“Ma, stop it, please. I’ll talk to Seraphina in case she wants something—a settlement.”Biglang sumabat si Jude, ang kanyang tinig ay malamig at puno ng awtoridad.Napatingin si Sebastian sa kanyang kapatid, bahagyang nagulat sa naging pahayag nito. Sa isang iglap, nawala sa kanyang isipan ang naunang tanong tungkol sa sinabi ng kanilang ina. Ngayon, mas nakatuon na ang kanyang pansin sa naging tugon ni Jude.“I’ll talk to her—” sinimulan ni Sebastian, ngunit agad siyang pinutol ni Jude.“No, Sebastian. Ako ang kakausap sa kanya.” Madiin at walang pag-aalinlangan ang boses ng kanyang kapatid. “Alam ko naman kung saan patutunguhan ang usapan kung ikaw ang kakausap kay Seraphina. Ipaglalaban mo pa rin si Diane, at lalo lang lalala ang lahat.”Napalunok si Sebastian. Alam niyang may katotohanan ang sinabi ng kanyang kapatid, ngunit hindi niya maiwasang sumagot.“Alangan namang hindi ko ipagtatanggol si Diane?” sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili. “Wala naman siyang kasalanan dito
“Best friend, ayos ka lang?” tanong ni Althea habang pinagmamasdan si Seraphina na nakatanaw sa langit. Napansin niyang bahagyang nanginginig ang balikat nito, tila pilit pinipigilan ang anumang emosyon na gustong kumawala.Dahan-dahang ibinaba ni Seraphina ang kanyang tingin at tiningnan ang kaibigan. Isang tipid na ngiti ang iginuhit niya sa kanyang labi, isang ngiting halatang pilit. Kahit natatakpan ng mask ang kalahati ng kanyang mukha, kitang-kita pa rin ito sa kanyang mga mata.“Ayos lang ako,” sagot niya sa mahina at bahagyang nanginginig na tinig.Ngunit hindi iyon binili ni Althea. Kilala niya si Seraphina—kung paano ito ngumiti kahit wasak na sa loob, kung paano ito magkunwaring matatag kahit halos hindi na makahinga sa bigat ng nararamdaman.“You can file a case, Seraphina,” malumanay ngunit may diin na sabi ni Althea. “To be honest, dapat matagal mo na iyong ginawa. Alam kong hindi ka okay.”Napabuntong-hininga si Seraphina at nag-umpisang maglakad. Para bang sa bawat hak
“I just want to settle everything in private. Hindi naman kailangang umabot pa sa ganito, Seraphina,” paliwanag ni Jude, ang boses niya ay puno ng pagsusumamo.Ngunit imbes na makuha ang simpatiya ng dalawa, lalo lamang nitong ikinairita si Seraphina at Althea. Pinilit ni Seraphina na panatilihing kalmado ang kanyang sarili, kaya't tumango-tango lang siya habang nakikinig, ngunit ramdam niya ang nag-aapoy na galit ng kaibigan.Hindi na napigilan ni Althea ang sarili. Matalim ang tingin niyang ibinato kay Jude habang mariing bumuntong-hininga.“Oh, here we go again! ‘I just want to settle everything in private, hindi naman kailangang umabot pa sa ganito, Seraphina.’” Inulit ni Althea ang sinabi ni Jude, ginagaya ang tono nito na may halong panunuya. “Cut your clout, Jude, kasi nakakarindi! Settle everything in private? And what about my best friend’s dignity? Private lang din ba iyon pagkatapos ng lahat ng nangyari? Nag-iisip ba kayo?”Puno ng poot ang boses ni Althea, ramdam ang matin
