KINABUKASAN ay maaga akong nag-ayos ng mga gamit namin ni Zoe. Kagabi pa lang ay tinawagan ko na rin si 'Nay Meding upang siya na lang ang pansamantalang umalalay kay Paul at siya na rin ang mag bantay sa anak ko. Kaaagad naman na pumayag ang matanda. Sa katunayan ay kanina pa itong madaling araw umalis ng Sorsogon.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-tutupi ng mga damit ni Zoe nang bigla akong lapitan ni mommy.
"Nak!" Mahinahon niyang pagtawag sa'kin. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Bahagya pa akong nagulat sa taning niya. Mukha yatang gusto pang tumutol ni mommy sa gagawin namin'g paglipat sa condo ni Paul.
"Buo na ho ang desisyon ko mom.Kaysa naman ma-stress kayo sa'kin eh 'di mas mainam ng si Paul naman ang mamroblema sa'kin." Sarkastikong sagot ko sa kanya.
"Nak, i'm sorry kung pakiramdam mo ay pinarurusahan kita these past few days. Eh kasi naman, buong akala ko ay may relasyon kayo ni Mr. Ledesma.
MATULIN na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan na rin buhat ng lumipat kaming mag-ina sa bahay ni Paul. Si 'Nay Meding naman ay naroon na rin at malugod kaming pinaglilingkuran. At pareho na rin namin na kinalimutan ang aming walang kuwentang tampuhan. Maging kami ni mommy ay nagka-ayos na rin at pareho na kaming nagka-intindihan. Sa katunayan ay nandito ngayon si mommy. Dinalaw ang makulit niyang apo.Kasalukuyan niyang kinakausap si Paul at marahil ay kinukumbinsi niya itong bumalik ng America. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si mommy. Halatang masaya ito sa naging resulta ng kanilang pag-uusap dahil bakas sa mukha ni mommy ang kasiyahan at maging ang mga mata niya ay kakaiba ang ningning.''I have a good news bunso!'' Nagulat pa ako sa biglaang pag yakap saakin ni mommy.''What is it mom?'' Naguguluhan'g tanong ko
NAGISING ako dahil sa malakas na pag sigaw ni Czarina. At ang masaklap pa ay hindi lang ito basta-basta sigaw dahil may kaakibat pa itong panghahampas at pagmumura."Nakakabuwisit ka talaga Paul!"Singhal niya. Hindi pa ito nakuntento dahil pinaghahampas niya pa ako sa dibdib. Kaya't hindi ako makabangon agad."Aray! Sobrang sakit na ng tiyan ko Paul! Lintik ka ang sarap pa ng tulog mo!" Sunod-sunod niyang hiyaw. Habang ako naman ay hindi magkandaugaga sa pag-ilag. Ang bigat pa naman ng kamay niya kaya't sa tuwing dadantay ito sa aking balat ay paniguradong may lamat."Hoy! Ano ba? Manganganak na yata ako!" Muli niyang sigaw na halos umiyak na at namimilipit na rin sa sakit.Dalawang taon na rin ang lumipas buhat ng ma operahan ako. Pagkatapos ng operasyon ay bumalik rin kami sa Pilipinas at makalipas ang limang buwan ay muli kaming nagpakasal. Ginawa pa namin'g flower g
This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental.This story is unedited so expect any typographical error, grammatical error, wrong spelling or whatsover errors. Then if you are looking for a perfect story, then do not continue reading this.The story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!For more important updates please visit the following:@MhaeCy on GoodNovel@Maicy Tumbaga official facebook account@eZymSeXy_05 on wattpad@myze1105-twitter acct.@sexymhaecy on instagram
ALAS tres na ng madaling araw nang marating ko ang Sorsogon. Tahimik pa ang buong paligid. Marahil ay mahimbing pang natutulog ang mga tao. Tanging mga kuliglig at tilaok ng mga manok lamang ang bumabasag sa katahimikan ng buong paligid.Hindi muna ako dumiretso sa bahay namin. Sa halip ay tinungo ko ang dalampasigan.Ang sapatos ko na three inches ang takong ay napagpasyahan ko na ring hubarin.Naglakad ako ng nakatapak sa dalampasigan habang ninanamnam ang sariwang hangin na nagmumula sa malawak na karagatan.Pansamantala akong tumigil sa isang puno ng niyog na malapit sa dalampasigan. Inilapag ko doon ang aking maleta at pagkatapos ay ibinato ko sa malayo ang kapares ng sapatos na aking suot. Kapagkuwa'y patakbo kong tinungo ang binagsakan nito.Para akong baliw na tumatakbong mag-isa habang malakas na tumatawa. Pakiramdam ko kasi ay naibsan ang lahat ng mabigat na n
LAKAD, takbo na ang ginawa ko para lang makalabas sa isang mall na kung saan ay madalas kong puntahan. Sa kadahilanang labis ang pagkapahiya na aking natamo nang mga sandaling iyon.Ang tanga-tanga ko kasi sa part na maglagay ako ng maraming item sa isang push cart at pagkatapos ay wala pala akong pambayad.Nakaaway ko pa nga ang isang guwapong lalaki kanina ng mag-agawan kami sa isang malaking bote ng delight.Puro maliliit na kasi ang naroon sa loob ng freezer at iisa na lang ang natitirang malaki.Aba'y malay ko ba naman na delight lover din pala si Mr. Kupal.Syempre dahil sa taglay kong katarayan ay hindi umobra ang pagmamatigas niya lalo pa't nasilayan niya ang aking kagandahan.charr!!anong konek?Tuluyan ko na ngang napuno ang cart na tulak ng aking kabilang kamay. Kaagad akong dumiretso sa counter subali
KINABUKASAN ay tuluyan na nga akong na discharge. Dapat sana ay kahapon pa. Kaya lang ay masyadong OA ang bayaw ko. Doctor din kasi ang asawa ng Ate Czyrah ko kaya nagawa niyang pakiusapan ang dakteeer kwak-kwak na nag-asikaso saakin.Sinabi niya kasi rito na kailangan ko pa raw magpahinga kaya't napilitan akong mag-stay muna ng ilang oras pa sa hospital. At ayon sa narinig kong pag-uusap nila kahapon ay matagal na nga silang magkakilala ni Kuya Andrew.Samu't-saring katanungan ang bumalatay sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mahanap ang rason kung bakit masyadong mainit ang dugo saakin ng doctor na iyon. At kulang na lang ay kaladkarin niya ako palabas ng hospital.Nagtataka rin ako kung paano ba sila naging magkasundo ng bayaw ko gayu'ng sobrang bait nito saakin samantalang ang dokto
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kailangan ko na talagang magpakita kay daddy. Dahil baka sumabog na ang bumbunan no'n sa galit at tuluyan na ngang makalbo sa konsumisyon saakin at sa kompanya.Aligaga ako sa pag-aayos ng aking sarili nang biglang tumunog ang aking cellphone. Gaya ng nakagawian ko ay sinisilip ko muna kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen.It was Mr. Allejo! A President of Allejo Group of Companies.A week ago ay nag-offer siya saakin na magtrabaho sa kanyang kompanya. No'ng una ay tinanggihan ko ito sa kadahilanang ayaw kong iwanan si dad lalo pa't nakalagay ngayon sa alanganin ang aming kompanya.Minsan ko na ring nabanggit ang offer na iyon ni Mr. Allejo sa aking Kuya Andrew and he told me that he knows Mr. Allejo very well.Childhood bestfriend niya daw ang anak
SADYANG kay bilis ngang lumipas ng mga araw. Heto at isang buwan na rin pala akong nagtatrabaho sa Allejo Group of Companies. Sa una ay hindi maipagkakailang halos mangapa talaga ako sa kung anong dapat kong gawin at unahin. Kalauna'y medyo nasanay na rin ako.Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin maka-get-over si dad sa pag-iwan ko sa aming kompanya. Isang buwan niya na rin akong hindi pinapansin. Sa tuwing pupuntahan ko naman siya sa office ay laging sinasabi ng sekretarya niya na wala siya at nasa meeting.Hinayaan ko na lang muna si dad. Alam ko naman na darating din sa puntong magiging okay ang lahat.Ngayon ay nasa meeting ako with Mr. Cojuangco. Isa sa mga shareholder ng kompanya ni Mr. Allejo.May katandaan na rin ito. At dahil sa taglay kong kaartehan, ang pinaghalong amoy matanda at masangsang n