Share

Chapter 29-When You Can't Do Anything But Get Hurt

[Vida's Point of View]

Sa tuwing maaalala ko o nakakakita ako ng mga bagay-bagay na konektado sa mama at papa ko, hindi ko maiwasang malungkot. Sino ba naman ang hindi ang malulungkot? Haha. Kung kahapon, tawang-tawa pa ako sa 'hotdog seller' eksena ni Dion, ngayon parang nakakapagsisi na pinagtawanan ko 'yon. Naalala ko na iniiwasan ko nga pala ang hotdog at hipon kasi namimiss ko lang lalo ang magulang ko. Malaki ang kaugnayan nito sa kanila, at hindi ko talaga maiwasan na maiyak tuwing sumasagi sa isip ko. Kahit pa sabihin na ang oa ko kasi pagkain lang naman 'yon.

"Vida, I really need your help. Samahan mo ako mamili." Kanina lang pagkatapos ko magsaing, bigla akong tinawagan ni Dion para humingi sa 'kin ng tulong mamili ng hotdog na inorder sa kan'ya ng mga kasamahan ni Lola sa trabaho.

"Hindi ako sasama. Kasalanan mo na 'yan, panget mo kasi magsinungaling. Bahala ka mamili mag-isa. " Akala n'ya siguro, kaibigan na talaga ang turing ko sa kan'ya.

"Hey, Vida? Don't end the call
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status