Share

Chapter 51

last update Last Updated: 2022-02-01 20:43:27

Devine

Mainit at nakakakiliti na halik ang nagpagising sa akin sa umaga. Bahagya akong umungol kasabay ng aking pag-inat. Narinig ko ang bahagyang pagngisi ni Garrett kasabay ng kanyang pagbulong.

''Good morning, honey.'' malambing na saad niya. Saka niya ako hinalikan sa may batok.

Hinaplos ko sandali ang kanyang pisngi, saka ko siya hinarap. Ang gandang gumising sa umaga sa ganitong paraan. Kasama ko ang lalaking pinakakamahal ko. Iyong bawat umagang imumulat ko ang aking mga mata, siya ang una kong makikita. Iyong uumpisahan ko ang araw na yakap niya ang unang magpapasigla sa akin. Iyong umagang halik niya at maiinit niyang haplos, tapos iyong malambing niyang boses ang gigising sa akin. Hindi ko naman hiniling sa Dios ang ganitong bagay. Pero binigay pa rin niya. Napaka-swerte ko dahil sobra pa sa hiniling ko ang binigay ng Dios. Sinong mag-aakalang ang lalaking halos patayin na ako para lang mawala ko sa landas niya ay mamahalin ako ng higit pa sa paraang i

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Whisper of the heart   ENDING

    Devine''Parang malalim ang iniisip mo ah?'' mahinang tanong ko kay Garrett. Humawak ako sa kanyang braso at sumandal sa kanyang balikat.Malungkot siyang bumuntonghininga at tumingala sa kalangitan. Nasa balcony kami ngayon ng mansyon, hindi na kami bumalik sa dating bahay na binigay ni Sam dahil hindi na gusto ni Lolo na iwan pa namin siya.''Matagal na panahon na hindi ko nagawang pagmasdan ang mga tala at buwan sa kalangitan. Sabi ni Dr. Fuentes ang buwan at mga tala daw ang talagang paborito ko. Hindi ang katahimikan sa dilim...'' Sagot niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya doon.''Simula noong naaksidente ako hindi ko na nagawa pang pagmasdan ang buwan at mga tala sa gabi. Ang gusto ko lang noon, magpakain sa dilim. Hanggang makita ko muli ang liwanag kinabukasan.'' Malungkot na dagdag niya.''Alam mo ba... Sa mga panahon na wala ka, lagi akong humihiling sa mga tala na ibalik ka na sa ak

  • Whisper of the heart   Chapter 75

    Devine"Okay lang ba dito muna kayo nila Manang Josie? May bibilhin lang ako sandali. Babalik din ako agad." Si Sam. Hinaplos pa niya ako sa balikat. Nasa farm kami ngayon nila Zia. Hindi na sana ako sasama dahil maraming trabaho sa opisina ngayon. Pero sabi niya ay uuwi din kami bukas, gusto niya lang daw ipakita sa akin ang orchids farm nila.Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. "Just relax your self..." Bilin pa niya. Malungkot akong tumango muli sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko ba kaya matatanggap na wala na talaga ang asawa ko. Ilang buwan na pero sariwa pa rin ang sakit. May mag pagkakataong nagiging malakas ako. Pero mas maraming pagkakataon ang nilalamon ako ng matinding kalungkutan. Miss na miss ko na si Garrett... Sobra. Kung pwede lang humiling ng kahit isang araw lang na mapuntahan ko siya sa langit gagawin ko."Welcome to Medina Farm! Late na kitang na greet!'' Tatawa-tawang saad ni Zia sa akin. Pinagsalikop pa niya ang d

  • Whisper of the heart   Chapter 74

    Third Person's POV'sGulong-gulo si Garrett noong makita ang ginawa ng nagpakilalang Mama ni Janine kay Janine. Napatulala siya dahil galit nitong sinalubong ng sampal si Janine. Hindi malinaw sa kanya ang dahilan ng babae. Gusto niyang ipagtanggol sana si Janine subalit alam niyang wala siyang karapatan. And besides he respect that old woman...Lalo pang nagpagulo sa isip niya ang sinabi ng babae na may ibang pamilya na siya. Ganoon pa man kahit gulon-gulo na siya. Pinilit niya pa ring aninagin ang pinag-uuspan ng mag-ina. They were fighting kaya kahit mahina iyon ay naaaninagan niya dahil mataas ang boses nila sa isa't-isa.Hindi man niya maunawaan kung bakit ganoon ang pinagsasabi ng matanda kay Janine. Nakaramdam pa rin ito ng malaking duda. Noong napansin niyang lalong lumalala ang tensiyon sa dalawa ay minabuti niyang umalis na lang doon."Garrett…!" Tawag sa kanya ni J

  • Whisper of the heart   Chapter 73

    Janine"Sa bahay mo na lang ako magkakape.""No!" Sigaw ko. Halong takot at inis ang naramdaman ko. Ano bang pumasok sa isip niya at kailangan na yayahin pa niya akong magkape.Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa linya. "Ooookay..." Mahabang saad niya sa akin.Nakahinga ako nang malalim. Nilingon ko si Garrett na ngayon ay mataman na nakatitig sa akin. Parang nagtatanong ang kanyang mga mata. Kunot din ang kanyang noo."Is someone bothering you?" Tanong niya. Kinuha pa niya ang unan na nasa pagitan namin. Inilapag niya iyon sa kanyang likuran tapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin.Tipid akong ngumiti sa kanya saka umiling. "Wala... Iyong si Kris. Nakakainis, kasi ang kulit niya gusto niyang lumabas na naman kami. It was my day off and I don't want to go anywhere. Mag-isa mo lang dito kaya kailangan ay samahan kita.Nagtaas siya ng kanyang dalawang makakapal na kilay sinabayan niya iyon ng malalim na buntonghininga. "Sasamah

  • Whisper of the heart   Chapter 72

    Janine''What?! How come you can't approve his visa? You should do something! Mga bwesit kayo!'' Galit na bulyaw ko sa kausap ko ngayon sa agency. They must approve his visa sa lalong madaling panahon. Hindi kami pwedeng manatili dito sa Pilipinas. It's been Six months since nag-apply ako. And there's nothing happened.Mariing napailing ang matabang lalaking kaharap ko ngayon. Hinilot rin niya ang kanyang sintido.''Ma'am... Hindi po pumasa sa evaluation si Sir.'' mahinahong pakiusap niya.Napagitgit ako ng aking mga ngipin. Malakas kong hinampas ang mesa. Dahilan para mapaiktad siya.''You f**king tell me the reason! Ilang buwan na akong naghihintay. Ilang milyon ba ang dapat isuhol sa iyo? Mukhang pera ka!'' Galit na sigaw ko.''I don't need your money. If you have a millions I have that too... Don't you dare be littling me. You may go, or else you will be scourted by the guards.''Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay. ''F**k yo

  • Whisper of the heart   Chapter 71

    Janine''Sino ka? At nasaan ako?'' Hindi mapakaling tanong ni Garrett noong tuluyan na siyang magkaroon ng malay. Napakuyom pa ito ng kanyang kamay at mariing napakagat sa pang-ibaba niyang labi. Marahil dahil sa iniinda niyang sakit sa kanyang likuran.Lumapit ako sa kanya, itinaas ko ang dalawa kong palad para pigilan siyang gumalaw. Hindi iyon nakakabubuti sa kanya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.''Love... Calm down,'' Pag-aalo ko sa kanya.Pansin na pansin ko ang malakas na pagtaas baba ng kanyang baga.''Nasaan ako? Sino ka?'' Ulit niyang muli.Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang kanyang magkabilang pisngi.''Tumingin ka sa akin...'' malunay na pakiusap ko. ''Wala ka ba talagang naalala?'' Tanong ko.Marahan siyang umiling. Napangiwi pa siya, marahil ay sumakit ang kanyang ulo.''Love... Ako si Janine... At asawa mo ako. Hindi mo ba naalala?'' malungkot na tanong ko sa kanya. I even fake to cry para

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status