LOGINLIKE 👍
Bumukas ang pinto at pumasok si Tita Tess. Niyakap ako nito ng mahigpit. Tumango ito kay Anzel at kina mama. Mayamaya ay lumabas ang lahat maliban sa kanya. “Tita, I miss you po!” Umiiyak kong sambit habang yakap ito. Kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko dito. Oo may kasalanan ito pero kahit kailan ay hindi ito naging masamang tita sa amin ng mga kapatid ko. Bagkus ay parang ito pa ang naging ama at ina sa amin noong panahon na hindi pa natatauhan si mama. Hindi nito ginusto na madamay ako. At alam ko kung gaano nito sinisi ang sarili noong nasaktan ako. Kaya napakasaya ko ng makatagpo ito ng lalaking magmamahal dito ng totoo at hindi bilang second option lang. Pinakasalan ito at hindi ginawang kerida lang. aaminin ko na nag iba ng panandalian ang tingin ko kay tita noong nalaman ko na naging kabet ito. Bumagsak yung mataas kong pagtingin dito. Pero humingi na daw ito ng tawad noon sa ina ni Victor. At sinabi nito sa akin na ilang beses nitong pinagsisihan ang ginawa.
(Natalia pov) Pumikit ako habang nakaupo sa loob ng drum. Rinig kong nagsisigawan ang magulang ni Victor. Gusto ng mommy nito na pakawalan na ako per ayaw ng ama nito. Walang nagawa ang pakiusap ni Victor sa ama nito. Nabulag na ito ng galit sa kagustuhang gumanti. “Kapag nakulong ako… pano kayo ni Victor? Hindi ka nag iisip! Saka kilala ko si Anzel. Hindi ‘yon papayag na hindi ako magdusa! Bago mangyari iyon ay papatayin ko ang asawa niya!” Humagulhol ang asawa nito. “Sige gawin mo para lalo kang kamuhian ng anak natin!” Umubo ako. Gusto kong tumayo para hindi maabutan ng tubig pero wala na akong lakas. Binuksan na kasi ng ama ni Victor ang tubig. Akala ko lalagyan ng semento kagaya sa mga napapanood kong krimen sa tv. Iyon pala papatayin ako nito sa tubig. Balak ako nitong lunurin. “A-anzel.” Piping tawag ng isip ko sa kanya. Sa ganitong sitwasyon siya ang palaging naiisip ko. Natatakot ako. Iyon ang totoo. Kahit gusto ko magpakatatag para sa kanila ng anak ko ay hindi ko pa r
“At ano naman ang magagawa ko?” Nakasabunot sa buhok na tanong nito. “Sigurado ka ba na dinukot nila si Natalia? Alam na ba ito ni ninong?” “Oo sigurado kami. Alam na ni kuya Anzel at nakikipagtulungan na sila sa mga pulis. May tiwala ako sa kanila pero gusto kong makasiguro na hindi mapapahamak si ate. Tawagan mo ang magulang mo ngayon at sabihin na pakawalan ang ate ko. Maging mabuti ka naman kahit ngayon lang. Alam kong makikinig sila sayo dahil anak ka nila!” Pumasok ito sa loob para kunin ang cellphone. Naiwan sila ng kanyang ama. “Ano ang ginagawa mo dito, pa? Wag mong sabihin na nandito ka para mag isip ng plano para guluhin kami?” Naalala niya ang kalagayan ng ate niya ngayon. Hindi niya mapigilan na maluha. “Masaya ka na ba? Parang nakaganti ka na kasi nasa panganib si ate ngayon. Ito ang gusto mo diba?” Laglag ang balikat na umiling ito. Umawang ang labi niya. Akala niya guni-guni lang ang nakita niya kanina. Pero hindi. Parang hindi ito ang amang nakilala nila noo
Mabawi? Natigilan ito ng makita na matawa ako. Nasaktan ako ng alisin nito ang tape sa bibig ko. “At nakuha mo pang tumawa?!” Lumaki ang ngiti ko. Yung takot ko kanina napalitan ng nang-iinsultong tawa. Sinong hindi matatawa sa sinabi nito. Ano ako bagay na pwedeng bawiin pagkatapos ibasura? Pagkatapos ng ginawa nila noon sa akin? “Nagtanong ka pa talaga. Ano ako tanga para magpabawi? Nakahiga na ako sa kama. Bakit ako babalik sa banig?” Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa akin. Kahit ang drum na pinaglagyan niya sa akin muntik ng matumba sa lakas ng sampal nito. “Aba’t… wala kang respeto!” Tumingala ako para pigilin ang luha ko. Ayokong umiyak. Gusto kong ipakita na kahit katiting ay wala akong pinagsisihan sa lahat ng desisyon na ginawa ko pagkatapos kong umalis sa pamilya nila. “Kung may wala mang respeto sa ating dalawa ikaw ‘yon. Ginawa ko ang lahat para sa anak mo, para sa pamilya ninyo. Pero ano ang ginawa niyo? Ano ang ginawa mo? Hindi niyo lang ako
(Natalia pov) Napaung0l ako sa sakit pagdilat ko. Para akong binugbog ng sampong tao sa sakit ng katawan ko. “N-nasaan ako?” Namutla ako ng makitang nasa isang kwarto ako. Nagkalat ang mga gamit sa paligid. Halatang hindi kwarto sa ospital ang kinaroroonan ko. Gumapang ako pababa ng kama. Napaiyak ako sa sakit ng makita na dumudugo pa ang malaking sugat ko sa paa. Dapat nasa ospital ako ngayon pagkatapos ng aksidente. Pero bakit nandito ako? Paalis na dapat ako sa Coffee shop kanina ng habulin ako ni Carrie at sabihin sa akin na buntis ito at si Anzel ang ama. Sa sobrang sakit at gulat ko ay nagmaneho ako ng umiiyak. Ang sunod kong natandaan ay bumangga ako sa isang van. Nawalan ako ng malay sa lakas ng impact. Paggising ko ay nandito na ako kaysa sa hospital. Humawak ako sa ulo. Pati pala dito may sugat ako. Napadaíng ako sa sakit ng mahulog ako sa kama. Nangiyak-ngiyak ako sa sakit ng tumama ang katawan ko sa maruming tiles ng sahig. Pakiramdam ko hihiwalay ang buto ko sa
3rd person povHumawak si Anzel sa baba at may ngisi na tumingin sa kawalan. Katatapos lang nilang mag usap ng kanyang dating assistant. Napag alaman niya na nagalit ito ng makita ang balita tungkol sa kanila ni Carrie. Imbes na mainis, o mabahala ay hindi niya maiwasan ang matuwa.His wife is jealous. And thats a good news for him. Nahihibang na yata siya. Imbes na ayusin ang maling akala ng kanyang asawa at tawagan ito ay tila lutang na nakaupo siya sa tuwa.“Superman, okay ka lang po? Niaway ka ba ni kuya Jose?” Inosenteng tanong ng kanyang anak.Kahit ito ay nagtataka sa inaasta niya.“No, son. Masaya lang si daddy.”“Masaya? Kasi po… ang ganda ni mama kanina?”“Palaging maganda ang mama mo sa paningin ko, son. Siya lang ang nag iisang maganda sa paningin ko.” Kinuha niya ito at kinandong. Ang sabi ng kanyang ina noon, kaya daw siya kamukha ng kanyang ama ay dahil mahal na mahal daw nito ang daddy niya.May ngisi na humawak siya sa baba. ‘Ibig bang sabihin ay mahal na mahal siya
“Saan ka galing?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. “Alam mo bang nag aalala na kami? Dalawang araw kang nawala. Akala namin pina-salvage ka na ng asawa mo.” Ani ni Jeffy. “Ex. Hiwalay na kami no’n.” humawak ako sa leeg ko ng tingnan ako ni Meryl. Napalunok ako ng laway. Hindi kaya may markang na
“Kakain ka, o tatayo ako at pakakainin kita sa paraang gusto ko. Choose, Natalia.” Naniningkit ang mata ko. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sa anong paraan mo ba naisip na pakakainin kita?” Hindi ako nakasagot. “Tell me, sa anong paraan? Gusto kong malaman.” Nang mamula a
"Parang hindi minahal, ah..” "Yun na nga. Ano ba ang nagustuhan ko sa kanya at tatlong taon bago ako natauhan." Bumuga ako ng hangin. Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang tungkol sa problema ko pero nahihiya na ako. Alam kong mag ooffer sila ng tulong. Sobra-sobra na ang naitulong nila kaya ay
Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado







