Share

Chapter 34

[Vida’s Point of View]

Wala sa sarili akong naglakad-takbo pabalik roon sa guidance office. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang ginawang pagyakap sa akin ni Dion. Sobra akong naapektuhan sa ginawa n’ya.

“Vida, sa’n ka galing?” salubong sa akin ni Faye na kalalabas lang rin mula sa loob ng office. Pero imbes na sagutin ko s’ya ay hinila ko ang kan’yang braso at dire-diretsong naglakad.

“Teka, Vida. Vida. Vida!” Tumigil ako nang nagpumiglas s’ya sa pagkakahawak ko.

“Umalis na tayo dito. Please?”

“Wait ngae.” Tumigil s’ya sandali at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. “May nangyari ba? Sinaktan ka ba ni Dion?-Omg! P-pinarusahan ka ba ng gonggong na ‘yon?”

Umiling-iling ako sa kan’ya.

“O, e ano? Ang putla mo kaya.” Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ni Faye.

Maputla ba talaga ako? Grr.

“W-wala. Basta gusto ko na umalis dito. Tutal tapos naman na magperform si Kuya Vincent.”

Tinanguan n’ya ako saka hinawakan ang aking braso. Walang ibang dumadaan dito sa hallway maliban sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status