แชร์

CHAPTER 3

ผู้เขียน: realisla
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-02-03 02:11:32

NANLAKI ANG mga mata ko’t dahan-dahan na yumuko. Iyong matangkad na lalaking pumasok sa classroom kasi, siya rin iyong nasa rooftop!

Pakshet.

“Konnichiwa!” bati niya sa maligalig na paraan. “I am Renzo Yluj Delos Santos, from Japan Academy. You can call me ‘Yluj’, my classmates. I hope you all be good to me. Arigatou!”

Iyong boses niya, ang yabang!

‘Tapos itong mga kaklase kong mga babae, kung makatili at hagikhikan, akala mo naman artista itong ungas na ito!

Tsk!

Deserve niya talaga iyong sapak ko kahapon!

“Miss Garcia?”

‘Tapos ano raw iyon?

Konchenta?

Arigoto?

Iyong lugaw?

Saan lupalop ba galing ang isang ‘to?

Tsk!

Sinasakop na yata tayo ng mga alien.

Grrr.

“Miss Garcia?”

Oo, guwapo siya. Singkit ang mga mata. Maputi. Ang lakas ng dating ng messy hair niya. Pero sa white polo shirt at black slacks na hapit sa katawan niya, nagmukha siyang seksing butiki sa mga mata ko sa sobrang payat niya!

Tahimik akong natawa’t marahan na napatangu-tango nang maisip iyon. “Yes, mukha siyang seksing butiki---”

Natigilan ako at tumitiling napalundag nang may lumapag na papel sa kandungan ko. Nag-init ang mga pisngi ko nang mapansing ang lahat na naroroon sa loob ng classroom namin ay nakatingin sa akin sa bigla kong pagtayo. Shete. Ano na naman ‘tong kahihiyan, Katherine?!

“Epic. Lutang kasi!”

Umugong ang tawanan ng mga kaklase ko dahil sa sinabing iyon ni Mark, iyong bully sa section namin.

Huminga ako nang malalim at nanunubig ang mga matang inis na tiningnan kung sino man ang may gawa noon. And there, I saw Kristel on the last seat in the left side of the fifth row, giving me a peace sign with a smirk of triumph on her red lips.

“Sorry. Miss Valdez called you several times. Pero tulala ka,” she said and then laughed.

Sinabayan naman siya ng buong klase.

“Quite!” Miss Valdez screamed.

Takot na nagsitigilan ang lahat. Maging ako ay nanginig ang mga tuhod nang bumaling sa harap at yumuko habang nilalaro ang gilid ng bulsa ng aking palda.

“Miss Garcia?”

“Yes, Ma’am? Ano po ‘yon?” halos pabulong kong naitanong, hindi makatingin sa kaniya nang maayos.

“Puwede bang maupo riyan sa tabi mo itong si Mister Delos Santos?”

“Pero, Ma’am---”

She cut me out. “Why? May problema ba, Miss Garcia?”

Napalunok ako at napailing. “Wala po, Ma’am,” sabay sulyap ko sa nakangising butiki sa tabi niya.

Baka kasi may nakakahawang sakit siya. Pero ano nga bang magagawa ko? Nag-iisa na lang iyong upuan sa classroom at nagkataong nasa tabi ko pa.

“Okay, then. Have a seat, Mister Delos Santos.”

“Hai, Ma’am!” masiglang sabi ni Yluj at lumakad na palapit sa akin.

“And you, Miss Garcia, next time ‘wag mong hayaang lumipad ‘yang isip mo sa kung saan-saan during my class. Understand?”

Napangiwi ako at marahan na napatango. “Yes, Ma’am.”

Umugong naman ang mahinang hagikhikan ng mga kaklase ko. Bumuntong-hininga ako, hindi na sila pinansin pa. Hindi sila makakatulong sa kahihiyan na natamo ko.

Hays.

“I can’t believe it. Crush mo ako, Imouto. Don’t worry, the feeling is mutual,” the arrogant whispered confidently when he reached me.

Inis akong umupo at pairap siyang tiningala. “Feeling mo!” pabulong kong singhal din sa kaniya.

Yluj chuckled as he seated. “Wag mo nang i-deny. You’re blushing. It’s obvious.”

Inis akong nagtaas ng kilay sa kaniya. “Huh! Blushing you’re face!”

He chuckled again. Tumingin siya sa kisame habang hinahawakan ang kaniyang perpektong baba. “Seksing butiki, ‘di ba?” he asked that to himself.

“Whatever! Butiki ka pa rin!” medyo napalakas ang pagkakasabi ko noon dahilan para maudlot ang kung anong dini-discuss ni Ma’am Valdez sa unahan at mapabaling siya sa banda namin.

“Is there any problem, Miss Garcia?” sabay ayos niya sa kaniyang bilog na eyeglasses.

Nahihiyang umiling ako. “W-wala po, Ma’am.”

Sobrang nakakahiyang araw ito, Katherine! Tsk!

Tahimik ako buong klase at sa sumunod pang subject namin para sa umagang iyon. As if I was really participating in the discussion of the teachers back then. Ngayon, hindi ko lang talaga feel ang makinig nang mabuti dahil sa inis sa katabi ko.

Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kaniya. Pero kung paano kasi siya tumingin sa akin at ngumisi, naaasar ako. Na parang nangsisira lang siya ng araw.

Tulad nang pagsulyap-sulyap niya sa akin kapag nakakasagot siya sa bawat tanong ng mga teacher buong klase. Parang niyayabangan niya ako sa mapanuya niyang mga ngisi sa labi.

Nakahinga lang ako mang maluwag nang mag-lunch break na at nakalabas ako ng room na iyon.

“Grabe! Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Ang yabang niya!”

Nanginginig ang kamay kong mariin na hinawakan ang mga chopstick habang nagkukuwento ako tungkol sa nangyari kanina kina Yiel at Joan nang mag-lunch kami sa kiosk.

Nakangising sumubo ng pancit canton si Yiel na sumulyap pa sa kay Joan. “Ano bang bago? Eh, lagi ka naman talagang galit, ha?” sabay tawa niya.

Joan laughed, too. “Yeah, right! Ang ipinagkaiba lang ngayon… you’re being vocal about your anger towards that ‘seksing butiki’ transferee boy.”

Natigilan ako at ngumusong sinamaan silang dalawa ng tingin. Paano nila nagagawang pagtawanan ang galit ko? Mga kaibigan ko nga ba talaga sila? Tss.

“Kath, alam mo kasi… nagiging man hater ka na dahil sa nangyari sa inyong dalawa ni Justine,” Joan said with her intriguing brown eyes. “Loosen up, okay? Sabi mo nga, crush ka raw ng Yluj ba ‘yon? Malay mo, ‘di ba?”

Yiel nodded. “Oo nga naman, Kath. Malay mo siya na ‘yong lalaking nakatadhana sa ‘yo. Grab the opportunity na.”

“Ano ba ‘yang pinagsasabi ninyo!” Napairap ako at nginuya ang isinubong pasta. “Malay niyo, nanti-trip lang ang ungas na ‘yon. ‘Tapos ano, iiwan din ako? Tulad nang ginawa ni Justine sa akin?”

Natigilan silang dalawa dahil sa sinabi ko. Napailing na lang ako nang magkatinginan sila at nagngitian.

“Well, improving ka, Kath. But speaking of the devil… here comes your playboy ex!” sabay tayo niya at inis na hinigit si Yiel. “Let’s go, Mariel. Baka kung ano pang magawa ko sa lalaking iyan. Gosh!”

Naiiling na lang akong nagpatuloy sa paglantak ko sa pancit canton nang iwan ako nina Yiel at Joan. May biglang tumikhim sa bandang likuran ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Sa baritonong boses niya pa lang, kilala ko na kung sino siya. Tulad nga nang sinabi ni Joan, si Justine ay lumapit nga sa kung nasaan kami. Sa inis ni Joan kay Justine dahil sa nangyari nang magbakasyon, alam kong siya nga ang tinutukoy ng kaibigan.

“Katherine, can we talk?”

Tumigil ako sa pagkain at mariin na tinitigan ang isang grupo ng lalaki na nakatingin sa amin. “Ano pa bang pag-uusapan natin? ‘Di ba, tapos na naman sa atin ang lahat?”

Umupo siya sa tabi ko kaya medyo napausog ako nang bahagya, hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Lalo pa nang matanaw ko ang pag-ismid at bulung-bulungan ng mga nakakakita sa amin ngayon.

Alam ko, masasama na naman ang iniisip nila tungkol sa paglapit sa akin ni Justine. And I hate it! Wala man lang silang masabing masama sa lalaking ito. Siya nga itong nanloko at nanggago. ‘Tapos sa mga mata nila, ako pa itong mali at tanga? They were all so unfair!

Tumayo ako at balak na siyang iwanan pero natigilan ako nang hawakan niya ang palapulsuan ko.

“Katherine, please? Ayusin natin ito. I love you. Mahal na mahal kita.”

