LOGINNora Dumont, a ruthless and merciless most feared gang leader in the region and has slowly taken other countries, died in the hands of one of her trusted persons. Sa naghihingalo niyang buhay, nalaman niya na ang taong pumatay sa kanya ay siya ding taong kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang. But she had a chance for revenge ng muli siyang mabuhay sa katauhan ni Emily Hills. A rejected wife of a billionaire CEO that divorced her in her weakened state. Sa paglabas ni Emily ng hospital, isa na siyang bagong katauhan dahil kay Nora who will avenge her vessel habang naghihiganti sa pagkamatay nilang pamilya.
View MoreNora
“Anong nilagay mo sa inumin ko?” Galit at nanlilisik ang aking mga mata habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking tinuring ko ng kapamilya dahil sa pagiging best friend ng aking ama.
Ngunit heto siya at nakangisi sa akin habang hinihithit ang kanyang tobacco at prente sa pagkakaupo.
“Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili, Nora. Hindi ko akalain na napakadali mo lang palang maloko,” sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko.
“What did you put in my drink?” Matigas ang boses ko, nagdedemand ng kasagutan. Pilit kong pinapatatag ang aking sarili kahit na unti-unti ko ng nararamdaman ang pamamanhid ng aking katawan.
Hindi ko na maigalaw ang daliri ko sa kamay at nararamdaman kong hindi magtatagal ay mapaparalize na ako.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. Halatang natutuwa sa nakikitang unti-unti kong pagbagsak.
“Bilib din naman ako sa lakas ng kontrol mo sa sarili. Kung naiba ka lang ay kanina ka pa tumimbuwang dyan. Since pinahanga mo ako, let me tell you something interesting.”
Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang magpatuloy kahit na may palagay ako na hindi ko magugustuhan ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.
“I killed your father.” Nanlaki ang aking mga mata. Gusto kong ikuyom ang aking mga kamay ngunit wala na akong maramdaman sa bahaging iyon ng aking katawan. Nararamdaman ko ng unti-unti na nalalason ng kung anumang nilagay ni Andres sa inumin ko ang buo sistema ko.
“Kagaya mo, tanga din siya na naniwala sa akin. Marahil ay nagtataka ka kung bakit ko siya pinatay. Simple lang, inagaw niya sa akin ang Mama mo.”
Hindi ko mapaniwalaan ang kanyang sinabi.
“I met Esmeralda first. Pero inakit siya ng ama mo na nauwi sa pagpapakasal nila.”
Kahit hirap ay napangisi ako. At nakita niya yon kaya nagalit siya.
“Tignan natin kung hanggang kailan ka ngingisi,” sabi niya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“Syempre, hindi ako papayag na hindi mapasaakin si Esmeralda kaya kinidnap ko siya. Ang tanga mong ama at sa akin pa humingi ng tulong para hanapin siya. Inangkin ko ang Mama mo, pinalasap ko sa kanya ang tunay na pagmamahal. Ngunit hindi ko alam na nalason na pala ng ama mo ang kanyang isipan at siya na ang hinanap nito. Pinagsawa ko ang sarili ko sa kanya. Plano ko na itago siya ngunit ang aking asawa ay nahuli ako, I had no choice but to let your mother go. Ang importante, hindi siya masaya kasama ang ama mo. Ayun, kunyari ay natagpuan ko siya sa isang abandonadong warehouse.”
Nanigas ang panga ko sa galit kasabay ang frustration. Gusto kong pira-pirasuhin ang bawat bahagi ng katawan ni Andres dahil sa mga nalaman ko.
Ngunit nararamdaman kong wala na akong lakas. Isa pa, hindi ko alam na may asawa pala siya!
“After you're gone, ako na ang hahawak ng grupo mo. How does it feel na mawala ang lahat sa iyo?”
Dahil sa sinabi niya ay isang ngisi na naman ang sinikap kong palabasin sa aking mga labi.
“I- I may die. B-But y-you will never ever get my organization.” Pagkasabi ko non ay sinikap kong dumura papunta sa kanya. Hindi na nga lang umabot ang laway ko sa mukha niya dahil mahina na talaga ako.
I was filled with rage and fury, but I was unable to move. I want to kill him.
“Hahaha!” malakas niyang tawa habang marahang pumipikit ang nga mata ko. “Oh, sasagutin ko na rin ang tanong mo. Ano ang nilagay ko sa inumin mo? It's a new drug na dinedevelop ng aking organisasyon. You're a test subject at hindi ko akalain na magiging ganito ka-effective.”
Pagkasabi niya non ay tumayo na siya. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
***
“200 joules, clear!”
Aray, ano yon?
Beep… beep… beep…
“Doc, her vitals are now stabilized.”
Kaninong mga boses yon? Saan galing ang tila kuryenteng naramdaman ko?
“Good, please keep on monitoring her. Hindi tayo pwedeng maging palagay.”
