MAY hotel naman na naghihintay sa lahat ng empleyado na naroon sa team building. Dahil ang department lang naman nila ang may team building, hindi sila ganoon karami. Sa pagkakaalam ni Serena, nasa fifty silang employees at ang iba ay may plus one kaya nasa kulang one hundred sila. Dahil asawa niya si Kevin, automatic na sila ang magkasama sa kwarto pero ang problema ay si Hanni. “Wala na ba talagang ibang available room?”“Iyon na lang po talaga. Double bedroom naman po iyon kaya parang solo n'yo pa rin ang kwarto,” ani ng receptionist. Ayos lang naman kay Hanni kung iba ang kasama. Pero bakit si Sir Yves pa ang roommate nito? Pisting yawa! “Are you thinking that I'll do something to you? I still have a taste,” naiinis na tanong ni Yves na nasa gilid. “Sir, baka ako ang may gawing masama sa'yo, hindi mo ba gets 'yon?”Tumikwas ang dulo ng labi ni Yves at napailing. “Just let it be. Dalawa naman ang kama. Dalawang araw mo lang akong makakasama sa isang kwarto. Siguro naman ay mat
KEVIN was surprised when he heard Yves that he knew him. Totoo naman ang sinabi nito na madalas siyang laman ng business gala lalo na kung hindi makakarating ang chairman na mismong abuelo kaya sa kanya at kay Maeve pinagkakatiwala ang lahat. Ngunit bakit nga ba siya nagulat gayong anak ito ni Don Juan? Malamang ay sinasama ito ng ama para sa koneksyon. Hindi niya lang ito kilala dahil pili lang ang taong pinagtutuonan niya ng pansin. “Since you already know who I am, you should know to distance yourself from my wife.”Ito naman ang nagulat sa tinuran ni Kevin. Umawang ang bibig ni Yves at sandaling hindi nakakibo. “Are you thinking that I like your wife?”“Aren't you?”“Damn. You're overthinking things, Mr. Sanchez. We're just workmates. I'll be honest, Serena's good but I don't like her that way.”Kumunot ang noo ni Kevin at mabilis na nag-isip. Kung hindi ang asawa niya ang gusto nito, ibig-sabihin... “If you don't like my wife... you like her bestfriend, right?”Napaubo si Yve
NATAPOS ang dinner at kanya-kanyang balik na sa kwarto ang gagawin para makapagpahinga. Maaga pa ang lahat bukas dahil pupunta sila sa lugar kung saan gagawin ang tree planting na isa sa theme ng team building. Alangan namang nakatanaw si Kevin sa asawang si Serena dahil babalik na ito ng kwarto na hindi siya ang kasama. Sa unang bahagi ng challenge ay team ni Yves at Kevin ang nanalo kahit na walang tinulong si Kevin sa kusina. Pero kahit nanalo, hindi ramdam ni Kevin na masaya siya. Ayaw niyang matulog na hindi katabi ang asawa ngunit dahil nakiusap ito, magtitiyaga siyang hindi muna ito kasama. Dahil si Yves lang naman ang kilala bukod sa asawa ay ito lang ang kinakausap ni Kevin. Nang bumalik ito sa assigned room, bumalik na rin siya roon. Ngunit hindi alam ni Kevin na dahil nagtataka sa kanyang kinikilos si Dylan, nagbayad ito ng tao para sundan siya. “Ano? Magkasama sa iisang kwarto si Sir at si Mr. Yves Magalona? Sigurado ka sa sinasabi mo?”Nang makumpirma na totoo nga an
DAHIL hindi nakapagpaalam si Kevin kahit na alam ni Serena na busy ito, medyo wala siyang energy na napansin ni Hanni noong nagti-tree planting sila. “Miss mo na ba kaagad ang asawa mo?” biro sa kanya ni Hanni. “Hindi, no!”“Sus, deny ka pa e pagkagising mo nga kanina, hindi mo man lang ako nabati ng good morning. Diretso labas ka ng kwarto para hanapin mo s'ya. Sabihin mo, in love ka na sa asawa mo, 'no?”Hindi agad nakakibo si Serena dahil bago pa mapansin ni Hanni ang kilos niya, aware na siya sa nararamdaman niya. Sino ba naman kasing hindi makararamdam kay Kevin kung masyado itong maalaga sa kanya? Nariyan din ang lalaki tuwing kailangan niya ng tulong at kahit minsan nakakainis ito, she could feel that he really cares for her. Pero kung sasabihing mahal na niya ito... hindi ba masyadong maaga para doon? Ngunit aamin siyang hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa lalaki lalo pa't asawa niya naman ito. “Uy, bebs, hindi ka na kumibo. Pero ayos lang naman iyon. Walang masam
NANG marinig ni Dylan ang malamig na boses ni Kevin, napalunok siyang sunod-sunod. “Is she serious? Well, then arrange it if she's not afraid of me offending those people who want to date me.”Napangiwi si Dylan. Naalala niya pa ang huling blind date ng boss. Nilait lang naman nito ang ka-date na babae na may halotosis kaya umiiyak na umalis ang babae. Napahiya ang babae kaya inurong ng pamilya nito ang investment para sana sa SGC. Galit man ang lolo at si Miss Maeve, wala silang magawa kay Xavier dahil matigas daw ang ulo nito na minana sa ama. “Sir, bakit ba ayaw mo ng blind date? Hindi ba't ganoon naman ang uso sa inyo?”Tinaas ni Kevin ang ulo at diretso siyang tinitigan. “Then why don't I arrange one for you?”Agad na umiling si Dylan. “No thanks, Sir. May iba akong gusto!”“Who?”Hindi nakapagsalita si Dylan. “Never mind. Just bring all the files I need to check before we go pick my cousin.”TOUCHDOWN airport. Tinaas ni Maeve ang sunglasses na suot at hinagilap kung saang p
KINABUKASAN, sinubukan ni Serena na tawagan si Kevin ngunit unattended ang cellphone nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-alala lalo't ang huling usap pa nilang dalawa ay noong humingi siya ng pabor dito. Isang ulit pa niyang sinubukan ngunit hindi talaga sumasagot si Kevin kaya tumigil na si Serena. Dahil walang tao sa department nila dahil nasa team building pa rin ay hindi rin naman siya makapapasok. Wala siyang magawa sa bahay kundi ang tumulala at isipin kung ayos ba si Kevin. Mabuti na lang at tumawag si Hanni. Sumabay kasi ito sa kanya na umuwi dahil para dito, boring ang team building kung wala siya. Mabuti nga at napapayag nila si Sir Yves. Iyon nga lang, hindi naman pwedeng i-refund ang gastos sa hotel accomodation na nasa ilalim ng name nila.[“Bebs, busy ka?”]Katatapos lang ni Serena mag-umagahan at nililinis ng maid ang pinagkainan niya. Gusto niyang tumulong pero pinagbawalan siya ni Butler Gregory dahil mawawalan daw ng trabaho ang maids kung sasaluhin niya an
NAISIPAN nilang umikot-ikot pa rin sa mall at dahil hindi nila namalayan ang oras, sinabihan siya ni Hanni na doon na lang din sila mag-early dinner at libre na nito dahil si Serena ang sumagot ng bayad ng mga binili nilang dress. Gusto ngang bayaran ni Hanni iyon ngunit hindi siya pumayag dahil malaki rin ang utang na loob niya kay Hanni. Kulang pa nga ito sa lahat ng tulong sa kanya ng kaibigan. Napunta sila sa isang five star French Restaurant at puro magagandang review ang nakikita nila sa page nito kaya doon nag-aya si Hanni. Ngunit noong nag-inquire sila, strictly for reservation pala ang mga customer doon. “Hindi talaga pwede ang walk-in?” dismayadong tanong ni Hanni. “I'm sorry, Ma'am, hindi po pwede iyon.”“Pwede mo silang tanggapin, Annie. May nag-back out sa reservation.”Napalingon sila sa nagsalita at isang lalaking nasa mid-20s ang nakita ni Serena. Mukhang kilala ito ni Hanni dahil ngumiti ang lalaki sa gawi ng kaibigan niya. “Bryan, ikaw pala 'yan! Nakalimutan kon
NAGBABA ng tingin si Serena pagkasabi noon.“Alam ko naman na kinasal lang tayo dahil nasaktan ka ng ex mo at ako ang nandoon kaya ako ang inaya mo. Hindi ka nakapag-isip nang maayos kasi nauna ang emosyon mo. Pero diba sabi ko sa'yo kung ayaw mo na, pwede mo naman sabihin sa akin para alam ko? Hindi naman kita pipigilan kasi alam ko kung saan ako lulugar. Hindi kita guguluhin, Kevin.”“Hindi mo ako guguluhin? I don't like that, Serena.” Bumuga ng hangin si Kevin at malungkot itong ngumiti. “You're my wife now but it looks like you don't feel anything for me. You still don't like me.”Hindi ganoon iyon!Gustong isatinig iyon ni Serena ngunit pinigil niya ang sarili dahil hindi nito pupwedeng malaman na may kakaibang nararamdaman na siya rito. “K-Kung gusto mo... mag-file ka na ng annulment bukas na bukas din. Para naman... makasama mo na ang taong nagugustuhan mo.”Kinagat ni Serena ang pang-ibabang labi nang matapos masabi iyon.“Who told you that I like someone? Wife, I don't like
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal