2/2 last flashback ~ one chapter lang tomorrow dahil busy ang ferson for the upcoming instrams namin. hopefully na-tie na ang ibang loose ends at hindi na kayo nalilito. —Twinkle ××
NAKAKAKILOS na si Kevin dahil nakalipas na rin ang ilang araw. Gusto na ngang umalis ni Kevin sa ospital ngunit kailangan pa nilang manatili roon ng ilang araw para masiguro na safe nang lumabas si Kevin. Inaaliw na lang ni Serena ang asawa at tinatawagan nila si Chiles at ang iba pang bata para hindi naman sobrang tahimik ng private hospital room. Nagtampo nga ang anak nila at akala ay iniwan ito dahil sila lang dalawa ni Kevin ang magkasama. Gumawa na lang ng rason si Serena na nagkita sila ni Kevin kaya magkasama sila ngayon at sa susunod ay isasama na nila ang lahat ng mga bata para maipasyal din sila. Mabuti na lang at mabilis lang din mawala ang tampo ni Chiles. Sinabi na lang din ni Serena na bibili sila ng pasalubong para sa mga bata. Nang patayin niya ang video call sa anak ay bumalik siya sa tabi ni Kevin. Kevin is now facing his laptop doing his work. Marami itong naiwang trabaho sa kumpanya noong tanggapin nito ang assignment na in-assign ng HQ. “Hindi mo ba alam na ak
HINDI naging maganda ang mood ni Serena sa na-receive na balita mula sa HQ. Alam niya kung gaano kahirap kalaban ang RLS dahil associated din ito sa Mexican Cartel na matagal na ring problema ng CIA at FBI. Malawak ang sakop ng Mexican Cartel at laganap ang drug trafficking nito sa iba't ibang bansa kaya sa kaalaman na kasosyo nito ang RLS, isa iyon sa dahilan kung bakit hirap pabagsakin ang organisasyon na iyon. Even Spain can't do anything about the RLS. The King of Spain is just a figurehead and the RLS mostly controlled the whole nation. Now, knowing that RLS is destroyed, the Royalties were grateful for the people who made it happen. Kaya hindi inilabas ang balita na iyon na bagsak na ang RLS dahil oras na masapubliko iyon, maaaring balikan sila Serena ng mga kasapi ng RLS na nakatakas. Protektado rin sila ng FBI at CIA pero kahit ganoon, binadha ng kaba ang dibdíb ni Serena. Ang kinatatakutan niya ay nangyari na. She's hoping that RLS would find it hard to rebuild the organiz
WHEN HELIOS learned that RLS is rebuilding the organization and might come after them, no, it's not ’might’ those people will really come at them because they're the catalyst why the organization was brought down, Helios trained hard at the HQ. Bilang dating tagapagmana ng RLS, alam halos ni Helios ang pasikot-sikot tungkol sa RLS. Hindi man ito sobrang galing sa combat sports, magaling si Helios sa mga tactics. Kaya nga napuruhan nila ang RLS at nasira, bukod sa malaki ang tiwala ng ama ni Helios sa anak. Ang ama ni Helios ang current leader ng RLS at hindi nito nilihim ang mga transaksyon nito dahil sa isip ng ama ni Helios, ang anak naman ang magmamana sa mga iiwan nito. Hindi nito alam na ayaw ni Helios ang pamamahala at imbes matagal na nitong plinano na sirain ang RLS.Kaya ngayong alam ni Helios ang RLS ay maaaring sirain na naman ang katahimikan na nakuha na nila, nakipag-ugnayan ito sa mga tao ng FBI at CIA para masabi pa ang mga nalalaman nito na pwedeng makatulong para sir
NANG MALAMAN ni Serena na nasa Pilipinas na ang mga magulang, talagang nagulat siya. Ang alam niya na noong hinuli ang mga myembro ng RLS kasama ang abuelo niya sa ama, nagtago na agad ang mga magulang niya dahil katulong nila ni Helios ang dalawa. About Helia Tatiana's situation, noong pumunta siya ng Spain, ang sinabi sa kanya ay pinarusahan ito dahil sa ginawa nito kay Zephyr. Ang huling balita niya ay nakakulong ito sa kulungan na para sa mga katulad nito. And now knowing that her parents are back, she has a complicated feelings. Masaya siya na makukuha na ng lolo niya na si Don Constantine na makasama ang anak nito pero nag-aalala rin siya na baka i-take advantage iyon ng RLS at saktan sila. Pero naisip ni Serena na hindi naman ipipilit ni Don Constantine ang plano nito na pabalikin ang anak dito sa Pilipinas kung wala itong pamamaraan para protektahan sila, hindi ba? Kaya sa isipin na iyon naging panatag si Serena. “You mean your parents are back?” Tumango siya kay Kevin. Si
NANG MARINIG iyon ni Laurin, napasinghap ito at halata na may gustong sabihin ngunit hindi maisatinig. Napansin ni Don Constantine na may awkwardness kaya tinipon na nito ang lahat at pumasok na sila sa loob ng ancestral house. Sumunod sa matanda ang lahat at nagsidatingan na rin ang iba pang anak nito tulad ni Cyrus, Claude, at Carson. Kasunod din nila ang kani-kanilang pamilya. Ang tanging wala lang ay si Chlyrus sa mga anak ni Cyrus. Nang makita ni Laurin ang mga kapatid na ilang dekada nitong hindi nakita, naluluha itong yumakap sa kanila. Si Zacarias ay nakipagpalitan ng tango sa mga kapatid ng asawa at umupo ito sa gilid. Si Serena, tahimik din at ayaw agawin ang spotlight. Masaya na siya na nakabalik ang mga magulang dito sa Pilipinas. Hinawakan niya si Chiles at Catherine habang si Lavender ay na kay Kevin. Umupo sila sa table na malapit sa dulo at hinayaan ang pamilya Fuentes na i-welcome ang bagong dating. “You're not close to your mother?” tanong ni Kevin sa kanya. “Hin
“WHAT DO mean he escaped? Paano siya nakatakas at ngayon n'yo lang nalaman iyon? Mga tanga ba kayo at dalawang taon na ang nakalipas bago ninyo nalaman na wala na ang taong binabantayan ninyo?!”Umalingawngaw ang boses ni Helios sa condo unit niya na bigay mismo ng HQ sa kanya. Gigil na gigil siya at gustong ibalibag ang cellphone na hawak sa pader ngunit naisip niyang mahal iyon at kulang pa ang funds na mayroon siya kaya pinigil niya ang sarili. “M-Master, may pinagpanggap po ang kapatid ninyo na siya kaya hindi namin nalaman agad na nakatakas na siya sa Isla. Kung hindi pa namin tinitigan nang maayos ang lalaki at nag-interrogate dahil nakita naming may mali, hindi pa namin matutuklasan na may mali na pala!”Helios gritted his teeth. “Should I applaud for that? Na matalino kayo dahil nalaman ninyo ang ginawa niya? Hijo de púta! Alam ninyo kung gaano kadelikado si Hector! Hindi siya titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya! Paano kung kasabwat siya ng RLS at nagpaplano na siya
KEVIN WIPED Serena's wet cheeks as she cried. Kunot na kunot naman ang noo ni Kevin at madilim ang ekspresyon ngayong nakikita na umiiyak ang asawa niya.Ayaw na ayaw niyang nakikita itong umiiyak dahil pinangako niya sa sarili na hindi na niya paiiyakin pa ito - unless it's happy tears she's shedding - pero ang ina nito, nagawang mapaiyak si Serena pagdating pa lang, hindi ba? He's now rethinking welcoming this woman towards their family. Ang impresyon tuloy ni Kevin sa mother-in-law ay naging hindi maganda. Blangko ang emosyon sa mukha na sinulyapan niya ito ngunit hindi na kinausap dahil baka kung ano ang masabi niya dahil mainit ang ulo niya. Imbes, binalik ni Kevin ang atensyon kay Serena na patuloy pa rin sa pag-iyak ngayon. He creased his forehead. Ano ba ang sinabi ng ina ni Serena sa asawa niya at ganito ngayon si Serena? Did she hurt his wife? “What happened, Serena? Did she hurt you? Tell me what happened, hmm?”“I won't hurt my daughter! Baka nga ikaw pa iyon!” piksi nam
“WHY DID you do that, Kevin?” Nakapameywang si Serena noong itanong iyon kay Kevin.Kevin rolled his eyes and didn't utter a word. He crossed his arms and averted his gaze, thinking that there's nothing wrong with what he did a while ago. He didn't like to see Helios here. Nakangiwi naman si Helios na pinanonood si Serena at Kevin na mukhang mag-aaway pa yata ang dalawa.Nang pagsaraduhan kasi ng pinto ni Kevin si Helios, hindi ito tumigil sa pagkuha ng atensyon kaya may isang katulong na pinagbuksan ito lalo't kilala naman si Helios bilang ama ni Catherine na anak-anakan ni Serena. Also, Helios wouldn't go there if not for the important news he's going to tell Serena. Kaya nagtiyaga ito sa harapan ng pinto at hindi umalis. Si Kevin naman ay pikon dahil hindi napalayas ang asungot na si Helios. Maganda na sana ang gising nito ngunit nasira lang dahil nakatapak pa rin si Helios sa loob ng ancestral house. “Hindi naman si Helios pupunta rito kung walang importanteng sasabihin. Nagses
Patuloy pa ring nagpupumiglas si Inez at Paris, pero sa totoo lang, babae lang naman sila at kapwa payat. Kahit anong gawin nilang pagsisigaw at paggalaw, wala rin silang nagawa. Hinawakan sila ng mga trabahador sa kamay at paa, tapos binuhat palabas ng bahay, diretso paibaba ng gusali...Hindi alam ni Patricia kung saan sila dadalhin sa huli, pero ang mahalaga... mas tahimik na ulit ang mundo niya!Isinara ni Chastain ang pinto, pumalakpak sa tuwa, at lumapit kay Patricia para magpasikat. "O, tingnan mo, ang laki ng naitulong ko sa'yo ngayon. Paano mo naman ako pasasalamatan? Hindi pa ako nakakakain ng hapunan, may nabili ka namang gulay, baka naman puwede nang may discount diyan?"Sandaling napaisip si Patricia... Sa totoo lang, hindi naman kalakihan ang hiling ni Chastain. Isang simpleng hapunan lang naman, kaya niya ‘yon.Pero naalala niya bigla ang panahon na nagluto sila ni Chastain sa villa ni Daemon. Pakiramdam niya, hindi niya talaga kayang pumayag. Siguro matigas lang ulo ni
Chapter 97PAGKATAPOS pumasok sa isip niya kung sino ang narinig, parang binuhusan ng malamig na tubig si Patricia mula ulo hanggang paa! Ang iniisip niyang dahilan kung bakit biglang nagtrabaho ang tatay niya - na dahil nahihiya ito at ayaw maging pabigat, ay isa lang palang kathang-isip niya. Kaya pala bigla itong nagtrabaho, para pala ihanda ang tirahan para kina Inez at ang anak nitong si Paris?Sobrang labo na ng nangyayari, parang hindi na kayang intindihin ni Patricia ang sitwasyon. Hindi na niya alam kung anong salita ang babagay dito, dapat bang tawagin na walang hiya sina Inez at Paris, o mas nakakahiya pa ang tatay niya?Yung lahat ng mga dati nitong paghingi ng tawad, puro salita lang pala. Ang mga sinabing hindi na raw tiwala sa mag-ina ay puro palusot lang?Nakatayo lang si Patricia sa pintuan, papalit-palit ang kulay ng mukha mula putla hanggang asul. Para talaga siyang pinagtawanan ng tadhana!Habang nasa ganu’n siyang lagay, sumunod sa kanya si Chastain at nagtanong,
Hindi siya pinansin ni Patricia, kinuha ang susi para buksan ang pinto, pumasok, at isinara ito.Sa totoo lang, ang pinakakinaiinisan niya ay ang paulit-ulit nilang panghihimasok sa pagitan nila ni Daemon, ang pakikialam at pagkontrol sa kanila. Kahit pa hindi na niya gustong makasama si Daemon, pipiliin niyang lumayo sa mundo nila at maghanap ng taong tunay na bagay sa kanya, kaysa magkunwaring sweet couple sila ni Chastain.Pag-uwi niya, napansin niyang wala ang tatay niya. Dati, kahit nasa business trip siya, kadalasan ay nasa bahay lang ito, nag-aasikaso. Bihira siyang wala. Napakunot-noo siya. Baka namili lang? Pero hindi naman ito ang karaniwan niyang oras para mamili.Dahil sa babala noon ni Carmina, naging alerto si Patricia at agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang tatay niya.Nag-ring ito nang matagal bago sinagot. Narinig niya ang boses ng ama sa kabilang linya, “Pat? Bakit? Hindi ba sabi mo nasa set ka at hindi uuwi?”Nakahinga nang maluwag si Patricia nang marinig
Chapter 96KUMUNOT ang noo ni Daemon at parang nagyeyelong ang mukha niya. Halatang-halata na hindi talaga siya papayag na kainin ‘yung ganung pagkain...Dahil sa sobrang seryoso niya, napabuntong-hininga na lang si Patricia at sumuko. Habang tinitingnan siya ni Daemon na seryoso habang sunod-sunod na isinusubo ang pagkain, napailing na lang ito at pinisil ang sentido na may halong inis, “Patricia, dati ba talagang hilig mong kumain ng ganito?”Tumango si Patricia. “Bakit, may problema ba?”Matagal nag-isip si Daemon ng tamang salita pero wala siyang maisip. Sa huli, napilitan siyang banggitin ang salitang “junk food” habang nakakunot ang noo.Nagkibit-balikat si Patricia. “Eh ano ngayon kung junk food? Masarap naman.” Tapos, ngumiti siya na may kapilyahan, “Tikman mo nga. Wag kang paloko sa itsura. Masarap ‘yan, lahat ng kumain niyan, gusto!” Tumingin sa malayo si Daemon. “Ayoko…”Pero bigla na lang tumayo si Patricia, hinawakan ang baba niya, at pinilit ipasubo sa kanya ang betamax
BUMALING si Daemon at tiningnan siya, tapos pagkatapos ng ilang sandali ay nagtanong. "You are...?"Medyo napatigil ng konti ang ngiti ni Hennessy, pero dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya muling ngumiti siya, hawak ang baso ng alak at lumapit kay Daemon, nakatungo nang bahagya at puno ng alindog ang mga mata. "Mr. Alejandro, talagang madali kang makalimot, ano? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung anong nangyari sa atin?"Nasuklam si Patricia nang makita ang pagiging malandi ni Hennessy, at nagpasalamat siya sa sarili na hindi na niya ito assistant.Binalik ni Daemon ang tingin, ininom ang red wine na inabot ng waiter, at walang ekspresyong sinabi. "Hindi ko naaalala ang mga taong hindi importante."Huminga nang malalim si Hennessy. Sinabihan siyang hindi importante? Hindi lang siya ngayon ang pinakasikat na aktres, kahit noong hindi pa siya sumikat, ang daming lalaking nagkakandarapa para sa kanya!Ang ganda-ganda niya, samantalang si P
Chapter 95BAGO pa man makasagot si Patricia, binaba na agad ng kausap ang tawag. Umupo siya sa bench sa rest area ng matagal at ang laman lang ng isip niya ay ang mga sinabi ni Carmina... Alam niyang maihahambing ang sitwasyon niya ngayon na parang may natapakan na naman siyang bomba, pero saan ito sasabog? Ano bang ibig sabihin ni Carmina?Sa mga sandaling iyon, bumaba na sa kabayo si Daemon at lumapit sa kanya. Pagkakita niya kay Patricia na hawak ang cellphone at mukhang litong-lito, agad na kumunot ang noo niya at inagaw ang cellphone mula sa kamay nito. Tiningnan niya ang call record. Hindi pamilyar sa kanya ang numero, pero tinawagan niya ito pabalik.Nang napagtanto ni Patricia ang nangyayari, gusto niyang sunggaban ang cellphone pero madali siyang pinigilan ni Daemon. Isang kamay lang nito ang ginamit para hawakan ang ulo niya, kaya hindi siya makalapit. Ang kabilang kamay naman ay hawak pa rin ang cellphone habang nakakunot-noo siyang naghihintay ng sagot mula sa kabilang li
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman