A Bound by Honor (Montenegro Series 1)

A Bound by Honor (Montenegro Series 1)

last updateПоследнее обновление : 2025-10-26
От :  marxiewritesВ процессе
Язык: Filipino
goodnovel18goodnovel
Недостаточно отзывов
8Главы
528Кол-во прочтений
Читать
Добавить в мою библиотеку

Share:  

Report
Aннотация
Каталог
SCAN CODE TO READ ON APP

In the world of high-stakes tech, Theodore Zayne Vidalle Montenegro is a god. He is cold, calculated, and lives by a strict code of honor. He doesn't do distractions, and he certainly doesn't do love. Coleen Alexandra Enriquez is the only one who can handle his moods. As his secretary, she knows his coffee preference, his darkest secrets, and the exact way his jaw tightens when he's angry. She's been the silent shadow behind his success for years. But when a corporate scandal threatens the Montenegro legacy, Theodore proposes a deal that isn't in her job description: A temporary marriage to save the family name. In this game of power, honor is everything. But when the lines between professional and personal blur, will Coleen survive the fire of being Mrs. Montenegro?

Узнайте больше

Chapter 1

PROLOGUE

PROLOGUE

Ang ganda ng gabi sa labas ng glass walls ng Montenegro Luxury Mall, pero sa loob ng isa sa mga pinaka-exclusive na boutiques, tila huminto ang oras. Mula sa mezzanine floor kung saan matatagpuan ang private office ni Sir Theodore, kitang-kita ko ang lahat ng nangyayari sa baba.

"Wala kaming pera pambayad, sexy. Sa amin na 'to ah?" maangas na tanong ng lalaking mukhang foreigner ngunit nakakapagsalita ng Tagalog. Nakasuot ito ng kulay itim na pants at puting tee shirt habang nilalaro ang isang mamahaling kahon ng relo sa tapat ng counter.

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga schedule sa aking tablet. My heart skipped a beat. Hindi ito ang mga normal na customer. This was trouble. Mga magnanakaw na hangad ang kapahamakan.

"S-Sir, kailangan niyo po'ng magbayad," giit ng magandang sales clerk. Kahit na pilit niyang pinapanatili ang composure niya bilang empleyado ng Montenegro, bakas sa mukha nito ang takot. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang nakahawak sa glass counter.

Nang tumingin ako sa kanilang direksyon nang mas maigi ay nakita kong tatlo silang lalaki. Tatlo silang naghahasik ng takot sa gitna ng mall na pag-aari ng pamilyang Montenegro. Akmang lalabas ang manager ng boutique mula sa stockroom para mamagitan, ngunit sa kinagugulat ko ay may lalaking nakasunod sa kanya. May hawak itong baril na nakatutok sa mismong batok ng manager.

"A-Anong nangyayari—" bulong ko sa sarili ko, ang kaba sa dibdib ko ay tila sasabog na.

"Basta, 'di 'to holdup," pagputol ng lalaking nakangisi na may hawak na baril habang nakatutok pa rin ito sa batok ng manager. "Kukunin lang namin ang gusto namin, at walang magsusumbong kung ayaw niyong mabutas ang mga bungo niyo."

I felt a cold presence behind me. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. Ang amoy ng mamahaling tobacco at citrus cologne ay sapat na. For how many years working with the Montenegro, alam ko na kung kanino ang amoy na iyon—Theodore Zayne Vidalle Montenegro—the ruthless CEO and billionaire.

"Sir Theodore, tumatawag na po ako ng security," nanginginig kong sabi nang hindi inaalis ang tingin sa ibaba.

Hindi siya sumagot. Sa halip, narinig ko ang marahas na paghila niya sa kanyang suit jacket mula sa pagkakasabit nito. He didn't look panicked, kahit na alam niyang sa ilang segundo ay maaari siyang pagbabarilin ng mga magnanakaw. He looked... insulted. Na para bang ang pagpasok ng mga kriminal sa teritoryo niya ay isang personal na pambabastos sa kanyang pangalan. Who cares? He is the ruthless Montenegro.

"Coleen, stay here," malamig niyang utos. His voice was like a blade—sharp and clinical.

"Pero Sir, may baril sila! Tatlo sila! Baka masaktan po kayo!" pigil ko sa kanya, humawak pa ako sa braso niya na agad ko ring binitiwan nang maramdaman ko ang tigas ng kanyang muscles.

He didn't even flinch. "In a Montenegro establishment, I am the only one who dictates who lives and who dies. Watch me."

Lumabas siya ng opisina at mabilis akong sumunod, kahit na ang tuhod ko ay parang jelly na sa takot. Mula sa grand staircase, kitang-kita ang pagbaba ni Sir Theodore. He walked with a calculated grace, his leather shoes clicking against the marble floor like a death knell. Ang mga tao sa mall na kanina ay nagtatakbuhan ay tila naging estatwa nang makita ang pagdating ng hari ng Montenegro Group.

"In my mall? In this broad daylight?" Theodore's voice boomed, sending chills down my spine.

Ang lalaking may hawak ng baril sa manager ay lumingon. Ang pangit na ngisi nito ay napalitan ng pagkalito. "Sino ka namang pakialamero—"

Bago pa matapos ng lalaki ang sasabihin niya, Sir Theodore moved. It was a blur of violence. In an instant, Sir Theodore closed the gap between them. His hand shot out like a viper, grabbing the wrist of the man holding the gun. Isang malakas na crack ang umalingawngaw sa buong boutique kasabay ng pagtili ng mga salesclerk.

Napasigaw sa sakit ang lalaki nang baliin ni Theodore ang kanyang pulso sa isang galaw lang. Ang baril ay tumalsik sa sahig. Bago pa makakilos ang dalawa pang kasamahan, Sir Theodore delivered a brutal kick to the second man's chest, sending him flying into a display of glass shelves. The third man tried to lunge at him with a knife, but Sir Theodore caught his arm, twisted it behind his back, and slammed his face onto the marble counter.

Everything happened in less than a minute. Sir Theodore stood there, breathing evenly, while the three grown men groaned in agony on the floor. He didn't even break a sweat. He calmly adjusted his cufflinks and wiped a small drop of blood—not his—from his cheek using a silk handkerchief.

"Clean this mess, Coleen," utos niya sa akin nang hindi tumitingin. "And make sure the police understand that these men will never see the light of day again. Use the Montenegro legal team. I want them buried."

"Y-Yes, Sir," tanging naisagot ko habang pinapanood ang mga security guards na kaladkarin ang mga lalaki palabas.

Gabi na nang matapos ang lahat ng gulo. Pagod na pagod ako, pero hindi pa tapos ang trabaho ko. Kailangan kong ihatid ang final incident report sa kanyang penthouse suite. Ito ang pinaka-ayaw kong parte ng trabaho ko—ang mapag-isa kasama siya sa isang kwartong puno ng tensyon.

Pumasok ako sa penthouse gamit ang aking access card. Ang buong lugar ay nababalot ng dim lights. Nakita ko si Sir Theodore sa tapat ng malawak na bintana, nakatanaw sa nagkikinangang ilaw ng Makati. He had discarded his suit jacket and tie. Ang dalawang butones ng kanyang polo ay bukas, revealing a glimpse of his tanned chest.

"Ahemm... the report is ready, Sir Theodore," sabi ko, pilit na pinapatatag ang boses ko.

Hindi siya lumingon. "Leave it on the table, Coleen. And come here."

Dahan-dahan akong lumapit. Ang bawat hakbang ko ay tila patungo sa isang bitag. Nang makalapit ako, bigla siyang humarap at sa isang mabilis na galaw ay hinila niya ako sa baywang. Napa-ungol ako sa gulat nang sumubsob ang dibdib ko sa matitigas niyang abs.

"You're trembling again, Coleen," bulong niya sa tenga ko, ang kanyang mainit na hininga ay nagpapatayo ng balahibo ko. "Is it because of what happened earlier? Or is it because you're scared of me?"

"Sir... please," pagmamakaawa ko, pero tila lalong humigpit ang hawak niya sa akin.

His hand traveled up to my neck, his thumb tracing the line of my jaw. "I've watched you for five years, Coleen. You're efficient. You're loyal. You're the perfect secretary... but, tonight, I realized I want more than just a secretary."

Bago ako makasagot at makaiwas, hinalikan niya ako. It was a brutal, possessive kiss that tasted like whiskey and power. He didn't ask for permission; he claimed me as if I were just another piece of property he bought. His tongue forced its way into my mouth, and I felt my knees weaken. Kahit na alam kong mali, kahit na alam kong sinisira nito ang lahat ng pinaghirapan ko, hindi ko magawang lumaban.

Nang pinakawalan niya na ako ay napayuko ako at niyakap ang sarili. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi kong babae. My heart was thumping against my ribs so hard it was painful. The professional boundary we had for years was shattered into a million pieces. What happened to this man? Is he drunk or drugged? Pero hindi naman, dahil hindi naman siya amoy alak.

Lumala lang ang nararamdaman kong takot nang muli kong narinig ang boses nito. Kinuha niya ang kanyang phone sa ibabaw ng mesa at may dinial na numero. His face was like stone—no guilt, no remorse, only the cold ambition of a Montenegro.

"Tell my father that I have a woman to bear the heir of Montenegro Group!" sigaw niya sa kabilang linya. Ang boses niya ay puno ng awtoridad, tila isang utos na hindi pwedeng baliin.

Narinig ko ang mahinang boses sa kabilang linya, malamang ay ang kanyang pinsan o isa sa mga matatanda sa pamilya. "Come on, Zayne, I thought you're just searching for a sexy woman to play with and bed her—"

"Yes," pagputol ni Theodore, ang tingin niya ay nakapako sa akin—isang tingin na tila tinitingnan ang isang gamit na balak niyang gamitin hanggang sa masira. "And after she give birth to my child, I will dispose her. I'll kill her memory from my life without evidence, like how the world treats those who fail the Montenegro name."

Napaatras ako, ang mga luha ay nagsisimulang pumatak sa aking mga mata. What the fucking hell happened to this guy? Hindi ito ang Theodore na hinahangaan ko. Ito ay isang halimaw na nakatago sa likod ng isang mamahaling damit. I was bound to him by honor, by my job, and now... by a dark fate I never asked for. Fuck this life.

I was just Coleen Alexandra Enriquez, a simple woman and his secretary. Now, I had just been sentenced to a life of misery in the hands of the most ruthless Montenegro I had ever encountered.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Комментариев нет
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status