USAP-USAPAN ang nangyari kay Mr. Lagdameo at Kelly. Nabalita pa nga ito sa TV dahil kilalang kumpanya ang SGC kaya mas maraming tao ang nakikita ni Serena na nakikiusyoso sa labas. Mas lalo ring maingay sa loob. “Alam mo ba dahil sa nangyari, lumabas din ang totoo tungkol kay Kelly. Kábit pala siya ni Mr. Lagdameo at dahil lang sa kapit kaya nakapasok si Kelly dito! Kaya pala noong una, ni mag-fax at gumamit ng printer, hindi marunong si Kelly pero kung umasta parang amo. Kaya pala gan'on ay dahil umaasa siya kay Sir Lagdameo! Isa rin pala siya sa kasabwat ni Sir at nagdedespalko sila ng pera ng company!”“Tapos iyong nagrereklamo pala dati na pinagsamantalahan ni Mr. Lagdameo, totoo raw pala talaga! Tinakot lang ni Mr. Lagdameo kaya nanahimik. Tinapalan daw ng pera at sinabi na kung hindi pa kalilimutan ang lahat, baka ipatümba raw ni Mr. Lagdameo iyong babae. Ayun, nawala ang issue na 'yon, 'diba? Another case uli iyon.”“At ito talaga pinakamatindi kasi kasali si Serena sa issue n
“MR. Sanchez, here's the file you asked me to gather.”Kinuha ni Kevin ang portfolio na inaabot sa kanya at pinatong iyon sa desk. Binalik niya ang tingin kay Dylan na isa sa empleyadong pinagkakatiwalaan ng kanyang lolo. “Lagdameo's matter was handled well. But why did no one notice the things he did in the first place?”Napalunok si Dylan noong makwestiyon ito ni Kevin. “Sir...sa dami ng empleyado ng SGC, hindi lahat ay nababantayan. Isa pa, malaki ang naitutulong niya sa kompanya lalo na kung pagbabatayan ang annual financial statements na nasa reports niya. Efficient employees ang hanap ng SGC at hindi...role models ng lipunan.”Alam ni Kevin na ganoon naman talaga lalo kung nagpapatakbo ng kompanya ngunit hindi niya pa rin gusto na sinubukan nitong saktan si Serena. Napabuga si Kevin ng hangin. “Just let the lawyers deal with his matter thoroughly. Let him stay in prison.”Tumango si Dylan ngunit hindi nito mapigilang hindi magtanong. “Okay, Sir. But how did he offend you? Hind
“WHAT are you going to tell me?”Biglang sabi ni Kevin noong matapos itong ngumiti. Bumalik din sa isip ni Serena ang sasabihin niya kanina. “Nakwento ko na nakulong si Mr. Lagdameo, 'diba? Si Sir Yves yata ang nagsumbong kaya nalaman ng SGC ang mga ginawa niya.”Nabura na naman ang magandang mood ni Kevin at naramdaman iyon ni Serena. Hindi lang siya sigurado kung saan ang maling nasabi.“He told you that he did it?” malamig na anito. “Hindi syempre. Pero tingin namin siya ang may gawa n'on. Kasi noong nalaman niyang nawawala ang files sa laptop, sinabi niya sa amin ni Hanni na siya na ang bahala.”“You sure about that?”Lumiit ang boses ni Serena habang nagpapaliwanag. “Sabi kasi ni Hanni, ramdam niyang may gusto si Sir Yves sa akin kaya sure siyang si Sir ang nagsumbong. Naisip ni Hanni 'yon dahil noong birthday ko, binigyan ako ng chocolate ni Sir Yves na hindi naman gawain ni Sir. Mabait din daw sa akin. “Pero wala sa isip ko 'yon, ha? Kaya nga dahil team building next week, p
“TEAM building na bukas. May plus one ka bang isasama, Serena?”Habang nag-aayos si Serena ng mga papeles sa table ay natigilan siya noong magsalita ang isa sa mga katrabaho niya. “A-Ah? Oo. Isasama ko 'yong asawa ko.”Nang marinig iyon, kumislap ang mga mata ng kasama at parang natuwa sa narinig. “Talaga? Maganda 'yan! Para naman makilala na namin 'yong asawa mo. Ni isang post naman kasi sa social media, wala kang nilalagay kaya blangko pa rin ang mukha niya sa amin. Buti na lang at naisipan mong isama bukas.”Nangiti na lang si Serena pero sa loob-loob niya, nagtataka talaga siya ugali ng mga tao na mahilig mangialam sa buhay ng iba. Ano naman ngayon kung hindi niya pino-post si Kevin? Hindi naman niya tungkulin na magbigay ng update ng buhay sa ibang tao, 'diba?“Sige, ipasa ko lang 'to kay Sir Yves. Alis muna ako,” paalam niya sa katrabaho. Nang makaalis si Serena patungo sa office ni Yves, nagkumpulan ang mga magkakatrabaho at ang topic nila ay ang asawa ni Serena. “Psst, exci
NAPANGANGA si Serena sa narinig. Bakit naisip ng mga kasama niyang pangit si Kevin? Kung pangit nga si Kevin, alikabok na lang siguro sila! Sa sobrang kagwapuhan nito na parang lumabas sa male model's magazine, pag-iisipan at sasabihin lang na pangit? What the heck. Nang tingnan ni Serena si Kevin, wala naman itong reaksyon kaya nakahinga siya nang maluwag. Ramdam pa rin ni Serena ang tingin ng mga kasama at pinili niyang hindi pansinin iyon. “Serena, andito ka na!” masayang sigaw ni Hanni. Sinulyapan din nito si Kevin at ngiting-ngiti ang kaibigan ni Serena. “Hello, bayaw!”Namula yata ang mukha ni Serena noong marinig ang sinabi ni Hanni. “Hanni!”“Bakit, totoo naman. Sisters tayo kaya bayaw ko siya,” sabi nito at inakbayan pa si Serena. Kumunot ang noo ni Kevin. “Bayaw?”Nakita ni Hanni na parang hindi naintindihan ni Kevin ang sinasabi nito. “Brother-in-law. Bayaw. Ikaw 'yon.”Sandaling nag-isip si Kevin at mayamaya ay napangiti ito. “I like that.”“'Yan ganyan dapat. Serena,
MAY hotel naman na naghihintay sa lahat ng empleyado na naroon sa team building. Dahil ang department lang naman nila ang may team building, hindi sila ganoon karami. Sa pagkakaalam ni Serena, nasa fifty silang employees at ang iba ay may plus one kaya nasa kulang one hundred sila. Dahil asawa niya si Kevin, automatic na sila ang magkasama sa kwarto pero ang problema ay si Hanni. “Wala na ba talagang ibang available room?”“Iyon na lang po talaga. Double bedroom naman po iyon kaya parang solo n'yo pa rin ang kwarto,” ani ng receptionist. Ayos lang naman kay Hanni kung iba ang kasama. Pero bakit si Sir Yves pa ang roommate nito? Pisting yawa! “Are you thinking that I'll do something to you? I still have a taste,” naiinis na tanong ni Yves na nasa gilid. “Sir, baka ako ang may gawing masama sa'yo, hindi mo ba gets 'yon?”Tumikwas ang dulo ng labi ni Yves at napailing. “Just let it be. Dalawa naman ang kama. Dalawang araw mo lang akong makakasama sa isang kwarto. Siguro naman ay mat
KEVIN was surprised when he heard Yves that he knew him. Totoo naman ang sinabi nito na madalas siyang laman ng business gala lalo na kung hindi makakarating ang chairman na mismong abuelo kaya sa kanya at kay Maeve pinagkakatiwala ang lahat. Ngunit bakit nga ba siya nagulat gayong anak ito ni Don Juan? Malamang ay sinasama ito ng ama para sa koneksyon. Hindi niya lang ito kilala dahil pili lang ang taong pinagtutuonan niya ng pansin. “Since you already know who I am, you should know to distance yourself from my wife.”Ito naman ang nagulat sa tinuran ni Kevin. Umawang ang bibig ni Yves at sandaling hindi nakakibo. “Are you thinking that I like your wife?”“Aren't you?”“Damn. You're overthinking things, Mr. Sanchez. We're just workmates. I'll be honest, Serena's good but I don't like her that way.”Kumunot ang noo ni Kevin at mabilis na nag-isip. Kung hindi ang asawa niya ang gusto nito, ibig-sabihin... “If you don't like my wife... you like her bestfriend, right?”Napaubo si Yve
