3/4 ~ maya ulit evening
HELIA TATIANA was really at the HQ. Napatunayan iyon ni Hector dahil may natanggap siyang balita na naka-detain ito na parang tulad sa bihag ni Vicente. Samu't sari ang emosyon na naramdaman ni Hector. He's worried about Helia Tatiana's welfare. Paano kung sa sobrang galit dito ay sinasaktan na pala ito roon at wala man lang siyang alam? He knew that Helia Tatiana from the past hurt some people from the HQ. But now, since she lost her memories, wala itong alam sa mga nangyari.Mabilis na gumana ang utak ni Hector at naisip niyang para makuha pabalik si Helia Tatiana, kailangan niyang ibigay ang bihag ni Vicente. Saka na sila mag-iisip pa ng plano muli. Basta ang mahalaga, makuha niya pabalik si Helia Tatiana. Pinagpaplanuhan ni Hector kung paano makukuha ang dalawang bihag ni Vicente at oras na makuha niya ang dalawa, agad niyang ipapagpalit sila para kay Helia Tatiana. MALAKAS NA sampal ang nakuha ni Ashianna mula sa kinikilalang ama. Ito ang kumupkop sa kanya noong nawala ang buon
NAGULAT ang lahat sa ginawa ni Hector. Vicente who was caught offguard by Hector's actions, tried to look for him because after getting Hanna and Lavender from Victor's clutches, Hector seemed to evaporate also with them. Maging ang ama ni Hector na kasa-kasama ni Ashianna ay hindi napaghandaan na ganoon ang gagawin nito. Kaya ang ginawa nito ay inutusan si Ashianna na hanapin ang lokasyon ni Hector dahil hawak nito ang alas na mayroon sila laban sa HQ. Ashianna, on the other hand, was secretly let out a sigh of relief. Mas mabuti ang ginawa ni Hector para maibalik na ang mga taong kinuha ni Vicente. Hindi damay si Hanna sa mga taong gustong paghigantihan ni Ashianna at si Lavender naman, alam ni Ashianna sa puso niya na hindi niya kayang saktan ang bata. Ngunit kahit pinoprotektahan ni Ashianna ang dalawa sa abot ng kanyang makakaya, maaaring maubos ang pasensya ng tinuturing niyang ama at may gawin itong hakbang para saktan si Hanna at Lavender. Ashianna knew how fast he changed h
MAINGAT na pumasok sila Serena sa building para hindi mahalata ng mga kalaban. Dahil nagkakagulo, hindi nga nabigyang pansin sila Serena. Dala-dala nila si Helia na tinakpan nila ng duck tape ang bibig nito para hindi makagawa ng ingay. Then they saw a man exchanging fires from other people. Dahil abandoned building iyon ng pagawaan ng karton, may mga parteng tago at doon nga nagkubli sila Serena. Kevin's with her. Tahimik ito sa tabi ni Serena at nagbabantay ng mga nangyayari. Si Gideon at Dace naman ang may hawak kay Helia na kanina pa pumipiglas.Nang makatago na sila Serena, saka nila tiningnan ang mga nangyayari. Doon nila napagmasdan ang lalaki at hawig ito ni Helios. That man was probably Hector. Hinanap ni Serena si Helios na kasama nila at nagtatanong ang mga mata niya na nakasulyap kay Helios kung tama ba ang hinala niya. Tumango si Helios at humigpit ang kapit nito sa hawak na Beretta gun. “Hmmp! Hmmp!” Nagpupumilit pa rin na makawala si Helia Tatiana habang nakatitig s
NANLAKI ang mga mata ni Serena at hindi pa agad nag-register sa utak niya ang nangyari. Then after a couple of seconds, she moved. Agad na bumaba ang tingin niya kay Hanni na nanghihinang paupo na. Namilog din ang mga mata ni Serena at binadha ng ibayong takot ang didbíb noong makita niyang sumuka ng dugo si Hanni. Serena fired her gun towards the man's direction who shot Hanni. Paulit-ulit ang ginawa niyang pagbaril dito at sinuguro na mamamatay talaga ito bago niya binalik ang atensyon kay Hanni. “Serena, h-hindi ko na kaya…”“H-Hanni… bebs, teka tatawag ako ng tulong. Hindi pwedeng ganito. You're fine, okay? I-I will for help. Huwag kang mag-alala. Makikita mo pa si Yves at Yvette. Hindi pwede 'yang sinasabi mo.”Umiling si Hanni at nang muli itong umubo, mas maraming dugo ang sinuka nito. Mas lalong kinabahan si Serena sa nasaksihan. She tried to put pressure on Hanni's back to stop the further bleeding but it seemed it's a little help. Bumuhos ang luha ni Serena at kinapa ang b
AFTER SAYING that, Hector commanded his men to get Helia Tatiana away from the place. “Hector, hindi ako aalis dito! Hector!”“Keep her safe!” ani Hector. Sumunod ang mga tauhan ni Hector sa utos nito at pinalibutan si Helia Tatiana para protektahan. Dahil kalaban ang tingin ng ibang agents kay Hector maging kay Helia Tatiana, may sumubok na pigilan sila ngunit humarang si Archer na naroon din.“Don't. He's an ally.”Sa narinig, natigilan si Serena na handa na sanang pigilan din si Hector at si Helia Tatiana na prinoprotektahan ito. Kakampi siya? Paano nangyari iyon? Hindi ba't kalaban si Hector? Bago pa maisip ni Serena ang sagot sa pasabog ni Archer, nagkaroon muli ng sunod-sunod na palitan ng mga bala. Hector, who heard that from Archer, smiled widely at his father who was flabbergasted. Hector aimed his gun at him and tried to shoot him but his father, seeing his actions, grabbed someone within his reach and used that person as a shield. “Sinasabi ko na nga at tama ang hinala
HINDI buong building ang sumabog kundi parte lang noon. Sa nangyari, mabilis na kumilos ang lahat at pumasok sa loob para tingnan kung ano ang sitwasyon. Sumunod din sila Serena, Kevin, maging ang mga magulang nila pareho. Noong makapasok, nadatnan nila si Hector na nakaupo na sa sahig, sapo ang may tama ng bala na didbíb, at nakaalalay naman si Helia Tatiana rito. Helia Tatiana is calling for Hector's name while Hector is slowly losing consciousness. Helios then fired his gun towards his father. Natamaan ito sa may bandang tiyan at sa isang braso nito. Agad na umagos ang dugo mula roon. Nang makita ito ng natirang tauhan ay binaril nila ni Helios ngunit nakaiwas agad si Helios. Hinatak nila paalis si Henrik, ang ama ni Helios, at sinubukang protektahan pa rin. “Help me! Hector, don't close your eyes! Please, help me!” sigaw ni Helia Tatiana. Basa ang magkabilang pisngi nito at lumilingon-lingon sa paligid para manghingi ng tulong. Helia Tatiana tried to shout for help once again
HELIOS pulled the trigger. Bumaon ang bala sa ulo ng ama niyang si Henrik at tumagos ito sa kabila. Mabilis na naputol ang buhay ng lalaki dahil doon at nang bitiwan ito ni Helios, bumulagta na lang ito sa sahig. Tulala si Helios pagkatapos noon. Hindi pa pumapasok sa isip niyang tapos na ang lahat. Hindi niya maisip na sa kamay niya talaga magtatapos ang buhay ng ama. After realizing that he really ended his father's life, a wave of pain hit him. Naalala niya na minsan din namang naging ama sa kanya ito. Helios was his father's pride. Henrik loved him, though in a twisted way. Ramdam iyon ni Helios ngunit hindi niya maatim na masama itong tao. Hindi niya matanggap na marami itong sinira at sinagasaang buhay na kahit kailan ay hindi na niya maibabalik. Kaya kahit masakit sa kanya, ito ang pinili niyang daan. Akala niya ay madali lang ang lahat. Akala niya matigas na ang puso niya dahil sa mga nangyari. Pero ang makita na patay na talaga ang ama at siya pa mismo ang tumapos sa buhay
BUMALIK si Serena at Kevin sa Fuentes' Ancestral House dahil sa pakiusap ni Don Constantine. After what happened to their family, the noisy and lively house turned silent. Dahil umalis ang pamilya ni Chlyrus at lumipad patungo sa ibang bansa at ang iba naman na anak ni Don Constantine ay may kanya-kanya nang ganap sa buhay, mag-isa na lang ang matanda sa malaking bahay. Si Laurin at Zacarias ay wala rin doon dahil si Zephyr naman ang iniitindi ng dalawa pagkatapos ng mga nangyari. Zephyr needs their support and Don Constantine didn't find fault with that. Pero hindi man ito magsalita, alam nila na malungkot ito. Serena decided to accompany him in this big house. But not before she consulted Kevin. Pumayag si Kevin at doon muna sila kasama si Chiles. Chiles is slowly healing from his traumas. Nakatulong ang mga anak ni Dahu na iniwan ni Chlyrus kay Chiles. Before Chlyrus went to save Lavender and Hanni together with them, he trusted someone to bring the cubs to Chiles. May kasama
Patuloy pa ring nagpupumiglas si Inez at Paris, pero sa totoo lang, babae lang naman sila at kapwa payat. Kahit anong gawin nilang pagsisigaw at paggalaw, wala rin silang nagawa. Hinawakan sila ng mga trabahador sa kamay at paa, tapos binuhat palabas ng bahay, diretso paibaba ng gusali...Hindi alam ni Patricia kung saan sila dadalhin sa huli, pero ang mahalaga... mas tahimik na ulit ang mundo niya!Isinara ni Chastain ang pinto, pumalakpak sa tuwa, at lumapit kay Patricia para magpasikat. "O, tingnan mo, ang laki ng naitulong ko sa'yo ngayon. Paano mo naman ako pasasalamatan? Hindi pa ako nakakakain ng hapunan, may nabili ka namang gulay, baka naman puwede nang may discount diyan?"Sandaling napaisip si Patricia... Sa totoo lang, hindi naman kalakihan ang hiling ni Chastain. Isang simpleng hapunan lang naman, kaya niya ‘yon.Pero naalala niya bigla ang panahon na nagluto sila ni Chastain sa villa ni Daemon. Pakiramdam niya, hindi niya talaga kayang pumayag. Siguro matigas lang ulo ni
Chapter 97PAGKATAPOS pumasok sa isip niya kung sino ang narinig, parang binuhusan ng malamig na tubig si Patricia mula ulo hanggang paa! Ang iniisip niyang dahilan kung bakit biglang nagtrabaho ang tatay niya - na dahil nahihiya ito at ayaw maging pabigat, ay isa lang palang kathang-isip niya. Kaya pala bigla itong nagtrabaho, para pala ihanda ang tirahan para kina Inez at ang anak nitong si Paris?Sobrang labo na ng nangyayari, parang hindi na kayang intindihin ni Patricia ang sitwasyon. Hindi na niya alam kung anong salita ang babagay dito, dapat bang tawagin na walang hiya sina Inez at Paris, o mas nakakahiya pa ang tatay niya?Yung lahat ng mga dati nitong paghingi ng tawad, puro salita lang pala. Ang mga sinabing hindi na raw tiwala sa mag-ina ay puro palusot lang?Nakatayo lang si Patricia sa pintuan, papalit-palit ang kulay ng mukha mula putla hanggang asul. Para talaga siyang pinagtawanan ng tadhana!Habang nasa ganu’n siyang lagay, sumunod sa kanya si Chastain at nagtanong,
Hindi siya pinansin ni Patricia, kinuha ang susi para buksan ang pinto, pumasok, at isinara ito.Sa totoo lang, ang pinakakinaiinisan niya ay ang paulit-ulit nilang panghihimasok sa pagitan nila ni Daemon, ang pakikialam at pagkontrol sa kanila. Kahit pa hindi na niya gustong makasama si Daemon, pipiliin niyang lumayo sa mundo nila at maghanap ng taong tunay na bagay sa kanya, kaysa magkunwaring sweet couple sila ni Chastain.Pag-uwi niya, napansin niyang wala ang tatay niya. Dati, kahit nasa business trip siya, kadalasan ay nasa bahay lang ito, nag-aasikaso. Bihira siyang wala. Napakunot-noo siya. Baka namili lang? Pero hindi naman ito ang karaniwan niyang oras para mamili.Dahil sa babala noon ni Carmina, naging alerto si Patricia at agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang tatay niya.Nag-ring ito nang matagal bago sinagot. Narinig niya ang boses ng ama sa kabilang linya, “Pat? Bakit? Hindi ba sabi mo nasa set ka at hindi uuwi?”Nakahinga nang maluwag si Patricia nang marinig
Chapter 96KUMUNOT ang noo ni Daemon at parang nagyeyelong ang mukha niya. Halatang-halata na hindi talaga siya papayag na kainin ‘yung ganung pagkain...Dahil sa sobrang seryoso niya, napabuntong-hininga na lang si Patricia at sumuko. Habang tinitingnan siya ni Daemon na seryoso habang sunod-sunod na isinusubo ang pagkain, napailing na lang ito at pinisil ang sentido na may halong inis, “Patricia, dati ba talagang hilig mong kumain ng ganito?”Tumango si Patricia. “Bakit, may problema ba?”Matagal nag-isip si Daemon ng tamang salita pero wala siyang maisip. Sa huli, napilitan siyang banggitin ang salitang “junk food” habang nakakunot ang noo.Nagkibit-balikat si Patricia. “Eh ano ngayon kung junk food? Masarap naman.” Tapos, ngumiti siya na may kapilyahan, “Tikman mo nga. Wag kang paloko sa itsura. Masarap ‘yan, lahat ng kumain niyan, gusto!” Tumingin sa malayo si Daemon. “Ayoko…”Pero bigla na lang tumayo si Patricia, hinawakan ang baba niya, at pinilit ipasubo sa kanya ang betamax
BUMALING si Daemon at tiningnan siya, tapos pagkatapos ng ilang sandali ay nagtanong. "You are...?"Medyo napatigil ng konti ang ngiti ni Hennessy, pero dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya muling ngumiti siya, hawak ang baso ng alak at lumapit kay Daemon, nakatungo nang bahagya at puno ng alindog ang mga mata. "Mr. Alejandro, talagang madali kang makalimot, ano? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung anong nangyari sa atin?"Nasuklam si Patricia nang makita ang pagiging malandi ni Hennessy, at nagpasalamat siya sa sarili na hindi na niya ito assistant.Binalik ni Daemon ang tingin, ininom ang red wine na inabot ng waiter, at walang ekspresyong sinabi. "Hindi ko naaalala ang mga taong hindi importante."Huminga nang malalim si Hennessy. Sinabihan siyang hindi importante? Hindi lang siya ngayon ang pinakasikat na aktres, kahit noong hindi pa siya sumikat, ang daming lalaking nagkakandarapa para sa kanya!Ang ganda-ganda niya, samantalang si P
Chapter 95BAGO pa man makasagot si Patricia, binaba na agad ng kausap ang tawag. Umupo siya sa bench sa rest area ng matagal at ang laman lang ng isip niya ay ang mga sinabi ni Carmina... Alam niyang maihahambing ang sitwasyon niya ngayon na parang may natapakan na naman siyang bomba, pero saan ito sasabog? Ano bang ibig sabihin ni Carmina?Sa mga sandaling iyon, bumaba na sa kabayo si Daemon at lumapit sa kanya. Pagkakita niya kay Patricia na hawak ang cellphone at mukhang litong-lito, agad na kumunot ang noo niya at inagaw ang cellphone mula sa kamay nito. Tiningnan niya ang call record. Hindi pamilyar sa kanya ang numero, pero tinawagan niya ito pabalik.Nang napagtanto ni Patricia ang nangyayari, gusto niyang sunggaban ang cellphone pero madali siyang pinigilan ni Daemon. Isang kamay lang nito ang ginamit para hawakan ang ulo niya, kaya hindi siya makalapit. Ang kabilang kamay naman ay hawak pa rin ang cellphone habang nakakunot-noo siyang naghihintay ng sagot mula sa kabilang li
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman