Chapter 68ISANG bungkos ng mga gulay na mukhang walang lasa ang nakahain sa tanghalian. Pagkakita pa lang ni Chastain, parang sumakit agad ang tiyan niya at nawalan siya ng gana.Si Patricia naman, kalmado lang sa pagkain. Alam niya kasing ang may-ari ng karinderyang ito ay mahilig magdagdag ng tubig habang nagluluto at matipid sa mantika, kaya ang “ginisa” ay parang pinakuluan lang.Ganito rin talaga ang kain niya dahil iniisip pa rin niyang magpapayat, at sinabihan din siya ng doktor na iwasan ang matatabang at maaanghang na pagkain. Mas okay na raw ang mga masustansyang gulay.Pero si Chastain ay normal na tao! Paano naman siya gaganahang kumain ng ganitong luto na parang nilaga lang? Kaya dalawang subo lang ng kanin ang nakain niya, sumuko na agad.Nakita ni Patricia ang itsura niyang parang mamamatay na sa gutom, kaya napabuntong-hininga ito at itinuro ang kabinet sa kusina gamit ang kanyang kutsara. “Naalala ko may bote ng chili oil d'yan. Kung sobrang wala talagang lasa sa'yo,
Nang marinig ni Chester ang iyak ng ina niya, mas lalo siyang nagwala. Tinulak niya ito at sumigaw, “Bakit ka umiiyak?! Sino nagsabing wala na akong silbi?! Tumawag ka ng mga babae! Patutunayan ko sa inyong lahat na hindi ako inutil! Hahaha! Hindi ako inutil!”Halos matumba ang ina sa pagkakatulak. Pagkatayo niya, di na siya muling umiyak. Alam niyang mas lalo lang magagalit si Chester.Mayamaya, napansin ni Chester si Paris na nagtatago sa likod ng mga tao at ayaw lumapit.Bigla siyang sumigaw. “Paris! Lumapit ka rito! Bilis!”Nang marinig ang pangalan niya, halos manginig si Paris… Parang demonyo si Chester! Lahat ng lumapit sa kanya, parang kinakain ng buo!Pero wala siyang magawa… Andami ng matatandang miyembro ng pamilya Beltran sa paligid. Kahit kunwari lang, kailangan niyang lumapit.Kaya pinisil niya ang sarili niya nang malakas para lumabas ang luha, at lumapit sa kama habang umiiyak: “Bakit ganito ang nangyari… Bakit ganito… Master Chester, masakit ba…?”Pero imbes na maawa,
Chapter 69NANG maisip ito ni Chester, bigla siyang napangisi, tapos unti-unting lumakas nang lumakas ang tawa niya, parang nawalan siya ng katinuan. “Oo! Wala akong magawa kay Daemon ngayon! Pero hindi habangbuhay! Balang araw, pagpuputul-putulin ko siya! Paiinumin ko siya ng tubig na pinagbanlawan ng paa ko bago siya mamatay at paluluhurin ko siya sa harap ko habang humihingi ng tawad!”Bahagyang ngumiti si Chase, tumayo mula sa sofa, at tumango. “Kaya sana maintindihan mo na, ikaw na ang bahala sa susunod mong hakbang. Ang masasabi ko lang, nasa panig mo ako.”Pagkasabi nun, tumalikod na si Chase at lumabas ng kwarto, iniwan ang lahat na nakatitig sa kanya habang papalayo.Sa wakas, natauhan si Chester. Hindi na niya muling tiningnan si Paris. Sa halip, paulit-ulit niyang sinasabi habang nagngangalit ang mga ngipin, “Papatayin ko si Daemon! Babalatan ko siya ng buhay! Iinumin ko ng dugo niya! Sisipain ko ulo niya parang bola!”Wala ni isang sumagot o umimik sa paligid. Alam ng laha
Kaya pala ang daming tao ang gustong ma-promote at tumaas ang sweldo. Ang sarap pala ng feeling kapag na-promote ka!Pero pagkatapos niyang pumirma ng kontrata, biglang inilapag ng supervisor niya ang isang makapal na folder ng mga documents, halos 10 sentimetro ang kapal sa harap ni Patricia. “Basahin mo ito mamaya pag-uwi mo. Lahat ng impormasyon tungkol kay Andrei nandito, pati mga ginawa niya mula noong nag-debut siya. Dati mo nang hinawakan si Hennessy kaya alam mo na siguro kung para saan ang mga ganitong files. Ayusin mo na lang sa bahay.”Tumango si Patricia, kinuha ang mga papeles at ang kontrata, at naglakad palabas ng meeting room. Pero bigla siyang pinigilan ng supervisor niya.“Ah, oo nga pala. Kailangan din kitang paalalahanan. Si Andrei ay medyo kakaibang artista. Bukod sa taping o shooting, may limang araw siya kada buwan na naka-day off. Baka hindi mo siya makita o makontak sa limang araw na 'yon. Pero wag kang kabahan, babalik din siya pagkatapos.”“Ha?” Gulat na gul
Chapter 70ISANG tawag ang nagpabalik sa ulirat ni Patricia mula sa pagbabasa ng mga dokumento. Sa caller ID, nakalagay na si Zaldy ang tumatawag. Bigla siyang napabuntong-hininga.Hindi pa tapos ang rebolusyon, kailangan pa ring magpursigi sa pagpapapayat!Pagkatapos niyang mangakong darating siya sa oras, itinago na ni Patricia ang lahat ng dokumento sa drawer, nagpalit ng sportswear at naghanda nang umalis. Luto na rin ang pagkain ni Patrick at ang bango-bango pa. Pero kinailangan niyang tiisin ang tukso ng tiyan niyang kumakalam. "Pa, lalabas muna ako saglit, babalik din ako."Sumakay siya ng taxi papunta sa gym.Pero pagdating niya sa gym, wala roon si Chastain. Ang dumating ay si Zaldy, kasama ang isang magandang babae na naka-vest at sports shorts. Nakatayo ito malapit sa mga gym equipment at parang naghihintay sa kanya.Medyo nalito si Patricia. Magpapalit na ba siya ng coach? Pero totoo naman, dapat matagal na. Anong klaseng coach ba si Chastain? Palaging pinapatakbo siya han
Ano raw yung pagpapapayat at pagpapaganda… Ngayon lang niya naintindihan kung bakit napunta sa ospital si Patricia! Kaya pala!Patuloy pa rin si Zaldy sa pag-ikot-ikot ng sagot, parang tuwang-tuwa pa siya na naririnig ang pagkabahala sa boses ni Daemon: “Mr. Alejandro, ayaw mo bang makita siyang gumanda? Sa tono ng boses mo, parang gusto mong guluhin ang plano.”“Maikli lang ang pasensya ko.” Parang bomba si Daemon na pwedeng sumabog kahit anong oras.Ramdam ni Zaldy na nasa sukdulan na talaga ang pasensya nito, kaya napabuntong-hininga na lang siya: “Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan talaga sila pumunta. Pero noong minsan na nagkwentuhan kami ni Witch, nabanggit niya na madalas siyang mag-ehersisyo sa Berry Road…”Hindi na nagsalita pa si Daemon. Binaba na lang niya ang tawag. Tapos sinabi niya sa assistant niya, “Kunin mo yung sasakyan sa parking. May pupuntahan ako. Ikaw na muna bahala sa mga gawain sa kompanya.”Halos umiyak na ang assistant, “Pero ang dami pa pong kailan
Chapter 71PAGKATAPOS isinakay agad ni Daemon si Patricia sa passenger seat nang walang paliwanag. Bago pa maisara ang pinto, siya na rin ang nag-seatbelt sa kanya sa unang pagkakataon, tapos isinara ang pinto, sumakay sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.Ngayon na nakahinga na siya, sobrang luwag ng pakiramdam ni Patricia, pero… ayos lang ba talaga 'to? Ang dami ng pinagawa sa kanya ni Witch Lia para lang mapunta siya sa ganitong impyerno, tapos ngayon, babalik na agad siya kahit halos isang minuto pa lang siya tumatakbo?Parang nabasa ni Daemon ang iniisip niya at napailing ito sa kanya. "Mas mahalaga ba ang pagiging payat o ang buhay mo?""Pagpapapayat." Mabilis na sagot ni Patricia.Tumigil sandali si Daemon, tumalim ang tingin sa kanya, tapos tumingin ng masama. Dahil sa isang tingin lang na 'yon, agad na bumawi si Patricia. "Buhay... mas mahalaga ang buhay..."Saka lang lumambot ang itsura ni Daemon. "Kung alam mong mahalaga ang buhay, huwag mong isugal. Sasabihin ko kay
Habang tulala pa rin ang tatlo, tumingin si Daemon sa relo at napansing gabi na. Kaya tumalikod siya at binigyan si Patricia ng tingin na parang utos. "Tapos na ang training mo ngayon. Uwi na tayo."Nakatunganga lang si Patricia, hindi gumalaw. Pinanghahawakan pa naman niya kanina na magpapapayat siya para maging bagay sila ni Daemon, pero ilang salita lang nito, parang nadurog na ang desisyon niya. Pero sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam niya, parang tinunaw ng araw ang yelo sa puso niya.Matagal na niyang pinangarap na may lalaki sanang magsasabi sa kanya na hindi niya kailangang magpapayat o pahirapan ang sarili niya at sapat na siya. Na kahit hindi siya perpekto, mahal pa rin siya.Yung tipong pag namimili siya ng damit at walang kasya sa kanya, may magsasabing kahit ano isuot niya, maganda pa rin siya.Kahit hindi sinabi ni Daemon nang diretso ang ganitong klaseng matatamis na salita, sa ginagawa nito ngayon, malinaw ang sinasabi. hindi ni Daemon iniintindi ang itsura ni Patric
BUMALING si Daemon at tiningnan siya, tapos pagkatapos ng ilang sandali ay nagtanong. "You are...?"Medyo napatigil ng konti ang ngiti ni Hennessy, pero dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya muling ngumiti siya, hawak ang baso ng alak at lumapit kay Daemon, nakatungo nang bahagya at puno ng alindog ang mga mata. "Mr. Alejandro, talagang madali kang makalimot, ano? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung anong nangyari sa atin?"Nasuklam si Patricia nang makita ang pagiging malandi ni Hennessy, at nagpasalamat siya sa sarili na hindi na niya ito assistant.Binalik ni Daemon ang tingin, ininom ang red wine na inabot ng waiter, at walang ekspresyong sinabi. "Hindi ko naaalala ang mga taong hindi importante."Huminga nang malalim si Hennessy. Sinabihan siyang hindi importante? Hindi lang siya ngayon ang pinakasikat na aktres, kahit noong hindi pa siya sumikat, ang daming lalaking nagkakandarapa para sa kanya!Ang ganda-ganda niya, samantalang si P
Chapter 95BAGO pa man makasagot si Patricia, binaba na agad ng kausap ang tawag. Umupo siya sa bench sa rest area ng matagal at ang laman lang ng isip niya ay ang mga sinabi ni Carmina... Alam niyang maihahambing ang sitwasyon niya ngayon na parang may natapakan na naman siyang bomba, pero saan ito sasabog? Ano bang ibig sabihin ni Carmina?Sa mga sandaling iyon, bumaba na sa kabayo si Daemon at lumapit sa kanya. Pagkakita niya kay Patricia na hawak ang cellphone at mukhang litong-lito, agad na kumunot ang noo niya at inagaw ang cellphone mula sa kamay nito. Tiningnan niya ang call record. Hindi pamilyar sa kanya ang numero, pero tinawagan niya ito pabalik.Nang napagtanto ni Patricia ang nangyayari, gusto niyang sunggaban ang cellphone pero madali siyang pinigilan ni Daemon. Isang kamay lang nito ang ginamit para hawakan ang ulo niya, kaya hindi siya makalapit. Ang kabilang kamay naman ay hawak pa rin ang cellphone habang nakakunot-noo siyang naghihintay ng sagot mula sa kabilang li
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na mak
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...