LOGINAng ganda niya'y tukso sa maraming kalalakihan pero hindi sa nag-iisa niyang kaaway na matagal ng may inis at galit sa kanya. Mapait na kapalaran ay dumating sa dagok ng kanyang buhay, ngunit siya'y babalik upang ipaghiganti ang nawasak niyang reputasyon. May pag-asa pa kayang maghilom ang sugat ng kahapon?
View MoreARAW NG Sabado at walang pasok. Lihim akong nagsisisi nang hindi ko man lamang sinagot ang tawag ni Rico kagabi. Nakaligtaan ko ang kaarawan nito. Siguro, dahil na rin sa nangyari kagabi, at sa totoo lang din ay wala rin ako sa tamang huwisyo. Isa pa, hindi ko kayang magsaya lalo na at okupado pa ang isipan ko sa pagkamatay ng aking ina. Napahilot ako sa sariling sentido. "Good morning," bati sa'kin ni Nanay Neri. "Good morning, nay. Kumusta naman po kagabi?""Kaninang umaga inihatid si Julia sa mansion ng kapatid ni Ma'am Celina. At alam mo bang umamin si Julia sa naging kasalanan niya?" Nagulat ako sa narinig mula kay Nanay Neri. Sinasabi ko na nga ba, ramdam ko kagabi nga si Julia nga ang may gawa no'n. At sigurado akong inutusan ito ni Seth. Damn! Konti na lang talaga at masasapak ko na ang anak ng ginagalang kong mga amo. Damn that jerk!"Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala kagabi, nay. Ako man ay ramdam kong siya ang may gawa no'n.""By the way, nasa labas si Sir Rico at
"Okay ka lang ba?" Nag-angat ako nang tingin sa kaibigan kong si Delilah. "May iniisip lang ako. Let's go," saad ko at mula sa upuan ay tumayo.Alam kong hindi ito kumbinsido sa sagot kong iyon pero wala na akong pakialam. Hindi ko maitatanggi na magpahanggang ngayon masakit pa rin para sa'kin ang pagkawala ng aking pinakamamahal na ina. Damn it! Pinipigilan ang sariling mga mata na mapaluha."Kumain muna tayo, libre ko."Napasulyap sa nakangiti kong kaibigan. "Are you sure, dahil hindi ako tatanggi," saad ko, sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Madali lang namang mag-iba ang aking mood."Yes, para naman mapasaya kita. Kitams, napangiti kita."Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Naglalakad kami ngayon patungo sa cafeteria ng school. Napasulyap ako sa orasan. Sa wakas, uwian na rin. It's 4:30 in the afternoon."Hayan na naman ang dalawa, duh!""Whatever, bakit naman kasi kasama niya pa 'yang pokpok niyang kaibigan?""Sabagay, baka same sila na pokpok rin?"Mabilis na pinig
"Beauty!"Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. And I found him standing right in front of me. Nagtagpo ang aming mga mata. Nagtataka ako kung paano n'ya nalaman ang paaralang pinapasukan ko. Nagtatrabaho na sana ako ngayon kung hindi lang sana ako nahinto nang dalawang taon, nagkasakit kasi noon si Mama. Wala akong choice kundi ang tumigil at alagaan s'ya. "Rico! Pa—paano mo nalaman na nandito na ako nag-aaral?!" gulat kong tanong dito. "Kung mahalaga sa'yo ang isang tao. Mahahanap mo siya lalo na't ang puso mo mismo ang nagturo kung saan s'ya naroon."Napangiti ako sa aking narinig mula kay Rico. "Ang corny mo, ha!" "Alam mong may halong katotohanan ang sinasabi ko, at hindi ka naman siguro manhid para hindi maramdaman iyon. By the way, condolences nga pala. I've heard about it. Hopefully, okay ka na."Sa sinabi ni Rico. Muli kong naramdaman ang pagyakap sa'kin ng labis na kalungkutan. Damn it! Hindi ko man lang namalayan ang pagtulo nang aking mga luha. I bite my lower l
Nasa sariling kwarto ako habang yakap ang larawan ng aking ina. Kanina lang ay inilibing ang labi nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang mahal kong ina. I was alone, and lonely, my heart was full of agony and miseries. Namumugto na ang aking mga mata sa walang-patid kong pagluha. Paano na ngayon ako gayong wala na ang aking ina? Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok doon ang itinuturing kong pangalawang ina na si Aling Neri. Ang mayordoma ng mansion na matalik na kaibigan ng aking ina. Niyakap ako nito ng buong-higpit. "Darating din ang araw na matatanggap mo ang pagkawala ng 'yong ina, hija. Lahat nang nangyayari sa buhay ng bawat tao ay may rason. Magtiwala ka lang sa Dios na s'yang nakakaalam sa lahat ng bagay." Malumanay na alo ni Aling Neri sa'kin habang ako'y humagulgol."Ang sakit nanay Neri. Hindi ko inaasahan na gano'n lang," tanging nasabi ko, pagdaka'y napayakap nang mahigpit sa naturang mayordoma. "Ang buhay ng tao ay hindi kailanma
"Beauty, pakidala ng mga ito sa hardin. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Melba sa'kin. "Po? W-wala po, sino po ba ang nasa hardin, Aling Melba?" kinakabahang tanong ko dito. "Si senyorito Seth at ang mga kaibigan n'ya sa trabaho. Nagka-inuman yata sila. Parang celebration yata ang idinaos nila. Ang sabi pa ay may party mamaya dito sa loob ng mansion mamayang gabi. Malawakang pagod na naman ang igugugol natin nito.""Sa'kin po walang problema, basta lang hindi mapagod si Mama mamaya," nakangiting sagot ko kay Aling Melba. "Dadalhin ko na po ba ang lahat ng 'to?" tanong ko dito habang inaayos ang ilang mga lemonade sa tray. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na kabahan. Ang isipin na naroon si Seth ay nakaka-kaba. Pero kailangan. Damn! Nagpakawala muna ako ng marahas na hininga saka tuluyang naglakad patungo sa hardin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso habang papalapit sa kinaroroonan ng mga kalalakihan. Tantiya ko ay puro mga businessmen ang kasama ni Seth
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments