1/2 mamaya uli since may klase ako till 8:30 PM. Will try to sneak out to write huhu. Anyway, mali iyong chapter numbering kasi nasa isip ko malapit na ako mag-chapter 200 hence iyon ang nai-type ko. Pero wala namang mali sa content kaya keri lang i-unlock. Thank you sa pagbabasa! Have a nice day, people. Nag-iisip ako na gumawa ng page sa fàcebóok para sa interactions tsaka spoilers na rin haha. Gusto nyo ba? —Twinkle ×
KAHIT na kumikirot ang dibdíb ni Serena, sinubukan niyang ngumiti kay Chiles at ngumiti pabalik si Chiles sa kanya. Hindi niya napigil na abutin ang anak at haplusin ang malambot nitong pisngi. Nagulat si Chiles sa ginawa niya ngunit hindi umiwas ang bata. Bagkus, kiniskis pa nito ang pisngi sa kamay ni Serena. Naningkit din ang mga mata ni Chiles na tulad sa isang kuting na napapapikit kapag hinahaplos. Napangiti nang malawak si Serena sa ginawa ni Chiles. Binaba niya ang kamay at sinilip si Chiles. “C-Can I hug you?”Tinagilid ni Chiles ang ulo at parang nagtaka sa sinabi niya. Saka naisip ni Serena na sobra yata ang gusto niyang hilingin kay Chiles. Halos tatlong taon lang si Chiles noong umalis siya kaya tama lang na hindi siya maalala ng anak. At kung titingnan nga ngayon, stranger siya para kay Chiles. Ngunit nagulat siya noong tumayo si Chiles at lumapit sa kanya. Umamba ng yakap si Chiles kaya mabilis namang yumakap si Serena kay Chiles. Noong hawak at yakap na niya ang a
ILANG segundo yata na hindi maapuhap ni Serena ang boses. Nanatili ang mga mata niya kay Kevin at mas lalo siyang nasasaktan dahil dito niya mismo narinig na parang itinakwil niya si Chiles. Hindi iyon ang intensyon niya ngunit dahil sinabi niya iyon at hindi na mababawi pa, mali pa rin ni Serena iyon kahit na gusto niya lang naman protektahan ang mga taong mahal niya. Umiling si Serena. “S-Sinabi ko lang iyon dahil kailangan, Kevin. H-Hindi ko gusto iyon pero noong panahong iyon, iyon ang dapat kong gawin.”Kung sinama niya si Chiles, alam niyang hindi niya mapoprotektahan si Chiles nang maayos. Alam niya kung gaano katuso ang mga taong nakasama niya sa Spain at bawat kilos niya ay naka-monitor. Sandali lang niyang nakausap ang biological parents at pagkatapos noon, pinadala na agad siya sa pamilya ng Fortalejo para pilit na ipakasal kay Helios. Alam ng Alejandro Clan na may anak at asawa siyang naiwan sa Pilipinas at kung ipipilit niyang umuwi, hindi magiging maganda ang kalalaba
NANLAKI ang mga mata ni Serena noong mapagbuksan ng pinto si Hanni kasama si Zephyr. “Walanghiya ka! Dalawang taon kang nawala tapos ngayon ka lang babalik?” halos lumabas ang litid sa leeg ni Hanni noong sabihin iyon. “…Hanni, a-andito kayo…”Mabilis na lumapit si Hanni sa direksyon ni Serena at naisip ni Serena na masasampal siya ng matalik na kaibigan kaya napapikit siya. Pero imbes na sampal, isang mainit at mahigpit na yakap ang naramdaman niya. Hanni was hugging her. Mabilis niyang binuksan ang mga mata at niyakap din pabalik ang kaibigan. Dumapo rin ang mga mata niya kay Zephyr at pinanonood siya ng kapatid. Tuon ang atensyon sa kanya. She motioned for him to go to her and Zephyr obliged. Humiwalay si Serena kay Hanni at niyakap din si Zephyr. “I missed you, Ate,” bulong ni Zephyr. Tinapik ni Serena ang likod ni Zephyr. Ngayon niya napansin na bahagyang lumaki ang katawan ni Zephyr at mas lalo pang tumangkad sa kanya. Noong humiwalay siya sa kapatid, hinatak siya ni Hanni
“WHO told you I'm running after that brat? Of course not.”Sabay na napalingon si Serena at Hanni noong nagsalita si Zephyr na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila. Lumabas ito sa pinagtataguan at umupo sa bakanteng upuan na nakatabi kay Serena. Nakasunod si Helios kay Zephyr ngunit noong makita nito na magkakaharap sila Serena at ang dalawang bisita, hindi na tumuloy si Zephyr at iniwan sila roon. Humarap kaagad si Serena na namumula pa ang mga mata kay Zephyr. “Kasal ka na? Kumusta kayong dalawa ni Leila? Bakit hindi ko alam na kayo pala?”Umasim ang mukha ni Zephyr at nag-iwas ng tingin. “I didn't date her, Cinder.”Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ate ang sabi kong itawag mo sa akin, e. Nawala lang ako ng dalawang taon mahigit naging pasaway ka na. How are you, Zephyr? May natira pa bang gamot sa sistema mo? Did the antidote work?”Instead of answering her, Zephyr stared at Serena. Before she knew it, he was hugging her tight. “Hindi mo dapat ginawa iyon, Ate. Hindi mo dapa
“YOU'RE serious, aren't you? You will court your ex?” Gulat na gulat si Helios sa sinabi ni Serena. Nakaalis na si Hanni at Zephyr ngunit nangako ang dalawa na babalik din kinabukasan. Inaaya nga siya ni Zephyr na sumama siya rito dahil hindi raw ito tiwala sa mga kasama niya sa bahay ngunit sinabi ni Serena na doon na lang siya. Helios doesn't have a place to go and if she leaves here, alam niyang aalis din si Helios. Marunong itong mag-Tagalog pero hindi sapat iyon para mamuhay ito mag-isa sa Pilipinas. He grew up in Spain; same as Hezekiah, Helios' shadow guard. Alam niyang kailangan pa ng gabay ng dalawa lalo't may alaga itong bata na si Catherine. Kung aalis siya, kawawa ang dalawa. May kaunti ring pera si Helios pero alam ni Serena na ginagamit ni Helios ang pera na iyon para hanapin ang ina ni Catherine. As much as possible, gusto niyang tumulong kay Helios dahil malaki ang tinulong nito sa kanya. Naisip ni Serena, kung sa masamang tao siya 'pinakasal' ng lolo at hindi kay H
DINALA ni Nathan si Serena sa office nito at napansin nila na pinagtitinginan sila ng tao. Serena didn't mind their stares and she went with Nathan. Noong nasa office na sila ni Nathan, pinaupo siya nito sa receiving table nito at hinainan ng sparkling bottled water na nasa mini fridge nito. Kinuha iyon ni Serena at uminom bago hinarap si Nathan na halatang nagulat pa rin sa paglitaw niya sa harapan nito. “How are you, Serena? Why are you here?”Instead of answering his question, si Serena ang nagtanong ngayon. “Nathan, pwede bang makisuyo sa'yo?”“For what?”“Can you hire me as your staff? Or better yet, secretary mo?”Nagulat ang lalaki. “Ah? Bakit ganyan ang gusto mo?”“G-Gusto kong makalapit kay Kevin, Manager Nathan—”“Quit calling me Manager, Serena. Call me Nathan.”“Nathan, kailangan kong makalapit kay Kevin. Kung hihilingin kong sa staff niya ako mapunta, baka sesante na ako agad. Naiisip ko na kung dito ako sa 'yo mapupunta, hindi naman siguro ako mapapaalis agad. If you w
“WHAT do you mean by this?” Kunot-noong tanong ni Kevin kay Serena. Nilapag nito ang flowers sa table nito at binalik ang tingin kay Serena, tipong nanunukat. Matamis na ngiti ang ginawad ni Serena kay Kevin at tinaas naman ang bitbit na thermal box na may lamang pagkain. “Here's your lunch pala. Pinagluto kita, Kevin. Kainin mo 'tong pagkain, ha? Pinaghirapan ko 'yan. May kasama rin 'yang dessert na pwede mong bigay sa anak natin.”Hindi na siya naghintay na kunin pa iyon ni Kevin, nilapag niya ang thermal box sa ibabaw ng mesa nito na walang nakapatong na papeles. Sa gilid ng mga mata, kita niya ang kunot pa rin na noo ni Kevin at hindi lang siya nagpapahalata pero kabadong-kabado siya. Unang beses niya itong gagawin dahil si Kevin ang madalas manuyo sa kanilang dalawa noong ayos pa ang lahat sa pagitan nila. Thinking about that, she might be sweet towards him but Kevin's the one who's showy with his feelings in the scope of their relationship.Natigil si Serena sa ginagawa noong
INIYAK lahat ni Serena ang sama ng loob sa comfort room. Mabuti na lang at walang tao roon dahil hindi pa break time kaya may panahon siya para ilabas ang bigat na nararamdaman. Nang mailabas na ang lahat, tumingin si Serena sa half body mirror ng comfort room. She checked herself if her eyes were swollen. Mabuti at namumula lang ang mata niya at hindi namamaga. She tried to smile but it came out like worst than crying. Una lang 'to, okay? Bukas, babalik siya at susubok muli. “You won't give up, Serena, okay? You won't,” pagkausap niya sa sarili, pilit na humuhugot ng lakas sa pagsasabi ng mga katagang iyon. “WHAT are you doing here again?” masungit na saad ni Kevin noong makita si Serena sa opisina nito. Ngiti naman ang sinagot ni Serena kay Kevin. “I'm here for you, Kevin,” sagot ni Serena. May dala siyang panibagong pagkain dahil nakita niyang tinapon ni Kevin ang pagkain na niluto niya para dito. Kung inaakala ni Kevin na susuko agad siya rito, nagkakamali si Kevin. She won't
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na mak
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga