The Ex-Husband CEO Started Chasing Her

The Ex-Husband CEO Started Chasing Her

last updateLast Updated : 2026-01-22
By:  AkiyutaroUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
12Chapters
13views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Victor Alvares—ang malamig at walang-awang CEO ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa. Isang pangalan na sapat na para manginig ang buong siyudad. Sa isang salita niya, bumabagsak ang mga negosyo; sa isang desisyon, nasisira ang mga reputasyon. Ngunit sa kabila ng kapangyarihang iyon, may isang laban siyang natalo—ang panatilihin ang babaeng minsang naging mundo niya. Si Elera Alvares, ang ex-wife niyang kasing talino at kasing-yaman niya sa industriya, ay ang babaeng iniwan niya sa katahimikan kapalit ng ambisyon. Trabaho ang pinili ni Victor, at sa bawat gabing wala siya, unti-unting naubos ang pagmamahal ni Elera—hanggang sa tuluyan itong bumitaw. “I’ll do anything to make you mine again, Elera—and I’ll make sure of that.” Handa siyang gawin ang lahat—gamitin ang kapangyarihan, impluwensya, at kahit ang sarili niyang dilim—para mabawi ang loob ni Elera at mapasakanya muli. Sa muling pagharap nila sa isa’t isa, magsisimula ang isang laban. Isang laban kung makukuha niya pang muli ang babaeng mahal niya, o kung ang galit at tensyon ang tuluyang mananaig at wawasak sa pagitan nila.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Nasa gitna ng lahat si Elera . Nakatayo siya sa harap ng salamin sa maliit na conference room, hawak ang isang folder habang tahimik na inaayos ang sarili. Maayos ang buhok niyang nakapusod, simple ang suot—isang fitted blazer at slacks—walang alahas maliban sa manipis na relo sa kaliwang pulso. Wala sa ayos ang luho, pero buo ang tindig. Tahimik. Kontrolado.

“Ma’am Elera, are you ready?” sumilip si May, isa sa mga ka-team niya, hawak ang tablet. “Darating na raw ‘yung mga kliyente.”

Tumango si Elera. “Five minutes.”

Biglang nagbukas ang pinto ng opisina sa labas. Hindi iyon ang karaniwang pagbukas—hindi magaan, hindi nagmamadali. Mabagal. Mabigat. Parang sinadya para maramdaman ng lahat ang presensyang paparating. Sunod ang mga yabag. Tumigil ang mga keyboard. May nahulog na ballpen. May huminga nang masyadong malalim. At saka may mga bumulong.

“Wait… Victor Alvares?”

“Power move.”

Lumabas si Elera mula sa conference room, bahagyang nakakunot ang noo. Hindi pa man siya tuluyang nakakahakbang, nakita na niya ang dahilan ng kakaibang katahimikan.

Isang lalaki ang nakatayo sa gitna ng opisina. Matangkad. Malapad ang balikat. Suot ang itim na tailored suit na halatang hindi binili kung saan-saan. Sa kamay niya ay isang malaking bouquet ng puti at pulang rosas.

Si Victor Alvares.

Ang lalaking minsan niyang tinawag na asawa. Ang lalaking inakala niyang hindi na niya muling makikita. Ang lalaking kilala ng buong bansa bilang isa sa pinakamakapangyarihang CEO sa industriya—isang pangalan na kayang magpabagsak ng kumpanya sa isang pirma lang.

At ngayon, narito siya. Sa opisina niya. Tahimik na naglakad si Victor palapit. Ang bawat hakbang niya ay parang utos—walang naglakas-loob na humarang. Ang mga mata ng mga empleyado ay nakasunod sa kanya, puno ng pagtataka, paghanga, at takot.

Huminto siya sa harap ni Elera. Matagal. Tahimik.

Sinipat niya ang mukha nito—parang sinusuri kung totoo ba ang nakikita niya. Mas matatag. Mas malamig. Mas maganda.

“Elera,” sambit niya sa wakas, mababa ang boses, pero sapat para marinig ng buong opisina.

Hindi siya sumagot.

“There you are…” dagdag niya. “I’ve been waiting for this moment.” Ramdam ni Elera ang mga matang nakatuon sa kanila. Ang bigat ng eksena. Ang nakaraan na biglang bumalik nang walang paalam.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa wakas, malamig ang boses, kontrolado. Walang bahid ng emosyon—kahit ang loob niya ay nagkakagulo. Ngumiti si Victor nang bahagya. Hindi iyon ngiti ng saya. Ngiti iyon ng isang lalaking sigurado sa sarili.

“I came to take my wife back.” sabay ngiti. Ngiti iyon ng isang lalaking sigurado sa sarili.

Nag bulungan ang mga tao sa paligid.

“So that’s her?” bulong ng isa.

“Interesting”

Diretsong inabot ni Victor ang bouquet kay Elera. Hindi niya ito tinanggap. “Hindi na kita asawa,” sabi niya, mariin. “At wala kang karapatang pumasok dito nang ganito.”

Tumingin si Victor sa paligid, saka muling ibinalik ang tingin sa kanya. “Mukhang kailangan kong maging malinaw.” Humakbang siya ng kaunti palapit—sapat para maramdaman ni Elera ang init ng presensya niya, ang pabango niyang pamilyar at nakakagulo ng alaala.

“I am Victor Alvares,” sabi niya, malakas na ngayon ang boses. "CEO of Alvares International Group. And everyone here will know it.” May mga empleyadong halos hindi makapaniwala.

“At ang babaeng ito,” dugtong niya, hindi inaalis ang tingin kay Elera,

“She’s my ex-wife.” Tumahimik ang buong palapag.

“Hindi ko siya hinahabol para magpaliwanag,” dagdag niya. “Hinahabol ko siya dahil hindi pa tapos ang sa amin.” Humigpit ang hawak ni Elera sa folder. “Victor,” sabi niya, mababa pero babala, “Huwag mo akong idamay sa laro mo.”

“This isn’t a game,” sagot niya agad. "I want you back mine again.” Tumama iyon. Mas masakit kaysa sa inaasahan niya.

“Hindi ako babalik sa’yo,” sabi niya, diretso. “May trabaho ako. May buhay ako. At wala ka roon.” Ngumiti si Victor—mas malamig ngayon. “We’ll see.”

Lumapit siya ng kaunti, ibinaba ang bouquet sa mesa sa tabi nila. “Hindi ako sanay matalo,” bulong niya, sapat lang para marinig niya. “At lalo akong hindi sanay mawalan ng pag-aari.”

Nangatog ang dibdib ni Elera, pero hindi siya umatras.

“Hindi mo na ako pag-aari,” sagot niya. Tinitigan siya ni Victor nang matagal—parang iniukit sa isip ang bawat salita, bawat pagtanggi.

“Not yet,” sabi niya sa wakas. “But soon.”

“I’ll do anything to make you mine again, Elera—and I’ll make sure of that.”

Pahabol nito sabay umalis siya at iniwan ang bulaklak, iniwan ang katahimikan, iniwan ang gulong iniwan niya sa opisina. At si Elera—Nakatayo pa rin. Alam niyang sa sandaling iyon, hindi lang nakaraan ang bumalik.

Isang digmaan. At ang lalaking minsan niyang minahal ay handang sunugin ang lahat—para lang mapasakanya siya muli. Pinilit ni Elera huminga, pero bawat salitang binitiwan ni Victor ay parang bakal sa dibdib niya.

Ang mga mata niya’y nagliliyab, naka-ukit sa isip niya, parang sinasabi: “Hindi ka makakatakas.” Humakbang siya palapit, at kahit hindi niya ito hinawakan, ramdam ni Elera ang init ng presensya niya.

Ang opisina ay tahimik—maliban sa tibok ng puso ni Elera na alam niyang hindi na siya makakatakas… hindi pa.

“Victor…bakit ngayon pa?” bulong ni Elera, pilit kinokontrol ang damdamin na nagugulo ng alaala.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
12 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status