THE LAWYER'S GUILTY PLEASURE

THE LAWYER'S GUILTY PLEASURE

last updateLast Updated : 2025-10-22
By:  SerendipityUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Limang taon na tayong kasal, pero kahit kailan hindi mo ako minahal! " “Wala sa kontrata ‘yon, Sofia.” Malamig na sagot ni Eduardo Nang ipagtanggol ng sikat na abogado na si Eduardo Almira ang kaso ng ina ni Sofia, kapalit nito ay kasal, isang kasunduan na tatagal lamang ng limang taon. Pero paano kung sa limang taong iyon, natutunan niyang mahalin ang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya bilang asawa? Hanggang sa isang umaga, natuklasan niyang hindi lang puso niya ang nakatali sa kasinungalingan—pati ang batang tinatawag niyang anak ay anak pala ng babaeng tunay na minamahal ng asawa niya. Ngayon, habang papalapit ang pagtatapos ng kontrata, kailangan niyang pumili: manatili sa lalaking hindi kanya, o bitawan ang tanging lalaking minahal niya. Pero paano kung sa oras na handa na siyang umalis… doon naman siya gustong habulin ni Eduardo?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

          Malamig ang simoy ng hangin, at marahan itong dumadampi sa makinis at maputing balat ni Sofia habang hawak ang baso na may lamang red wine at nasa terrace ng Casa de Altamira. Mula roon ay tanaw niya ang ibang pamilya na nasa kabilang kalye na nagkakasiyahan habang sinasalubong ang bagong taon, napakalayo nila pero abot hanggang mansion ang ingay ng kanilang pagsasaya pati na rin kulay ng mga fireworks nila. While her, only have one meal na in order pa niya sa favorite niyang restaurant online na ilang oras nang ‘di niya nagagalaw.

Napaka-ingay sa labas dahil sa selebrasyon habang siya ay nag-iisa sa napakalaking mansyon, lahat ng katiwala nila ay nasa tatlong bakasyon at ang asawa niyang si Eduardo at ‘di niya alam kung nasaan, pero batid niya kung sino ang kasama nito. Limang taon na silang kasal, pero sa limang taon na ‘yon ay siya lang ang may pagmamahal, pagmamahal na alam niyang kailan man ay ‘di masusuklian ni Eduardo. Habang umiinom ng wine sa kaniyang baso ay sunod-sunod ang notification sa kaniyang cellphone. She found a way paano sekretong mabuksan ang messenger account ng asawa, hindi para mangompronta o maghanap ng gulo, but just to convince herself more na her fantasies would never come true. She just married to the man he love, but beyond that there’s nothing more.

Those pop up messages are just a sweet replies from someone else, from a woman her husband love and adore. After watching the fireworks, she put her glass down on the table, leave the food untouchable, switch the account on her phone to stop those notifications that like blades that cuts her heart into pieces. She sat down on the bed and take the wedding photo of her and Eduardo, from there everything flashback to her memories…

*****

“Wala kang silbi! Pinakasalan kita dahil akala ko giginhawa ang buhay ko sa’yo dahil galing ka sa mayamang pamilya, pero heto tayo ngayon! P*****a! Wala man lang akong pagkaing uuwian!” Sigaw ng ama ni Sofia na lasing nang umuwi ng kanilang bahay.

“Alam mo namang inalisan nila ako ng karapatan sa lahat ng bagay mula ng malaman nilang nagpakasal ako sa’yo, pinili kita kasi mahal kita, sinubukan ko naman lahat, pero wala talaga. Tapos nataon pa ngayon na isa ako sa mga inalis na empleyado sa factory, at wala ka ring inaabot sa’kin, pati nga anak mo kanina pa umiiyak sa gutom eh,” umiiyak sa tugon ng ina ni Sofia.

Dahil sa narinig ay marahas na lumapit ang ama ni Sofia sa kaniyang ina at sinakal ito at sinandal sa pader ng marahas.

“Lucas nasasaktan ako, n-nahihirapan akong huminga!” tugon ni Belinda habang hawak ang kamay ng asawa na nakasakal sa kaniya para alisin.

“Sinisisi mo ba ako kung walang makain ‘yang anak mo?! Sinisisi mo ba ako sa impyernong buhay na mayroon tayo?!  Impyerno na lang din naman pala to, sama-sama na tayong masunog sa impyerno!” wala sa katinuang sabi ng ama ni Sofia, nanlilisik at namumula na ang mga mata nito na tila wala na sariling bait.

“Papa, tama na po nasasaktan na si mama! Bitiwan niyo po siya!” ani si Sofia at pilit kinakalas ang pagkakasakal ng mga kamat nito sa leeg ng kaniyang ina na noon ay nakikita niyang nahihirapan ng huminga, pero sa halip na pakinggan siya nito ay siya naman ang napagbalingan nito. Hinila nito ang kaniyang buhok hinila siya sa gilid at paulit-ulit na sinampal, tinadyakan pa siya nito at marahas na pinagsisipa.

“Isa ka pang walang kuwenta! Parehas kayo ng mama mo!”

“Lucas! Anak mo ‘yan! Tigilan mo si Sofia! ‘Wag mong sasaktan ang anak ko!” Sigaw ni Belinda, pero tila wala ng naririnig pa si Lucas.

Nagdilim ang paningin ni Belinda sa ginagawa ng asawa sa anak nila, nang makita niyang nahihirapan at sumusuka na ng dugo ang anak na si Sofia, agad na dinampot niya ang kutsilyong nasa gilid ng lamesa nila, agad na binaon niya ito ng paulit-ulit sa likod ng asawa.

“Hayop ka! Huwag mong sasaktan ang anak ko! Ikaw ang walang kuwenta, kaya dapat mamatay ka na! Ginawa mong impyerno ang buhay ko, mamatay ka na!” pumapalahaw na turan ni Belinda na may kasamang galit, pagsisisi at pait. Umiiyak na lumapit si Sofia sa ina kahit na masakit at nanghihina ang katawan.

“Ma, mama…napatay niyo po si papa,” umiiyak na sabi ni Sofia sa ina.

Hinawakan at hinaplos ni Belinda ang mukha ng anak, namantsahan pa ang mukha nito ng dugo dahil sa duguan niyang kamay dahil sa pagsaksak sa sariling asawa.

“Anak, hindi ka niya masasaktan, tandaan mo ang sasabihin ko sa’yo Sofia, kahit na anong mangyari, kasama mo man ako o hindi anak, lagi mong mas piliin na higit na mahalin ang sarili mo sa kahit na sino, ayos lang na maging mahina pero huwag na huwag mo itong ipapakita sa kahit na sino!”

****

Makaraan ang ilang oras ay dumating na ang mga pulis, life sentence ang posibleng maging kaparusahan ng ina ni Sofia. Ang rebelde ring nakatatandang kapatid ni Sofia na si Marcus ay galit na galit sa ginawa ng ina kahit alam nito ang gawain ng ama. Ng mga panahon na ‘yon kung saan pamilya ang kailangan niya, at inaasahan na mahihingan ng tulong, ay wala ni isa sa mga ito ang tumulong sa kaniya. Gusto ng pamilya ng kaniyang ama na mabulok sa bilangguan ang kaniyang ina, at ang pamilya naman ng kaniyang ina ay wala ring pakialam na dahil kahihiyan umano sa pamilya nila ang magkaroon ng anak na krminal.

Gumuho ang mundo ni Sofia, walang ibang kumupkop sa kaniya kun’di ang kaniyang guro at mentor rin sa pagpipinta. 

“I know someone who could help you, but kilala ko rin ang taong ‘yon, he wouldn’t done something for someone ng walang kapalit. But he’s a great lawyer, lahat ng mga nakakatunggali niya always fear him kapag siya na ang lawyer ng opponent, but it’s still up for you Sofia.”

“Paano po siya kokontakin? Sa sitwasyon ko ngayon at sa kalagayan ni mama, wala ng bagay na hindi ko kayang gawin.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status