SERENA believed her life was back on track. However, a sudden phone call from the hospital disrupted it. Like a stone thrown into still water, it created ripples.Tumawag sa kanya ang hospital staff na may problema sa lola niya at mabilis naman siyang pumunta roon. Isa sa pasalamat niya kay Kevin na kahit wala na siyang koneksyon dito, hindi nito hininto ang tulong sa lola niya. Naalala niyang nag-message ito sa kanya at gustong ibigay sa kanya ang cards na galing dito dahil sa kanya naman daw nakapangalan iyon ngunit hindi nag-reply si Serena. Ayaw niyang masabihan na gold digger kaya kahit anong ibigay nito, aayaw siya. Sa gastusin lang sa ospital ng lola napapalunok ng pride si Serena at iyon ang ginawa ni Kevin na compensation sa kanya sa tingin niya. Binayaran nito ang lahat ng gastos at may advance payment pa kaya 'di siya mahihirapan pa. Nang makarating sa ospital, nagulat si Serena nang wala ang lola sa kwarto. Noong tanungin niya, mismong ang lola niya raw ang nagpa-discha
HELIA TATIANA gently touched Kevin's cheeks, but he avoided her gesture by turning his head to the side.“Why are you still hard-headed, Xavier? I'm the only one for you and not that girl you picked from the slums.”Umupo sa tabi ni Kevin ang babae ngunit dahil ayaw niyang madikit dito, umurong si Kevin palayo. Dumaan ang inis sa mukha ni Helia ngunit nagpigil ito ng sarili. “Nasa tabi na kita pero ganito ka pa rin! Are you still thinking about that bïtch, Xavier? You can't do this to me! I was the first to know you! I was the first to own you and not her! Stop thinking about her!”Marahas na tumingin si Kevin kay Helia at kung maaari lang, gusto ni Kevin ibalot ang dalawang kamay sa leeg nito at masakál ito. But he still has a conscience. “I don't have time for your shïts, Helia. Knock it off.”Tumayo siya at balak nang lumabas ng kwarto ngunit pinigil siya ni Helia. Pinulupot nito ang dalawang kamay mula sa likuran niya at dinikit pa ang sarili kay Kevin. Pigil na pigil si Kevin i
Kevin was pushed by Helia, and in response, he ran after her. He grabbed her by the hair and when she turned back, he delivered a harsh slap. Blinded by rage, Kevin didn't consider that the person he was holding was a woman.Maybe the loud commotion between them was heard by Helia's men and they checked on them. Nang makita na halos hindi na makagalaw si Helia habang hawak ni Kevin, agad na rumesponde ang mga ito at kanya-kanyang labas ng báril at tinutok kay Kevin. Hinatak din nila si Helia mula sa pagkakahawak ni Kevin at hindi na sinubok ni Kevin kunin pabalik ang babae. Ngunit ang mga mata niya, halos tumusok sa katawan ng babae. Galit at poot ang mababasa sa mga mata ni Kevin ng mga oras na iyon. Kahit nasaktan, noong makita na tinutukan ng báril si Kevin, agad na gumitna si Helia. “Don't shoót him! Listen to me! Let him leave!”“But, Señorita—”“Let him leave! He's just mad at me right now!”Galit man ang mga tauhan ni Helia at gustong saktan si Kevin, sumunod sila. Bibitbitin
Broken Marriage: Stay Away, Mr. Billionaire(Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire Part 2)Description “I won't marry you, I'm sorry. I'll be marrying someone else. Please forget about me.”It's been three years since Serena was declared dead but Kevin Xavier won't have it. Despite the evidence indicating her passing, he brushed it off. Ayaw niyang maniwala na sa isang iglap ay wala na ang babaeng mahal niya. Kevin still looks for Serena and makes his family think he's going crazy. During a business trip, he encounters a girl who bears a striking resemblance to Serena, albeit with blue eyes instead of Serena's hazelnut eyes. Despite this difference, Kevin is convinced that she is his wife.But how can Kevin prove to her that she's Serena and make her remember him when Cinder, as the girl introduced herself, pushes him away in every chance he gets close to her? *****Excerpt:“Xavier, I told you, move on na. It's been what? Three years since your wife died. I know
