hell is this?" Pagkausap ko sa aking sarili.
Dali-dali kong inistalk ang kanyang account. Subalit wala man lang akong matinong impormasyon na nakuha.
Ang kanyang profile picture ay tanging laptop at kape lang ang nakapaloob. Ang cover photo niya naman ay isang motivational qoutation lamang ang nakapaskil.
I was about to hit the exit botton nang biglang maagaw ng pansin ko ang friendlist niya.
There is one mutual friend kaya naman kunot noo kong tiningnan iyon. Napamaang pa ako ng si Mr. President pala ang mutual friend na 'yon. Saka ko lang naisip na ang handsome Clark at si Mr. Ledesma na kausap ko kanina ay iisa lamang.
Binura ko na lang ang komento niya sa aking larawan subalit sadyang makulit ang hudyong lalaki na iyon. Ilang segundo pa lang ang lumipas ay bigla ng nag-pop-up sa screen ng laptop ko ang friend request niya.
Binalewala ko na lang 'yon. Gusto ko sanang i-block na lang siya para tumigil na sa pangungulit subalit naisip kong pagiging immature ang gano'ng sistema.
Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko rin naman binura ang friend request niya. Wala rin naman kwenta kung pagtutuonan ko pa ng oras at panahon ang lalaking 'yon. I'm sure na papangit lang ako kapag pinatulan ko pa ang pangungulit niya.
Maya-maya pa ay may message request pang dumating saakin at nanggaling iyon kay Mr. Ledesma. Kunot noong pinagmasdan ko iyon. Pinag-isipan ko muna kung tatanggapin ko ba o hindi. Kahit naiirita na ako sa lalaking 'yon, pinairal ko pa rin naman ang aking kabaitan. I open his message at inilipat ko 'yon sa spam messages. Pagkatapos ay abot tainga ang aking naging pag ngiti nang mapagtanto kong labis na ang kademonyohan ko sa buhay.
SADYANG kay bilis ngang lumipas ng mga araw. Heto at isang buwan na rin pala akong nagtatrabaho sa Allejo Group of Companies. Sa una ay hindi maipagkakailang halos mangapa talaga ako sa kung anong dapat kong gawin at unahin. Kalauna'y medyo nasanay na rin ako.Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin maka-get-over si dad sa pag-iwan ko sa aming kompanya. Isang buwan niya na rin akong hindi pinapansin. Sa tuwing pupuntahan ko naman siya sa office ay laging sinasabi ng sekretarya niya na wala siya at nasa meeting.Hinayaan ko na lang muna si dad. Alam ko naman na darating din sa puntong magiging okay ang lahat.Ngayon ay nasa meeting ako with Mr. Cojuangco. Isa sa mga shareholder ng kompanya ni Mr. Allejo.May katandaan na rin ito. At dahil sa taglay kong kaartehan, ang pinaghalong amoy matanda at masangsang n
IT was saturday morning. Kaya't naisipan kong dumaan muna sa office ni dad. Kapag ganitong araw kasi ay hindi siya masyadong busy kaya't walang dahilan para pag taguan niya ako.Pagpasok ko pa lang sa pinto ng kanyang opisina ay nakakunot na noo at lukot na mukha kaagad ni dad ang aking nabungaran. Mas lumala pa ang hindi kanais-nais niyang awra nang mapansin ang aking presensiya."Good morning dad!" Masiglang bati ko sa kanya. Bagama't hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, niyakap ko pa rin ito at pinupog ng halik sa pisngi.Baka sakali lang na mapangiti ko siya at muli niya na akong kausapin.Subalit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinauupoan. Pakiramdam ko ay mas lalo pa ngang nadagdagan ang kanyang sama ng loob saakin.Nakangusong humiwalay ako ng yakap nang wala akong makuhang tugon mula sa aking ama.
NAKAKABINGING katahimikan ang bumalot saamin sa loob ng sasakyan. Pagkatapos kasi namin mag-almusal ay mismong si Mr. President na ang nanggalaiting ihatid ako ni Paul sa condo unit ko. Hindi naman umangal ang kupal kaya't heto at nakasakay ako sa kanyang mamahaling kotse.Hinihintay ko lang siyang kibuin ako at magpaliwanag saakin kung bakit gano'n ang mga sinasabi ng kanyang ama. Subalit tila wala itong balak na magsalita.Naglakas loob na akong basagin ang katahimikan. Hindi talaga kasi ako mapakali tuwing naaalala kong sinabi ni Mr. President na fiancee ako ng anak niya."Hoy! Mr. Kupal!" Bulyaw ko sa kanya.Sinulyapan niya lang ako at muli ng itinuon ang paningin sa unahan habang seryosong nagmamaneho."Ano! Wala ka man lang bang balak diyan na magsalita?" Muli ay sig
KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan dahil sa sunod-sunod na pagbusina ng sasakyan sa labas ng condo unit ko. Naiinis na sumilip ako sa bintana upang alamin kung sino ang may kagagawan ng ingay na iyon.Napakunot noo ako nang matanaw ko si Paul na nakasandal sa may kotse ko.Balak ko sana siyang bulyawan subalit ngayon ko lang din naalala ang maganda kong kotse. Naiwan ko nga pala ito sa parking lot ng The Beatles no'ng isang gabi na malasing ako. Marahil ay si Paul din ang nagmaneho nito patungo sa bahay nila.Aligaga akong nagsipilyo at nagsuklay. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na tinungo ko ang pintuan upang pag buksan ang guwapong nilalang na nasa labas.Bahagya pang umawang ang aking labi nang tuluyan na siyang makalapit saakin. Ang bango niya kasing tingnan sa kanyang suot na itim na t
ISANG linggo na rin ang matulin na lumipas simula nang magpanggap kami ni Paul bilang magkasintahan.Naririto kami ngayon sa isang botique. Sinamahan niya akong bumili ng damit na aking susuotin mamaya para sa kanilang family dinner. Naisip kasi namin na ito na ang tamang pagkakataon upang pormal niya akong maipakilala sa kanyang pamilya.Bagama't ako'y kabado, pilit ko pa ring kinukumbinsi ang aking sarili na maging kalmado. Ni-minsan kasi ay hindi man lang ako nagkaroon ng ideya kung paano ako makikitungo sa ina ng kupal na ito. Sa kadahilanang tanging si Mr. President pa lang ang nakikita at nakakausap ko."Hey! Are you done?" Bahagya pa akong napaigtad ng bigla siyang magsalita mula sa aking likuran."Yeah!" Maagap kong sagot. Nabaling ang kanyang paningin sa hawak kong cocktail dress. Napakunot noo pa ito nang mapansing malaki
HALOS mabasag na ang kawawang kopita dahil sa mariing pagkakahawak ko rito. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyaring matinding pagpapalitan namin ng masasakit na salita ni Mrs. Allejo. Maging si Paul ay ilang araw na rin na hindi ko kinikibo. Masama pa rin kasi ang loob ko sa kanya.Narito kami ngayon sa The Beattles Bar. As usual, kasama ko na naman ang mga kaibigan kong plastik na walang ibang ginawa kundi ang makiusyuso sa buhay ko.Ilang araw na rin akong nagmumukmok dito sa bar. Wala akong ibang maisip na paraan kundi ang uminom na lang upang kahit paano ay makalimutan ko ang problema ng kompanya. Pakiramdam ko kasi ay wala ng pag-asang maayos ko pa ito lalo pa't matindi ang galit saakin ng ina ni Paul."So, what's your plan bitch?" Lakas loob na tanong saakin ni Eula."Wala." Matabang
ALAS singko pa lang ng umaga ay ginising na ako ng pangit na tunog ng letseng door bell ko.Nakasimangot na bumangon ako at wala sa sariling binuksan ko ang pintuan."What the hell is wrong with you?" Kaagad na naibulalas ko ng mukha ni Paul ang tumambad saakin."Oh, may mali na naman ba akong nagawa? Don't tell me na kakagising lang!"Aniya na bahagya pang itinaas ang kilay."Fuck you! Hindi mo ba alam na ang aga mong nambulabog? Ang sarap pa sana ng tulog ko eh!"Singhal ko sa kanya."Tsk! Wala ka man lang bang balak na papasukin ako sa loob?" Nang-aasar niyang tanong saakin."Wala! Bahala kang mamuti ang mata mo sa kakahintay saakin diyan sa labas!" Pabagsak kong sinaraduhan ito ng pinto."Baka puwedeng bilisan mo naman! Kanina pa nagagalit sa'kin ang Ate Czyrah mo!"Malakas niyang hiyaw
NANG sumunod na mga araw ay mas napapadalas na ang pagsasama namin ni Paul. Halos lahat ng lakad niya ay parating nakabuntot ako at ipinangangalandakan niya pa sa buong mundo na fiancee niya ako. Wala naman akong magawa kundi ang sumuporta at sumang-ayon sa lahat ng kagustuhan at kahilingan niya.Pansamantalang isinantabi muna namin ni Paul ang aming mga walang kuwentang bangayan. Hanggang sa dumating na sa puntong napapangiti na pala niya ako kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para saakin.Nakatakdang ganapin ang aming kasal sa susunod na linggo. Maayos na sana ang lahat. Maliban nga lang sa mommy ni Paul na hanggang ngayon ay tutol pa rin sa relasyon namin ng anak niya.Si daddy ay hindi maipaliwanag ang sayang nadarama nang minsang kausapin ito ni Paul tungkol sa aming pag-iisang dibdib. Buong akala ko ay tatanggi ito subalit taliwas ito sa inaasahan ko. Maging si m