Inis akong bumaling sa kaniya. Dahil sa sinabi niya, parang nagpantig ⁰ mga tainga ko at nagsipag-akyatan ang dugo sa mukha ko. And I can’t believe him! Matapos ang ginawa niyang panloloko sa akin, ngayon ay sasabihin niyang mahal niya ako? Gago pala siya. Ano ka ba naman, Katherine? Gago nga siya, ‘di ba? Gago.

“Tigilan mo nga ‘yan, Justine,” pabulong kong sabi sabay pasada sa mga taong nakarinig ng mga sinabi niya. “Nakakahiya! Baka kung anong isipin na naman nila tungkol sa akin! Baka sabihin nila, inaagaw kita sa Cassandra mo!”

“I don’t love Cassandra, Katherine. Ikaw, ikaw itong mahal ko---”

I cut him off. “Sabing tigilan mo ‘yan, Justine, eh! Ayoko nang gulo. Kahit ginulo mo na ‘yong buong buhay ko simula nang lokohin mo ako.”

“I’m sorry. Ikaw kasi, eh. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat?”

Gulat, nanlaki nang husto ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “A-Alin ang hindi ko sinabi sa ‘yo?” tumakas ang kaba sa boses ko sa biglaang paglakas ng pagkalabog ng puso ko.

“Iyong tungkol sa ‘yo! Lalaki lang ako, Katherine. Natakot ako,” sabay yakap niya sa akin nang mahigpit. “Natakot ako na baka husgahan ako ng mga tao kapag nalaman nila. Kahiya-hiya iyon sa pagkalalaki ko.”

Natigilan ako at nanginig. Alam niya na? Pero paano? Sinong nagsabi? Si Kuya Chris ba? O sina Mama at Papa?

“But I realized that I can’t move my days forward without you. Mali iyong ginawa ko. But I am here. I want to get you back.”

Umagos ang mainit na luha sa aking mga pisngi nang isipin na pinagkaisahan na naman ako ng pamilya ko. Bukod kasi kay Yiel, sila lang ang nakakaalam tungkol doon. Imposible naman kasi kung si Yiel ang nagsabi sa kaniya. Hindi iyon magagawa sa akin ng kaibigan ko. But who knows, right?

“S-Sinong nagsabi sa ‘yo?” malamig kong tanong sa kaniya.

“It doesn’t matter, Katherine.” He hugged me tight. “Please ayusin natin ito.”

Gusto kong itulak siya pero sobrang nanghina ako nang dumampi ang init ng katawan niya sa akin. My heart started to race again. Ayoko mang tanggapin, pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko na mahal itong lalaki.

“What are you doing to her again, jerk?!”

Sa isang iglap bumulagta si Justine sa damuhan. Doon ko pa lamang napansin ang mga pasa niya sa mukha kasabay ng pagdurugo ng kaniyang labi.

“Justine---”

Yluj, the transferee boy slash the seksing butiki, stopped me. Hinuli niya ang braso ko at ipinirmi ako sa likuran niya. “Hindi ka pa rin nadadala, eh, ‘no? After what I did to you… h-heto ka na naman?”

Naguguluhan akong napatingin kay Yluj, may nakakalokong ngisi sa manipis at mapula niyang labi. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na siya iyong tinutukoy ni Cassandra na transferee na nambugbog kay Justine. At hindi si Sophia. Paano ko nga ba naisip na si Sophia ang may gawa noon, babae nga naman iyong tao. Maganda at mahinhin.

Umugong ang mapanuyang halakhak ni Justine kaya napabaling ako sa kaniya. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kaniyang labi gamit ang likod ng palad niya at tumayo. “Eh, ano bang pakialam mo? At sino ka ba, ha? Ano ka ba ni Katherine para makialam sa problema namin?”

Yluj laughed mockingly. “Ano nga ba niya ako? Hmm. Maybe her ‘knight in shining armor’? Am I right, Imouto?”

Napabaling ulit ako sa kaniya, hindi makapaniwala. His lips twisted as he wiggled his brows. Imouto? Ano nga bang ibig sabihin noon? Japanese nga pala siya. Baka language nila iyon? Hindi ko alam. Wala naman akong ibang alam na language bukod sa English, Tagalog at Bicol.

Yluj pinched my cheeks. Napakurap ako at nabalik sa sariling wisyo dahil sa ginawa niya. Biglang inatake ng boltahe ng kuryente ang buong sistema ko nang lumapat ang daliri niya sa mga pisngi ko. Ano ito? Bakit ako kinakabahan?

“You’re gawking, Imouto,” sabay akbay niya sa akin kaya napalunok ako at napatingin kay Justine na naguguluhan na rin sa mga nangyayari. “Tell him that I am your ‘Otouto’.”

“H-huh?” hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin.

“Tell him that I am your baby!”

“H-huh?!”

Yluj smirked. “So, stop it, jerk! Simula ngayon, ayokong nakikitang lumalapit ka sa Imouto ko kundi… bubugbugin ulit kita. Better yet, find a new school. Now.”

Napatingin ako kay Justine. Hindi man maproseso ng maliit kong utak ang mga nangyayari, alam kong galit siya.

Matalim niya kaming tinitigan ni Yluj.

Hindi ko man maipaliwanag pero ang saya ko! Ang saya ko na nakikitang naapakan ang ego niya. He deserves it! Matapos nang ginawang panloloko at panggagago niya sa akin ay tama lang iyon sa kaniya.

Simula ng araw na iyon, hindi ko na ulit nakita pa si Justine. Kahit pa ang anino niya. Mas pabor iyon sa akin. Dahil medyo nababawasan na ang mga bulung-bulungan tungkol sa akin. Medyo magaan na rin ang pakikitungo sa akin ng iilan.

Well, hindi lahat kasi nariyan pa rin naman ang grupo ni Cassandra na inis na inis sa akin sa tuwing nakikita ako. Ako na lang ang umiiwas dahil ayoko ng gulo.

“Narinig niyo na ba ‘yong balita?” si Kristel matapos ang recess.

Nasa classroom kaming lahat para hintayin na mag-bell at ang teacher para sa susunod naming subject. Well, hindi pala lahat dahil wala pa iyong seksing butiki. Nagbanyo at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik.

“Hindi. Ano ba iyon, Kristel?” si Shiela, kuryuso na.

“Justine transferred abroad. Buti nga. Nabawasan ang lalaking mapanakit sa buong campus.”

“Good to know. Mababawasan na rin ang tatanga-tanga pagdating sa lalaki,” komento ni Anjo sabay tingin nila sa akin.

Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

They all just shrugged their shoulders and looked away. Sabay noon ay ang pagpasok ni Yluj at ilang segundo lang ay si Marie naman, ang class President, na humahangos.

“G-Garcia… Delos S-Santos… Pinapatawag kayo ni Ma’am Rivera sa faculty.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)   ENDING

    TIWALA.Ito iyong pinakamahirap nang ibalik kapag nasira na. Well, I met him during my painful days. Ang araw kung saan tuluyan na akong nawalan ng tiwala sa mga lalaki... even with my own family and friends. But then that guy... made me realized that it's not wrong to trust again. To give a try. Dahil iba-iba nga naman ang mga tao. Yes, maybe someone broke my trust but it doesn't mean that I will generalize it. Because of him, I see now those people who truly loves and supports me despite the situation that I have. Kung ano at sino ako. Pero kahit ganoon, may mga taong hindi pa rin maintindihan kung anong kalagayan ko. Though, I understand them. I will trust it to Him, our God, that someday... those people will enlighten up their minds about my situation. Dahil hindi lang ako ang nakakaranas nito. Na someone out there, locking their selves in their rooms, miserable and fearful to show up their faces to the society because of this gender confusion. And that's my advocacy now, to t

  • Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)   CHAPTER 26

    "ANONG kailangan mo at nandito ka?" Yiel raised her brows at her as she stood up. Handa niyang sugurin si Julene pero mariin ko siyang tiningnan para pigilan.Bumuntong-hininga ako saka ibinalik ang sandwich sa lalagyan. I smiled at Yiel, reassuring her that I can handle this. "Okay lang, Yiel. Puwedeng iwanan mo muna kami saglit?""Pero, Kath...""Okay lang ako. Hindi naman niya ako masasaktan." I smiled again.Suminghap si Julene. "H-hindi. I am not here to fight. G-gusto ko lang kausapin si Ate Kath."Tumango si Yiel, masamang nakatitig pa rin kay Julene. "Sabagay, hindi naman ako lalayo. Diyan lang ako. Kung sakaling may gawin ka kay Kath... magtatawag ako ng mga reresbak."Napatingin si Julene sa buong paligid. Kahit ako rin naman. Napatango si Julene, nangingiwi. Siguro, natakot nang makitang maraming estudyante ang nakatambay ngayon sa ground. Takot dahil baka iniisip niya na kakampihan ako ng lahat matapos maipaliwanag ng mga teacher ang tungkol sa issue ko. At ngayon ay posib

  • Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)   CHAPTER 25

    NAGING bulung-bulungan sa buong campus ang biglaang pagkakaroon ng relasyon nina Yluj and Julene. Everyone was shocked. Inakala kasi nila na ako ang nililigawan ni Yluj. Well, maging ako rin naman ay nagulat. Though, after what had happened last Friday... inasahan ko ng titigil na sa panliligaw si Yluj sa akin.I was walking in the hallways. Nakayuko ako at pilit hindi iniinda ang talim ng mga tingin ng mga naroon. Oo, pinag-uusapan nila sina Yluj at Julene pero nang makita nila ako, sa akin na nabaling ang usap-usapan. Bumuntong-hininga ako, naririnig ang tinig ni Julene nang balaan ako kahapon. Maaaring wala na nga siyang gagawin, pero dahil alam na ng lahat kung anong sikreto ang itinatago ko... para na ring may ginawa siya."Good girl. Now smile. Lift your head up high. Ipakita mo sa lahat na maganda ka. Inside and out..."Malamyos na boses iyon ni Sophia nang makita niya akong umiiyak dati. Well, she's right. Matagal ko nang na-realize iyon pero dahil sa simpleng problemang ito,

  • Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)   CHAPTER 24

    "KATH?"Napatingin ako sa kanya. Tears started looming at her almond eyes. Nanatili akong nakatitig sa kanya kaya nag-iwas siya ng mga mata."Sorry... Hindi ko expected na ganoon pala kalala 'yong mangyayari..." Nanatili akong tahimik at seryosong nakatingin sa kanya habang marahan niyang dinadampi ang bulak sa noo ko.She bit her lips and looked at me guiltily. "Sorry talaga. Expected ko lang that... you will be disqualified from the contest."Tumango ako. Mark cleared his throat. Nag-angat sa kanya ng tingin si Cassandra. Pero ako, nanatiling nakayuko. Yes, I was thankful that they saved me from the embarrassment. At nagpapasalamat ako na dinala nila ako sa kotse at ginamot. Pero hindi pa rin maialis sa akin ang takot dahil minsan na rin nila akong b-in-ully."G-good thing that Marky was also there."Bumuntong-hininga ako. Saka ako nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo at nakahilig sa may pintuan ng kotse. "Salamat," sabay yuko. "Salamat sa inyong dalawa dahil tinulungan ninyo

  • Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)   CHAPTER 23

    DAPAT simula pa lamang, inasahan ko nang mangyayari ang lahat na ito. However, I wasn't really surprised that Julene, a grade seven, will do this. Paano bang hindi, e mahal niya si Yluj. At sabi niya, gagawin niya ang lahat para lang bumalik sa kanya ang lalaking minamahal.Binago ang blockings. Nagulat man sa biglaang pagbabago, sinunod pa rin nila si Madam Ashneka. Nakaupo ako sa harap ng salamin, halos wala sa sarili. Though, I can felt the heavy stares boring on my body. Naaawa sila sa akin, pero higit sa lahat, sa mga ganitong oras, ako ang mas naaawa sa sarili.Wala rin naman silang magagawa. It was from the board of judges' decisions. At kung anong rason, hindi ko alam. May kinalaman ba kaya talaga si Julene rito? Or maybe because the boards already knew what and who truly I am?"Okay lang 'yan, Kath." Kuya Abet patted my shoulders. "Nangyayari talaga 'yan sa lahat na pageants. May sasabotahe talaga lalo na kapag nalalamangan."I sighed as I watched my co-candidates nervously w

  • Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)   CHAPTER 22

    THE OPENING of the Miss and Mister SAVS went softly. Napuno ng hiyawan ang buong gymnasium. May kani-kanyang sinusuportahan at hinahangaan ang mga nanonood. Well, medyo maangat ang pangalan ko at ang kay Julene sa sinisigaw nila. At isa na roon ay ang mga boses nina Joan at Yiel. Kaya madali kong nahanap kung nasaan banda sila nakaupo. I was teary-eyed when I saw my family behind them. Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman sa mga oras na sumasayaw ako. Bagama't kinakabahan, mas nangibabaw pa rin ang tuwa sa aking dibdib."Are you feeling alright now, Imouto?" Yluj whispered. Nasa bandang likuran ko siya at nakahawak sa baywang ko. I smiled, the kind of smiles I never thought that I would wear on my entire life. "O-oo naman...""You're so very beautiful. I love that kind of smiles of yours, Imouto. Anyways, I also like whenever you frowned." He chuckled.I turned and swayed my hips synchronized with the beat of the music while his holding my hand. "Bolero."He smirked. "I am only

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status