“Okay, doc.”
Narinig ko ang papalayong yabag kasunod ang pagbukas at sara ng pintuan.
“Kawawa naman siya, talagang hindi siya pinuntahan ng kanyang asawa,” narinig kong boses ng isa pang babae.
“Shh… Tumahimik ka, alam mong pwedeng marinig ng pasyente ang mga sinasabi mo.”
“Iba yata talaga ang mundo ng mga mayayaman,” sabi ulit ng boses bago ko narinig ang paglabas nila ng silid.
Ako ay nanatili sa kadiliman. Naririnig ko sila, ngunit bakit wala akong nakikita? Bakit hindi ko maidilat ang aking mga mata?
Am I dead?
Ito na ba ang afterlife? Bakit parang ang gulo?
I tried to open my eyes ngunit bigo ako. Nanatili ako sa kadiliman at wala ng lakas pa.
Oo nga pala, patay na ako.
Ngunit…
“Emily, Emily anak, please wake up.”
Sino naman yon? Bakit dito pa sa tabi ko sila nag-iingay?
“Emily, si Mommy mo ito. Can you please open your eyes now?”
Boses lang ang naririnig ko, pero dama ko ang sakit, pag-aalala at pagmamahal ng babaeng nagsasalita.
Kasunod ay puro iyak na ang narinig ko at naiirita ako. Hindi ko gustong makarinig ng ingay.
“Esmeralda, hayaan mo na muna ang anak mo. Sabi ng doktor ay kailangan niyang magpahinga,” sabi ng boses ng lalaki.
Mama ko ba ang Esmeralda na ito?
No. Patay na ang aking ina.
“Pero Rod, tingnan mo ang anak natin.” Muli, isang malakas na iyak na naman ang namayani.
Nainis na ako, I need to wake up para patigilin ang babaeng ito. Sinikap kong idilat ang aking mga mata. Isa, dalawa, hindi ko alam kung nakailang beses akong sumubok.
Hanggang sa nasilaw ako sa liwanag.
“Emily!” bulalas ng dalawang boses na kanina pa umiirita sa akin.
Muli akong pumikit at narinig ang boses ng lalaki na nagsalita.
“Tatawagin ko ang doktor.” Tapos ay mga yabag na palayo at pagbukas ng pinto ang narinig ko bago ko tuluyang dinilat muli ang aking mga mata.
Namamaga at namumula ang mga mata ng may edad ng babae ang bumungad sa akin. May bahagyang ngiti sa kanyang mga labi, pero kahit ganon ay dama ko ang sinseridad.
Who the hell is this woman?
“Emily, anak…”
Bakit niya ako tinatawag na Emily at anak?
Magsasalita na naman ang babae ngunit biglang dumating ang lalaki na nagmamay-ari ng boses na naririnig ko kanina na may kasama pang iba.
“Let me check on her.” Nakaputing coat, ibig sabihin ay doktor.
Hahawakan niya ang aking kamay ngunit ayaw ko na may gumagawa sa akin non kaya agad kong iniiwas iyon at tsaka masamang tinignan ang doktor.
“Kailangan kitang i-check up. Wala akong gagawing masama,” malumanay na sabi ng doktor. Nasa likod niya ang dalawang nurse na nakatingin din sa akin.
“Emily, anak. Hayaan mo na si dok na tignan ka para masigurong okay ka na.” Nagbaling ako sa may edad na babae.
Dahil sa itsura niya na tila nagmamakaawa ay bigla akong nakadama ng habag. Hindi ako umimik ngunit tumingin ako sa doktor at tsaka tumango.
Nagsimula na akong tingnan ng doktor hanggang sa matapos siya at tanungin ako.
“May masakit ba sayo, lalo na sa parteng ulo mo?”
Bakit niya kailangang malaman ang tungkol don? Wala sa sarili akong napahawak sa aking ulo at naramdaman kong tila may bandage iyon.
“A-Anong n-nangyari?”
Medyo basag at garalgal ang boses ko at parang masakit din ang aking lalamunan na agad kong hinagod.
“Tubig anak?” sabi ng may edad na babae at nagmamadali siyang kumuha.
“Dampian lang po muna sa labi, kailangan pa siyang i-fully check bago siya painumin ng tuluyan.”
“Okay, dok.” Agad tumalima ang may edad na babae.
Nagtaka ako, bakit ganito siya ka-concern sa akin? Sinundan ko ng tingin ang ginagawa niya. Mula sa pagkuha ng bulak at pagsawsaw non sa baso ng tubig na agad niyang dinampi sa mga labi ko.
Hindi ko alam kung bakit tila kakaiba ang nararamdaman ko sa may edad ng babaeng ito. Hindi ako mapakali na tila naninikip ang dibdib ko.
Pakiramdam ko ay isang taon akong hindi nakainom ng tubig ang I want more. Ngunit hindi pwede.
“W-Who are you?” Hindi ko na napigilan na itanong. Natahimik sila at ang may edad na babae ay parang babagsak, ngunit agad siyang naagapan ng may edad na lalaki.
Tumingin ang dalawa sa doktor na tila nagtatanong.
“She must have amnesia. Kung pangmatagalan or temporary ay hindi ko pa alam. Kailangan pa siyang sumailalim sa ilang laboratory test. Pero natural na yan since alam naman natin na nagkaroon ng damage ang ulo niya.”
Damage sa ulo? Anong ginawa sa akin ni Andres matapos kong tuluyan na mawalan ng malay?
“Emily, ako ito ang Mommy mo.”
Emily? Mommy?
What the hell is she talking about?
AsherHabang nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang cuffs ng suot kong suit, muling bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Amy—ang sekretarya ko—kanina lang.Pinapunta ko siya sa bahay ng mga Hills. Simple lang ang utos ko: ihatid ang mga kakailanganin ni Emily para sa pag-attend ng birthday party ni Mr. Taylor. Damit. Alahas. Isang tahimik na paalala na… asawa pa rin niya ako.Ngunit hindi iyon tinanggap ni Emily.“Unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”Iyon mismo ang sinabi niya. Walang sigaw. Walang drama. Diretso—pero mas masakit pa sa sampal.Nagtagis ang aking bagang habang inaalala iyon. Hindi ko akalain na may ganong tapang si Emily. Sa loob ng maraming taon, nakilala ko siyang kalmado, makatuwiran, palaging nag-iisip bago magsalita. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na magbitaw ng masasakit at masasamang salita.Until that day.Until the hospital.She was so angry. Ang mga mata niya, hindi na puno ng pag-unawa, kundi ng galit at pagkadi
Nora“Ano ang mga yan?” taka kong tanong habang nakatingin kay Nadia, isa sa aming mga kasambahay ng pamilya Hills. Nasa living room ako at kausap si Esmeralda ng dumating ang isang babae na nagngangalang Amy na nagpakilalang sekretarya daw ni Asher.“Mrs. Bennett-” Natigilan si Amy ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Bilin ni Sir Asher na puntahan ko kayo at papiliin sa mga damit na ito. Darating din mamaya ang stylist pati na ang representative ng jewelry store para papiliin ka rin ng mga alahas na gagamitin mo mamaya para sa birthday party ni Mr. Taylor.”“I don’t need those. Makakaalis ka na,” malamig kong tugon. Natigilan si Nadia pati na si Amy.“Pero Mrs. Bennett, kabilin-bilin ni Mr. Bennett na asikasuhin ko kayo. Kung hinid ko ito gagawin ay baka matanggal ako sa traba–”“Why do I care?” tanong ko, taas ang kilay ng putulin ko ang pagsasalita ni Amy. “Mukha ba akong may pakialam sa isang tao na hindi ko naman kaano-ano?” dagdag ko pa.“Mrs.
AsherIsang linggo na ang nakaraan simula nang lumabas sa hospital si Emily dahil sa allergic reaction, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Para bang sinasadya niyang ilayo ang sarili niya sa akin na tila gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano kasakit ang balewalain.Talaga yatang sinusubok niya ang pasensya ko.O baka naman… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng sinabi ni Troy?Sa tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi binanggit ni Emily, ni hindi man lang isinumbat ang malaking halagang itinulong ng pamilya niya sa akin at sa Bennett Group. Tahimik lang siya noon, palaging nasa likod ko, palaging handang umunawa kahit ako mismo ay hindi marunong magpaliwanag.But after she woke up from the hospital, bigla niyang ibinato sa akin ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Ang dahilan kung bakit ako naging hostile sa kanya. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan pero matagal nang bumabaon sa isip ko.Hindi ako nagkamali
Asher“Sir, ito na po ang complete medical record ni Mrs. Bennett.”Maingat na inilapag ng aking assistant na si Troy ang makapal na folder sa ibabaw ng aking desk. May bigat ang tunog nang tumama iyon sa salamin—parang senyales na hindi lang simpleng papeles ang laman nito. Dinampot ko agad ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang bawat detalye habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ko, diretso at propesyonal gaya ng nakasanayan niya.“Nagkaroon po siya ng mild concussion, Sir. Sa ngayon, confirmed na may temporary memory loss siya. Hindi pa malinaw kung hanggang kailan, pero base sa assessment ng doctor, wala siyang maaalala sa mga pangyayari bago siya maospital.”Huminto ako sandali sa pagbabasa. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Last time na naospital siya,” dagdag pa ni Troy, “ay dahil po sa allergy reaction. Apparently, lahat ng inorder niya noong araw na ’yon ay puro seafood.”Dahan-dahan akong tumango, kunwaring naiintindihan ko agad ang lahat. Pero sa totoo lang,






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.