“Ma’am Seraphina…”
Napatingin ako kay Manang Jelly, mahina ang boses niya, para bang nag-aalangan kung dapat ba niya akong kausapin. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—wala na sina Chantal at Sebastian. Umalis na sila.
Walang paalam.
Wala man lang pag-aalinlangan.
Saglit akong napapikit, pilit na itinatago ang sakit na namumuo sa dibdib ko.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
“Saang restaurant sila magla-lunch?” tanong ko kay Manang Jelly, umaasang baka nasabi ni Sebastian sa kanya.
Sandaling natigilan si Manang, parang iniisip kung dapat ba niyang sabihin sa akin. Sa huli, tahimik siyang nag-abot ng isang papel.
Kinuha ko iyon at tiningnan ang nakasulat.
Pamilyar sa akin ang pangalan ng restaurant.
Kung tama ang natatandaan ko… ito rin ang lugar kung saan madalas kaming kumain dati ni Sebastian—noong bago pa lang kaming mag-asawa.
Umakyat ako sa kwarto at dumiretso sa banyo upang maligo. Matapos kong maligo, kumuha ako ng damit mula sa aparador—isang pink knee-length dress. Isinuot ko ito nang maingat, hinayaan ang tela na dumikit sa balat ko, parang yakap na hindi ko alam na kailangan ko.
Pagkatapos, kinuha ko ang aking white Louis Vuitton bag at lumabas ng kwarto.
Maaga pa—alas nuwebe pa lang ng umaga. Kaya napagdesisyunan kong dumaan muna sa kumpanya.
Matagal ko nang gustong magtrabaho bilang personal secretary ng asawa ko, pero hindi siya pumayag. Kaya ngayon, nagtatrabaho ako bilang isa sa mga ordinaryong sekretarya—malayo sa posisyong dapat sana’y akin.
Pagpasok ko sa opisina, laking gulat ko nang biglang sumalubong sa akin ang masasayang mukha ng aking mga kasamahan.
“Belated happy birthday, Ms. Faye!” sigaw nila, sabay paglutang ng makukulay na confetti sa hangin.
Napatingin ako kay Jude, isa sa mga kasamahan ko, na may hawak na cake.
"Happy 32nd Birthday, Secretary Faye!" nakasulat sa ibabaw nito, may kasamang simpleng dekorasyon ng pink icing at maliit na kandila.
Napangiti ako—isang totoong ngiti sa unang pagkakataon mula kahapon.
Hindi man ako pinahalagahan ng sarili kong pamilya… pero dito, sa kumpanyang ito, may mga taong nakaalala ng espesyal na araw ko.
“Make a wish and blow out the candle,” nakangiting sabi ni Jude.
Make a wish?
Ano pa ba ang dapat kong hilingin?
“Secretary Faye, blow na ang candle,” dugtong naman ni Andrea, ang personal secretary ng aking asawa.
Tiningnan ko ang kandila—ang maliit nitong apoy na kumikislap sa ibabaw ng cake.
Minsan, naniniwala ako sa wishes.
Noong ikinasal ako, nag-wish ako ng isang bagay lang—isang masayang pamilya.
Pero hindi iyon natupad.
Kaya ngayon, bakit pa ako magwi-wish?
Walang pag-aalinlangan, pinanood ko ang kandila habang dahan-dahang hinihipan ito—walang hiling, walang pag-asang natitira sa puso ko.
“Secretary Faye, you’re spacing out. Are you okay?” tanong ni Andrea, nakatingin sa akin nang may halong pag-aalala. “How was your celebration with your husband and daughter?”
Wala silang kaalam-alam na ang asawa ko mismo ang CEO ng kumpanyang ito.
Ngumiti ako—isang praktisadong ngiti, isang ngiting itinago ang lungkot at pangungulila.
“I’m good! Masaya naman ang celebration namin,” sagot ko, pilit pinapatibay ang boses ko.
Natahimik ang buong silid.
Nakatayo ang lahat, nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung bakit.
Pero bago pa ako makaramdam ng kaba, nagsalita si Paula, binasag ang tensyon sa hangin.
"Tara, kainin na natin ito."
Nagsimula nang kumuha ng paper plates ang mga kasamahan ko. Iniabot nila sa akin ang cake knife, kaya agad kong hinati ang cake at binigyan sila ng tag-iisang slice.
Nang matapos, umupo ako sa aking silya at kinuha ang cellphone sa bag ko. Tiningnan ko ang oras—alas diyes pa lang ng umaga. Malapit lang ang restaurant sa kumpanya, kaya mamaya na lang ako pupunta doon, siguro mga eleven-thirty.
“Secretary Faye, hindi ka pa kumukuha ng cake,” wika ni Paula, sabay abot sa akin ng isang paper plate. “Ito, tikman mo. Masarap ito.”
Tinanggap ko ang cake at pilit na ngumiti.
Habang bumabalik si Paula sa kanyang upuan, narinig ko ang mahihinang tawa at bulungan nila Andrea at Verylle. Busy sila sa usapan nila—mga tsismis na wala akong balak makinig.
Pero bago pa ako tuluyang makapagpahinga, isang boses ang narinig ko, malapit lang.
"I know that you're lying, Seraphina."
Napatigil ako.
Bumaling ako sa kanan at nakita si Jude, nakatayo sa tabi ng mesa ko. Tahimik pero matalim ang tingin niya, para bang binabasa ang buong pagkatao ko.
Nagkibit-balikat ako, pinilit na magpanggap na walang alam.
"Lying for what, Jude?" sagot ko, inosenteng nakangiti.
Pero hindi siya nagpatinag.
Lumapit siya ng bahagya at bumulong, sapat lang para ako lang ang makarinig.
"You celebrated your birthday alone in the same restaurant."
Nanigas ang katawan ko.
"I saw you."
Inilayo naman ni Jude ang kanyang sarili, pero nanatili siyang nakatitig sa akin.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya ng matalim.
“Don’t you dare talk about this to others. What you see is what you see.”
Kinuha ko ang aking bag at tumayo, handang lumabas ng opisina. Pero bago ko pa maabot ang pinto, naramdaman ko ang kamay ni Jude na mahigpit na humawak sa aking pulsuhan.
“Where are you going?” tanong niya, kita sa mukha niya ang pag-aalala.
Napasinghap ako at agad na iniwas ang aking kamay mula sa kanyang hawak.
“It’s none of your business, Jude.” Matalim kong sagot, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Please, huwag ka nang makialam sa buhay ko. 'Yan lang ang hiling ko sa’yo.”
Napatingin siya sa akin, tila gustong magsalita pero pinigilan niya ang sarili niya.
Sa halip, mahina siyang bumuntong-hininga bago bumigkas ng mga salitang halos ikayanig ng puso ko.
“Just tap me if you need help, Seraphina. You can call me—I’m one call away.”
Saglit akong napatigil. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong init ang bumalot sa dibdib ko.
Tumango lang ako bilang tugon at agad nang lumabas ng opisina.
Narinig ko pang tinatawag ako ng ilang kasamahan ko, pero hindi ko na sila pinansin. Alam kong nagbigay na ng alibi si Jude, kaya bahagya akong napangiti.
Sa loob ng elevator, nag-umpisa nang maglaro sa isip ko kung anong regalo ang dadalhin ko para kay Diane.
Pagkalabas ko ng elevator, diretso ako sa parking lot at sumakay sa aking sasakyan. Agad ko itong pinaandar at nilandas ang daan papunta sa isang high-end jewelry store.
Matagal akong naglibot sa loob, hinahanap ang perpektong regalo. Hanggang sa may isang bagay na agad na nakakuha ng aking pansin—isang Bvlgari Serpenti bracelet na kumikinang sa ilaw ng display case. Kulay silver, eleganteng-disenyo, perpektong bumabagay sa imahe ni Diane.
“I’ll take this one,” malamig kong sabi sa saleslady.
Agad niya itong kinuha at dinala sa counter.
“Two hundred fourteen thousand, seven hundred sixteen pesos and forty-five cents po,” anunsyo ng cashier.
Kinuha ko ang aking card at walang pag-aalinlangan itong inabot sa kanya.
Napatigil si Seraphina sa tapat ng restaurant, hawak pa rin ang paper bag na naglalaman ng mamahaling bracelet na binili niya para kay Diane. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa—o kung anong inaasahan niyang mararamdaman matapos itong ibigay.
Ngayon, habang pinagmamasdan niya ang eksena sa loob, parang biglang nabura ang lahat ng rason niya.
Si Diane at Chantal, magkatabi, parang tunay na mag-ina. Masaya silang nag-aasaran habang tinutukso ni Diane ang bata sa pagkain. Si Chantal naman, tuwang-tuwa, hinahati ang pastry na kinagat ni Diane—isang bagay na ni minsan ay hindi niya nagawa kay Seraphina.
Si Sebastian, may malambing na ngiti, abalang nagsasandok ng gulay para sa kanilang dalawa. Ngunit ang talagang tumama sa kanya ay ang paraan ng pagtitig niya kay Diane.
Walang halong pag-aalinlangan. Walang pagdadalawang-isip.
Parang siya lang ang nakikita nito.
Hindi alam ni Seraphina kung ilang minuto siyang nakatayo roon. Hindi rin niya namalayan na mahigpit na pala niyang hawak ang paper bag, halos madurog na ito sa kanyang mga daliri.
May malamig na pakiramdam na gumapang sa kanyang katawan—isang mabigat na katotohanan na matagal na niyang tinatanggihan.
Hindi na siya bahagi ng mundong iyon.
Napakurap siya, pilit pinigilan ang pag-alon ng kanyang damdamin.
Dahan-dahan niyang hinigpitan ang hawak sa bracelet bago muling huminga nang malalim.
Hindi niya alam kung may halaga pa ba ang pagpapakita niya rito.
Pero isa lang ang sigurado niya—hindi siya pwedeng manatili sa isang lugar na wala na siyang puwang.
Hindi na siya pumasok sa loob ng restaurant. Sa halip, dali-dali siyang bumalik sa kaniyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito pauwi. Pagkarating sa bahay, dumiretso siya sa kaniyang kwarto. Sa ibabaw ng mesa, nakapatong ang kaniyang laptop. Agad niya itong binuksan, nagpunta sa MS Word, at sinimulang gawin ang divorce agreement.Pagkatapos niyang matapos ang dokumento, tinawagan niya ang kaibigang si Michelle, ngunit hindi ito sumagot. Napakagat siya sa labi at napaisip. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Jude. Dali-dali niyang hinanap ang numero nito at tinawagan."Hello, si Seraphina 'to. I need your help. Puwede mo ba akong sunduin sa bahay?" Walang paliguy-ligoy niyang sabi. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Jude at agad niyang binuksan ang airline website para bumili ng ticket papuntang Davao. Mahal ang pamasahe dahil last-minute booking ito, pero wala siyang pakialam—ang mahalaga ay makaalis siya agad.Pagkabili ng ticket, agad niyang pinrint ang divorce agreeme
Alas nuwebe ng gabi nang makauwi sina Sebastian at ang kanyang anak na si Chantal. Pagpasok ng sasakyan sa gate, nag-aalangan pa rin si Chantal na bumaba. Ayaw niyang umuwi dahil nandoon ang kanyang ina.“Chantal, kailangan mo nang umuwi. Samahan mo ang mama mo,” sabi ni Aunt Diane.“Anak, kung ayaw mong bumaba, susunduin ka ng mama mo dito,” dagdag ni Sebastian.Wala nang nagawa si Chantal. Kahit labag sa loob niya, bumaba na rin siya at pumasok sa bahay.Pagpasok nila sa bahay, nagsalita si Sebastian.“You can stay here, Diane. Sa guest room ka na lang matulog. I will ask Manang Jelly to prepare it,” sabi niya.Masaya namang ngumiti si Chantal at agad na kumapit kay Diane.“Aunt Diane, baka magalit si Mom kapag nandito ka. I really hate her,” sabi ni Chantal, halatang may inis sa kanyang boses.Tumingin si Sebastian sa anak at lumuhod para magpantay ang kanilang mga mata.“No, Mom won’t be angry,” sagot niya sa mahinahong tinig.Dahan-dahang lumambot ang mukha ni Chantal at tila gum
Hindi na hinintay ni Sebastian na magsalita pa si Jude. Tinalikuran niya ito at agad na sumakay sa kanyang sasakyan, diretso pauwi. Habang nasa daan, ramdam niya ang kumukulong galit sa kanyang dibdib—galit sa asawa niyang animo'y laging humihingi ng atensyon, galit sa lahat ng nangyayari sa kanya. Para bang hindi pa sapat ang lahat ng pinagdaraanan niya, may idinagdag na namang panibagong sakit ng ulo."Akala ko, pagkatapos naming ikasal, mawawala na ang problema ko. Punyetang pamilya!" singhal niya bago malakas na sinuntok ang manibela.Napapikit siya saglit, pilit nilalabanan ang bumabalik na alaala—ang araw na ipinakilala siya ng kanyang lolo kay Seraphina.-Flash back-Habang nasa date si Sebastian kasama ang kanyang kasintahan na si Diane, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pinilit niyang balewalain ito, ngunit nang paulit-ulit itong nag-ring at nakita niyang si Lolo ang tumatawag, napabuntong-hininga siya at napilitan itong sagutin."Come to my office. Let’s have lunch toget
Nakaharap si Seraphina sa HR representative, nakaupo ng tuwid at maingat na nakapulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan. Muling sumulyap ang opisyal sa kanyang resume bago ngumiti ng magalang."Seraphina Faye Dee-Singson," aniya, binibigkas ang pangalan niya nang malinaw bago muling tumingin sa kanya. "Maraming salamat sa pagpunta ngayon."Bahagyang tumango si Seraphina at gumanti ng magaan na ngiti. Pamilyar na sa kanya ang prosesong ito—una, babasahin ang kanyang pangalan, susundan ng ilang katanungan."Batay sa iyong resume, may hawak kang mga degree sa Early Childhood Education at Economics." Bahagyang tumango ang HR officer habang iniikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri. "Impressive credentials, However, most of your professional experience has been as a company secretary for nearly fifteen years. Could you tell me more about that career path and what led you to apply for a teaching position now?"Tahimik na tumingin si Seraphina sa opisyal, panatag ang kanyang ek
Napangiti si Seraphina nang marinig ang boses ng kaniyang kaibigang si Jude.“Unang araw mo sa Davao, ‘di ba? Kumusta? Is everything okay?” tanong nito mula sa kabilang linya.Dahil sa ingay ng paligid—ang tunog ng scanner ng cashier, ang usapan ng ibang mamimili, at ang anunsyo sa mall—hindi masyadong narinig ni Seraphina ang sinabi ni Jude.“Ha? Ano ‘yun? Hindi kita marinig, tatawagan na lang kita ulit.” sagot niya bago mabilis na ibinaba ang tawag.Binuksan niya ang messenger app at mabilis na nag-type ng mensahe:Seraphina: Ang ingay dito sa mall, hindi kita marinig. Call kita mamaya pag nasa bahay na ako!Matapos i-text si Jude, inilagay ni Seraphina ang cellphone sa loob ng kaniyang bag at muling ibinalik ang atensyon sa cashier na patuloy na sina-scan ang kaniyang mga pinamili. Napatingin siya sa monitor at bahagyang nagulat nang makita ang total—nasa sampung libo na. Pero sa kaniya, maliit lang ang halagang iyon.Hinugot niya ang wallet mula sa bag at saglit na natigilan. Ilan
"Papuntahin mo nga muna si Andrea sa opisina," utos ni Sebastian sa kanyang head secretary na si Jude. Walang imik na tumango si Jude bago lumabas ng silid at nagtungo sa opisina ng mga sekretarya.Habang hinihintay niya si Andrea, ibinalik ni Sebastian ang pansin sa kanyang iPad, ngunit hindi niya tuluyang maituon ang isip sa binabasa. May kutob na siyang alam niya kung ano ang laman ng dokumentong ipapasa sa kanya.Makalipas ang ilang minuto, marahang kumatok si Andrea bago pumasok sa silid. Lumapit ito sa mesa niya at inilapag ang isang sobre.Napatingin si Sebastian sa papel, bahagyang nagtaas ng kilay bago ito kinuha. “What’s this?” malamig niyang tanong.Napakapit si Andrea sa hawak niyang folder, halatang alanganin. "Ano po, resignation letter ni—""I see." Hindi na hinintay ni Sebastian ang buong paliwanag. Pinisil niya ang tulay ng kanyang ilong bago ibinaba ang papel sa mesa. "Then go find a new secretary."Nag-aalangan man, tumango si Andrea. "Opo, sir." Inilahad niya ang f
“Seb,” mahinhin na tawag ni Diane kay Sebastian.Napabuntong-hininga si Sebastian bago siya tumingin kay Diane, halatang iritado. “Hindi ka pa pala nakaalis. Gusto mo bang ihatid na kita?” tanong niya. Tahimik na tumango si Diane.Tumayo si Sebastian, kinuha ang kanyang susi at cellphone na nasa mesa, saka tumingin kay Diane. “Mauna ka nang lumabas,” malamig niyang utos. Kita sa mata niya ang kawalan ng emosyon.Pagkabukas ng pinto, sumalubong sa kanila si Jude, kasama ang anak nitong si Chantal. Napatingin si Chantal kay Diane, halatang nagtataka. Si Jude naman ay agad tumingin kay Sebastian na may matalim na tingin.“Saan ka pupunta, Sebastian? Nasa gitna ka ng trabaho, tapos aalis ka?” matigas na tanong ni Jude.Napailing si Sebastian, halatang naiinis. “You know what, Jude? Gawin mo na lang ang trabaho mo sa kumpanya. I’m the CEO—”“I’m one of the shareholders of this company, Sebastian,” mariing putol ni Jude. “Kaya may karapatan akong pagsabihan ka kung hindi mo ginagampanan ng
Alas sais na ng gabi, at nagsialisan na ang mga trabahante ng kumpanya. Si Jude na lang ang natitira sa loob ng kanyang opisina, nakatitig sa kanyang cellphone na nakahiga sa mesa. Nagdadalawang-isip siya kung rereplyan ba si Seraphina at ipapaalam na hinahanap na siya ng kanyang ama.Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Agad niyang pinatay ang cellphone at itinaas ang tingin. Sa may pintuan, nakatayo si Sebastian. Tahimik itong pumasok, at napilitan namang tumayo si Jude mula sa kanyang upuan.Saglit silang nagkatitigan bago nagsalita si Sebastian, ang tinig nito ay malamig at walang bahid ng emosyon.“Jude, alam kong alam mo kung bakit ako nandito.”Hindi nagbago ang ekspresyon ni Sebastian—wala ni anong galit o pang-aakusang makikita sa kanyang mukha. Parang pumunta lang siya doon para hanapin ang kanyang asawa dahil gusto itong makita nina Mama at Papa.Napabuntong-hininga si Jude bago sumagot.“Alam ko,” aniya, matigas ang tinig. “Pero wala a
Narinig pa ni Seraphina ang ugong ng paparating na ambulansya, ngunit unti-unti nang nanlalabo ang kanyang paningin. Nanghihina na siya, at ramdam na ramdam niya ang matinding sakit na bumalot sa kanyang tiyan—tila ba may bumabaling sa kanyang mga laman-loob, pinupunit ito mula sa loob. Halos hindi na siya makahinga sa sakit, at bawat hinga ay tila tinik na bumabaon sa kanyang dibdib, lumalalim sa bawat paghinga. Dumidilim na ang kanyang paligid, at ang bawat segundo ay parang habang-buhay na paghihirap. Nang buksan ng rescuer ang pinto at sumalubong ang malamig na hangin ng gabi, tila nawalan na siya ng lakas upang lumaban pa. Ang lamig ay tila baga humigop sa init ng kanyang katawan, naging paalala na unti-unti nang lumalayo ang kanyang ulirat. Sa huling saglit bago siya mawalan ng malay, hinayaan na lamang niya ang kanyang sarili na lamunin ng kadiliman, na para bang iyon na lamang ang tanging ligtas na lugar sa gitna ng sakit.Nagising na lamang siya sa matapang na amoy ng alcohol
Hindi na muna ni-replyan ni Seraphina ang email ni Alistair. Sa halip, ibinalik na lamang niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tahimik na bumalik sa kanyang opisina. Wala na siyang gana pang mag-isip tungkol sa mga sulat o anuman—masyado nang magulo ang kanyang isipan at mas pinili niyang umiwas muna sa anumang dagdag na stress.Pagkapasok niya sa opisina, agad siyang naupo sa kanyang upuan at napapikit. Ramdam niya ang bigat ng kanyang katawan at ang lalim ng pagod na ni hindi niya alam kung saan nanggagaling. Marahil ay epekto pa ito ng emosyonal na pagod na dala ng mga kaganapan nitong mga nakaraang araw. Sa huli, hindi niya na rin napigilan ang kanyang sarili—nakatulog siya habang nakasandal sa kanyang upuan.“Ma’am,” narinig niyang tawag mula sa labas ng pinto. Simula nang siya ay mabuntis, napansin niyang naging mas sensitibo na siya sa kahit anong klase ng tunog—mapa-ingay man o simpleng kaluskos. Kahit mahimbing pa ang kanyang tulog, madaling nagigising ang kanyang diwa sa p
Sa opisina kung saan nagtatrabaho si Alistair, napatingin siya sa mga papel na nakakalat sa kanyang mesa. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala at pagka-dismaya, sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na anumang balita mula kay Seraphina. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang huli silang nag-usap, at unti-unti na siyang kinakain ng kaba at pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga na lamang siya, pilit na pinapakalma ang sarili habang pinagmamasdan ang cursor na kumikislap sa kanyang computer screen.Sa pagnanais niyang muling makausap ang babae, agad niyang binuksan ang Google at tini-type ang pangalan ng law firm na pagmamay-ari ng tiyuhin ni Seraphina. Umaasa siyang kahit papaano ay may mahahanap siyang impormasyon na makakatulong upang maabot ang babae—anumang detalye na maaaring maging tulay sa kanilang muling pagkikita.At hindi siya nabigo. Kahit na hindi contact number ang kanyang nahanap, nakaramdam pa rin siya ng bahagyang ginhawa nang makita niya ang isa
“I got it, ma’am. I’ll send the evidence right away. Hindi ako makiki-alam kung ano ang gagawin mo diyan sa ebidensya. I just want to tell the truth that I know—before everything else comes to an end. I’ll tell you, and I will also let Trisha know about that—” malumanay ngunit may bigat na sabi ni Alistair, ramdam ang paninindigan sa kanyang boses kahit pa may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.“No. Don’t you ever tell Trisha, Seraphina, or anyone else in my family. Don’t you dare, or ikaw ang patatahimikin ko.” Matigas at malamig ang sagot ng matanda. Walang pag-aalinlangan sa kanyang boses, at sa isang iglap ay nagdilim ang kanyang mga mata. Tahimik na napatingin si Alistair kay Litezia, kita sa kanyang mukha ang pag-unawa—at ang lungkot.He knew—alam niya na ito ang magiging tugon ng ginang sa kanyang balak isiwalat. Hindi na siya nagulat. “I know that you’ll say that,” ani Alistair, mahina ngunit buo, “thus, I just want to let you know na… you don’t need to silence me. Mamamatay
Ang matanda, matapos marinig ang alok ni Alistair, ay nagtaglay ng ilang sandali ng katahimikan. Ang galit na kanyang nararamdaman ay mabilis na napalitan ng kalituhan. Hindi ito isang simpleng kasinungalingan; may bigat ang mga salitang binitiwan ni Alistair. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may bahagi sa kanya na hindi kayang tanggapin ang buong katotohanan. Si Trisha? Ang kanyang anak na sobrang inosente. At ngayon, si Alistair—ang bata na unang iniwasan ng lahat—ay ipinapakita ang ebidensya ng isang bagay na hindi niya kayang iwasan.Dahan-dahang napaupo ang matanda, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa mesa, parang naguguluhan kung ano ang susunod na hakbang. Si Trisha… ang nagiisa niyang anak na babae,kung sakali man na ang mga paratang ni Alistair ay totoo, anong ibig sabihin nun para sa kanya? Ang alinlangan sa kanyang dibdib ay nagsimulang mag-ugat, at pati ang mga plano niyang naisip tungkol kay Sebastian ay naging malabo.“Trisha…” bulong niya sa sarili, at kahit ang kanya
“Lola, I haven’t seen her for a while,” wika ni Chantal, sabay lingon sa matandang babae na noon ay nakaupo sa maringal na upuang gawa sa kahoy at balot ng mamahaling tela. Napataas naman ang kilay ng ina ni Sebastian, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Hindi nito malaman kung sino ang tinutukoy ni Chantal—si Diane ba, ang babaeng hindi niya kailanman tinanggap sa kanilang pamilya, o si Seraphina, na umaliss dahil sa kagaguhan ng kanyang anak.Bago pa man niya masagot ang tanong, isang mahinang katok sa pintuan ang umalingawngaw, at isang kasambahay ang maingat na sumilip mula sa bukas na siwang ng pinto.“Ma’am, may bisita ho kayo,” sabat ng maid, bahagyang yumuko bilang paggalang, pinipilit ang sarili na huwag magpakita ng kaba sa harap ng istriktang ginang ng bahay.“Papasukin mo na lang,” maikling utos ng ina ni Sebastian, hindi man lang nilingon ang maid at nanatiling nakatuon ang pansin kay Chantal. Ang kanyang postura ay nanatiling matikas at dominante, tila bang kahit isang
It’s been three months since nalaman ni Alistair na may terminal disorder. Sa loob ng panahong iyon, marami na siyang pinagdaanan—pisikal man o emosyonal. Hindi niya inaasahang magiging ganito kabilis ang pag-ikot ng mundo, na habang binibilang niya ang mga natitirang araw, kailangan pa rin niyang magpatuloy sa trabaho, magpakatatag, at gampanan ang mga obligasyong iniwan sa kanya ng hustisya.Ngayong araw, nasa opisina siya ng PAO (Public Attorney’s Office). Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at ang banayad na paglipat ng mga pahina mula sa mga case files na hawak niya. Suot niya ang kanyang simpleng puting long sleeves at may bahagyang loosened tie—tila ba simbolo ng pagod at patuloy na pakikipaglaban sa sistema.Habang sinusuyod ng kanyang mga mata ang bawat detalye ng kaso, bakas sa kanyang mukha ang bigat ng laman nito. Iilan sa mga kasong nasa kanyang lamesa ngayon ay patungkol sa rape at VAWC (Violence Against Women and Children). Ilan sa mga ito ay nagsus
Isang babae ang nakaupo nang maayos sa isang makinis at mamahaling swivel chair, habang malamig na nagtanong, “Come here. How’s the progress of the plan?” Mariin at pantay ang pagtapik ng kanyang mga daliri sa armrest, nagpapahiwatig ng isang katahimikan at awtoridad na lalong nagpabigat sa tensyon sa loob ng silid.Biglang sumingit ang boses ng isang lalaki, puno ng inis at pagod. “You know, Mom, I’m tired of this! You just want the main house position, and I’m out of it!” Habang nagsasalita siya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao, at ang pait sa kanyang tono ay hindi maikakaila. Sa isang sulok ng kwarto, isang dalagang tila naaaliw ang tumawa nang may panlilibak, kitang-kita ang tuwang nararamdaman niya sa umiinit na pagtatalo.Ngumiti ang babaeng nasa upuan, may kunwaring lambing sa kanyang ekspresyon. “Are you sure about that?” aniya habang bahagyang nakapaling ang ulo. “It’s a win-win situation if you’d only see the bigger picture. You get her—your precious little obse
"How are you, my dear brother? Did you enjoy my gift last week? The wine?"Nanlamig si Sebastian. Tila nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya inaasahan ang tawag na iyon — hindi sa araw na ito, hindi pagkatapos ng lahat ng nangyari.Ang simpleng pagbati ng tinig sa kabilang linya ay nagdala ng alon ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang katawan. Ang tono ng boses ay hindi ordinaryo — may halong panunukso at mapanganib na lambing, parang isang ahas na handang manila ng biktima, humahabi ng bitag na hindi mo namamalayan hanggang huli na ang lahat.Hawak pa rin ang cellphone sa tainga, si Sebastian ay napapikit, pilit pinipigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Gift? Wine?Biglang bumalik sa kanyang isipan ang isang bote ng mamahaling alak na dumating sa hotel room niya noong nakaraang linggo — walang pangalan kung kanino galing, walang kahit anong indikasyon kung sino ang nagpadala. Akala niya noon ay simpleng corporate gesture lang ito mul