Malinaw. Malinaw pa sa sikat ng araw ang naging pahayag ni Ms. Ynez. Ang bawat salitang binitiwan nito ay tila patalim na tumarak sa sitwasyon, nag-iiwan ng hindi maitatangging epekto sa bawat isa sa silid.Napapikit na lamang si Romulo, ang ama ni Diane. Ramdam niya ang matinding bigat ng pangyayari, isang pagkadismayang hindi niya inaasahang mararanasan mula sa sariling anak. Wala na siyang alam kung ano pa ang maaari niyang gawin upang baguhin ang sitwasyon. Alam niyang hindi niya maaaring pwersahin o takutin ang dalaga upang makuha ang gusto niya—hindi kung ayaw niyang makalaban ang tiyuhin nito, isang taong hindi niya gugustuhing maging kaaway. Ang pangalan pa lamang nito ay sapat ng magpabigat sa kanyang loob.Huminga siya ng malalim bago tumayo. May hinanakit man sa dibdib, kinailangan niyang panatilihin ang anyo ng isang mahinahong tao. "I’m sorry again, Ms. Ynez. Aalis na ho kami," aniya, may bahagyang paggalang sa tinig.Walang imik si Seraphina. Tanging pagtango lamang ang
“You have them? Are you delusional?!” mariing sigaw ni Mari, hindi makapaniwala sa naririnig. “Diane, you are madly in love—blinded! Stop this insanity before it’s too late!”Ngunit hindi natinag si Diane. Bagkus, mas lalo pang tumibay ang determinasyon sa kanyang mga mata. Tumindig siya ng tuwid, ipinapakita ang paninindigan sa kabila ng galit at panghuhusga ng kanyang ina.“No one can stop me, Mom,” madiin niyang sagot, malamig ang kanyang tinig. “Kahit ikaw. Kaya please, huwag mo nang subukang pigilan ako. I don’t need your support or anything else.”Nanlumo si Mari sa sinabi ng anak. Kitang-kita niya ang pagiging matigas ng ulo nito, ang lubusang paniniwala na kaya nitong ipaglaban ang isang bagay na sa tingin ng lahat ay mali. Ilang beses na ba niya itong pinagbilinan? Ilang beses na ba niyang sinubukang ipaintindi sa anak ang tama at mali?Napatingin na lamang siya kay Diane, tila hinuhukay sa mga mata nito ang kahit katiting na pagsisisi—ngunit wala siyang nakita. Isang malamig
Napansin ni Seraphina ang malinaw na pagkakaiba ng ugali nina Austin at Sebastian. Si Austin ay kalmado at tila palaging may hinahon sa bawat kilos, samantalang si Sebastian ay hindi mapakali—parang laging may kinikimkim na galit sa mundo. Siguro nga, naisip niya, may kinalaman ito sa pananaw nila sa buhay o sa kung paano sila pinalaki. Habang iniisip niya ito, napabalik ang kanyang pansin sa kasalukuyang nangyayari sa paligid.Biglang napatalon sa tuwa ang kanyang anak na si Chantal, kasama ang kaibigan nito, habang todo hiyaw sa excitement. Hindi niya maiwasang mapatingin kay Althea, na ngayon ay sobrang abala sa pagsuporta sa paborito nitong manlalaro. Tila ba wala na itong pakialam sa kanya, lubos na nahahatak ng init ng laban.“Magbanyo muna ako, beh,” mahinahong wika ni Seraphina kay Althea. Ngunit tulad ng inaasahan, hindi siya nito pinansin, kaya napagdesisyunan niyang umalis na lang.Pagdating sa banyo, agad niyang napansin ang mahabang pila ng mga taong naghihintay. Mabuti n
Napataas ang kilay ni Seraphina habang nakatingin kay Gorge. Ramdam niyang para bang hinuhusgahan siya nito, ngunit wala siyang pakialam. Hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya, lalo na sa isang taong mahilig makialam sa hindi naman niya dapat pinapakialaman.“Si Sebastian ba ang hinahanap mo?” tanong ni Gorge, may bahid ng panunuyang nakapaloob sa kanyang tinig. Ang ngisi nito ay nagpapahiwatig ng kung anong iniisip na tila nais niyang iparamdam kay Seraphina.Mabilis siyang sumagot, hindi pinapahalata ang inis na unti-unting nabubuo sa kanyang dibdib. “I’m not looking for him, at saka ano ba ang pakialam mo?” madiin niyang wika, nakatingin nang diretso sa mga mata ni Gorge. Hindi niya gusto ang tono nito, ang paraang ginagamit nito upang painitin ang ulo niya.Ngunit sa halip na umurong o tumigil, mas lalo pang lumapad ang ngiti ng lalaki, tila ba natutuwa na nakikita siyang naiinis. “Oh, a loving wife is here—”Bago pa man matapos ang kanyang pangungutya, hindi na nakapag
“Let’s go,” wika ni Seraphina, kasabay ng pagtango ni Althea bilang pagsang-ayon. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at tuluyang lumabas ng arena. Sa paglabas nila, kaagad silang pumara ng taxi upang makaalis.“Punta muna tayo sa isang burger house,” suhestiyon ni Althea habang inaayos ang kanyang buhok. Tumango lang si Seraphina, halatang walang reklamo sa mungkahi ng kaibigan. Pagdating nila sa burger house, agad na nagtungo si Althea sa counter upang umorder ng pagkain, samantalang si Seraphina naman ay nanatiling nakatayo at tahimik na inilibot ang paningin sa paligid.Habang abala si Althea sa pagpili ng kanilang kakainin, si Seraphina naman ay tila nalulunod sa sarili niyang isipan. Maraming tao sa paligid—mga magkakaibigang nagtatawanan, mga pamilya na masayang nagsasalu-salo, at ilang magkasintahang punong-puno ng lambing sa isa’t isa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya maiwasang maalala ang isang bagay—o isang tao.Kailan nga ba ang huling beses n
“Ano'ng ginagawa mo rito? Lumayo ka sa asawa ko!” malakas at galit na sigaw mula sa may pintuan, punong-puno ng tensyon at panibugho. Napalingon si Seraphina sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Sebastian sa pintuan—nakasandal ngunit halatang handang sumugod anumang oras, ang mga mata’y naglalagablab sa galit.Agad na napatingin si Alistair sa direksyon ni Sebastian, bahagyang nagulat sa biglaang pagdating nito.“Wala kang pakialam—” sagot ni Alistair, mababa ang tono ngunit puno ng pagtutol, pilit pinananatili ang katahimikan ng damdamin sa harap ng tensyon.“May pakialam ako. Asawa ko ang nakahiga sa kama!” mariing sagot ni Sebastian, umabante ng hakbang, at ang bawat kilos niya’y tila nagpapahiwatig ng panganib, na parang isang bomba na anumang sandali'y puputok.“Akala ko ba pinirmahan mo na ang divorce papers—” sambit ni Alistair, bakas sa mukha ang gulat at pagtataka, ngunit hindi ito umatras sa titig ni Sebastian.“Wala akong pakialam, hayop
Narinig pa ni Seraphina ang ugong ng paparating na ambulansya, ngunit unti-unti nang nanlalabo ang kanyang paningin. Nanghihina na siya, at ramdam na ramdam niya ang matinding sakit na bumalot sa kanyang tiyan—tila ba may bumabaling sa kanyang mga laman-loob, pinupunit ito mula sa loob. Halos hindi na siya makahinga sa sakit, at bawat hinga ay tila tinik na bumabaon sa kanyang dibdib, lumalalim sa bawat paghinga. Dumidilim na ang kanyang paligid, at ang bawat segundo ay parang habang-buhay na paghihirap. Nang buksan ng rescuer ang pinto at sumalubong ang malamig na hangin ng gabi, tila nawalan na siya ng lakas upang lumaban pa. Ang lamig ay tila baga humigop sa init ng kanyang katawan, naging paalala na unti-unti nang lumalayo ang kanyang ulirat. Sa huling saglit bago siya mawalan ng malay, hinayaan na lamang niya ang kanyang sarili na lamunin ng kadiliman, na para bang iyon na lamang ang tanging ligtas na lugar sa gitna ng sakit.Nagising na lamang siya sa matapang na amoy ng alcohol
Hindi na muna ni-replyan ni Seraphina ang email ni Alistair. Sa halip, ibinalik na lamang niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tahimik na bumalik sa kanyang opisina. Wala na siyang gana pang mag-isip tungkol sa mga sulat o anuman—masyado nang magulo ang kanyang isipan at mas pinili niyang umiwas muna sa anumang dagdag na stress.Pagkapasok niya sa opisina, agad siyang naupo sa kanyang upuan at napapikit. Ramdam niya ang bigat ng kanyang katawan at ang lalim ng pagod na ni hindi niya alam kung saan nanggagaling. Marahil ay epekto pa ito ng emosyonal na pagod na dala ng mga kaganapan nitong mga nakaraang araw. Sa huli, hindi niya na rin napigilan ang kanyang sarili—nakatulog siya habang nakasandal sa kanyang upuan.“Ma’am,” narinig niyang tawag mula sa labas ng pinto. Simula nang siya ay mabuntis, napansin niyang naging mas sensitibo na siya sa kahit anong klase ng tunog—mapa-ingay man o simpleng kaluskos. Kahit mahimbing pa ang kanyang tulog, madaling nagigising ang kanyang diwa sa p
Sa opisina kung saan nagtatrabaho si Alistair, napatingin siya sa mga papel na nakakalat sa kanyang mesa. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala at pagka-dismaya, sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na anumang balita mula kay Seraphina. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang huli silang nag-usap, at unti-unti na siyang kinakain ng kaba at pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga na lamang siya, pilit na pinapakalma ang sarili habang pinagmamasdan ang cursor na kumikislap sa kanyang computer screen.Sa pagnanais niyang muling makausap ang babae, agad niyang binuksan ang Google at tini-type ang pangalan ng law firm na pagmamay-ari ng tiyuhin ni Seraphina. Umaasa siyang kahit papaano ay may mahahanap siyang impormasyon na makakatulong upang maabot ang babae—anumang detalye na maaaring maging tulay sa kanilang muling pagkikita.At hindi siya nabigo. Kahit na hindi contact number ang kanyang nahanap, nakaramdam pa rin siya ng bahagyang ginhawa nang makita niya ang isa
“I got it, ma’am. I’ll send the evidence right away. Hindi ako makiki-alam kung ano ang gagawin mo diyan sa ebidensya. I just want to tell the truth that I know—before everything else comes to an end. I’ll tell you, and I will also let Trisha know about that—” malumanay ngunit may bigat na sabi ni Alistair, ramdam ang paninindigan sa kanyang boses kahit pa may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.“No. Don’t you ever tell Trisha, Seraphina, or anyone else in my family. Don’t you dare, or ikaw ang patatahimikin ko.” Matigas at malamig ang sagot ng matanda. Walang pag-aalinlangan sa kanyang boses, at sa isang iglap ay nagdilim ang kanyang mga mata. Tahimik na napatingin si Alistair kay Litezia, kita sa kanyang mukha ang pag-unawa—at ang lungkot.He knew—alam niya na ito ang magiging tugon ng ginang sa kanyang balak isiwalat. Hindi na siya nagulat. “I know that you’ll say that,” ani Alistair, mahina ngunit buo, “thus, I just want to let you know na… you don’t need to silence me. Mamamatay
Ang matanda, matapos marinig ang alok ni Alistair, ay nagtaglay ng ilang sandali ng katahimikan. Ang galit na kanyang nararamdaman ay mabilis na napalitan ng kalituhan. Hindi ito isang simpleng kasinungalingan; may bigat ang mga salitang binitiwan ni Alistair. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may bahagi sa kanya na hindi kayang tanggapin ang buong katotohanan. Si Trisha? Ang kanyang anak na sobrang inosente. At ngayon, si Alistair—ang bata na unang iniwasan ng lahat—ay ipinapakita ang ebidensya ng isang bagay na hindi niya kayang iwasan.Dahan-dahang napaupo ang matanda, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa mesa, parang naguguluhan kung ano ang susunod na hakbang. Si Trisha… ang nagiisa niyang anak na babae,kung sakali man na ang mga paratang ni Alistair ay totoo, anong ibig sabihin nun para sa kanya? Ang alinlangan sa kanyang dibdib ay nagsimulang mag-ugat, at pati ang mga plano niyang naisip tungkol kay Sebastian ay naging malabo.“Trisha…” bulong niya sa sarili, at kahit ang kanya
“Lola, I haven’t seen her for a while,” wika ni Chantal, sabay lingon sa matandang babae na noon ay nakaupo sa maringal na upuang gawa sa kahoy at balot ng mamahaling tela. Napataas naman ang kilay ng ina ni Sebastian, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Hindi nito malaman kung sino ang tinutukoy ni Chantal—si Diane ba, ang babaeng hindi niya kailanman tinanggap sa kanilang pamilya, o si Seraphina, na umaliss dahil sa kagaguhan ng kanyang anak.Bago pa man niya masagot ang tanong, isang mahinang katok sa pintuan ang umalingawngaw, at isang kasambahay ang maingat na sumilip mula sa bukas na siwang ng pinto.“Ma’am, may bisita ho kayo,” sabat ng maid, bahagyang yumuko bilang paggalang, pinipilit ang sarili na huwag magpakita ng kaba sa harap ng istriktang ginang ng bahay.“Papasukin mo na lang,” maikling utos ng ina ni Sebastian, hindi man lang nilingon ang maid at nanatiling nakatuon ang pansin kay Chantal. Ang kanyang postura ay nanatiling matikas at dominante, tila bang kahit isang
It’s been three months since nalaman ni Alistair na may terminal disorder. Sa loob ng panahong iyon, marami na siyang pinagdaanan—pisikal man o emosyonal. Hindi niya inaasahang magiging ganito kabilis ang pag-ikot ng mundo, na habang binibilang niya ang mga natitirang araw, kailangan pa rin niyang magpatuloy sa trabaho, magpakatatag, at gampanan ang mga obligasyong iniwan sa kanya ng hustisya.Ngayong araw, nasa opisina siya ng PAO (Public Attorney’s Office). Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at ang banayad na paglipat ng mga pahina mula sa mga case files na hawak niya. Suot niya ang kanyang simpleng puting long sleeves at may bahagyang loosened tie—tila ba simbolo ng pagod at patuloy na pakikipaglaban sa sistema.Habang sinusuyod ng kanyang mga mata ang bawat detalye ng kaso, bakas sa kanyang mukha ang bigat ng laman nito. Iilan sa mga kasong nasa kanyang lamesa ngayon ay patungkol sa rape at VAWC (Violence Against Women and Children). Ilan sa mga ito ay nagsus
Isang babae ang nakaupo nang maayos sa isang makinis at mamahaling swivel chair, habang malamig na nagtanong, “Come here. How’s the progress of the plan?” Mariin at pantay ang pagtapik ng kanyang mga daliri sa armrest, nagpapahiwatig ng isang katahimikan at awtoridad na lalong nagpabigat sa tensyon sa loob ng silid.Biglang sumingit ang boses ng isang lalaki, puno ng inis at pagod. “You know, Mom, I’m tired of this! You just want the main house position, and I’m out of it!” Habang nagsasalita siya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao, at ang pait sa kanyang tono ay hindi maikakaila. Sa isang sulok ng kwarto, isang dalagang tila naaaliw ang tumawa nang may panlilibak, kitang-kita ang tuwang nararamdaman niya sa umiinit na pagtatalo.Ngumiti ang babaeng nasa upuan, may kunwaring lambing sa kanyang ekspresyon. “Are you sure about that?” aniya habang bahagyang nakapaling ang ulo. “It’s a win-win situation if you’d only see the bigger picture. You get her—your precious little obse