NATAPOS ang dinner at kanya-kanyang balik na sa kwarto ang gagawin para makapagpahinga. Maaga pa ang lahat bukas dahil pupunta sila sa lugar kung saan gagawin ang tree planting na isa sa theme ng team building. Alangan namang nakatanaw si Kevin sa asawang si Serena dahil babalik na ito ng kwarto na hindi siya ang kasama. Sa unang bahagi ng challenge ay team ni Yves at Kevin ang nanalo kahit na walang tinulong si Kevin sa kusina. Pero kahit nanalo, hindi ramdam ni Kevin na masaya siya. Ayaw niyang matulog na hindi katabi ang asawa ngunit dahil nakiusap ito, magtitiyaga siyang hindi muna ito kasama. Dahil si Yves lang naman ang kilala bukod sa asawa ay ito lang ang kinakausap ni Kevin. Nang bumalik ito sa assigned room, bumalik na rin siya roon. Ngunit hindi alam ni Kevin na dahil nagtataka sa kanyang kinikilos si Dylan, nagbayad ito ng tao para sundan siya. “Ano? Magkasama sa iisang kwarto si Sir at si Mr. Yves Magalona? Sigurado ka sa sinasabi mo?”Nang makumpirma na totoo nga an
Parang sumabog ang galit ni Sylvia. Halos mag-apoy ang mga mata at parang may amoy na ng pulbura sa paligid. "Anong ibig mong sabihin? Na engaged na kami pero baka hindi pa kami magpakasal?!"Tahimik lang si Patricia habang hawak ang pisngi niya.Anumang sabihin niya sa oras na ito ay baka lalo lang siyang saktan ni Sylvia, kaya mas piniling manahimik.Siguro natakot na magka-bulgaran, kaya si manang ay biglang nagsalita para pigilan si Sylvia. Kahit parang kalmado ang tono, malinaw ang ibig sabihin. "Baguhan pa lang siya. Marami pa siyang hindi alam. Ako na ang bahala sa kanya. Huwag ka na pong magalit, Miss King."Mukhang natuwa naman si Sylvia sa paglalambing na ito. Tiningnan niya pa rin nang masama si Patricia, pero tumango na rin. "Sige na nga. Ayoko rin madumihan ang kamay ko sa pakikipagtalo sa katulong."Napahinga ng maluwag sina Toni at Manang. Akala nila tapos na ang gulo.Pero biglang bumagsak na naman ang loob nila sa sinabi ni Sylvia. "Hoy, bagong katulong, kung magaling
Chapter 80PUMUNTA si Patricia sa kusina at nagluto ng matagal. Paglabas niya, may dala siyang dalawang plato ng maayos na luto. Apat na putahe at isang sabaw ang nagawa niya. Kahit na sinira ito ni Daemon kanina, nagawa pa rin niyang ayusin at nailigtas ang mga ulam. Lahat ng niluto niya ay mukhang masarap at presentable.Pati si manang ay tumango bilang tanda ng pagsang-ayon at si Patrick naman ay walang tigil sa papuri. "Pat, hindi ko akalain na gumaling ka na pala sa pagluluto nitong mga nakaraan. Ang ganda talaga ng luto mo."Hindi naman nagsalita nang marami si Patricia. Tumango lang siya. Namana niya kasi ang galing sa pagluluto mula sa tatay niya. Kahit walang nagtuturo sa kanya, basta may recipe lang ay kaya niyang lutuin ang kahit ano.Dati, bihira siyang magluto dahil busy siya sa trabaho at wala rin siyang masyadong kaibigan, lalo na boyfriend. Kahit gaano kasarap ang luto mo, kung walang makakatikim, wala ring halaga. Kaya hindi rin masyadong nakilala ang galing niya sa k