THE entire place was dark as it was midnight. The occupants of the house were fast asleep. Cinder moved quietly as she surveyed the corridor. Maingat na maingat siyang huwag gumawa ng ingay dahil isang maling gawa niya, alam niyang ikapapahamak niya. Kokolektahin na niya ngayon ang miniature cameras na nilagay niya sa buong kabahayan. Naroon kasi ang mga ebidensya nakuhanan sa taong iniimbestigahan niya ngayon. In order to complete this mission, she needs to collect the strong evidence against that person in a quiet way. Fortunately, the man she was investigating felt comfortable carrying out activities within his house, assuming it was his private property. This made it simple for her to gather evidence.“Chione, don't overestimate yourself and underestimate your enemies. Always make sure you're safe,” ani Cyprus sa earpiece na nakalagay sa tenga ni Cinder. “I know, Cyprus. I won't mess up, hmm?” halos bulong na aniya. Alam ni Cinder na nakamasid ito sa kanyang ginagawa gamit ang
“ARE YOU still mad at your cousin? Maeve's been here awhile ago but you didn't bother to face her.”Kevin set aside the documents he had been reading and cast a quick glance at Raysen, who had abruptly entered his office without warning. “Why? Do I need to?”Tumikwas ang kilay ni Raysen na nakatingin din sa kanya. “It's your fault that you lost Serena since you pushed her away without an explanation. Why do you have to blame them, too?”Walang naging sagot si Kevin. Tama naman si Raysen na kasalanan niya kung bakit nawala sa buhay niya si Serena ngunit hindi niya matanggap na si Maeve na pinsan niyang tinuring niyang kapatid ay kayang gawin iyon kay Serena. Kevin hired a group of strong men to protect Serena since there's a threat with her life but then Maeve found out about it and made them stop guarding Serena by paying them thrice the money he paid. Sa paglayo niya kay Serena, hindi niya agad nalaman na ganoon ang ginawa ni Maeve. Kaya pala walang sumaklolo kay Serena noong kuni
KEVIN arrived at the hospital where his father is staying. Agad siyang pumasok sa private ward nito at nakita ni Kevin na gising ang ama niya ngayon. “Dad,” he greeted him. Nang marinig ang boses ni Kevin, lumingon si Kalisto at ngumiti kay Kevin. “Son, you're here. How's your day?”Lumapit si Kevin at umupo sa gilid ng kama ng ama. Hindi sinasadya ay dumapo ang tingin niya sa ibabang bahagi ng katawan ng ama at mapait siyang napangiti noong maisip na hindi na ito makakatayo. He looked at his father and memories flooded back. Buong akala ni Kevin ay wala na siyang ama. Noong tatlong taon siya, sa kwento ng lolo, naaksidente raw ang ama niya at namatay kaya ang lolo ang nagpalaki sa kanya. But his grandfather kept things from him. Matagal na comatose ang ama at napakaliit ng chance na magising ito kaya para protektahan ang anak, inanunsyo ng matanda na wala na si Kalisto. Iyon naman ang pinaniwalaan ni Kevin. Kalisto woke up because of the help of an eccentric doctor that was unfo
HINDI nakuntento si Cinder sa ginawang pagmanman kay Kevin kaya hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya rito. At muntik pa nga siyang lumapit noong nakita niyang halos bugbugin ito ng mga lalaking nakabantay sa babaeng tingin ni Cinder, kaaway ni Kevin. Nakasalubong ni Kevin ang babae at may pinag-usapan ang dalawa. Sunod niyang nakita ay tinulak ni Kevin ang babae kaya nagkagulo. Kita naman kasi sa mukha ni Kevin ang galit habang nakatitig sa babae. Nagtataka man si Cinder dahil hindi niya alam ang kwento, sinarili na lang niya ang kuryosidad.Isa lang ang napansin niya. . . bakit hawig niya ang babaeng iyon? Pero mas maganda pa rin siya rito, ha? And good thing she changed her hair color because if she stood beside this girl, people would think that she's her, or maybe they're twins! Hell no! Hindi siya payag. She's unique, okay? Kung dati ay ash gray ang kulay ng buhok niya, blonde na ngayon ang color n'on lalo't iyon naman talaga ang hair color niya. Dahil sa sandaling pagkalut
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal
Hindi sumagot si Daemon agad, pero ramdam ni Patricia ang bigat ng katahimikan, parang may bumagsak na malamig na hangin sa dibdib niya. Hanggang sa marinig niya ang isang linya. “Ganiyan ka lang pala.”Pagkatapos no’n, tumunog na ang busy tone. Parang tinapon si Patricia sa yelong tubig. Tumagos sa buto niya ang lamig at hirap siyang huminga...Alam niyang siguradong nainis at nadismaya na si Daemon sa kanya.Siguro, wala pang babae na umasta sa kanya ng ganoon. At siguro, hindi pa siya kailanman naging ganoon ka-pasensyoso sa kahit na sino. Pero anong magagawa niya?Mag-isa lang siya. Walang kakampi, walang kapangyarihan.Bago umalis si Carmina, may iniwang salita. “Patricia, hindi ganyan kasimple ang mga bagay-bagay. Balang araw, malalaman mong puro bomba ang nasa paligid mo… Kapag hindi mo ako pinakinggan, mababasag ka rin. Wag mong sabihing hindi kita binalaan.”Ibinato ni Patricia ang cellphone at pumikit na lang habang nararamdaman ang gulo ng isip niya.Buong gabi siyang hindi
“Ikaw talaga...” Parang gigil na si Daemon sa kabilang linya. Pero sandali siyang tumigil, saka tila pinipilit pigilan ang sarili at nagsalita ng kalmado, “May emergency ako ngayon, kaya kailangan kong umalis...”Nang marinig ni Patricia na nag-e-explain si Daemon kung bakit siya hindi dumating, una siyang nagtaka, tapos biglang parang tinusok ang puso niya at namasa ang mata niya.Matagal siyang natahimik bago siya sumagot, “Alam ko.”“Kung alam mo, bakit di ka pa umuuwi?” Bumalik na ulit ang pagiging iritable ni Daemon...Napangiti ng mapait si Patricia sa kabilang linya. “Saan ako uuwi?”“Sa bahay!” Buong kumpiyansa at walang pasubaling tono!“Bahay mo yun...” Pakiramdam ni Patricia sobrang hina ng boses niya at parang wala siyang tiwala sa sarili. Ni hindi niya alam kung malinaw ba niyang nasabi.Natahimik si Daemon ng galit, tapos bigla na lang pinutol ang tawag.Pagkatapos ng tawag, nakinig lang si Patricia sa busy tone, hindi muna niya pinatay ang cellphone niya. Mayamaya, bina
Chapter 84NANGINIG ang kamay ni Patricia at hindi niya magawang kunin ang file ni Queenie.“Patricia, kung aatras ka na ngayon, pwede pa kitang bigyan ng mas magandang trabaho. Gusto mong maging agent? Walang problema, kaya kitang ipasok sa mas maganda at sikat na kumpanya, at bibigyan ka ng top artists. Sa future, kung gusto mong gumawa ng pelikula o sumali sa show, basta kaya ng Alejandro family, ipapahanda ko ang daan para sa 'yo at bibigyan kita ng sapat na pondo.” Hindi siya binigyan ng pera ni Carmina diretso.Alam niyang matigas ang ulo ni Patricia at hindi basta-basta natitinag sa pera. Kaya ang ganitong klaseng offer, mas swak sa kanya.Hindi na narinig ni Patricia ang mga sumunod pang sinabi ni Carmina... Nakatingin lang siya ng tulala sa impormasyon ni Queenie.Hindi totoo kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang bigat sa loob.Si Queenie lang ang tanging kaibigan niya. Si Queenie ang tumulong sa kanya sa napakaraming bagay, at masasabi mong siya ang naging sandalan
Dinala siya ni Carmina sa isang pasilyo. Sa isang gilid ng pasilyo, may malalaking bintana na gawa sa malinaw na salamin, kaya kitang-kita ang nangyayari sa loob.Sa isang silid-aralan, may mga babaeng nag-eensayo ng sayaw. Magaan ang galaw ng mga katawan nila, parang mga paru-parong makukulay habang sumasayaw.Sa isa pang silid-aralan, nag-iisa lang ang isang babae na tumutugtog ng violin. Dahil maganda ang soundproofing, hindi marinig ni Patricia nang malinaw ang tugtog, pero halatang seryoso siya at sobrang focused. Siguradong matagal na siyang nagpa-practice.Habang patuloy sila sa paglalakad, puro mga klase ng espesyal na skills ang nadaanan nila.May nag-aayos ng bulaklak, may nagpa-practice ng tea art, chess, at good conduct. May nakita pa siyang mga babaeng nakatingin lang sa mangkok ng tubig, hawak ang tinidor nila habang umiiyak sa harap ng istriktong guro sa etiquette.Habang tumatagal, mas naiintindihan na ni Patricia kung ano ang gusto iparating ni Carmina.Gusto nitong i