MasukLimang taon. Ang akala ni Agatha ay makakaya ng panahon para umibig din sa kanya si Noah, pero sa paglipas ng limang taon na kasal siya dito ay hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Naghintay siya, ngunit dumating na sa puntong hindi na niya kaya, napagod na siya sa paghihintay kay Noah. Sumuko na siya lalo na at bumalik na rin ang babaeng una nitong minahal bago siya nito pinakasalan. Ngunit kung kailang handa na siyang ibigay ang kalayaan nito, kung kailan gusto na niyang makalaya sa kasal nila ay ayaw naman nitong ipawalang bisa ang kanilan kasal. At ang lagi nitong dahilan kung bakit ayaw siya nitong palayain; Isa lang siyang tagapagligtas sa paningin nito at ang kabayaran ng pagliligtas niya sa buhay nito ay ang manatili silang kasal kahit na pareho na silang nasasakal.
Lihat lebih banyakLagaslas ng tubig ang maririnig sa loob ng banyo.
Alas tres na ng madaling araw, kababalik lang ni Noah at ito ang naliligo sa banyo.
Tumayo si Agatha sa pintuan ng banyo.
Mayroon siyang gustong sabihin kay Noah. Medyo kinakabahan siya, hindi sigurado kung papayag ba ito sa sasabihin niya dito.
Habang nag iisip siya kung paano iyon sasabihin, may kakaibang tunog ang narinig niya mula sa loob kasabay ng lagaslas ng tubig…
Mga hingal at daing ang narinig niya, hindi siya pwedeng magkamali. Sa narinig niya ay parang isang mabigat na martilyo ang tumatama sa kanyang puso. Para siyang sinasakal at hindi siya makahinga ng maayos.
Sa katunayan, ngayon ang ikalimang anibersaryo nila ni Noah. Ikalimang taon na silang kasala pero hindi pa sila nagiging ganap na mag asawa.
Mas gugustuhin nitong magsarili at paligayahin ang sarili kaysa ang hawakan at galawin siya.
Habang naririnig niya ang daing mula sa loob, pabilis ng pabilis ang paghingal nito saka isang pangalan ang binanggit ni Noah kasabay ng pag ungol nito.
“Ahhh! Nica, hmm.”
Pagkarinig ni Agatha ang pangalang binanggit ni Noah kasabay ng ungol nito, para siyang binuhusan ng malamig na tubig at para siyang binigyan ng malakas at nakakamatay na suntok.
Bumilis ang pagtibok ng puso niya, parang dinudurog siya.
Sinubukan niyang takpan ang bibig para pigilan ang sarili sa pag iyak ng malakas, tumalikod siya at sinubukang tumakbo, ngunit natisod siya sa unang hakbang, nauntog siya sa lababo, at diretsong bumagsak sa sahig.
“Agatha?” tanong mula sa loob ng banyo, kahit na halata sa boses ni Noah ang hinihingal at mabigat parin ang paghinga.
“I… Gusto ko sanang gumamit ng banyo. Hindi ko alam na naliligo ka…” Pagsisinungaling niya at nagmamadaling humawak sa lababo para tumayo.
Sa sobrang pagkabalisa niya lalo siyang hindi makatayo ng maayos. May tubig sa sahid at lababo. Nadudulas siya.
Ilang sandali pa ay nakatayo na rin siya, ngunit lumabas na si Noah sa shower. Mabilis na kinuha ang bathrobe at isinuot, mahigpit na itinali.
“Anong nangyari? Nahulog ka ba?”
Sa kilos ni Noah ay may pagkukunwari na tutulungan siya.
Kahit na nasaktan at napaluha sa sakit dahil sa pagkakauntog si Agatha, itinulak niya ang kamay ni Noah, nahihirapan ngunit determinado siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.
“Salamat, pero kaya ko ang sarili ko.” pagtanggi niya sa pag alalay nito.
Kahit na nahihirapan at muntik na nadulas ulit, nagawa niyang makalabas ng banyo pabalik sa kwarto.
Ito ang salitang pagtakas para sa kanya.
Gusto niyang takasan ang nangyari limang taon na ang nakakalipas. Tumakas sa limang taon nilang mag asawa ni Noah.
Ang tumakbo palayo sa labas ng mundo, tumakas sa mapag matang tingin ng lahat, at higit sa lahat ay tumakas sa nakikitang awa sa kanya ni Noah, takasan ang katotohanan na asawa siya ni Noah.
Paanong siya magiging karapat dapat na isang lumpo sa isang gwapo at matagumpay na Noah Villanueva?
Mayroon din naman siyang balingkinitang pares ng mga paa ngunit…
Lumabas na rin si Noah, nakasunod sa kanya, nagtanong sa banayad na tono at puno naman ng pag aalala.
“Nasaktan ka ba? Halika at tignan ko.”
“Hindi, okay lang ako.” pagtanggi niya saka humiga sa kama na agad niyang binalot ang sarili sa kubrekama.
“Okay ka lang ba talaga?” nag aalala na tanong pa ulit nito sa kanya.
“Oo.” sagot ni Agatha kay Noah at mariing tumango. Tumalikod siya ng higa dito.
“Hindi ka na ba gagamit ng banyo?”
“Hindi na, matulog na lang tayo.” mahina niyang sagot.
“Ikaw ang bahala. Anibersaryo natin ngayon, mayroon akong binili na regalo sayo. Buksan mo na lang iyon bukas.”
“Okay.”
Nasa gilid ng kama sa ibabaw ng bedside table ang regalo nito sa kanya. Nakita na niya kanina iyon. Ngunit hindi niya kailangang buksan dahil alam niya kung ano ang laman ng regalo nito.
Bawat taon, sa araw ng kanilang anibersaryo, sa parehong laki ng kahon ay alam niya na isa na naman iyong relo tulad ng iba na nitong naibibigay sa kanya. Kasama na rin ang regalo nito sa kanyang kaarawan. May siyam ng piraso sa drawer at ito ang ikasampu.
Doon na natapos ang kanilang usapan. Pinatay na nito ang ilaw at nahiga na rin. Naramdaman niya ang paglubog ng kama. Kasabay ng pagsama ng hangin sa amoy na shower gel na ginamit nito kanina.
Kasama niyang nahihiga si Noah sa dalawang metrong lapad ng kama, siya ay nakahiga sa kaliwa sa gilid at may tamang espasyo sa pagitan nila na kasya pa ang tatlong tao sa gitna.
Hindi na niya inusisa ang pagkarinig niya ng pangalan ni Nica at hindi na tinanong kung ano ang ginagawa nito kanina sa banyo. Pumikit na siya, na parang walang nangyari.
Nakatalikod siya kay Noah, nanlalamig. Nagmulat na may nanlilisik na mga mata.
Si Nica Mateo, kaklase niya noong kolihiyo, ang unang pag ibig ni Noah, ang diyosa sa mga mata at sa puso nito.
Pagkatapos makapagtapos ng kolihiyo, nagpasyang mangibang bansa si Nica at naghiwalay sila ni Noah. Nahulog sa matinding depresyon noon si Noah, nalulong sa alak at araw araw umiinum dahil hindi matanggap ang pag alis ni Nica na mas pinili nito ang mangibang bansa kaysa ang makasama si Noah.
Siya, si Agatha, kaklase niya si Noah noong middle school, at inaamin niya sa sarili na may gusto siya noon kay Noah sa mga panahong iyon.
Isang school hunk, isang cool at academically gifted na tao, samantalang siya ay isang arts student lang. Bagaman maganda siya, marami ding magagandang babae at higit sa lahat magaganda ang grado hindi tulad niya. Na hindi biniyayaan ng talino, at ang napili niyang daan ay ang sining na hindi kailangan ng talino. Pero sa tinahak niyang iyon ay hindi naman napapansin, at minsan pa ay palaging tinatanggihan ang isang tulad nila.
Kaya noon, lihim lang ang pagtangi niya kay Noah, hindi na siya nangarap na matapos ang middle high ay magkiita pa sila. Hanggang sa natapos siya sa dance academy at umuwi para sa summer vacation ay muli niya itong nakita. Isang lalaking nasuraysyray ang lakad.
Nang gabing iyon, nakainum din siya, naglalakas sa pakurbang kalsada, at ng tumawid siya sa kabila, hindi na niya tinignan ang ilaw trapiko.
Isang sasakyan ang mabilis na parating. Sa pag aalala niya ay itinulak niya si Noah para hindi masagasahan, ngunit siya ang nahagip ng kotse.
Siya bilang isang mananayaw, ay mahalaga sa kanya ang kanyang mga paa.
Gayunpaman, nabalian siya ng paa dahil sa pagligtas niya kay Noah.
Hindi na siya makasayaw ng maayos dahil sa pilay niya at hindi na makalakad ng maayos.
Nang naglaon, huminto na rin si Noah sa pag inum at inako ang responsibilidad sa kanya dahil sa pagligtas niya dito at pinakasalan siya.
Palaging nagpapasalamat ito sa kanya, ipinapaala nito ang pagligtas niya dito. Ngunit hanggang doon lang iyon, kahit na pinakasalan siya nito, malamig ang pagtrato nito sa kanya, gayunpaman ay palagi naman itong nagbibigay ng regalo at hindi nakakalimutan ang anibersaryo nila at ang kaarawan niya.
Kaya nitong ibigay lahat sa kanya, ngunit hindi ang pagmamahal nito sa kanya.
Naisip niya na darating ang araw na mamahalin siya nito kaya nagtiis siya, pero lumipas na ang maraming taon ay hindi parin nito nakalimutan si Nica. Kahit na ginagawa naman niya ang lahat para dito, ang maging mabuting may bahay, pagsilbihan ito ngunit si Nica pa rin ang laman ng puso’t isipan nito.
Habang siya, masasabing isa siyang martir at masyadong nagpapakatanga…
Hindi na siya nakatulog magdamag, nagbasa na lang siya ng email sa kanyang cellphone sa mga mensahe na hindi bababa sa isang daan.
Mga alok iyon sa kanya mula sa dayuhang Unibersidad, at iyon ang nais niyang sabihin kay Noah kanina, kung ayos lang ba na magpatuloy siya sa pag aaral sa ibang bansa?
Ngunit ngayon ay tila hindi na iyon kailangang tukuyin dito.
Limang taon na silang kasal, hindi mabilang ang gabing hindi siya mapakali, sa wakas ay dumating ang sandaling ito.
…..
Bumangon si Noah, habang siya ay tahimik lang na nakahiga.
Narinig niyang nakikipag usap ito sa isang katulong, si tita Sheena.
“May appointment ako ngayong gabi. Sabihan ang aking asawa na huwag na akong hintayin at matulog siya ng maaga.”
Matapos ibigay ang bilin na iyon, bumalik pa si Noah sa loob para tignan siya. Nakatakip siya ng kumot, basang basa na luha ang kanyang unan.
Kadalasan, kapag pupunta ito sa opisina, lagi na niyang inihahanda ang mga susuutin nito sa umaga, para isuot na lang niya ito.
Ngunit hindi ngayon, dahil ito na mismo ang tumingin ng maisusuot bago nagpunta sa kompanya.
Ilang sandali pa, iminulat na niya ang kanyang mga mata, mabuti na lang at hindi masyadong namaga ang kanyang mga mata.
Pagbangon niya, tamang tumunog ang alarm ng phone niya.
Ito na ang oras ng pag aaral niya ng Ingles.
Pagkatapos nilang magpakasal, dahil sa problema niya sa binti, hindi na siya lumalabas at nagkulong na lang sa bahay, at ang oras niya ay inilaan niya doon.
Bago tuluyang gawin ang kanyang pag aaral, nag scrool na muna siya sa kanyang cellphone.
Hindi siya mapakali, kung saan saang site siya nagpunta para maabala ang kanyang isip.
Hanggang sa mapunta siya sa site kung saan may makikita siyang video.
Napakapamilyar sa kanya ng larawan, tinignan niya ang pangalan ng account na iyon.
Nica Mateo (NM).
Ang video na iyon ay kuha kagabi.
Nausisa siyang panuurin ang video. Nang buksan niya iyon, ay agad siyang nakarinig ng masiglang musika, at pagkatapos ay may sumigaw: Isa, dalawa, tatlo, Welcome back, Nica! Cheers!
Hindi siya pwedeng magkamali, boses iyon ni Noah!
Biglang tumigas ang mukha ni Noah habang si Agatha naman ay nanatiling kalmado. “Noah, sinasabi sa akin ni Mrs. Sanchez na passion fruit lemonade ang ibinigay niya sa akin. Bakit naging mango juice iyon? Sinadya bang pakialaman ni Mrs. Sanchez iyon, o may ibang nagpalit ng inumin ko? May iba ka pa bang sinabihan tungkol sa allergy ko sa mango juice?”Namutla ang mukha ni Nica.Bago pa siya magsalita, nagpatuloy si Agatha, “Sino ang nag-lock ng pinto sa loob? May mga security camera ang company mo diba? Isang mabilis na checking lang, malalaman ang katotohanan. Syempre, kung sira ang mga camera o nabura ang mga record, iba na iyon. Kailangan na nating ipa-imbestiga sa pulis, kaya kailangan kong tumawag ng pulis.”Nagsalita pa ulit si Agatha bago pa magsalita si Nica at Noah, “May nagtangkang pumatay sa akin! Kailangan kong tumawag ng pulis! Kung sino man ang pumigil sa akin ngayon ay ang mamamatay-tao!”Namutla ng matindi ang mukha ni Nica. “Noah, muntik ng mamatay sa sunog ang asawa
Sumilip siya sandali bago muling pumasok sa loob. “Titignan ko lang,” sabi ni Noah na tumayo at umalis. Nakatayo si Nica sa labas habang may hawak na bouquet ng bulaklak, mukha siyang maingat at concern. “Noah, kamusta na si Agatha? Gusto ko siyang makita pero nag-aalala ako na baka hindi niya ako magustuhan at ayaw niya akong makita.”“Okay na siya pero kailangan niya pang magpahinga,” saad ni Noah na naalala na talagang ayaw ni Agatha kay Nica. “I appreciate your sentiment pero masama ang mood niya ngayon, umuwi ka muna.”“Hmm…” hindi naman talaga si Agatha ang pinunta ni Nica, at hindi niya rin naman talaga kailangan makita ito; sapat na ang makita niya si Noah. Nangiwi siya at namula ang mga mata. “Noah, patawarin mo ako, kasalanan ko ang lahat. Bilang special assistant mo, nagkamali ako sa trabaho kaya’t nagdusa ng ganito si Agatha. Buti na lang at ayos siya, kung hindi… hindi ko na mababayaran iyon kahit pa ibigay ko ang buhay ko.”Sabi ni Nica at nagsimulang umiyak. Narinig
Alam ni Agatha na napakalaki ng responsibilidad na se-up iyon. Wala na siyang time para mag-investigate pa, kung sino ang nagplano nito o kung an ang purpose nila; malamang ay huli na para sa visa niya. Tinignan niya ang conference room na nasa pinakaitaas na palapag ng company building– hindi naman siya pwedeng tumalon. Meron siyang mga company numbers ni Noah na naka-saved sa phone niya kung kaya’t tinawagan niya iyon isa-isa. Una, ang receptionist ang sumagot. Sumigaw siya, “Tulong! Na-locked ako dito sa conference room sa top floor! Please pumunta kayo dito! Tulungan niyo ako!” ang receptionist na iyon ang parehas na kausap niya kanina na malamig na sumagot, “hindi mo maakit ang CEO namin na si Mr. Villanueva kung kaya’t inaresto ka ng security? Hah! Buti nga sayo!” pagkatapos non ay namatay ang tawag. Meron din syang phone number ni Ryan at Sean. kahit na mortal na magkaaway sila at kinukutyya ang isat-isa, nagpalitan sila ng contact informations noon sa harap ni Noah noong una
Noong ika-18 na araw, natanggap niya ang passport niya pabalik. Noong ika 16th na araw naman ay ang visa appointment niya. Talagang napakabilis ng panahon.Maagang gumising si Agatha ng araw na iyon ngunit mas mas maaga si Noah.Hindi niya alam kung ano ang kinakalikot nito sa loob ng silid bago umalis.Bumangon lang siya pagkaalis nito. Dahil hapon pa ang kanyang interview, hindi siya nagmadali pagkatapos mag-almusla, kinuha niya ang document bag na naglalaman ng mga visa application materials at tinignan ito ulit para masigurong walang kulang. Pagkatapos niyang tignan ang lahat sa bag at walang nakitang problema, kinuha niya ang wallet niya.Pagkatapos, nadiskubre niyang nawawala ang ID card niya!Naalala niyang nilagay niya iyon sa wallet niya pagkatapos sumakay sa eroplano kahapon. Tinignan niya ang lahat ng compartment at hindi iyon mahanap!Naalala niya bigla na naghahalungkat nga pala si Noah ng mga gamit kaninang umaga!Kinuha kaya ni Noah ang ID card niya?Tinawagan niya






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan