merong day to night class kami. and still not feeling well. i will try to update kapag kaya. ayan wala na sanang magalit kung bakit may "new character" ako. hindi panggulo si agent aster, ha? bibi natin yan. —Twinkle ×
103.Nakatayo pa rin si Mirael sa sulok ng corridor, tulala habang pinapanood sina Ali at ang babae nitong kasama na palabas na ng hotel. Matagal bago siya natauhan. Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at agad tinawagan si Lorelei, wala nang pag-aalinlangan.Agad nasagot ang tawag. Nang marinig niya ang masayang boses ni Lorelei, hindi niya alam kung paano magsisimula. Sa buong buhay ni Lorelei, si Mirael ang masasabing pinakakakilala kay Lorelei, hindi ang nanay nito, kundi siya mismo.Masaya at maayos palagi ang naging buhay ni Lorelei, kaya palagi rin itong masayahin. Pero pagdating sa mga bagay tungkol kay Ali, madali itong maging emosyonal at sobrang anxious.Si Ali ang first love at boyfriend ni Lorelei sa loob ng sampung taon. Hindi maisip ni Mirael kung ano ang mangyayari kung sasabihin niya kay Lorelei ang nakita niya kanina.“Master Miracle, hindi mo ba kasama ang mga biyenan mo sa dinner? Bigla mo akong tinawagan, I'm a bit flattered,” natatawang sabi ni Lorelei sa ka
102.“Mom, dahan-dahan lang po, tumayo po kayo nang maayos.” Agad inalalayan ni Mirael si Solene na bahagyang natulos sa kinatatayuan at natulala. Maputla ang mukha nito at nanginginig pa ang katawan, kaya agad siyang napatingin kay Noemi, bago muling tumingin sa ina.Napatingin si Noemi kay Mirael. Medyo napakunot ang noo niya. Medyo kamukha nga ito ni Solene... Hindi niya maiwasang kabahan, malamig ang tingin niya habang pinisil ang palad nang mahigpit.“Balae, ayos ka lang ba?” tanong din ni Serena, na napansin din ang biglang pamumutla ni Solene.Pinilit ni Solene na kontrolin ang takot at bahagyang ngumiti. “Ayos lang ako,” sagot niya nang may bahagyang panginginig sa boses.Naka-recover na si Noemi, at nawala na ang gulat sa kanyang mukha. Bumalik ito sa pagiging malamig at kalmado, at bahagyang ngumiti habang tumango kina Serena at Chiles. “What a coincidence.”“Yes, indeed,” sagot ni Serena na may magalang na ngiti, sabay senyas sa lahat na umakyat na sila sa private room.Per
101.“Mary, anong ginagawa mo rito sa bahay ng mga Sanchez?” tanong ni Gaven habang binitiwan si Nicole at dahan-dahang lumapit sa tabi ni Chiles, kaharap si Mary.Ngumiti si Nicole at tumango kay Mary habang hawak-hawak si Hio na balak tumakbo papunta kay Chiles. Makalipas ang ilang hakbang, nakita niya sina Mirael at Serena na palabas ng bahay, kaya masayang sumigaw, “Mom, Mirael!”“Aunt! Grandma!” sigaw din ni Hio na parang sanay na sanay, tapos ay kumawala mula sa kamay ni Nicole at tumakbo papunta kay Mirael. Itinaas niya ang maliit at maputing kamay at seryosong tanong, “Aunt, nasaan ang regalo ko?”Napatingin si Mirael sa bata at natawa, tapos yumuko siya at hinaplos ang ulo ni Hio. “May binili akong regalo para sa’yo. Nasa loob, sa sala.”“Ayan, ganyan dapat.” Napakamot pa si Hio sa kanyang baba, parang importante ang sinabi niya. Napatawa si Mirael sa ka-cute-an ng bata.Ngumiti rin si Nicole sa gilid, tahimik at elegante. Nang magtagpo ang tingin nila ni Mirael, magiliw rin
100.Narinig ni Chiles ang sinabi ni Mary paglapit niya. Tiningnan niya ito ng malamig, tapos hinila si Mirael papalapit sa kanya at sinipat itong mabuti. Ngumiti si Mirael sa kanya at umiling nang bahagya, sabay sabing mahina, “Okay lang ako, huwag kang mag-alala.”Napabuntong-hininga si Chiles at mas lalo pa niyang niyakap si Mirael, walang bahid ng ngiti sa mukha habang nakatitig kay Mary.Nang makita ni Mary kung paanong ipinagtatanggol ni Chiles si Mirael, may bahagyang inis na dumaan sa kanyang mukha. Kahit pa napahiya siya noon kay Chiles, hindi niya maiwasang gustuhin itong mapasakanya. At ang lahat ng kahihiyan niya noong cocktail party, isinisi niya lahat iyon kay Mirael! Hindi niya ito palalampasin!Bakit nga ba isang lalaki tulad ni Chiles ay dapat mapunta sa isang tulad ni Mirael? Bukod sa maganda, ano pa bang meron siya?Si Mary, galing sa prominenteng pamilya, may talino, galing sa military background, sa kanya dapat mapunta ang isang tulad ni Chiles! Hindi siya gaya ng
99.Bilang mayor ng Moss City, dapat ay nandoon pa rin si Richard. Kaya’t ang biglaan niyang pagbalik sa capital ay nakakapagtaka.“Kailangan ko rin namang magpahinga ngayong weekend,” sagot ni Richard na may bahid ng ngiti. “Gusto ko sanang makapaglaro ng chess kasama si Kevin, pero narinig kong abala siya sa meeting nitong mga araw.”Napansin nina Mirael at Serena na mukhang si Chiles talaga ang sadya ni Richard, kaya’t nagdahilan sila para umalis. Sabi ni Serena may kukunin daw siya sa kwarto, samantalang si Mirael naman ay magpapahangin daw sa labas. Iniwan nila ang dalawa sa sala.Tahimik muna ang paligid. Maya-maya, tumingin si Richard kay Chiles at ngumiti. “Chiles, matagal na rin tayong 'di nakapaglaro ng chess. Tara, isang laro?”Bahagyang tinaas ni Chiles ang kilay, ngumiti, at sumagot ng, “Sige.” Pumasok siya sa study ni Kevin at kinuha ang chessboard.“Uncle Richard, kayo na po mauna,” sabi ni Chiles habang hawak ang black pieces.Ngumiti si Richard at pumili ng unang gala
98.Narinig ni Reola ang ingay ng pagbabalik nina Chiles at Mirael kagabi. Dumungaw siya mula sa siwang ng pinto at nakita kung paano sila naghalikan nang matindi sa tapat ng pinto. Kahit pa bumukas na ang pinto at tumayo na siya roon, hindi siya napansin ng dalawa. Si Chiles pa nga ang tila hindi na makapaghintay at agad niyakap si Mirael papasok sa loob ng bahay.Hindi pa ni Reola kailanman nakita si Chiles na gano’n kaagresibo at puno ng pananabik, lalo na ang lambing at malasakit sa mga mata nito…Habang mas lalong nagiging matamis ang dalawa, mas lalo rin siyang nakakaramdam ng pagkainis at panghihinayang. Pinagtrabahuhan niya ito nang ilang taon, pinatalsik si Nicole at sa wakas ay nakatayo sa tabi ni Chiles. Bakit biglang nasingit si Mirael at nakuha agad ang lahat?Pagdating sa parking, hawak-hawak ni Chiles ang kamay ni Mirael habang papunta sa sasakyan. Sumunod agad si Reola at mahinahong nagsabi, “Babalik na rin ba kayo sa capital? Sasabay na lang sana ako, papunta rin nama