“GUYS, libre ko mamaya sa KTV. Lahat sasama, okay? KJ ang hindi sasama,” announcement ni Kelly nang pauwi na sila. “Hindi ako sasama,” sagot agad ni Serena at napatingin sa kanya ang lahat. Nagtaas din ng kamay si Hanni. “Ako rin.”“Kaya nga ako manlilibre dahil hihingi ako ng sorry kay Serena dahil mali ang akala ko tapos hindi kayo pupunta?”Sumabat na rin si Rose. “Pumunta na kayong dalawa. Serena, para pala sa'yo 'yon tapos ikaw ang wala? Sama na kayo, sige na.”Nagkatinginan si Serena at Hanni. Parehong ayaw ng dalawa pero binubuyo sila ng mga katrabaho at sa huli, sumama nga sila. Bago sumama ay tinawagan ni Serena si Kevin para hindi siya nito hanapin. “Hello, Kevin?”[“Hmm?”]“Nag-imbita ang isa sa kasama ko na mag-KTV at hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. Kapag sobrang gabi na, sa apartment na ako uuwi.”[“I can pick you up.”]“Hindi na, Kevin. Baka kasi gabihin ako. Bukas na lang ako uuwi, ha?”A sigh was heard on the other line. [“Fine. Take care of yourself.
Chapter 14: You can't touch me, SerenaPARANG may humahaplos na malamig na bagay sa mukha ni Serena at iyon ang nagpabalik ng malay niya. Nang buksan ang mata, hindi niya kilalang lalaki ang nabungaran niya kaya napaupo siya at napaurong palayo rito. Agad naman nitong tinaas ang kamay. “I’m harmless. I didn't do anything to you,” paliwanag nito, hawak pa ang basang towel na pinupunas sa mukha ni Serena. “S-Sino ka?!” Niyakap ni Serena ang sarili at may takot sa mga matang tumingin sa lalaki. “Hindi mo ba maalala? Hinatak mo ang damit ko at humingi ka ng tulong sa akin that's why I helped you. You were held by a woman and after some seconds, may lalaki ring dumating. I think they're plotting something nasty that's why I intervened. I brought you here to get you checked and it's positive na may date drügs sa ininom mo.”Bumalik sa alaala ni Serena ang nangyari at kinuyom niya ang kamay. May masama ngang balak si Kelly sa kanya at alam niyang si Mr. Lagdameo ang boses na narinig bago
HINDI man nasabi sa mga dapat makaalam ang nangyari kay Serena, lumuwag ang pakiramdam niya noong makaganti kay Kelly. Pero pakiramdam niya ay kulang pa iyon. She almost got ráped! Ngunit gustuhin man niyang sabihin sa ibang tao ang naranasan, ayaw niyang mag-iba ang tingin sa kanya. Sabagay, siya rin ang may kasalanan dahil alam niyang hindi sila magkasundo ni Kelly pero nagtiwala pa rin siya. Sa huli, siya rin ang dapat sisihin sa nangyari sa kanya. Isa pa, walang patunay na ginawan siya ng masama dahil wala siyang pruweba bukod sa witness, 'diba? At totoo naman ang sinabi ni Kelly na maraming kapit si Mr. Lagdameo habang siya ay hamak na empleyado lang. Iniling ni Serena ang ulo para nawala sa utak ang iniisip. Binalik niya ang atensyon sa ginagawa dahil ilang minuto na lang ay ipapakita nila ang nagawang proposal sa weekly meeting. “Punta na raw tayong office, Serena.”Nag-ready si Serena at bitbit ang laptop, pumunta sila sa AVR para i-set up ang reports at proposal. Nang ma
USAP-USAPAN ang nangyari kay Mr. Lagdameo at Kelly. Nabalita pa nga ito sa TV dahil kilalang kumpanya ang SGC kaya mas maraming tao ang nakikita ni Serena na nakikiusyoso sa labas. Mas lalo ring maingay sa loob. “Alam mo ba dahil sa nangyari, lumabas din ang totoo tungkol kay Kelly. Kábit pala siya ni Mr. Lagdameo at dahil lang sa kapit kaya nakapasok si Kelly dito! Kaya pala noong una, ni mag-fax at gumamit ng printer, hindi marunong si Kelly pero kung umasta parang amo. Kaya pala gan'on ay dahil umaasa siya kay Sir Lagdameo! Isa rin pala siya sa kasabwat ni Sir at nagdedespalko sila ng pera ng company!”“Tapos iyong nagrereklamo pala dati na pinagsamantalahan ni Mr. Lagdameo, totoo raw pala talaga! Tinakot lang ni Mr. Lagdameo kaya nanahimik. Tinapalan daw ng pera at sinabi na kung hindi pa kalilimutan ang lahat, baka ipatümba raw ni Mr. Lagdameo iyong babae. Ayun, nawala ang issue na 'yon, 'diba? Another case uli iyon.”“At ito talaga pinakamatindi kasi kasali si Serena sa issue n
“MR. Sanchez, here's the file you asked me to gather.”Kinuha ni Kevin ang portfolio na inaabot sa kanya at pinatong iyon sa desk. Binalik niya ang tingin kay Dylan na isa sa empleyadong pinagkakatiwalaan ng kanyang lolo. “Lagdameo's matter was handled well. But why did no one notice the things he did in the first place?”Napalunok si Dylan noong makwestiyon ito ni Kevin. “Sir...sa dami ng empleyado ng SGC, hindi lahat ay nababantayan. Isa pa, malaki ang naitutulong niya sa kompanya lalo na kung pagbabatayan ang annual financial statements na nasa reports niya. Efficient employees ang hanap ng SGC at hindi...role models ng lipunan.”Alam ni Kevin na ganoon naman talaga lalo kung nagpapatakbo ng kompanya ngunit hindi niya pa rin gusto na sinubukan nitong saktan si Serena. Napabuga si Kevin ng hangin. “Just let the lawyers deal with his matter thoroughly. Let him stay in prison.”Tumango si Dylan ngunit hindi nito mapigilang hindi magtanong. “Okay, Sir. But how did he offend you? Hind
“WHAT are you going to tell me?”Biglang sabi ni Kevin noong matapos itong ngumiti. Bumalik din sa isip ni Serena ang sasabihin niya kanina. “Nakwento ko na nakulong si Mr. Lagdameo, 'diba? Si Sir Yves yata ang nagsumbong kaya nalaman ng SGC ang mga ginawa niya.”Nabura na naman ang magandang mood ni Kevin at naramdaman iyon ni Serena. Hindi lang siya sigurado kung saan ang maling nasabi.“He told you that he did it?” malamig na anito. “Hindi syempre. Pero tingin namin siya ang may gawa n'on. Kasi noong nalaman niyang nawawala ang files sa laptop, sinabi niya sa amin ni Hanni na siya na ang bahala.”“You sure about that?”Lumiit ang boses ni Serena habang nagpapaliwanag. “Sabi kasi ni Hanni, ramdam niyang may gusto si Sir Yves sa akin kaya sure siyang si Sir ang nagsumbong. Naisip ni Hanni 'yon dahil noong birthday ko, binigyan ako ng chocolate ni Sir Yves na hindi naman gawain ni Sir. Mabait din daw sa akin. “Pero wala sa isip ko 'yon, ha? Kaya nga dahil team building next week, p
“TEAM building na bukas. May plus one ka bang isasama, Serena?”Habang nag-aayos si Serena ng mga papeles sa table ay natigilan siya noong magsalita ang isa sa mga katrabaho niya. “A-Ah? Oo. Isasama ko 'yong asawa ko.”Nang marinig iyon, kumislap ang mga mata ng kasama at parang natuwa sa narinig. “Talaga? Maganda 'yan! Para naman makilala na namin 'yong asawa mo. Ni isang post naman kasi sa social media, wala kang nilalagay kaya blangko pa rin ang mukha niya sa amin. Buti na lang at naisipan mong isama bukas.”Nangiti na lang si Serena pero sa loob-loob niya, nagtataka talaga siya ugali ng mga tao na mahilig mangialam sa buhay ng iba. Ano naman ngayon kung hindi niya pino-post si Kevin? Hindi naman niya tungkulin na magbigay ng update ng buhay sa ibang tao, 'diba?“Sige, ipasa ko lang 'to kay Sir Yves. Alis muna ako,” paalam niya sa katrabaho. Nang makaalis si Serena patungo sa office ni Yves, nagkumpulan ang mga magkakatrabaho at ang topic nila ay ang asawa ni Serena. “Psst, exci
NAPANGANGA si Serena sa narinig. Bakit naisip ng mga kasama niyang pangit si Kevin? Kung pangit nga si Kevin, alikabok na lang siguro sila! Sa sobrang kagwapuhan nito na parang lumabas sa male model's magazine, pag-iisipan at sasabihin lang na pangit? What the heck. Nang tingnan ni Serena si Kevin, wala naman itong reaksyon kaya nakahinga siya nang maluwag. Ramdam pa rin ni Serena ang tingin ng mga kasama at pinili niyang hindi pansinin iyon. “Serena, andito ka na!” masayang sigaw ni Hanni. Sinulyapan din nito si Kevin at ngiting-ngiti ang kaibigan ni Serena. “Hello, bayaw!”Namula yata ang mukha ni Serena noong marinig ang sinabi ni Hanni. “Hanni!”“Bakit, totoo naman. Sisters tayo kaya bayaw ko siya,” sabi nito at inakbayan pa si Serena. Kumunot ang noo ni Kevin. “Bayaw?”Nakita ni Hanni na parang hindi naintindihan ni Kevin ang sinasabi nito. “Brother-in-law. Bayaw. Ikaw 'yon.”Sandaling nag-isip si Kevin at mayamaya ay napangiti ito. “I like that.”“'Yan ganyan dapat. Serena,
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga
Chapter 90GABI na nang makauwi si Patricia. Naghihintay pa rin si Patrick sa kanya. Pagkakita sa kanya, agad siyang tinanong kung bakit siya sobrang abala sa trabaho at kung bakit hatinggabi na siyang nakakauwi. Sobrang pagod na si Patricia kaya hindi na siya masyadong sumagot. Maikli lang niyang sinabi na may inayos lang siya, tapos dumiretso na siyang maligo at pumasok sa kwarto para matulog.Mula noong mga nakaraang araw, sobrang babaw na ng tulog niya. Kaunting ingay lang, nagigising na siya agad.Kaya nang magsimula na tumunog ang telepono niya nang sunod-sunod bandang alas-sais ng umaga, agad siyang nagising. Una ay tumawag ang crisis PR ng kumpanya nila. Pasigaw at seryoso itong nagsalita, "Miss Patricia! Paki-explain kung ano 'tong nasa headline ng Flower Entertainment News?! Bilang agent, alam mo dapat kung gaano kahalaga ang reputasyon. Bakit mo nagawang makipagrelasyon sa alaga mong artist? At kahit pa totoo nga 'yan, bilang isang professional, paano mo hinayaang mailabas
Bahagyang napakunot ang noo ni Patricia. Tulad ng inakala niya, may nangyari nga sa relasyon. Pero nasa kaya pa rin naman niya itong tanggapin, kaya napabuntong-hininga lang siya at maingat na nagtanong, “May gusto ka bang babaeng may asawa?”Ngumiti si Andrei. “Mas malala pa ro’n.”“Mas malala pa?” Kumurap si Patricia. Hindi niya maisip kung gaano pa kabaliw ang istorya.“Sa totoo lang, bago ako sumikat, naging kabit ako ng isang tao.”…Kalmado lang ang pagkakasabi ni Andrei, pero sa tenga ni Patricia ay parang kulog na bigla na lang bumagsak, para siyang nawala sa sarili!Kabit ng isang mayamang babae?! Hindi halata sa hitsura niya, lagi pa namang parang perfect idol at role model sa mga kabataan! Pero halatang hindi siya nagbibiro.Pinilit ni Patricia na huwag magmukhang gulat na gulat at nagkunwaring kalmado. “Kabit lang naman. Uso naman ngayon ‘yung mga ganyan. Halos lahat may mga eskandalo…”Tinitigan siya ni Andrei at napangiti. “Pero may gusto lang akong itama…”Nagpakita uli
Chapter 89UMALIS si Patricia sa apartment kasama si Andrei. Alam ni Patricia na hindi naman gano’n kahirap gampanan ang eksenang 'yon. Kailangan lang niyang linisin ang isyu sa harap ng media at sabihing totoong gusto nila ang isa't isa, kaya siya ang naging agent nito at handang magsakripisyo para sa kanya. Kailangan lang niyang magpagawa ng ilang articles para mapaniwala ang mga fans na maging mas maunawain. Kahit lumaki pa ang gulo, hindi naman ito masyadong makakaapekto sa career ni Andrei.Pero para kay Patricia, masyado na siyang tumaya sa isang bagay lang.Ang dahilan kung bakit siya nakipag-cooperate kay Andrei at patuloy na umaarte ay dahil alam niyang mula pa lang sa pagpasok niya sa apartment nito, may nagplano na ng lahat ng mangyayari pagkatapos.Paano kung hindi siya sumunod? Ang lalabas na balita ay: nag-away, hindi nagkaintindihan, naghiwalay.Ang mga tao sa labas ay makikinig lang sa sasabihin ni Andrei at walang pakialam sa panig niya. Idol kasi si Andrei, habang si
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir