NAPANGANGA si Serena sa narinig. Bakit naisip ng mga kasama niyang pangit si Kevin? Kung pangit nga si Kevin, alikabok na lang siguro sila! Sa sobrang kagwapuhan nito na parang lumabas sa male model's magazine, pag-iisipan at sasabihin lang na pangit? What the heck. Nang tingnan ni Serena si Kevin, wala naman itong reaksyon kaya nakahinga siya nang maluwag. Ramdam pa rin ni Serena ang tingin ng mga kasama at pinili niyang hindi pansinin iyon. “Serena, andito ka na!” masayang sigaw ni Hanni. Sinulyapan din nito si Kevin at ngiting-ngiti ang kaibigan ni Serena. “Hello, bayaw!”Namula yata ang mukha ni Serena noong marinig ang sinabi ni Hanni. “Hanni!”“Bakit, totoo naman. Sisters tayo kaya bayaw ko siya,” sabi nito at inakbayan pa si Serena. Kumunot ang noo ni Kevin. “Bayaw?”Nakita ni Hanni na parang hindi naintindihan ni Kevin ang sinasabi nito. “Brother-in-law. Bayaw. Ikaw 'yon.”Sandaling nag-isip si Kevin at mayamaya ay napangiti ito. “I like that.”“'Yan ganyan dapat. Serena,
MAY hotel naman na naghihintay sa lahat ng empleyado na naroon sa team building. Dahil ang department lang naman nila ang may team building, hindi sila ganoon karami. Sa pagkakaalam ni Serena, nasa fifty silang employees at ang iba ay may plus one kaya nasa kulang one hundred sila. Dahil asawa niya si Kevin, automatic na sila ang magkasama sa kwarto pero ang problema ay si Hanni. “Wala na ba talagang ibang available room?”“Iyon na lang po talaga. Double bedroom naman po iyon kaya parang solo n'yo pa rin ang kwarto,” ani ng receptionist. Ayos lang naman kay Hanni kung iba ang kasama. Pero bakit si Sir Yves pa ang roommate nito? Pisting yawa! “Are you thinking that I'll do something to you? I still have a taste,” naiinis na tanong ni Yves na nasa gilid. “Sir, baka ako ang may gawing masama sa'yo, hindi mo ba gets 'yon?”Tumikwas ang dulo ng labi ni Yves at napailing. “Just let it be. Dalawa naman ang kama. Dalawang araw mo lang akong makakasama sa isang kwarto. Siguro naman ay mat
KEVIN was surprised when he heard Yves that he knew him. Totoo naman ang sinabi nito na madalas siyang laman ng business gala lalo na kung hindi makakarating ang chairman na mismong abuelo kaya sa kanya at kay Maeve pinagkakatiwala ang lahat. Ngunit bakit nga ba siya nagulat gayong anak ito ni Don Juan? Malamang ay sinasama ito ng ama para sa koneksyon. Hindi niya lang ito kilala dahil pili lang ang taong pinagtutuonan niya ng pansin. “Since you already know who I am, you should know to distance yourself from my wife.”Ito naman ang nagulat sa tinuran ni Kevin. Umawang ang bibig ni Yves at sandaling hindi nakakibo. “Are you thinking that I like your wife?”“Aren't you?”“Damn. You're overthinking things, Mr. Sanchez. We're just workmates. I'll be honest, Serena's good but I don't like her that way.”Kumunot ang noo ni Kevin at mabilis na nag-isip. Kung hindi ang asawa niya ang gusto nito, ibig-sabihin... “If you don't like my wife... you like her bestfriend, right?”Napaubo si Yve
NATAPOS ang dinner at kanya-kanyang balik na sa kwarto ang gagawin para makapagpahinga. Maaga pa ang lahat bukas dahil pupunta sila sa lugar kung saan gagawin ang tree planting na isa sa theme ng team building. Alangan namang nakatanaw si Kevin sa asawang si Serena dahil babalik na ito ng kwarto na hindi siya ang kasama. Sa unang bahagi ng challenge ay team ni Yves at Kevin ang nanalo kahit na walang tinulong si Kevin sa kusina. Pero kahit nanalo, hindi ramdam ni Kevin na masaya siya. Ayaw niyang matulog na hindi katabi ang asawa ngunit dahil nakiusap ito, magtitiyaga siyang hindi muna ito kasama. Dahil si Yves lang naman ang kilala bukod sa asawa ay ito lang ang kinakausap ni Kevin. Nang bumalik ito sa assigned room, bumalik na rin siya roon. Ngunit hindi alam ni Kevin na dahil nagtataka sa kanyang kinikilos si Dylan, nagbayad ito ng tao para sundan siya. “Ano? Magkasama sa iisang kwarto si Sir at si Mr. Yves Magalona? Sigurado ka sa sinasabi mo?”Nang makumpirma na totoo nga an
DAHIL hindi nakapagpaalam si Kevin kahit na alam ni Serena na busy ito, medyo wala siyang energy na napansin ni Hanni noong nagti-tree planting sila. “Miss mo na ba kaagad ang asawa mo?” biro sa kanya ni Hanni. “Hindi, no!”“Sus, deny ka pa e pagkagising mo nga kanina, hindi mo man lang ako nabati ng good morning. Diretso labas ka ng kwarto para hanapin mo s'ya. Sabihin mo, in love ka na sa asawa mo, 'no?”Hindi agad nakakibo si Serena dahil bago pa mapansin ni Hanni ang kilos niya, aware na siya sa nararamdaman niya. Sino ba naman kasing hindi makararamdam kay Kevin kung masyado itong maalaga sa kanya? Nariyan din ang lalaki tuwing kailangan niya ng tulong at kahit minsan nakakainis ito, she could feel that he really cares for her. Pero kung sasabihing mahal na niya ito... hindi ba masyadong maaga para doon? Ngunit aamin siyang hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa lalaki lalo pa't asawa niya naman ito. “Uy, bebs, hindi ka na kumibo. Pero ayos lang naman iyon. Walang masam
NANG marinig ni Dylan ang malamig na boses ni Kevin, napalunok siyang sunod-sunod. “Is she serious? Well, then arrange it if she's not afraid of me offending those people who want to date me.”Napangiwi si Dylan. Naalala niya pa ang huling blind date ng boss. Nilait lang naman nito ang ka-date na babae na may halotosis kaya umiiyak na umalis ang babae. Napahiya ang babae kaya inurong ng pamilya nito ang investment para sana sa SGC. Galit man ang lolo at si Miss Maeve, wala silang magawa kay Xavier dahil matigas daw ang ulo nito na minana sa ama. “Sir, bakit ba ayaw mo ng blind date? Hindi ba't ganoon naman ang uso sa inyo?”Tinaas ni Kevin ang ulo at diretso siyang tinitigan. “Then why don't I arrange one for you?”Agad na umiling si Dylan. “No thanks, Sir. May iba akong gusto!”“Who?”Hindi nakapagsalita si Dylan. “Never mind. Just bring all the files I need to check before we go pick my cousin.”TOUCHDOWN airport. Tinaas ni Maeve ang sunglasses na suot at hinagilap kung saang p
KINABUKASAN, sinubukan ni Serena na tawagan si Kevin ngunit unattended ang cellphone nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-alala lalo't ang huling usap pa nilang dalawa ay noong humingi siya ng pabor dito. Isang ulit pa niyang sinubukan ngunit hindi talaga sumasagot si Kevin kaya tumigil na si Serena. Dahil walang tao sa department nila dahil nasa team building pa rin ay hindi rin naman siya makapapasok. Wala siyang magawa sa bahay kundi ang tumulala at isipin kung ayos ba si Kevin. Mabuti na lang at tumawag si Hanni. Sumabay kasi ito sa kanya na umuwi dahil para dito, boring ang team building kung wala siya. Mabuti nga at napapayag nila si Sir Yves. Iyon nga lang, hindi naman pwedeng i-refund ang gastos sa hotel accomodation na nasa ilalim ng name nila.[“Bebs, busy ka?”]Katatapos lang ni Serena mag-umagahan at nililinis ng maid ang pinagkainan niya. Gusto niyang tumulong pero pinagbawalan siya ni Butler Gregory dahil mawawalan daw ng trabaho ang maids kung sasaluhin niya an
NAISIPAN nilang umikot-ikot pa rin sa mall at dahil hindi nila namalayan ang oras, sinabihan siya ni Hanni na doon na lang din sila mag-early dinner at libre na nito dahil si Serena ang sumagot ng bayad ng mga binili nilang dress. Gusto ngang bayaran ni Hanni iyon ngunit hindi siya pumayag dahil malaki rin ang utang na loob niya kay Hanni. Kulang pa nga ito sa lahat ng tulong sa kanya ng kaibigan. Napunta sila sa isang five star French Restaurant at puro magagandang review ang nakikita nila sa page nito kaya doon nag-aya si Hanni. Ngunit noong nag-inquire sila, strictly for reservation pala ang mga customer doon. “Hindi talaga pwede ang walk-in?” dismayadong tanong ni Hanni. “I'm sorry, Ma'am, hindi po pwede iyon.”“Pwede mo silang tanggapin, Annie. May nag-back out sa reservation.”Napalingon sila sa nagsalita at isang lalaking nasa mid-20s ang nakita ni Serena. Mukhang kilala ito ni Hanni dahil ngumiti ang lalaki sa gawi ng kaibigan niya. “Bryan, ikaw pala 'yan! Nakalimutan kon
Hindi sumagot si Daemon agad, pero ramdam ni Patricia ang bigat ng katahimikan, parang may bumagsak na malamig na hangin sa dibdib niya. Hanggang sa marinig niya ang isang linya. “Ganiyan ka lang pala.”Pagkatapos no’n, tumunog na ang busy tone. Parang tinapon si Patricia sa yelong tubig. Tumagos sa buto niya ang lamig at hirap siyang huminga...Alam niyang siguradong nainis at nadismaya na si Daemon sa kanya.Siguro, wala pang babae na umasta sa kanya ng ganoon. At siguro, hindi pa siya kailanman naging ganoon ka-pasensyoso sa kahit na sino. Pero anong magagawa niya?Mag-isa lang siya. Walang kakampi, walang kapangyarihan.Bago umalis si Carmina, may iniwang salita. “Patricia, hindi ganyan kasimple ang mga bagay-bagay. Balang araw, malalaman mong puro bomba ang nasa paligid mo… Kapag hindi mo ako pinakinggan, mababasag ka rin. Wag mong sabihing hindi kita binalaan.”Ibinato ni Patricia ang cellphone at pumikit na lang habang nararamdaman ang gulo ng isip niya.Buong gabi siyang hindi
“Ikaw talaga...” Parang gigil na si Daemon sa kabilang linya. Pero sandali siyang tumigil, saka tila pinipilit pigilan ang sarili at nagsalita ng kalmado, “May emergency ako ngayon, kaya kailangan kong umalis...”Nang marinig ni Patricia na nag-e-explain si Daemon kung bakit siya hindi dumating, una siyang nagtaka, tapos biglang parang tinusok ang puso niya at namasa ang mata niya.Matagal siyang natahimik bago siya sumagot, “Alam ko.”“Kung alam mo, bakit di ka pa umuuwi?” Bumalik na ulit ang pagiging iritable ni Daemon...Napangiti ng mapait si Patricia sa kabilang linya. “Saan ako uuwi?”“Sa bahay!” Buong kumpiyansa at walang pasubaling tono!“Bahay mo yun...” Pakiramdam ni Patricia sobrang hina ng boses niya at parang wala siyang tiwala sa sarili. Ni hindi niya alam kung malinaw ba niyang nasabi.Natahimik si Daemon ng galit, tapos bigla na lang pinutol ang tawag.Pagkatapos ng tawag, nakinig lang si Patricia sa busy tone, hindi muna niya pinatay ang cellphone niya. Mayamaya, bina
Chapter 84NANGINIG ang kamay ni Patricia at hindi niya magawang kunin ang file ni Queenie.“Patricia, kung aatras ka na ngayon, pwede pa kitang bigyan ng mas magandang trabaho. Gusto mong maging agent? Walang problema, kaya kitang ipasok sa mas maganda at sikat na kumpanya, at bibigyan ka ng top artists. Sa future, kung gusto mong gumawa ng pelikula o sumali sa show, basta kaya ng Alejandro family, ipapahanda ko ang daan para sa 'yo at bibigyan kita ng sapat na pondo.” Hindi siya binigyan ng pera ni Carmina diretso.Alam niyang matigas ang ulo ni Patricia at hindi basta-basta natitinag sa pera. Kaya ang ganitong klaseng offer, mas swak sa kanya.Hindi na narinig ni Patricia ang mga sumunod pang sinabi ni Carmina... Nakatingin lang siya ng tulala sa impormasyon ni Queenie.Hindi totoo kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang bigat sa loob.Si Queenie lang ang tanging kaibigan niya. Si Queenie ang tumulong sa kanya sa napakaraming bagay, at masasabi mong siya ang naging sandalan
Dinala siya ni Carmina sa isang pasilyo. Sa isang gilid ng pasilyo, may malalaking bintana na gawa sa malinaw na salamin, kaya kitang-kita ang nangyayari sa loob.Sa isang silid-aralan, may mga babaeng nag-eensayo ng sayaw. Magaan ang galaw ng mga katawan nila, parang mga paru-parong makukulay habang sumasayaw.Sa isa pang silid-aralan, nag-iisa lang ang isang babae na tumutugtog ng violin. Dahil maganda ang soundproofing, hindi marinig ni Patricia nang malinaw ang tugtog, pero halatang seryoso siya at sobrang focused. Siguradong matagal na siyang nagpa-practice.Habang patuloy sila sa paglalakad, puro mga klase ng espesyal na skills ang nadaanan nila.May nag-aayos ng bulaklak, may nagpa-practice ng tea art, chess, at good conduct. May nakita pa siyang mga babaeng nakatingin lang sa mangkok ng tubig, hawak ang tinidor nila habang umiiyak sa harap ng istriktong guro sa etiquette.Habang tumatagal, mas naiintindihan na ni Patricia kung ano ang gusto iparating ni Carmina.Gusto nitong i
Chapter 83“HINDI naman ako nang-aasar,” kibit-balikat ni Chastain sabay tingin kay Patricia nang inosente. “Nagkataon lang na nadaan ako tapos nakita kitang naka-upo doon na parang binagsakan ng langit, mukha kang multo. Baka mamaya matakot ang mga dumadaan, kaya nilapitan kita.”Naiirita na si Patricia sa mga sinasabi niya kaya nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.“Uy Patricia, tingnan mo Daemon mo, lagi na lang wala, puro trabaho. Eh di ako na lang, bakit hindi mo ako subukan?” Parang linta si Chastain, ayaw talaga bumitaw.Medyo nainis si Patricia. “Ang dami-dami mong pwedeng landiin, bakit ako pa?”Lalo pang lumawak ang ngiti ni Chastain nang makita ang itsura niyang asar. “Wala namang thrill kung yung naghihintay sa 'kin ang lalapitan ko. Mas masaya yung gaya mo na ayaw sa 'kin, masarap asarin.”Wala nang nasabi si Patricia. Napaka-awkward na nga ng sitwasyon niya, tapos ginagago pa siya nito?Kung sino man ang makakita sa kanila ngayon, siguradong maguguluhan. Hindi naman niy
Napabuntong-hininga si Daemon at agad tumawag ng waiter. “Palitan niyo ‘to.”“Gawin niyong hindi masyadong maanghang.”“Hindi pwede….” bulong ni Patricia. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya mahilig sa maanghang, pero dahil matagal na siyang umiiwas dito, parang gusto niyang magpakasaya ngayong gabi at pasayahin ang dila niya.Pero matigas din ang paninindigan ni Daemon. “Change it.”Tumingin ang waiter kay Daemon, tapos kay Patricia… at sa huli, sumunod kay Daemon. Kasi halatang isa mukhang mamamatay-tao, at ang isa mukhang cute na kuneho.Wala nang nagawa si Patricia kundi panoorin na lang habang kinukuha ang maanghang niyang sabaw at pinalitan ng malinaw na sabaw na parang tubig. Ayos na rin, makakapagpapayat pa siya lalo.Pero kahit anong klase pa ng sabaw, maging maanghang man o hindi, pareho lang ang tingin ni Daemon, para sa kanya, puro junk food lang ito at para lang sa mga taong tulad ni Patricia na mahilig kumain. Pero siya, kahit matakaw, gulay lang ang pwedeng kainin da
Chapter 82KUMISLAP agad ang mga mata ng stylist at nakatitig kay Daemon habang nakangisi ng puno ng kung anong ekspresyon ang mukha. “Oo, oo, ganyan nga… tuloy mo lang!”Yung mga babaeng kanina pa nakatitig sa mga gwapong lalaki sa beach, napalingon na rin sa kanila nang dumating si Andrei at ang pinsan niya , at ngayon, lahat ng tingin ay kay Daemon…“Ahhh! Ang gwapo niya, sino ‘yan? Bago bang model?”“Tsk tsk tsk, grabe ang dating nung nagtanggal ng damit... gusto ko siyang lapitan at hawakan…”“Hi gwapo! Dito ka tumingin, please!”…Parang walang pakialam si Daemon sa mga tukso at sigawan. Tiningnan lang niya si Patricia na parang gusto na talagang maglaho sa hiya, tapos dumako ang tingin niya sa mga butones ng kanyang polo. Tinaas niya ang kilay at nagsalita. “O, ikaw na magtanggal nito.”“…Patanggal mo sa lelang mo!” Gusto na lang ni Patricia na maghukay ng butas at pumasok dun… Yung photoshoot na dapat ginagawa, naudlot na tuloy. Lahat ng mata nakatutok kay Daemon ngayon. Anong
Napakunot-noo si Andrei. “Eh ‘di anong plano mo? Gusto mo ba gupitan mo katawan mo at idikit sa akin para magmukha akong macho?”Napa-roll eyes si Patricia. “Hindi ito ang time para magbiro!”Tumango si Andrei. “Eh anong plano mo? Hindi naman puwedeng tumaba agad. Wala na tayong oras.”Napaisip si Patricia. Tumingin sa pinsan ni Andrei…Napakunot-noo ‘yung pinsan. “Bakit mo ako tinitingnan? Hindi naman ako artista.”“Di ba malakas na ngayon ang editing apps? Puwede kayong dalawa ang mag-shoot, tapos pagsamahin na lang kayo sa final edit.”“Magkakaroon ka na ng muscles!”Parehong napaisip ang dalawang lalaki. Gagana kaya ‘yon?---Araw, buhangin, at mga gwapong lalaki sa dalampasigan…Pagdating nila sa shoot location, doon lang nalaman ni Patricia na hindi lang pala si Andrei ang kasama sa photoshoot, may kasama pang mga sikat na male models.Kaya buong beach, punong-puno ng magagandang lalaki na may iba’t ibang style.Kahit nakasarado ang buong lugar, ang daming babae sa labas ng barr
Chapter 81NANG marinig ni Daemon ang boses na 'yon, agad siyang napakunot ang noo.Sanay na si Sylvia sa malamig at walang pakialam na ugali niya. Nilapitan niya si Daemon na parang walang nangyari, ngumiti at niyakap ang braso nito. “Ang tagal na nating hindi nagkita. Kahit gaano ka ka-busy, dapat may oras ka pa rin para sa fiancée mo, ‘di ba?”Halatang pinipigil na ni Daemon ang galit niya. Matalim ang tono ng boses niya. “Sino ang nagsabi sa 'yo na pumunta rito?!”Hindi inaasahan ni Sylvia na ‘yon ang unang sasabihin ni Daemon at mas lalong hindi niya inakala na magiging ganon kasama ang tono nito. Sandali siyang natigilan, tapos sinuntok niya nang mahina ang braso ni Daemon. “Ano bang ibig mong sabihin, Daemon? Fiancée mo ako, wala naman sigurong masama kung pupunta ako sa bahay mo?”Matigas na tinanggal ni Daemon ang kamay ni Sylvia. Matalim ang tingin niya. “Alam mo naman kung bakit tayo napilitang magkaroon ng engagement ‘di ba? Huwag mo na akong guluhin. Kung hindi, mapapahiy