“WHY are you sitting so far away from me? Am I scary?”Agad napatingin si Serena nang marinig ang himutok ni Kevin. “Hindi, ah! Sinong nagsabing takot ako sa'yo?”“Then if you're not afraid, scoot closer.”Tiningnan muna ni Serena ang layo niya kay Kevin at totoo naman na malayo siya rito. Halos dumikit na siya sa pinto ng kotse. Ginawa niya ang gusto nito at umurong siya papalapit. Nang gawin niya ang gusto ng lalaki, nakita ni Serena ang napakaliit na ngiti sa labi ni Kevin. Natulala siya roon at nasabi niya sa isip na napakagwapo talaga nito. Kung makikita ni Hanni si Kevin, sigurado siyang titili iyon dahil sa makikita. Dahil sa may katagalan niyang pagtingin dito, napansin iyon ni Kevin. “Hey, is there any dirt on my face?”“H-Ha? Wala!” Para pagtakpan ang ginawa, tumingin na lang sa labas ng bintana si Serena. “What are you thinking?”“Wala naman.”“Tell me... iniisip mo ba iyong lalaking kasama mo kanina?”Agad napaharap si Serena kay Kevin. Hindi dahil sa tanong nito kundi
GUMISING na naman si Serena na mabigat ang katawan. Nang tingnan ang sarili, nakabihis na siya ng nightgown. Alam niyang si Kevin ang nag-asikaso sa kanya. Nilibot niya ang paligid at wala ang presensiya nito. Nang magawi ang mata sa sidetable, may adhesive note na nakadikit doon. Wife, Eat your breakfast before you go to work. I'll be back later.Take care. —KevinIlang segundo niya pang minasdan iyon bago siya tumayo at inayos ang sarili. Dahil may markang iniwan si Kevin sa leeg niya, turtleneck longsleeves dress ang suot niya. Bago lumabas ng kwarto, tinago ni Serena ang note na iniwan ni Kevin. “Madamé, your breakfast is ready.”Asiwa pa rin si Serena sa pagtawag sa kanyang 'madamé' pero kahit anong sabi niya sa mga katiwala, hindi raw pwede ang gusto niya. Ito ang kagagalitan ni Kevin kapag nalamang pangalan lang ang tawag kay Serena. “Madamé, do you wanna bring your lunch? There's a readymade lunch for you,” ani Butler Gregory. “Talaga po? Sige, Butler Gregory, dalhin k
“GUYS, libre ko mamaya sa KTV. Lahat sasama, okay? KJ ang hindi sasama,” announcement ni Kelly nang pauwi na sila. “Hindi ako sasama,” sagot agad ni Serena at napatingin sa kanya ang lahat. Nagtaas din ng kamay si Hanni. “Ako rin.”“Kaya nga ako manlilibre dahil hihingi ako ng sorry kay Serena dahil mali ang akala ko tapos hindi kayo pupunta?”Sumabat na rin si Rose. “Pumunta na kayong dalawa. Serena, para pala sa'yo 'yon tapos ikaw ang wala? Sama na kayo, sige na.”Nagkatinginan si Serena at Hanni. Parehong ayaw ng dalawa pero binubuyo sila ng mga katrabaho at sa huli, sumama nga sila. Bago sumama ay tinawagan ni Serena si Kevin para hindi siya nito hanapin. “Hello, Kevin?”[“Hmm?”]“Nag-imbita ang isa sa kasama ko na mag-KTV at hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. Kapag sobrang gabi na, sa apartment na ako uuwi.”[“I can pick you up.”]“Hindi na, Kevin. Baka kasi gabihin ako. Bukas na lang ako uuwi, ha?”A sigh was heard on the other line. [“Fine. Take care of yourself.
Chapter 14: You can't touch me, SerenaPARANG may humahaplos na malamig na bagay sa mukha ni Serena at iyon ang nagpabalik ng malay niya. Nang buksan ang mata, hindi niya kilalang lalaki ang nabungaran niya kaya napaupo siya at napaurong palayo rito. Agad naman nitong tinaas ang kamay. “I’m harmless. I didn't do anything to you,” paliwanag nito, hawak pa ang basang towel na pinupunas sa mukha ni Serena. “S-Sino ka?!” Niyakap ni Serena ang sarili at may takot sa mga matang tumingin sa lalaki. “Hindi mo ba maalala? Hinatak mo ang damit ko at humingi ka ng tulong sa akin that's why I helped you. You were held by a woman and after some seconds, may lalaki ring dumating. I think they're plotting something nasty that's why I intervened. I brought you here to get you checked and it's positive na may date drügs sa ininom mo.”Bumalik sa alaala ni Serena ang nangyari at kinuyom niya ang kamay. May masama ngang balak si Kelly sa kanya at alam niyang si Mr. Lagdameo ang boses na narinig bago
HINDI man nasabi sa mga dapat makaalam ang nangyari kay Serena, lumuwag ang pakiramdam niya noong makaganti kay Kelly. Pero pakiramdam niya ay kulang pa iyon. She almost got ráped! Ngunit gustuhin man niyang sabihin sa ibang tao ang naranasan, ayaw niyang mag-iba ang tingin sa kanya. Sabagay, siya rin ang may kasalanan dahil alam niyang hindi sila magkasundo ni Kelly pero nagtiwala pa rin siya. Sa huli, siya rin ang dapat sisihin sa nangyari sa kanya. Isa pa, walang patunay na ginawan siya ng masama dahil wala siyang pruweba bukod sa witness, 'diba? At totoo naman ang sinabi ni Kelly na maraming kapit si Mr. Lagdameo habang siya ay hamak na empleyado lang. Iniling ni Serena ang ulo para nawala sa utak ang iniisip. Binalik niya ang atensyon sa ginagawa dahil ilang minuto na lang ay ipapakita nila ang nagawang proposal sa weekly meeting. “Punta na raw tayong office, Serena.”Nag-ready si Serena at bitbit ang laptop, pumunta sila sa AVR para i-set up ang reports at proposal. Nang ma
USAP-USAPAN ang nangyari kay Mr. Lagdameo at Kelly. Nabalita pa nga ito sa TV dahil kilalang kumpanya ang SGC kaya mas maraming tao ang nakikita ni Serena na nakikiusyoso sa labas. Mas lalo ring maingay sa loob. “Alam mo ba dahil sa nangyari, lumabas din ang totoo tungkol kay Kelly. Kábit pala siya ni Mr. Lagdameo at dahil lang sa kapit kaya nakapasok si Kelly dito! Kaya pala noong una, ni mag-fax at gumamit ng printer, hindi marunong si Kelly pero kung umasta parang amo. Kaya pala gan'on ay dahil umaasa siya kay Sir Lagdameo! Isa rin pala siya sa kasabwat ni Sir at nagdedespalko sila ng pera ng company!”“Tapos iyong nagrereklamo pala dati na pinagsamantalahan ni Mr. Lagdameo, totoo raw pala talaga! Tinakot lang ni Mr. Lagdameo kaya nanahimik. Tinapalan daw ng pera at sinabi na kung hindi pa kalilimutan ang lahat, baka ipatümba raw ni Mr. Lagdameo iyong babae. Ayun, nawala ang issue na 'yon, 'diba? Another case uli iyon.”“At ito talaga pinakamatindi kasi kasali si Serena sa issue n
“MR. Sanchez, here's the file you asked me to gather.”Kinuha ni Kevin ang portfolio na inaabot sa kanya at pinatong iyon sa desk. Binalik niya ang tingin kay Dylan na isa sa empleyadong pinagkakatiwalaan ng kanyang lolo. “Lagdameo's matter was handled well. But why did no one notice the things he did in the first place?”Napalunok si Dylan noong makwestiyon ito ni Kevin. “Sir...sa dami ng empleyado ng SGC, hindi lahat ay nababantayan. Isa pa, malaki ang naitutulong niya sa kompanya lalo na kung pagbabatayan ang annual financial statements na nasa reports niya. Efficient employees ang hanap ng SGC at hindi...role models ng lipunan.”Alam ni Kevin na ganoon naman talaga lalo kung nagpapatakbo ng kompanya ngunit hindi niya pa rin gusto na sinubukan nitong saktan si Serena. Napabuga si Kevin ng hangin. “Just let the lawyers deal with his matter thoroughly. Let him stay in prison.”Tumango si Dylan ngunit hindi nito mapigilang hindi magtanong. “Okay, Sir. But how did he offend you? Hind
“WHAT are you going to tell me?”Biglang sabi ni Kevin noong matapos itong ngumiti. Bumalik din sa isip ni Serena ang sasabihin niya kanina. “Nakwento ko na nakulong si Mr. Lagdameo, 'diba? Si Sir Yves yata ang nagsumbong kaya nalaman ng SGC ang mga ginawa niya.”Nabura na naman ang magandang mood ni Kevin at naramdaman iyon ni Serena. Hindi lang siya sigurado kung saan ang maling nasabi.“He told you that he did it?” malamig na anito. “Hindi syempre. Pero tingin namin siya ang may gawa n'on. Kasi noong nalaman niyang nawawala ang files sa laptop, sinabi niya sa amin ni Hanni na siya na ang bahala.”“You sure about that?”Lumiit ang boses ni Serena habang nagpapaliwanag. “Sabi kasi ni Hanni, ramdam niyang may gusto si Sir Yves sa akin kaya sure siyang si Sir ang nagsumbong. Naisip ni Hanni 'yon dahil noong birthday ko, binigyan ako ng chocolate ni Sir Yves na hindi naman gawain ni Sir. Mabait din daw sa akin. “Pero wala sa isip ko 'yon, ha? Kaya nga dahil team building next week, p
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal
Hindi sumagot si Daemon agad, pero ramdam ni Patricia ang bigat ng katahimikan, parang may bumagsak na malamig na hangin sa dibdib niya. Hanggang sa marinig niya ang isang linya. “Ganiyan ka lang pala.”Pagkatapos no’n, tumunog na ang busy tone. Parang tinapon si Patricia sa yelong tubig. Tumagos sa buto niya ang lamig at hirap siyang huminga...Alam niyang siguradong nainis at nadismaya na si Daemon sa kanya.Siguro, wala pang babae na umasta sa kanya ng ganoon. At siguro, hindi pa siya kailanman naging ganoon ka-pasensyoso sa kahit na sino. Pero anong magagawa niya?Mag-isa lang siya. Walang kakampi, walang kapangyarihan.Bago umalis si Carmina, may iniwang salita. “Patricia, hindi ganyan kasimple ang mga bagay-bagay. Balang araw, malalaman mong puro bomba ang nasa paligid mo… Kapag hindi mo ako pinakinggan, mababasag ka rin. Wag mong sabihing hindi kita binalaan.”Ibinato ni Patricia ang cellphone at pumikit na lang habang nararamdaman ang gulo ng isip niya.Buong gabi siyang hindi
“Ikaw talaga...” Parang gigil na si Daemon sa kabilang linya. Pero sandali siyang tumigil, saka tila pinipilit pigilan ang sarili at nagsalita ng kalmado, “May emergency ako ngayon, kaya kailangan kong umalis...”Nang marinig ni Patricia na nag-e-explain si Daemon kung bakit siya hindi dumating, una siyang nagtaka, tapos biglang parang tinusok ang puso niya at namasa ang mata niya.Matagal siyang natahimik bago siya sumagot, “Alam ko.”“Kung alam mo, bakit di ka pa umuuwi?” Bumalik na ulit ang pagiging iritable ni Daemon...Napangiti ng mapait si Patricia sa kabilang linya. “Saan ako uuwi?”“Sa bahay!” Buong kumpiyansa at walang pasubaling tono!“Bahay mo yun...” Pakiramdam ni Patricia sobrang hina ng boses niya at parang wala siyang tiwala sa sarili. Ni hindi niya alam kung malinaw ba niyang nasabi.Natahimik si Daemon ng galit, tapos bigla na lang pinutol ang tawag.Pagkatapos ng tawag, nakinig lang si Patricia sa busy tone, hindi muna niya pinatay ang cellphone niya. Mayamaya, bina
Chapter 84NANGINIG ang kamay ni Patricia at hindi niya magawang kunin ang file ni Queenie.“Patricia, kung aatras ka na ngayon, pwede pa kitang bigyan ng mas magandang trabaho. Gusto mong maging agent? Walang problema, kaya kitang ipasok sa mas maganda at sikat na kumpanya, at bibigyan ka ng top artists. Sa future, kung gusto mong gumawa ng pelikula o sumali sa show, basta kaya ng Alejandro family, ipapahanda ko ang daan para sa 'yo at bibigyan kita ng sapat na pondo.” Hindi siya binigyan ng pera ni Carmina diretso.Alam niyang matigas ang ulo ni Patricia at hindi basta-basta natitinag sa pera. Kaya ang ganitong klaseng offer, mas swak sa kanya.Hindi na narinig ni Patricia ang mga sumunod pang sinabi ni Carmina... Nakatingin lang siya ng tulala sa impormasyon ni Queenie.Hindi totoo kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang bigat sa loob.Si Queenie lang ang tanging kaibigan niya. Si Queenie ang tumulong sa kanya sa napakaraming bagay, at masasabi mong siya ang naging sandalan
Dinala siya ni Carmina sa isang pasilyo. Sa isang gilid ng pasilyo, may malalaking bintana na gawa sa malinaw na salamin, kaya kitang-kita ang nangyayari sa loob.Sa isang silid-aralan, may mga babaeng nag-eensayo ng sayaw. Magaan ang galaw ng mga katawan nila, parang mga paru-parong makukulay habang sumasayaw.Sa isa pang silid-aralan, nag-iisa lang ang isang babae na tumutugtog ng violin. Dahil maganda ang soundproofing, hindi marinig ni Patricia nang malinaw ang tugtog, pero halatang seryoso siya at sobrang focused. Siguradong matagal na siyang nagpa-practice.Habang patuloy sila sa paglalakad, puro mga klase ng espesyal na skills ang nadaanan nila.May nag-aayos ng bulaklak, may nagpa-practice ng tea art, chess, at good conduct. May nakita pa siyang mga babaeng nakatingin lang sa mangkok ng tubig, hawak ang tinidor nila habang umiiyak sa harap ng istriktong guro sa etiquette.Habang tumatagal, mas naiintindihan na ni Patricia kung ano ang gusto iparating ni Carmina.Gusto nitong i