Mukhang nakita ng tindero na naka-suit at tie si Daemon at halatang hindi siya ordinaryong tao, mula sa itsura hanggang sa aura niya, kaya medyo nataranta ito at ngumiting pilit. "Kuya, kung gusto mo bumili, sabihin mo lang. Bakit kailangan pa tumawad? Parang niloloko mo lang ako ah. Ilan kilo gusto mo? Titimbangin ko na."Tiningnan ni Patricia ang boss na kanina pa niya kinakausap na biglang nagbago ng ugali at naging sobrang bait. Napabuntong-hininga siya. Sa totoo lang, sa mundong ‘to, minsan kailangan mo talagang medyo matapang para pakinggan ka. Pag si Daemon na ang kumausap, ni hindi na sila siningil sa gulay!Habang pinupulot na ng boss ang mga gulay na pinili ni Patricia para ibigay kay Daemon, biglang nagsalita si Daemon, seryoso ang mukha. "Ang sabi ko, tumawad lang ako. Hindi ko sinabing libre na."Napanganga ang boss, napakamot sa ulo at ngumiti na lang. "Kuya, eh di bigay ko na lang sayo. Hindi naman ‘to mamahalin. Regalo ko na lang sayo, bilang respeto."Pero wala nang s
Chapter 79LUMINGON si Daemon at tiningnan si Patricia, bahagyang nakakunot ang noo. "May problema ba sa sa sinabi ko?"Napahinto sandali si Patricia, tapos umiling pagkatapos ng ilang segundo. "Wala naman."Mukhang nasiyahan si Daemon sa sagot niya. Tumango lang siya ng bahagya, tapos lumabas ng kwarto habang hawak ang susi ng kotse. "Halika na, bili na tayo."Pero pakiramdam pa rin ni Patricia na parang may mali sa buong eksena. "Uhm, hindi ka ba kailangang pumasok sa kumpanya?"Lumingon si Daemon at tiningnan siya. "Ikaw lang puwede mag-leave, ako hindi?"May concept pala ng leave ang isang presidente? Pero hindi na pinansin ni Daemon ang pagdududa sa mga mata niya at dumiretso lang sa paglakad. Mahaba ang mga binti niya kaya agad siyang nawala sa paningin, kaya napilitan si Patricia na magmadaling humabol...Gulay lang naman ang bibilhin at magluluto lang, ang OA ba?Pero kahit iniisip niya ‘yun, hindi pa rin mapigilan ang pamumula ng pisngi niya at mabilis na tibok ng puso niya..
Binabantayan ba siya nitong lalaking 'to?Ibig sabihin, kitang-kita siya sa CCTV? Kahit na naka-damit naman siya habang natutulog at lumabas lang ng kwarto nang hindi nagpapalit, hindi niya alam kung gumalaw siya o kung ano man ang ginawa niya sa kwarto nung gabi. Paano kung pangit pala siyang matulog? Pero, nung naisip niya 'yon, napahinto siya…Siguradong sanay na si Daemon sa ganung itsura ng mga natutulog. Baka ilang beses na niyang nakita 'yon, kaya hindi na rin siya nabibigla.Kaya, nang humarap si Daemon, nakita niyang pabago-bago ang expression ni Patricia. Ang dami niyang naiisip sa mukha pa lang at natawa si Daemon nang bahagya, medyo kumurba ang labi niya.Nang makita ni Patricia na ngumiti si Daemon, parang natulala siya. Kahit seryoso at malamig si Daemon, hindi naman siya ‘yung tipong hindi marunong ngumiti. Pero madalas, parang peke lang ang mga ngiti niya, hindi galing sa puso.Pero ‘tong ngiti na ‘to, parang totoo. Galing sa puso. Maganda ang mukha niya, maayos ang mg
Chapter 78KARAPAT DAPAT naman talaga si Chastain na manalo. Kasi karamihan sa mga tao sa Beltran family, ipinagmamalaki pa ‘yung pagiging walang puso. Hindi nila alam na ang totoong damdamin ay hindi dapat maging sagabal. Kapag handa kang magsakripisyo para sa ibang tao, magbabalik din sila ng katapatan. Pero kung puro interes lang ang pinagbabatayan, internal conflict ang labas, parang buhaghag na buhangin. Kapag dumating ang araw na magkaiba na ang interes, siguradong maghihiwalay-hiwalay at tuluyang babagsak.Nang paalis na si Daemon habang buhat si Patricia, nagkasalubong sila ni Chastain.Hindi nagsalita si Daemon at dumiretso lang sa paglalakad. Si Patricia, tulog pa rin sa bisig niya, nakasandal ang ulo sa dibdib ni Daemon at mukhang panatag na panatag.Gusto sanang magsalita ni Chastain pero napangiti na lang siya ng pilit habang pinapanood silang umalis.Nanalo siya sa laban na 'to at panalong-panalo talaga. Malamang wala nang magtatangkang lumaban sa kanya sa Beltran family
Samantala, sa basement sa kabila.Kakakalabas lang ni Chastain sa kwarto habang hawak si Chase bilang bihag nang makita niya si Daemon na papalapit na parang isang halimaw. Ang mga mata nito ay parang kayang sunugin lahat ng tao sa paligid. Wala siyang pakialam kahit sinong makita. Lumapit lang siya sa kanila at malamig na tinanong, “Nasaan si Patricia?”“Nasa kaliwa ng third floor, unang kwarto,” sagot agad ni Chastain. Sa ngayon, mukhang halos tapos na ang pagharap sa mga tao ng Beltran family. Si Patricia na lang ang inaalala niya.Pero ang pagkakakulong kay Patricia sa baptism room ay nangangahulugang ligtas pa rin siya. Siguro natakot lang siya nang kaunti, pero hindi naman nasaktan.Pagkatapos niyang makuha ang sagot, agad na umalis si Daemon nang hindi man lang lumingon kay Chastain.Napangiti ng mapait si Chastain. Sana man lang tinanggalan siya ng posas ni Dasmon. Nasa itaas pa ang mga tao niya at nakikipagsagupaan kina Jester. Sinabihan na niya ang mga kasama niyang huwag na
Chapter 77HINDI nagsalita si Chastain. May pasa na ang isa niyang mata. Medyo nakadilat ang isa pa niyang mata na hindi pa nasasaktan at nakatingin siya kay Chase na parang naaaliw. "Alam mo ba... hindi ka na naglalaro ng apoy ngayon... bomba na ang hawak mo."Natawa pa siya kahit na halos wasak na ang mukha niya sa bugbog. Kumunot ang noo ni Chase. "Anong kinakatawa mo?! Anong nakakatawa?!"Bago pa makasagot si Chastain, isa pang malakas na suntok ang tinanggap niya sa tiyan. Napayuko siya sa sakit, pero may ngiti pa rin sa gilid ng labi niya.Halos mabaliw si Chase sa ngiting 'yon. Siya na nga ang nakakulong, pero bakit parang kalmado pa rin siya?Bigla siyang sumugod at sinuntok si Chastain sa mukha nang sobrang lakas, kaya napalingon ang ulo nito.Pero sa puntong 'yon, biglang gumalaw si Chastain sa isang hindi normal na posisyon at tinaas ang mga kamay niyang may posas para biglang dumakma kay Chase. Bago pa man makagalaw ang iba, nakapalupot na ang kadena sa leeg ni Chase. Sa k
"...So, anong ibig mong sabihin?" Napabuntong-hininga si Chase pero halatang kinakabahan pa rin nang tanungin niya ito."Bakit hindi na lang natin hayaang manatili ang Young Master sa East Africa habang-buhay at wag nang pabalikin? Wala nang gulo, mabuti para sa lahat." Tumatapik ang daliri ni Ghost Blade sa mesa na parang wala lang, "Matanda na ako, ayoko na ng kaguluhan. Gusto ko ng tahimik na buhay. Yung dapat umalis, umalis na. Yung dapat manatili, manatili na. Tapos na ang gulo, ayos na ako.""Tama si Uncle Gido!" Halos lumiwanag ang mga mata ni Chase nang marinig niya 'to!Pero si Jester, nanatiling kalmado… Kahit parang sang-ayon si Ghost Blade sa plano, malinaw naman na tinutuligsa niya rin ang pagiging peke ng meeting nila.Mayamaya, may isa pang boses na sumabat, medyo masaya ang tono at parang sinamantala ang pagkakataon. "Since sinabi na 'yan ni Uncle Gido, may tututol pa ba sa plano para kay Second Young Master? Ako, si Tiu, unang sumasang-ayon!"Pagkasabi ni Tiu, may isa